YUGTO 37

1473 Words
Habang nagsipagtakbuhan Sila ay naririnig nilang lahat Ang malakas na ihip ng hanging nakasunod sa kanila! Di nila alam na kasamahan iyon sa tatlong aswang na nag- aanyong segbin na napatay nila.pagod na pagod na si Beah at shocked pa ito nang makitang pinatay Ang nobyo nito at kinain ng aswang Ang lamang loob nito kaya nang Makita ni Mang Lauro na nanghihina na Ang na shocked na si Beah ay pinasan nalang ito ni Mang Lauro para di ito maabutan at mabiktima ng mga aswang na nakasunod sa kanila! At si Mang Pedong Naman ay Pinasan na rin ang dalagitang anak na si Tala nang makitang di na ito masyadong makatakbo dahil sa panginginig sa takot at pati na rin sa sobrang pagkakapagod.ibinigay ni Mang Pedong Ang bunsong anak na si pepoy kay Kaloy para ito na Ang umakba Kay pepoy dahil papasanin nito si Tala! At inalalayan Naman ni Mang Dario Ang asawang si aling ester na hapong hapo na rin sa kakatakbo at sa pagod sa kanilang mga pinagdaanan. "Ayoko na!! Pagod na pagod na Ako! Malayo pa ba Tayo sa Bahay ng Tito ni Anastasia! Sana ay liliwanag na upang titigilan na Tayo ng mga aswang sa kakahabol!!" Umiiyak na wika ni aling bebang na nakasunod sa pagtatakbo sa anak na si Kaloy na akba - akba rin ang bunsong anak na si pepoy.nakasunod Naman sa pagtakbo si Anastasia Kay Alexander habang si gandara Naman Ang nasundan ni Alexander sa pagtatakbo. Naawa si Gandara sa mga kasamahan nang makitang halos pagod na pagod na Ang lahat sa pagtatakbo.nilingon ni gandara Ang likuran at sa Likud Nina Alexander at Anastasia ay nakita niyang may Limang aswang sa unahan Ang nakasunod at humahabol talaga sa kanila! Kahit Wala nang buwan dahil madaling Araw na ay maaaninag parin ni Gandara Ang limang aswang na humabol sa kanila! Nakikita niyang nagsiliparan Ang mga Mahabang buhok ng mga aswang na humabol sa kanila! Alam ni gandara na may mga nakasunod pa sa mga ito sa unahan,kahit Wala na siyang power upang manghula pero alam niyang di lang Lima Ang nakasunod kundi Marami pa iyon! "Jusko po Alexander!! May pasan-pasan Ang daddy mo at pati si Mang Pedong! Baka maabutan Tayo! Lalo na at kapwa na Tayong lahat napapagod!! Kaloy! Ibigay mo si pepoy Kay Mang Dario! Para haharapin natin Ang pakikipaglaban sa limang aswang na nakasunod! Anastasia,magtulongan Tayo! Kailangan nating lumaban ulit! " Ani gandara. Madali namang Ibinigay ni kaloy Ang bunsong kapatid Kay Mang Dario at Pinasan na rin ni Mang Dario si pepoy. "At kailangang Mauna na sina Mang Pedong,Mang Lauro at Mang Dario dahil may mga Pinasan Silang mabibigat na sina Beah,Marla at pepoy! Baka isa na Naman Ang mabiktima ng mga aswang sa kanila! Kailangang e safety niyo Sila at Mauna na kayo Mang lauro upang maging safety na Ang mga Bata! at sumunod na rin kayo at sumabay Manang bebang at manang ester sa kanila upang makarating na kayo sa Bahay ng Tito ni Anastasia at makaligtas na kayong lahat pag makakapasok na kayo roon!"Muling wika ni Gandara. "Pero paano kayo!?" Tanong Naman ni Mang Lauro at Mang pedong na nag- alala. "Kami na ang bahala dad!! " Sagot din ni Alexander sa ama. Madaling Ibinigay ni Mang Pedong Ang itak Kay gandara at tinanggap Naman iyon ni gandara agad . "Mag- iingat kayo gandara, Alexander,kaloy at Anastasia!!" Sabay ding tugon Nina Mang Dario,aling bebang at aling ester. At patuloy agad ang takbuhan ng mga ito palayo. "Bakit di nalang din Ako Mauna gandara??" Umiiyak na wika ni Anastasia. "Kailangan namin Ang tulong mo! May experience kana sa pakikipaglaban !! Kaya Wala na tong atrasan!" Sagot Naman ni gandara. Nagpatuloy nga sina Mang Lauro sa pagtakbo papunta kung saan Ang Bahay Ng Tito ni Anastasia medyo may kalayuan pa Naman pero kapag di nila haharapin Nina Gandara ang mga aswang na humabol ay may posibilidad na isa na Naman sa mga Bata Ang titiradahin ng mga-aswang at mabibiktima kapag sila'y maabutan ng mga ito! Tumigil sina Gandara, Alexander, kaloy at Anastasia upang hintayin Ang limang aswang! Iniangat na ni kaloy Ang dalang Espada at Kay Gandara ay ang itak ni Mang Pedong Ang kanyang hawak - hawak ngayon! Kay Anastasia ay ganoon parin,Ang sanggot nito! At baril parin Kay Alexander na laging nakahanda at niloadan ng Maraming bala! "Tik! Tik! Tik!!" Tinig ng dalawang aswang na tiktik sa limang aswang na papalapit na sa kanilang kinaroroonan! "WaK! WaK! WaK!"Tinig Naman ng tatlong wakwak na kapwa Galit na Galit