YUGTO 35

1342 Words
Pati Ang mga ASWANG na natitira at naiiwan sa hide out ay biglang natigilan Ang mga ito sa nakikitang sunod-sunod na pagkidlat sa kalangitan at sumunod agad ang matinding Amoy ng asupre at kumalat iyon sa buong paligid! Di nagtagal ay biglang nahihilo at nanghihina din ang lahat na mga aswang sa hide out at nawalan Silang lahat ng lakas! "A- Anong nangyayari s- sa ating lahat..???" Mahihina ang boses na tanong ni Lolo Waldo,tingin nito kasi ay lumilindol Ang paligid at dahilan ng pagkahilo nilang lahat. Namangha Naman Ang lahat na mga kasamahang bihag ni Gandara nang Makitang unti- unting natumba ang lahat ng aswang at kahit Anong pilit ng mga itong makatayo ay Hindi ng mga ito magagawA. "A- alam ko na,tinamaan tayong lahat sa m-matinding oraciong n-nagmumula sa Isang bagay na may agimat o anting-anting.." Naghihirap na Saad ng Isang Donyang aswang na kanilang bisita. "A- ano???" Sambit ni Landa na di na rin makatayo. Samantalang Si Gandara ay nagmamadaling bumalik at pumanhik ulit sa loob ng hide out nang makitang lugmok Ang lahat ng mga aswang at nahihilo Ang mga ito. "Gandara!!" Sabay sambit nina Alexander,kaloy at Anastasia. "Anong nangyari sa kanilang lahat ?? Bakit bigla nalang silang nahilong lahat at nawalan ng lakas??" Nagtatakang Tanong ni Alexander. "Oo nga Gandara,Anong nangyari sa lahat ng mga aswang na Yan??" Segundang Tanong Naman nina Mang Lauro at Mang Pedong. "Huwag na po Muna kayong magtanong,bilisan natin.. tatanggalin ko muna Ang mga Tali niyo Xander,kaloy upang matulongan niyo Ako sa pagtanggal ng gapos ng lahat na bihag..para makaalis na agad Tayo!" Sabi ni Gandara. "Oh Sige Gandara! Salamat Naman, akala ko makakatay na Tayong lahat.." Tugon ni Anastasia. "Salamat po..sana makaligtas po tayong lahat.." Sabi Naman ng babaeng naka underwear lamang. Galit na Galit Ang mga ASWANG sa may di kalayuan ng hide out kung saan ng mga ito hinabol si Gandara.nahihilo Silang lahat at Hindi na makatayo sa kanilang kinabagsakan at pati na Ang mga aswang sa labas ng hide out na nagtutulongang mag- init ng tubig at pati na rin Ang mga ASWANG sa loob ng hide out.nagsusumikap Ang lahat ng aswang sa loob ng hide out upang makatayo dahil sa nakikita ng mga itong tinanggalan ni Gandara ng mga gapos sina Alexander at kaloy, pagkatapos ay tumulong din Ang mga itong tinanggalan ng mga Tali Ang lahat na nagagapos na mga bihag.ngunit kahit Anong pilit ng mga aswang na makatayo ay Wala na silang mga lakas. Tuwang tuwa Ang mga kasamahan ni Gandara nang lahat Sila ay Wala ng mga Tali. "Hali na kayong lahat! Aalis na Tayo agad rito! Mga apat na Oras lang Ang tagal ng pagkawala ng kanilang mga lakas at pagkakahilo kaya kailangang sa loob ng apat na Oras ay makalayo na Tayo rito!" Sabi ni Gandara sa lahat. "Ano!? Sige huwag tayong magtatagal!" Sabad Naman nina aling ester at Mang Dario. "Hahanapin pa natin Ang mga sandata natin doon kung saan Tayo nabihag ng mga aswang na Yan!" Sabi Naman ni kaloy. "Kaloy,akbahin mong muli si pepoy at pagdating natin sa gitna ng bundok paibaba ay Ako Naman Ang aakba sa kapatid mo.." Sabi pa ni Mang Pedong. "Opo Tay.." "Salamat at makakauwi at makakatakas na Tayo Mula sa mga aswang.." Ani aling bebang. Walang nagawa Ang lahat ng mga nakAhandusay na mga aswang nang Makita nilang lahat na lumabas at umeskapo na Ang kanilang mga bihag.hindi na matutuloy pa ang kanilang kasiyahan at handaan sa kabilogan ng buwang ito. "H- humanda Sila sa atin,hahabulin natin Sila kapag babalik na Ang ating mga lakas.." gigil na wika ng Aswang na si Landa. Nagmamadali Namang tinahak Nina Gandara Ang mahirap at matarik na bundok paibaba nito.nakita nga nila at nadaanan sa mga damuhan Ang kanilang mga Sandatang naiiwan pati na Ang mga ASWANG na Wala ng Buhay ay naroon din.napangiwi nalang Ang lahat ng Makita Ang iilang mga aswang roon na nakAhandusay at Wala ng mga Buhay.habang patuloy Ang paglalakbay nila paibaba ng bundok ay Panay Naman Ang pag- uusap nilang lahat kahit hinihingal Sila sa sobrang pagmamadali upang makalayo na Sila Mula sa hide out ng mga aswang. ",Pagdating natin sa gitna ay Kukunin natin Ang mga bag na iniwan sa ginawa nating bahay- Bahay at Kumain Muna Tayo sa mga baon nating dala para magkaroon ng dagdag na lakas at makalayo Tayo agad rito sa loob ng apat na Oras..." Ang Sabi ni Alexander. "Tama ka pareng Xander,sobrang nagugutom Ako sa mga pinagdaanan natin.." tugon Naman ni kaloy. "Kami nga rin po,gutom na gutom na po kami ng nobyo ko.." Umiiyak ng babaeng dalagang naka underwear. "Ganoon din kami at itong mga anak kong sina Tala at pepoy..kunti lang Kasi Ang ipinapakain sa Amin ng mga aswang Oras sa kainan Mula nang binihag kami.." Di napigilang Sagot ng Ina ni kaloy. "Marami kaming baon sa mga bag namin kanin at delatas.at may mga biscuit pa.huwag kayong mag- alala malapit na tayo sa gitna ng bundok kung saan namin iniwan Ang mga bag namin.." Sagot ni Gandara. "May mga damit ba kayong dala?? Kawawa Naman Ang mga batang to,walang mga suot.." Saad Naman ni Mang Lauro. "Meron kaming dala Dad..at kunting tiis nalang may isusuot na kayo mamaya.." tugon din ni Alexander. "Kung bakit Kasi tumakbo Ang magsyotang Yan na Hindi pa nakakapagbihis,nadausdos lang Naman Ako at bumagsak sa harapan nila ay nagtakbuhan na Sila ,Hindi man lang Ako tinulongan upang makatayo agad .." Sabi Naman ni Anastasia. "Ahh..Ikaw Pala ang dahilan kung bakit walang mga suot na damit Ang mga iyan.." Sabad Naman ni kaloy. "Sorry po tlaga ate Anastasia,paano ehh..buong Akala po namin ay..ay aswang po kayo.." Nagpapaawa Ang boses na Sagot ng dalagang naka underwear. "Ano!??" Galit na sambit at tugon ni Anastasia. Di sinadyang natatawa Ang lahat sa narinig. "Teka ,,Ano nga bang pangalan niyong magsyota..??" Usisa Naman ni Gandara. Halatang mayaman Ang dalagang eighteen years old na ito pati na Ang nobyo nito dahil sa mapuputi at makinis na kutis.at maganda din Ang dalagang naka underwear. "Ako nga Pala si Beah..at ito po si Stephen.." Sagot ng dalagang si Beah. At Samantalang sina Mang Dario at aling Ester ay nagsasalita na rin. "Gandara..patawarin mo sana kami sa pagpapalayas namin Sayo,.alam Kong Ikaw Ang may kagagawan kung bakit nangyari iyon sa mga aswang..at utang namin Ang Buhay naming lahat Sayo..salamat talaga at pati na sa pag-- aalaga mo Kay Marla.." Sabi Naman ni Mang Dario. "Oo nga Gandara,lahat ng mga hula mo ay nagkakatotoo.." Sabi Naman ni aling Ester. "Wala na yun..kalimutan niyo na po.." tugon Naman ni Gandara. Dumating nga Sila sa gitna at kaagad binigyan nina Gandara at Alexander Ang magsyotang walang mga suot kaya nagpapasalamat Ang mga ito sa kanila.sabay sabay na rin Silang Kumaing lahat.naubos Naman Ang mga baon nilang lahat nina Gandara dahil sa dose Silang sabay na kumakain,at kinulang pa nga sila.pati mga biscuits nilang baon ay di rin pinatawad,ubos din Ang lahat. "Ano na bang Oras anak..?" Tanong ni Mang Lauro Kay Alexander. "Alauna impunto na po ng madaling Araw Dad.." Sagot ni Alexander. "Hindi na Tayo magtatagal,magpapatuloy na Tayong lahat..pagdating natin sa ibaba ng paanan ng bundok na ito ay Isang bundok nalang Ang aakyatin natin..at madali lang iyon dahil maliit lamang iyon kumpara sa bundok na ito..apat na Oras lang Ang tagal at babalik na Ang lakas ng mga aswang..at nasisiguro Kong susundan nila Tayong lahat..pagsapit ng alas kuwatro ng madaling Araw ay iyon na pagbabalik ng mga lakas nila.." Mahabang wika ni gandara. "Ay ..ayoko nang mabihag pa ng mga aswang." Saad Naman ni Anastasia. "Sige,lakad na Tayo!" Ani kaloy. Ang ama Naman ni kaloy Ang umakba Kay pepoy at inaantok na ng sobra ang Bata kaya hinayaan lamang ni Mang pedong na makatulog ito habang akba akba nito Ang bunsong anak.malapit nang mag alas dos ng madaling Araw nang sila' y makarating sa ibaba.nagpapasama Naman saglit Ang magkasintahang Beah at Stephen sa kanila kung nandoon pa ba Ang motor single nilang dala para makauwi na sila.ngunit nadismaya Ang magsyota nang makitang Wala na Ang motor single nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD