"Paano Tayo makakauwi sa atin Stephen.??wala na Ang sasakyan natin,bihira lang din Ang mga sasakyang gagawi dito at malayo pa Naman Ang uuwiang lugar natin..??" Naiiyak na wika ni Beah .
"Wala tayong choice kundi ang sumama nalang sa kanila..kesa muli pa tayong matangay ng mga aswang ..kung DalawA nalang tayong maglalakad pauwi sa malayong lugar natin.hindi Tayo safety..kaya sasama nalang Tayo sa kanila.." Ang Sagot ng nobyo.
"Oh Sige na,ang layo pa Naman ng uuwian natin! Habang nasa hide out pa Ang mga ASWANG ay safety pa tayong lahat! Kaya Kailangang bago umabot ng apat na Oras ay malapit nalang Tayo sa ating uuwian.." Wika din ni Mang Pedong.
Samantalang Ang mga magulang ni Beah ay sobrang nag- alala na,nalalaman ng mga ito na Kasama Pala ng anak nila Ang nobyo nito sa Lugar ng mga aswang,kung bakit Anong naiisip ng mga ito at nagpupunta sa Lugar na iyon na Wala namang katao- tao.sa sobrang pag- alala ng mga magulang ni Beah at mga magulang ni Stephen ay nagdala ng mga police ang mga ito sa area ng Lugar kung saan sinasabi ng anak na naroon Sila. kaninang may Araw pa Sila nagpupunta nasa alas singko na Sila nakarating Kasama Ang mga police ngunit laking lungkot nila nang Makita na motor single nalang Ang naroon at sa unahan ay nakikita pa nila Ang mga saplot ng mga anak.kapwa umiiyak Ang mga mommy Nina Stephen at Beah dahil sa pagkawala ng mga ito.
"Napakasinungaling ng anak mo..lagi nalang tayong niloloko ng batang yun,tingnan mo nga kung Anong nangyari ngayon,nagbibigay lang Siya sa atin ng problema kung nasaan Sila ngayon ng nobyo niya!" Galit na wika ni Fernando.
"Fernando,alam nating Maraming aswang sa Lugar na iyon! Dahil nasasakupan pa Ang mga bundok na iyon sa baryo manara..baka biniktima na ng mga aswang Ang anak natin at Ang kanyang Kasamang boyfriend.." umiiyak na wika ni Sandra.nag- iisa lang nilang anak si Beah kaya spoiled ito dahil mahal na mahal nila.
"Yan na nga Ang problema natin Sandra! Baka nabiktima na Sila sa mga aswang roon,.Ang Dami ko nang narinig na balitang kumalat tungkol sa Lugar na Yan.pina spoiled mo Kasi ang anak mo kaya parati nalang Tayong niloloko,alas dos nalang ng madaling Araw ay Wala pa tayong tulog dahil sa pag- aalala natin! Nagsisisi tuloy Ako kung bakit iniwan ko Ang una Kong pamilya..kumusta na kaya ang mga anak ko..?? Sana mapatawad pa nila Ako..iniwan ko silang kapwa pa malilit .." nanghihina at malungkot na Saad ni Mang Fernando.
"Ahh ganoon !! nagsisisi ka na Ako ang pinili mo kaysa sa pamilya mong tunay!? Hoy, fernando! Kung nagsisisi ka,pati Ako ay nagsisisi na rin!! Iniwan ko Ang anak Kong lalaki! Kahit masakit sa kalooban ko nang umiyak Siya ng Todo pag- alis ko ay kinaya ko Ang lahat! Dahil mahal kita! Pero ngayon,Yan ang sasabihin mo sa akin!?" Singhal na rin ni Aling Sandra.
"Oo Sandra,nagsisisi nga ako.pero huli na Ang lahat..binalikan ko Sila sa dating tirahan namin..pero Wala na Sila roon at lumipat na ng tirahan.sobrang namimiss ko Ang mga anak ko at pati na Ang Asawa kong tunay ..pero Hindi ko na alam kung saan Sila!! At ngayon,karma ko na to,binigyan mo nga Ako ng Isang anak pero niloloko lang Tayo at Hindi nirerespeto! Winaldas lang Ang perang ginastos natin sa pagpapaaral sa kanya yun Pala ay Hindi pumapasok! Nagmukha tayong Tanga at ngayon heto problema na Naman Ang ibinigay ni Beah sa atin!!" Mahabang tugon ni Mang Fernando.
"Ayy pareho lang Naman Pala Tayo,alam mo bang kapupunta ko lang noong Isang buwan sa Bahay namin ng tunay Kong pamilya,pero ebininta na nila at Wala na Sila roon! Gusto ko lang din sanang masilip man lang Ang anak ko!! Nakakabuwesit Ang Buhay na to!!!" Pagsisigaw ng iyak ni Sandra.
Pagsapit ng alas kuwatro ay lumampas na sina Gandara sa sementadong daan sa gitna ng gubat.
"Mabuti nalang at walang mga mababangis sa gitna ng gubat ehh Ang dilim pa Naman ng dumaan Tayo.." Sabi pa ni Anastasia.
"Naisip kong walang mababangis nga sa gitna ng gubat na dinaanan nating lahat..dahil nauubos na siguro Ang mga ito sa mga aswang..kapag Wala Kasi Silang mabiktimang tao ay Doon Sila sa mga hayop.." Sagot ni Gandara.
"Ahh ganoon,kaya Pala parang Hindi Ako nakakita ng mga hayop.." tugon Naman ulit ni Anastasia.
"Time please..??" Sabi pa ni Beah,nakadama na ito ng sobrang pagkaantok .
" alas kuwatro na at bumabalik na siguro gandara Ang lakas ng mga aswang doon sa hide out!" Ani Alexander..
"Kaya lakad - takbo na Ang gagawin natin upang makarating na Tayo sa Bahay ng Tito ni Anastasia!! Baka sumunod na Ang mga ASWANG sa atin,Lugar pa Naman nila ito ,nandito Ang mga Bahay nila kaya bilisan pa natin Ang mga kilos natin!" Sagot Naman ni Gandara.
"Naku natatakot po Ako,ayoko na pong mahuli ulit ng mga aswang..at pagod na pagod na po ako." nanginginig Ang katawan at nangangatog Ang mga tuhod na Sambit ni Beah.
"Ako nga rin Beah.." Ani Stephen.
Lakad-takbo nga Ang ginawa nila dahil medyo malayo pa Sila sa kanilang uuwian.dahil gising na si pepoy at okay na Ang daang tinatahak nila kaya sumabay narin sa lakad- takbo Ang Bata sa kanila.pagsapit ng alas kuwatro y media ng madaling Araw ay nasa pamayanan na Sila ng mga aswang pero Wala Naman roon Ang mga ito dahil nasa hide out Ang lahat.patuloy parin sila sa lakad takbo nila kahit humihingal at sobrang nahahapo na silang lahat.natigilan at sobrang nag- alala si gandara nang uminit Ang kanyang kuwentas! At Bigla Silang natigil lahat nang humarang sa kanilang daraanan Ang Tatlong Malaking Segbin!! at walang patawad na agad Sinunggaban Ang mga puntiryang bibiktimahin ng mga ito!
"Ahhhhhh.!!!" Tili nilang lahat.
Sabay na binaril ni Alexander at Mang Lauro Ang tatlong malalaking segbin ngunit madulas Ang mga katawan ng segbing ito at Kinagat ng isang segbin Ang nobyo ni beah na si Stephen at mabilis na nilantakan ng segbin Ang dibdib ni Stephen!
"Ahhhhh!!! Si Stephen!!" Halos mabaliw na sigaw ni Beah.
"Manang ester!! Tumabi kayong ni Beah!" Sigaw ni Gandara.
Ang dalawang segbin Naman ay sinunggaban din sina Tala at pepoy,mabuti nalang at natadtad ni kaloy Ang Isang segbin na tinulongan din ni Mang Pedong at Ang Isa Naman ay natamaan ni Alexander sa pagbaril at senigundahan Naman ni Mang Dario sa paghampas sa dala- dala nitong bakal.
Samantalang sina Gandara, Anastasia at si aling bebang ay pinagtutulongang patayin din Ang segbin na kumagat at bumutas sa dibdib ni Stephen! Napatay man nila Ang segbing umatake Kay Stephen ngunit si Stephen ay nadukot na ng segbin Ang puso at atay nito kaya dahilan ng agarang pagkamatay ng binata!!
"Jusko ,Ang boy friend mo Beah!!! Patay na Siya!! Kinuha ang mga lamang loob niya ng segbin!!" Nahihindik na sigaw ni Gandara.
Kapwa Naman nag- iiyakan sina pepoy at Tala dahil Akala ng mga ito mamamatay na Sila! Muling inakba ni Mang Pedong si pepoy.lahat Sila ay namutla sa nakitang Wala ng Buhay si Stephen!!
"Wala na Tayong magagawa iiwan nalang natin Siya!! Mga Aswang Ang umaatake sa atin ngayon na nagpanggap na segbin lamang!! At nararamdaman Kong pararating Ang iba!! Hinahabol Pala talaga nila Tayo! Kaya Dalian natin,takbo na ulit Tayong lahat..!!!" Sigaw ni gandara.
"Kunting tiis nalang liliwanag na!! At darating na Tayo sa Bahay ng Tito ni Anastasia!!" Ani Mang Lauro.
"Galit Ang mga ASWANG!! Dahil nakatakas Tayo! Kaya dederetso na nila tayong lalantakan kapag maabutan nila Tayo!!" Malakas namang wika ni kaloy.
At nagkakagulo Silang lahat at nagsipagtakbo ng mabilis!