Ang mga tinig ng mga ito! Nang dumating na Ang mga aswang ay kaagad silang inatake ng mga ito! Sunod-sunod na pagbabaril agad Ang ginawa ni Alexander! Ang dalawang aswang na umaatake Kay Alexander ay ito lang din Ang pinukosang barilin ng binata! Ngunit di niya agad ang mga ito natamaan dahil masyadong madulas Ang mga kilos ng dalawang aswang! Kaya Panay ang pagbabaril ni Alexander sa dalawang aswang na umaatake sa kanya! Si Gandara Naman ay Isang wakwak na babae Ang umatake rito at mukhang napakatapang ng aswang na ito at talagang gusto siyang susunggaban at kakagatin agad nito dahil kitang kita niya Ang mga nanggigil na mga ngipin nitong naka angil sakanya at Ang mga buhok na nais sanang sumuot sa kanyang ilong! Napaatras Ang aswang na ito nang kanyang tinadtad ito sa harapan! Dahilan ng pagkasugat nito sa kaliwang nitong s**o. Ngunit mas Lalo pa itong naging matapang nang ito ay nasaktan at nasugatan! Si Kaloy Naman ay inatake din ito sa Isang aswang na babae! Palibot- libot si kaloy sa Isang malaking punong Acacia habang Ang aswang ay sunod ng sunod Naman Kay kaloy na parang naglalaro Sila ng taguan at aswangan! "Haha,Akala mo di Ako matalino aswang ka! Hindi mo Ako makakain! Ngayon pa Ako nakaranas na makipaglaro ng Aswangan sa punong kahoy at aswang pA talagang totoo Ang kalaro ko!" Nanginig pang sambit ni kaloy. Mas Lalong nagalit Ang aswang na umaatake Kay kaloy at palibot- libot Sila sa punong malaking punong acacia! mabilis din Kasi si kaloy at di ito mahagip agad at mahakos ng aswang dahil sa ginawa nito! Pagbumaligtad Naman Ang aswang sa paglibot sa punong Acacia upang masalubong at mahuli lamang si kaloy ay mabilis din at alerto si kaloy na babagliktad sa paglibot kaya parang naglalaro talaga Sila sa Aswang na ito! "Wakk!! Wakk!! Wakk!!" Galit na Galit na tinig ng aswang na nahihirapang hulihin si kaloy! "Alam mo bang gusto na talaga kitang ngatngatin?! Baliw kang asungot ka!" Anang aswang na babae. "Ikaw Ang asungot,at Ikaw Ang Talo ngayon dahil Ikaw Ang laging Taya!"Sagot Naman ni kaloy pero nanlalamig na Siya sa aswang na umaatake sa kanya ngayon. "Gggrrrr..!!!" Anang aswang na Sige parin Ang libutan nilang DalawA sa punong Acacia. Hangga't si kaloy na Mismo ang sumalubong rito sabay taga rito sa kanyang hawak na Sandatang espada! Napahiyaw Ang aswang nang madaplisan ito sa matalim na espada ni kaloy sa braso! Si Anastasia Naman ay sinunggaban din agad ng aswang na tiktik! Wala siyang gagamiting sandata! nabitawan Kasi niya Ang sanggot nang malakas siyang binundol ng aswang at natumba! Kagatin na sana agad Siya nito ngunit may nahagip siyang malaking bato at ipinukpok sa Mukha ng aswang kaya napahiyaw din ito at napaatras! Nagmamadali Naman siyang bumangon para Hanapin Ang sanggot niyang nabitawan ngunit nahawakan at naabutan ng aswang Ang ibabang bahagi ng bestidang suot niya! Bestida pa ito ni Gandara at di pa ulit Sila nakapagpalit ng suot Mula nang siya'y magpanggap bilang donyang bisitang aswang doon sa hide out. "Bitawan mo Ako aswang!!" Sigaw ni Anastasia at nagpupumiglas upang makawala mula sa pagkakahawak ng tiktik na aswang sa kanyang bestidang suot! Dahil matulis at matalim Ang kuko ng aswang ay napunit Ang bestidang suot ni Anastasia sa likuran kaya nalalantad Ang Binti sa Likud ni Anastasia at nakikita Ang undies na suot nito! "Walang hiya kang aswang ka! ,napunit Ang bestida ni gandara! Kita mo ito ha!?" Sabay turo ni Anastasia sa kanyang nalalantad na likuran at pati undies ay nakikita! Natigilan Ang aswang na lalaki. "Nakakaloka ka! Nawalan tuloy Ako ng ganang kakagatin kang baliw na babae ka! Ang itim ng--Pweee!!" Sigaw ng aswang na lalaki na Hindi tinapos Ang sasabihin. "Ang kapal ng Mukha mo!" Nagtapang tapangan na sigaw ni Anastasia. "Pero dahil naiirita at nanggigil Ako Sayo ay sasakalin nalang kita hangga't ika'y mamatay!!" Anang aswang na tiktik. at nasulyapan Naman ni Anastasia Ang sanggot sa tabi ng kanyang mga paa sa kanyang tinatayuan kaya Mabilis na pinulot iyon ni Anastasia at sabay iwinasiwas Ang dalang sanggot upang di Siya masakal ng aswang! Tuloyang umatras Ang aswang Mula Kay Anastasia at Doon bumaling Kay Alexander na kakabagsak lang din sa dalawang aswang na nakakalaban ni Alexander dahil sa tagal ng pagbabaril nito ay natamaan na talaga nito ang dalawang aswang na nakakalaban ñito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD