Nanlaki pa Ang mga mata ni Alexander nang makitang Ang aswang na umaatake Kay Anastasia ay pumuntirya sa kanya kaya mabilis niya Naman itong binaril! Ngunit naubusan ng bala Ang kanyang baril kaya tuloy-tuloy ang aswang na umaatake Kay Alexander! Nang Makita din ni gandara at kaloy na inatake si Alexander ng Isang aswang at Wala na itong bala at Wala ding ibang armas ay sabay ding tumulong sina Gandara at kaloy na patayin Ang aswang na umaatake Kay Alexander,natalo na Kasi ng mga ito at pinabagsak Ang mga kaengkuwentrong aswang! Lantakan na sana ng aswang Ang leeg ni Alexander ngunit mabilis na tinaga ito ni Gandara sa Likud at sinaksak Naman ni kaloy sa giliran nito! Kaya namatay at bumagsak din Ang aswang ito!
"Oh! Salamat ,nagtagumpay tayong tatalunin Silang Lima! "Natutuwang sigaw ni Gandara.
May mga nakasunod sanang Maraming aswang kaya lang naabutan ang mga ito sa pagsikat ng Araw! Kaya umatras nalang Ang lahat at di na nagpapatuloy pa! Lalo na nang Makita ng mga itong malayong malayo na sina Gandara sa pagtakbo palayo at pagkatapos nakita pa nilang namatay Ang limang Kasama nilang aswang!
Gigil at umalulong Ang lahat ng aswang dahil sa sobrang Galit ng mga ito! Sarili nilang PARAISO at lugar-pero tinalo lamang Sila sa mga baguhang Hindi pa nila ka uri!
Umiiyak na sumalubong si Mang Ronny sa pamangkin na si Anastasia at Ang asawa nitong si aling marga nang dumating na sina Gandara , kaloy,Alexander at Anastasia sa Bahay at pasisikat na rin Ang araw.alam na ng mga magulang ni Sally na Wala na talaga ito at nilapa na ito ng mga aswang doon sa hide out,parang di makaka move on Ang mga magulang ni Sally sa nangyari rito.kapwa lugmok Ang mga katawan nilang lahat sa sobrang pagod.lalo na sina Gandara dahil nasisikatan Sila ng Araw sa pakikipag engkuwentro sa limang aswang.mabilis Namang nagbihis si Anastasia dahil sa suot na bestidang pinunit ng aswang kanina.naabutan pa Nina Gandara na masayang niyakap ni aling ester Ang natitirang anak nitong si Marla .tulog na tulog sina Tala ,pepoy,Mang Lauro,Mang Dario at Mang Pedong sa kanilang puyat at pagod dahil sa kanilang pinagdaanan nagpapahinga Muna Ang lahat at nagrelax.tulog na tulog din si beah habang may luha sa mga mata dahil sa nangyari sa nobyo nito at ganoon din sina Anastasia,kaloy, Alexander at aling bebang,nakatulog din Ang mga ito sa pagod.ngunit si Aling Ester ay kahit pagod ay lumapit ito Kay gandara habang nakasandal si gandara at nagpapahinga.
"Gandara..Maraming salamat Sayo ha,magpapaalam sana kami,aalis na kami sa Lugar na ito..bibigyan kami ng pamasahe ng ama ni Alexander..Hinding Hindi ko kayo makakalimutan..kung Wala kayo,Wala na sana kami ngayon..alam Kong Hindi pa kayo aalis dahil sa kambal mong kapatid..at ganoon din sina Alexander,tutulongan ka pa daw nila tungkol sa kambal Sabi ng daddy niya, habang inaayos din niya ang pag- transfer ng kanyang negosyo..at pagkatapos aalis na rin daw kaagad kayo dito..at Ewan ko kina Anastasia..kung Anong desisyon ng kanyang tito..nagluluksa Sila ngayon dahil sa anak nilang nalapa ng mga aswang.." Mahabang wika ni aKing Ester.
"Gusto ko Mang sumuko aling Ester dahil sa nakakatakot na pinagdaanan nating lahat sa lugar na ito pero Hindi ko kayang isusuko ko nalang Ang kambal kong kapatid..babawiin ko pa Sila ..Sila nalang Kasi ang pamilya ko Wala na akong Ina at ama Patay na rin ang Isang kapatid ko dahil sa sakit at pati na si Lola ko ay Wala na rin..Hindi ko nga alam kung Anong gagawin ko ehh,Wala na Ang aking kakayahan sa panghuhula dahil sa aKing kahilingan na tutulongan Tayo ng kuwentas kong may agimat kapalit ng Isang taong pagkawala ng aKing kakayahan.bawat kahilingan ko ay may katapat na Isang taon at kapag muli pa akong humiling sa oraciong nakatatak dito sa pendant ng aKing kuwentas ay madadagdagan ulit ng Isa pang taon at magiging dalawang taon na Ang pagkakawala ng aKing kakayahan.." malungkot na Sagot ni Gandara.
"Ano?? Saan mo ba galing Ang kuwentas na may agimat..??" Tanong ni aling Ester.
