YUGTO 34

1368 Words
"Fly high butterfly..!!hehehehe!! Magpapaalam na kayo,mga masasarap na mga Bihag! dahil lalantakan na namin mamaya Ang mga lamang loob niyo at pagkatapos ay lulutuin Ang mga katawang Karne niyong lahat!!!" Malalaki Ang mga boses na wika at halakhak ng special na bisita na sinasabayan pa ng mga malalaki at lumuluwang mga mata nito. PAGSAPIT NG ALAS ONSE NG GABi... Dumating na Ang mga nangangaswang na kasamahan Nina Lolo Waldo.at laylay Ang mga ito dahil Wala silang dala kahit iSA man lang.pero namangha Ang mga ito nang makitang dumami Ang kanilang mga Bihag,Ang Walong bihag ay nadagdagan ng apat!! "Wow Tay,Ang galing niyo,saan niyo nakuha Sila!??" Tanong ni Landa at lolita. "nandito din Ang anak mo Lauro!! Hahaha, kumpleto na kayong mag- ama!" Sabi Naman ni aling lolita na nakatingin Kay Alexander. "At pati na rin itong kaibigan mo Alexander! Tssk,napakawalang swerte,mamatay kana lang kaloy na Hindi makakatikim ng Siopao! Hehehehe!!" Patuloy na pagtatawa ni aling lolita. "Grabe kayong mga ASWANG kung makapagsalita ,.Hindi parin Ako nawawalan ng pag- asa aling lolita,alam niyo ba kung Anong hinahawakan Kong pag- asa ngayon?? Ang hula ni Gandara! Magkaroon pa Ako ng pamilya at mga anak!" Matapang na Sagot ni kaloy. Maingay na nagtatawanan Ang mga ASWANG at lumalapit at umaaligid Kay kaloy. "Talaga bahh?? Naniniwala ka Naman sa hula ng Kasama mo?? Ngayon palang namin napansing nandito rin Pala ang magandang manghuhula!! Isang dayo sa ating Lugar at nanghuhula ng kapalaran pati na sa ating mga aswang!! Hahahaha.!!." Wika Naman ng Isang matandang aswang na babae. Nahihindikan Naman si kaloy nang umaaligid sa kanya Ang mga ASWANG. "Wow talagah?? Nanghuhula Pala Ang babaeng Yan??" Sabi Naman ni wenona. "Siguro Naman nahuhulaan mo na rin Gandara ang nalalapit na katapusan ngayon ng inyong Buhay.." dugtong Naman ni wenona. Ngunit si Gandara ay Hindi parin nagsasalita.mas pinili niyang maging tahimik. "Magtiis Muna Tayo ng Isang Oras,malapit na Ang alas dose,nakatakda na Ang kanilang kamatayan.sandali,nasaan Ang iba nating kasamahan??" Pansin pa ni Landa. "Oo nga,parang Maraming kulang sa atin ngayon..Hindi pa ba nakauwi ang ibang kasamahan natin..??" Tanong din ni Lolita. "Nasa Likud Sila ng hide out,Wala na silang mga Buhay..dahil sa pakikipaglaban nila ng mga Bihag na to!" Sagot ni wenona. "Anooo!!!??" Gulat na Sambit ng mga kasamahang bago palang dumating. "Malilintikan kayo sa amin....!!!!" Sabi ng mga aswang na bagong dating at akmang susunggaban Ang mga Bihag dahil sa sobrang Galit ng mga ito. "Sandali.." pigil ng ibang mga aswang. napasigaw Naman Ang ibang kasamahan ni gandara na sina aling bebang,mga kapatid ni Kaloy at Ang magkasintahan dahil Akala ng mga ito na katapusan na nila dahil sa Galit ng mga aswang na bagong mga dumating.Mabuti nalang at pinigilan ng mga ito sa mga kasamahang aswang.nanggigil Ang mga aswang na nakatingin sa mga Bihag. "Ano ba kayo,hihintayin nalang natin Ang alas dose.malapit na silang maparusahan,mahiya Naman Tayo sa mga bisita natin..Sila kaya Ang nakahuli ulit sa Walong mga bihag nating ito at nadagdagdagan pa nila ng apat..kung Hindi dumating Ang Maraming mga bisita natin ay matatakasan na Tayo ng mga Bihag na to.." Wika pa ni Lolo Waldo. Napipigilan man ng ibang mga aswang Ang mga kasamahang aswang na Galit na Galit ay humihingal parin Ang mga ito dahil sa biglang naramdamang kasabikan nilang makasipsip ng preskang dugo Mula sa mga Bihag. Nang tingnan nila Ang Oras ay nasa alas onse e media na at malapit na Ang alas dose ng Gabi.kaya naghahanda na Ang mga ASWANG para sa pagkakatay ng mga Bihag na nakagapos. "Malapit na Ang alas dose anak Landa,wenona àpo.." Sabi ni Lolo Waldo. "Kung ganoon,maghanda na Tayo sa pagkatay ng mga Bihag!" Sagot ni aling lolita. "Oh Sige anak.Ang pinaka malaking kawali natin ay ihanda na ninyo upang iinitan na natin ito ng tubig! Dahil pagkatapos nating sipsipin ang dugo at lalantakan Ang mga lamang loob Ng mga Bihag natin ay isa isa na nating lapain Ang mga ito at palambutin Muna natin Ang mga Karne nila sa kumukulong tubig sa ating malaking kawali! Bago hihiwain at lulutuin ! Hahahahaha!!" Utos at halakhak ni Lolo Waldo sa ibang kasamahang