Nagkakagulo Silang lahat at nagsisikap na makatakas palayo ngunit nangingitim sa Dami Ang mga ASWANG na humahabol sa kanila sabay napahagikhik ang mga ito at humuhuni ng Iba' t- ibang tinig ng aswang!
"Dalian niyo..! Kailangang matakasan natin Sila!" Sigaw ni Gandara.
At lahat Sila ay nagsusumikap upang makakalayo lamang Mula sa nangingtitim sa dami ng mga ASWANG na humahabol sa kanila.
"Mag- iingat ka kaloy sa pagtakbo dahil akba mo si pepoy!!" Magkasabay na Sambit Nina Mang Pedong at Aling bebang.
Habang si Tala ay tulad din ni pepoy umiiyak ito sa sobrang takot ng mga sandaling iyon! Kahit sobrang hirap ng daang tinatahak nila paibaba ng bundok ay Hindi na nila iyon iniinda dahil gusto nilang makatakas Mula sa mga aswang! Sobrang liwanag Naman ng buwan at walang ulap kahit isa man lang na sumasagal rito kaya kitang kita nilang malapit na Silang maabutan ng mga aswang na humahabol sa kanila!
"Dito tayong lahat dadaan Gandara! Tingin Koy mas okay dito dadaan paibaba !" Sabi Naman ni Alexander.
Ang magkasintahan Namang naka underwear lamang ay Puno na ng galos sa katawan dahil nga' y kapwa walang mga saplot Ang mga ito sa katawan.
"Huhuhu!! Kung pagbigyan Ako ng second chance ni lord na mabuhay at makatakas Mula sa mga aswang ay ituutuwid ko Ang mga malaking kasalanang ginawa ko at mga panloloko ko sa aKing mga magulang!! Alam kong sobrang nag- alala na Sila ngayon sa akin.." umiiyak ng todong wika pa ng babae.
"Ganoon din Ako,nag- alala na Sila sa akin ngayon.." Sagot Naman ng nobyo nito.
"Gandara! Malapit na talaga Sila sa atin!! Wala tayong magagawa dahil nakalutang lang Sila sa hangin at Ang iba ay lumilipad!!" Napapaos na sigaw ni Anastasia.
"Jusko..Anong laban natin sa kanila??" Sambit ni gandara.
"Alexander,haharapin nalang natin Sila!! Maghanda nalang Tayo! Kahit Ano pang gawing pagtatakbo natin ay aabutan parin nila Tayo!" Nahahapo namang Saad ni kaloy.
"Kaloy,ilagay mo si pepoy! Ihanda mo ang iyong sandata! " utos ni Mang Pedong.
Umiiyak parin si pepoy habang inilagay ni kaloy Ang bunsong kapatid,niyakap agad ito ng mahigpit ng inang si aling bebang pati Ang dalagitang anak na si Tala.
"Anak Xander! Huwag tayong mawalan ng pag- asa,lalabanan natin Ang mga ASWANG!" Sabi din ni Mang Lauro.
At sina Mang Dario at aling Ester ay iyon parin Ang mga Sandatang dala- dala nila.
"Sana may pag- ASA pa tayong matakasan Sila..ester.." Ani Mang Dario.
Ngunit si aling Ester ay Wala ng salitang lumalabas sa bibig nito,Panay na Lang ang pag- iiyak din nito at pangangatog sa mga tuhod dahil sa Karanasan nilang iyon.naabutan nga Sila ng Maraming aswang at walang patawad na Sinunggaban agad Silang lahat!
"Aaahhhh...!!!!" Tili nilang lahat .
Sabay na pinagbabaril Nina Alexander at Mang Lauro Ang mga ASWANG na umaatake sa kanila! Ngunit dahil sa Dami ng mga ito ay Hindi lahat nila Matatamaan! May mga bumagsak sa lupa pag matatamaan ng bala pero Ang iba ay nagkanya- kanyang humablot sa kanila at pinagtutulongan Ang mag- amang Alexander at Mang Lauro sa paghawak at pagpipigil sa kanila upang di Sila makakapamaril.
"Dad..!!" Sigaw pa ni Alexander nang kapwa Sila pinagtutulongan ng mga aswang.
"Bitawan niyo kami!!!" Galit pang sigaw ni Mang Lauro.
"Wakkk!!! Wakk!! Wakk!! Tikk!! Tikk!!! Tikk!!" Tinig ng mga masasamang aswang.
"Hekhekhekhek!!!" Paghagikhik pa ng Maraming aswang.
Sina Gandara at Anastasia at kaloy ay pilit ding lumaban gamit Ang kanilang mga sandata Ngunit katulad din kina Alexander at Mang Lauro,merong matatamaan sa kanilang sandata at mamatay at Ang iba ay pinagtutulongan Naman Silang hakusin upang di Sila makakakilos!
"Kaloy, Anastasia!!! Wala tayong kalaban-laban!! Sa Dami nila! " Malakas na sigaw ni Gandara.
"Oo nga Gandara....!!!" Sabay ding Sagot Nina kaloy at Anastasia Saka tuloyang kapwa nalang umiiyak.
Si Mang Pedong ay Wala din itong kalaban-laban dahil kahit Anong pagsisikap na pinagtataga Ang mga ASWANG ngunit Hindi niya makakaya dahil sa daming umaatakeng aswang!
Sina aling bebang,Tala at si pepoy at muling tinangay ng mga aswang,pati na rin ang magkasintahang humahagulhol na ng iyak at Ang mag- asawang Mang Dario at aling Ester,walang kahirap- hirap na dinala Ang mga ito! Ang pinaka malungkot sa lahat ay pati na sina Gandara, Alexander, kaloy at Anastasia,Mang Lauro at Mang Pedong ay Binihag ng mga aswang at nilipad pabalik sa hide out ng mga aswang!!
Ang tanging natitirang aswang sa hide out ay Tatlo na lamang,sina Lolo Waldo,At Ang isang bantay na natitira sa limang bantay sa pintuan ng mga bihag at Ang pangatlo ay si wenona.nawalan lang ito kanina ng malay.nanlilisik Ang mga mata Nina Lolo Waldo sa Galit dahil sa Dami ng pinatay ng mga Bihag na kasamahan nila at niloloko pa Sila ng Isa sa Kasama ng mga ito!
Nagkakagulong nagsipagdatingan Ang Maraming aswang na bisita sa hide out na dala- dala Ang lahat ng bihag! At nadagdagan pa Ang mga ito ng apat kaya dose na lahat Ang mga Bihag ng mga aswang!
"Salamat! Nakakahiya sa Inyo mga bisita namin kayo pero kayo pa Ang nakahuli ulit ng mga Bihag na Yan! At nadagdagan pa Ang mga ito!" Salubong ni Lolo waldo sa mga bisitang aswang.
"Walang anuman Yan Waldo,mabuti at naabutan namin Sila!! Pero namatayan kami ng mga Kasamahan!!" Sagot ng Isang matandang aswang na lalaking bisita na katulad din Ang edad Kay Lolo Waldo.
"Ano?!magbabayad Sila mamayang alas dose ng Gabi!! Grabe,sobrang mautak Ang mga taong ito! Akalain niyo ba ay naloko kaming mga naiiwan dito sa hide out!!?" Galit Ang tinging ipinukol ni Lolo Waldo sa mga Bihag na sina Alexander Lalo na Kay Anastasia.
"Ang Dami na nating ihahanda sa pagpaparty natin mamayang alas dose!!! Ang sasarap ng mga Bihag na to! Hehehehehe!!!" Saad at hagikhik pa ng iilang Aswang na babae.
at sumabay na din sa paghagikhik rito Ang maraming aswang na bisitang Kasama nito.tiniis ng mga aswang Ang pagkakatakam nila sa mga Bihag dahil ihahanda nila ito mamayang alas dose ng Gabi dahil iyon ang kanilang nakasanayan!
"Hindi na namin kayo mapapatawad Alexander!!! Dahil marami na kayong pinatay sa kasamahan namin!! Kaya ihanda mo na rin ang sarili mo dahil kasali kana sa pagkatay ngayong alas dose! Pati Ako ay muntik na ninyong mapatay!! Magbabayad kayo..!!" Malakas na sigaw ni wenona sa sobrang Galit.
"Pero naniniwala parin Ako wenona! Hindi mananaig Ang kasamaan!!" Matatag na Sagot ni Alexander.
Kapwa sila ginapos sa matitibay na mga lubid.at isa- Isang nag- iiyakan sina Tala ,pepoy,aling bebang,aling Ester at Ang magkasintahan dahil sa kanilang sinapit.akala nila ay makakatakas na Sila at makaligtas ngunit nagkakamali Pala Silang lahat.isa- Isang tiningnan ni Wenona at Lolo Waldo Ang mga bihag.napatigil si Lolo Waldo sa harap ni Anastasia.
"Ikaw ha,kung alam ko lang na Hindi ka Pala ang special na bisita ay sinampal ko na yang pagmumukha mo!!" Galit na wika ni Lolo Waldo Kay Anastasia.
"Eh kung Ikaw kaya sasampalin ko matandang aswang??" Salpok Ang kilay na Sagot din ni Anastasia.
"Aba',Aba at matapang Ang jurasik na babaeng to!" Sabi pa ni Lolo Waldo na akmang susunggaban si Anastasia.
"Sige! Kainin mo Ako matandang aswang! Tingnan natin kung Hindi kaba malalason! Ang angkan namin ay may lason na taglay sa aming dugo! Kaya bahala kayo kung Hindi kayo makikinig at maniniwala!" Sabi pa ni Anastasia.
Napaatras si Lolo Waldo.
"Ako ba'y pinagloloko mo??" Galit na tanong ni Lolo Waldo.
"Hindi ka niya niloloko,makakalason talaga Ang kanyang dugo!" Seryoso namang Sagot ni kaloy.
"Ahhh,bwes*t!! Huwag niyo ulit kaming lolokohin!" Singhal ni Lolo Waldo.
Muling naghagikhikan Ang mga ASWANG na bisita.
"Lolo waldo,kumalma lang po kayo,mapaparusahan din natin Silang lahat ngayon! Dahil malapit na Ang katapusan ng kanilang Buhay!" Sabad ni wenona.
At isa- Isang tiningnan ulit Nina Wenona at Lolo Waldo Ang mga Bihag na nakatali.hangga't dumating Sila sa harap ni Gandara.kapwa natigilan si wenona at Lolo Waldo nang Makita si Gandara.
"Napakagandang babae!! Sayang Siya,pwedi ko siyang maging asawa ! Hahaha!" Ani lolo waldo sabay tawa ng malakas.Ngunit si wenona Naman ay mas Lalong nagalit nang Makita si Gandara.
"Ikaw Ang babaeng minsang nahuli kong Kasama ni Alexander at ng kanyang kaibigan!!" Sabi pa ni wenona.
Ngunit ni Hindi si Gandara nagsasalita at nakipagtitigan lamang sa Galit na si wenona.
"Ako ang Mismo ang kakain sa mga lamang loob mo! Upang mababawasan itong Galit ko Sayo!! Grrrrrr!!!" Sabi pa ulit ni Wenona Kay Gandara.
"Hindi apo,magpapalahi Tayo sa kanya! Napakaganda niyang babae!" Ani lolo waldo na lumapit pa Lalo sa Mukha ni Gandara at tinitigan si Gandara ng mabuti.
"Pero Lo,Galit Ako sa babaeng to!! Galit tayong lahat, Hindi ba ?dahil marami Ang namatay sa atin dahil sa pinaggagawa ng mga Bihag na to!?so,bakit pipigilan mo pa ang Isang to upang mabuhay!!?" Sabi pa ni wenona.
" Sige apo,Ikaw Ang bahala,wahahaha!!" Ani lolo waldo.
Ang mga Maraming aswang na bisita ay kapwa na tumutulo Ang mga laway dahil sa sobrang natatakam na talaga Ang mga ito na nagmamasid sa mga Bihag na kakatayin mamayang alas dose.
Di nagtagal ay dumating na rin ang special na bisita at kaibigan ng anak ni Lolo Waldo na si Landa,Ang Kapatid ni lolita.Malaking babae ito at talagang Donya nga Ang dating.maputla Ang Mukha at may malaking boses na sa pagsasalita palang nito ay matatakot kana Lalo na sa ekspresyon ng Mukha nito! Magugulo ang kulot na kulot na buhok nito at may makapal na labi na pulang pula sa lipstick na gamit nito.