"Ipinamana po ito sa akin ng Lola ko..at Ang pagiging manghuhula ko ay nagmula din sa kanya.." Sagot ni Gandara.
" Nang dahil sa pagtulong mong mailigtas kami ay mawala ng Isang taon Ang iyong kakayahan.kaya Sabi sa amin ng daddy ni Alexander na hinding Hindi ka nila iiwan dito at pababayaan habang Hindi mo nakuha Ang iyong mga kapatid..at kami ay alam naming pabigat nalang kami sainyo at Wala kaming maitutulong,dagdag sakit lang kami ng ulo kaya eeskapo na kami rito gandara..kapag makakapagpahinga na Ang daddy ni Alexander ay ihahatid niya kami sa syudad sa multicab niya upang sasakay na rin kami ng Bus pauwing KABANKALAN City..malayo pa kami sa proper kabankalan ,babyahe pa kami patungong ilog Canlamay.."Mahabang tugon ni aling ester.
"Napakalayo Pala ng Lugar niyo aling ester..Ako ay taga Don Salvador lang Naman .at nilalakbay ko lang ang mga kabundukan patungo dito..tatlong Araw po Ang aKing paglalakbay..Sina kaloy Ang siyang pinaka malayo dahil taga mindanao po Sila ..at sina Alexander Naman ay taga Silay City..at sina Anastasia ay taga Cebu.."Ani gandara.
Sina aling lolita at wenona ay nauwi na rin ang mga ito sa Bahay Nina Alexander kung saan naroon Ang kambal na adopted ng mga ito.mainit Ang ulo ni aling lolita dahil sa kapalpakan ng party nila Wala silang makakatay ni kahit isa man lang sa kanilang mga Bihag.
"Nay ,ate..?? Akala po ba Namin ay bukas pa kayo ng hapon makakauwi..??" Tanong ni Ging sa kinilalang Ina.
"Oo nga po nay at ate wenona .." wika din ni Ding.
"Palpak Ang celebration namin dahil nakatakas Ang lahat ng bihag!" Madilim ang anyong Sagot ni aling lolita.
"Nay,sana po huwag po kayong magagalit ni ate Wenona Ang sa amin lang Naman ay kahit aswang Ang lahi natin ay dapat matuto po sana tayong huwag bibiktima ng tao.."Mahinang wika ni Ging.
"Tama po nay.masyado na pong Maraming kawawang taong nabiktima niyo at ng ating lahi..kaya kung magiging aswang kami ni Ging pagdating ng Oras ay hinding Hindi kami papatay ng tao..kung mauuhaw man kami ng preskang dugo ay ibubunton nalang namin sa mga hayop." Sabad ni Ding.
"At sino kayo para pagsabihan kami ng ganyan!?" Galit na Singhal ni aling lolita kaya kapwa nabigla Ang kambal.
"Nay,huwag pong magpadala sa init ng ulo,huwag niyong pagagalitan sina Ding at Ging.." Ani wenona sa Ina.
"Basta,ayokong tinuturuan Ako,anak lang kayo at Ako ang masusunod dahil isa akong Ina!" Galit paring wika ni aling lolita.
"Sorry po nay,." Pakumbabang tugon ni Ging.
"Nay,ate..may babae po palang nagpunta rito kahapon ng Umaga..napakaganda niya at Sabi niya ate daw namin Siya ,ampon niyo lang daw kami ni Ging..at matagal na daw niya kaming hinahanap na magkambal.." Sumbong ni Ding.
Kapwa nanlaki Ang mga mata Nina aling lolita at wenona at nagkakatinginan Sila.
"Ano!!?" Gulat na sambit ni Aling lolita.
"Nay,totoo bang ampon niyo lang kami ni Ding??" Usisa din ni Ging.
"Hindi totoo Yan!! Mga anak ko kayo!! Sino ba Ang babaeng yun ha!? Bakit Ang lakas ng loob iyang Magpunta dito sa ating Lugar at sabihing inampon ko lang kayo!?" Namumula sa Galit si aling lolita,nadagdagan tuloy ang pagkasira ng kanyang mood.si wenona ay alam na rin nito ang totoo.
"Naaalala ko Ang pangalan niya nay,Minsan na kami magkita ng babaeng yun..narinig Kong Gandara Ang pangalan niya at nasa Bahay Siya Nina kuya kaloy tumira,Yung kaibigan ni kuya Alexander.." Sabi ni Ding.naalala Kasi nito noong hinatid at tinulongan niya ang dalagitang si Marla.
Muling nanlaki ang mga mata ng mag- Ina Lalo na si wenona.
"Naku nay!! Iyong bihag nating magandang babae! Yung Kasama Nina Alexander! Siya si gandara nay!" Gulat na wika ni wenona.
At biglang muling tumalim Ang mga tingin ni aling lolita sa magkambal at biglang nakadama ito ng pagkatakam na nakatingin sa kambal Lalo na sa narinig na hinahanap Pala ang mga ito sa tunay na pamilya at Kapatid pa ito ng babaeng magandang binihag nila kagabi ngunit nakatakas Kasama Ang mga kasamahan..
Nagulat sina Ding at Ging nang biglang humalakhak si aling lolita..