aswang. "Oh Sige,masusunod Lolo Waldo!" Sabay na Sagot ng iilang aswang. Narinig Naman Nina Gandara at Alexander at kaloy Ang pag- iingay ng mga aswang na naghahanda na upang kakatayin na Sila dahil alas onse y media na raw Ang oras.halos Ang mga ASWANG ay nasa labas at masayang tumitingala sa maliwanag na buwan sa kalangitan.nagkakatuwaan Ang mga ito habang nag- iinit ng tubig sa malaking kawali.ang mga aswang malapit kina Gandara ay naka abang lamang sa kanila habang kapwa gigil na napapangisi Ang mga ito sa kanila. "Ate gandara ..paano na po Tayo??" Pag- iiyak Nina Tala at pepoy. "Gandara.." tanging sambit ni Alexander na nakatingin Kay gandara. Si Anastasia Naman ay Hindi na napipigilang umiiyak na ito ng malakas pati din si kaloy.sina Mang Lauro ,mang dario,Mang Pedong ay kitang kita Ang pagkabahala sa mga Mukha at pag- alala ng mga ito dahil sa nalalapit nilang kamatayan.sina aling Ester at aling bebang at Ang magkasintahan ay lagi lang umiiyak Ang mga ito ng mahina. "Anastasia,kaloy,tumahimik nga kayo.huwag kayong umiyak ng malakas para kayong mga Bata.." Saway pa ni Gandara at iyon Ang unang narinig si gandara ng mga aswang na nagsasalita.nagtatawanan ulit Ang mga ASWANG. Pagsapit ng alas dose ay Hindi pa gaanong mainit Ang tubig sa kawali pero iyon na Ang oras upang kakatayin na silang lahat! Sabay na kinuhaan ng mga gapos o tali sina Alexander at Gandara dahil iyon ang request ni wenona na Sila Ang unang lalantakan at sipsipan ng dugo bago lalapain! Nang Wala na silang gapos ay kapwa Sila hinawakan ni Alexander ng mga aswang.dalawang aswang Ang humawak Kay gandara at dalawang aswang din Kay Alexander! May mga binabalak na si gandara sa Hindi pa dumating Ang alas dose at pinaghahandaan na niya ito! Malakas na tinadyakan ni Gandara Ang Isang aswang na humawak sa kanya at nang nakawala Ang Isang kamay niya sa paghawak sa Isang aswang ay mabilis agad niyang hinila ang kuwentas niya sa leeg kaya naputol iyon at Dali Dali niyang inihampas sa Isa pang aswang na humawak sa kanya kaya nabitawan agad Siya ng aswang dahil sa sobrang init ng kuwentas! Mabilis Naman siyang pinagtulongang sunggaban ng ibang mga aswang ngunit bawat matamaan sa paghampas niya sa mga ito sa kanyang kuwentas ay umaatras Ang mga ito dahil sa sobrang init! Kaya nakatakbo si gandara palabas ng hide out! "Dalian niyo! Naka eskapo Ang magandang Bihag na babae!! Hahabulin niyo!!" Sigaw ng mga aswang na natamaan sa mainit na kuwentas ni Gandara at umuusok ang mga ito! "Gandara..!! Bakit mo kami iniwan ..!!?" Sigaw pa Nina Anastasia at kaloy. Alam ni Gandara na susundan Siya ng mga aswang! At Wala na naman siyang kalaban- laban kapag sama- samang aatake Ang mga ito sa kanya dahil mapipigilan na Naman nito ang kanyang mga kamay at muli siyang mahuli.pero iba Ang balak niya! Sa panahon ng panganib nilang lahat ngayon at sobrang kagipitan ay mapipilitan siyang gagamitin Ang isa pa niyang kakayahan,gamit Ang kanyang kuwentas na may agimat o anting- anting! Iniiwasan niya ang pag- gamit nito dahil sa Isang gamit niya ng kakayahang ito ay may kapalit na Isang taon sa kanyang pagiging manghuhula! Mawawala Siya ng kakayahang manghula ng Isang taon kapalit ng pag gamit niya sa Isang nakatatak na oracion sa pendant ng kanyang kuwentas! Isang matinding oracion sa pendant na panlaban sa mga masasamang nilalang kabilang na Ang mga ASWANG!! Hindi nga nagkamali si gandara,napakaraming aswang Ang humabol sa kanya,sinikap lang Naman niyang makalabas para Gawin Ang nararapat panlaban sa mga aswang! Tumingala si gandara sa kalangitan at pumikit sabay na ini angat Ang kanyang may agimat na kwentas! "Oraciong nasa pendant ng kuwentas na ito! Nangangailangan Ako ng iyong kakayahan kapalit ng Isang taong pagkawala ng aKing kakayahang panghuhula!" Sigaw ni Gandara. Malapit na Ang mga ASWANG Kay gandara ngunit ganoon na lamang Ang pagkagulat ng lahat ng mga aswang nang biglang sunod sunod na kumidlat Ang kalangitan kahit Hindi masama Ang panahon at walang pagkulog! At kaagad na Isang Amoy ng matinding asupre Ang kanilang nasalubong na siyang dahilan ng biglang pagkahilo àt panghihina ng buong katawan nilang lahat na mga ASWANG!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD