YUGTO 32

1250 Words
"Ahhmm..hayaan niyo po kapag Hindi niya talaga Ako mamahalin at pakasalan ay ibibigay ko po Sayo madam Ang kanyang mga lamang loob.." Sabi pa ni wenona. "Ayy talaga iha..?? Oh Sige! Bueno,gusto Kong makita Ang mga Bihag! Pwedi ba??" Sabi ni Anastasia. "Hekhekhekhek!! Lolo waldo,Diba Sabi mo Bigyan mo ng special na bihag kapag dumating na itong si madam??Ang kaibigan at donyang aswang ng iyong anak?" Tanong pa ng Isang Aswang. "Ayy syempre,bibigyan ko Siya at papipiliin,dahil iyon din Ang gusto ng anak ko.." tugon ni Lolo Waldo. "Paano na Ang balak mong makakapag- Asawa? Subukan mo,baka SaSagutin ka ni madam,yun Ang Plano mo Hindi ba??." bungisngis na Saad ng aswang na lalaking kasamahan. "Hoy,magsitigil kayo!! Matanda na Ako! Wala na sa bokabularyo ko Ang pag- aasawa,buwes*t!!" Galit na Singhal ni Lolo Waldo. "Bakit,Anong problema. .??" Tanong pa ni Anastasia. "Wala madam! Halika madam,pupunta Tayo sa kuwarto ng mga Bihag at pipili ka Doon kung alin ang gusto mo sa kanila.." Nakangisi pang tugon ni Lolo Waldo. "Wahahahahaha!! Salamat kung ganoon.." Sabi pa ni Anastasia.tinungo nga nila Ang kuwarto ng mga Bihag. Sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ni Anastasia ngunit Hindi talaga Siya nagpapadala sa emosyon niyang iyon.nakita nilang may limang aswang na nagbabantay sa labas ng pintuan ng kuwarto.at Ang ibang Kasamang aswang ay nasa kinaroroonan Nina Alexander at ng aswang na si wenona. Pagkapasok nila ay kapwa umiiyak pa sina pepoy,Tala at Ang magkasintahang naka underwear lamang.medyo madilim Ang loob ng kuwarto kaya Hindi agad nakikilala Nina Mang Lauro, Tala,pepoy at aling bebang si Anastasia.pero sina Mang Dario,aling Ester ay talagang Hindi nila Kilala si anastasia.isang beses lang kasi nilang nakita ito noong nagpapahula ito noon Kay gandara Kasama sina kaloy at alexander.Umiiyak na rin si Aling Ester dahil sa sobrang takot Baka napagdesisyunan ng mga aswang na kakatayin na Sila kahit Wala pang alas dose ng Gabi. "Huhuuhuhu!!! Maawa kayo sa amin.." nanginginig Ang mga labing sambit ng mga Bihag na babae.ngunit ang mga lalaking Bihag ay tahimik lamang kahit sobrang kinabahan na rin ang mga ito. "Sige na pumili kana madam sa kanila,kung gusto mo ngayon din kakainin mo agad Ang Isa sa kanila.."Ang Sabi ng matandang aswang na si waldo. "Wahahahaha..sabik na sabik Ako ngayon sa atay,Lalo na't kabilogan ng buwan!!"halakhak pa ni Anastasia. " kaya nga madam..pumili kana..."Ani Lolo Waldo. "Teka,may nararamdaman Ako!" Sabi pa ni Anastasia. "Ha?? Anong nararamdaman mo madam??" Tanong ni Lolo Waldo. "May mga kaaway sa labas!! May kakayahan Ako upang Malaman kung may kaaway ba o Wala!" Sabi ni Anastasia na mas ginalingan Ang pag- akting. "Ano!?? Baka mga kasamahan Yan ng binatang Bihag na si Alexander!!" "Awwwwooooohhhhhhhhhhhh!!!!!!!!attack !! May mga kaaway sa labas!!" Sigaw pang pag- alulong at pag- uungol ni Anastasia bilang go signal din sa kanyang mga Kasama sa labas! Nagkakandarapa nga Ang lahat ng aswang sa loob ng hide out pati na si Lolo Waldo! Nawala ang mga bantay sa labas ng pintuan ng mga Bihag dahil lumabas Ang mga ito! Kaya mabilis namang pinalabas agad ni Anastasia Ang lahat ng Bihag sa loob ng kuwarto. "Ssshhh..si Anastasia to,Hindi to aswang..Hali na kayo lumabas na Tayong lahat dito! Nasa labas Ang lahat ng mga aswang at nakikipaglaban kina gandara .." mahinang wika ni Anastasia sa mga Bihag. "Hindi nga Ako nagkamali,Ikaw talaga ito Anastasia..." Sabi pa ni Mang Lauro. "Ate Anastasia,kaw Pala Yan.." Sabi Naman Nina pepoy at Tala. "Oo Ako to,kaya bilisan niyo..si Alexander,tatanggalan pa natin Siya ng Tali.." tugon ni Anastasia. "Ang aKing anak.." Sabi pa ni Mang Lauro. "Salamat,salamat..." Umiiyak na tugon ng magkasintahang kapwa naks underwear lamang. "Bilis..lalabas na Tayo agad.." Sabi Naman Nina aling Ester at Mang Dario. Lumabas nga Ang lahat ng Bihag habang sina Gandara,kaloy at Mang Pedong ay nakikipaglaban sa mga aswang sa labas! Mabilis nilang tinanggalan ng Tali si Alexander ngunit laking gulat nilang lahat nang biglang dumating at bumalik si wenona kaya mangha si wenona nang makitang nakalabas lahat ng mga Bihag! Hindi Naman Sila nag- aksaya ng panahon pinagtulongan nila si wenona nang biglang magpalit ito ng anyo at pumangit sa harap nila! Sa Dami nila ay walang kalaban- laban si wenona,nawalan ito ng Malay at bumagsak sa sahig dahil sa sunod sunod na paghampas na ginawa nila rito! Nang matanggalan na nila si Alexander ay nagmamadali silang lumabas upang tulongan sina Gandara,kaloy at Mang Pedong sa pakikipagsagupaan sa mga aswang! Ibinigay ni Alexander sa ama Ang Isang baril sa kanyang bulsa sa jacket.hindi na Siya takot na babarilin Ang mga ito dahil malayo na Ang mga aswang at di na Sila nito maririnig pag magpapaputok.kung marinig man nila sakali ay Hindi ng mga ito iisiping sa hide out Pala nagmula Ang mga putok ng baril! Sina Mang Dario at aling ester naman ay may napulot Silang dalawang mahabang bastoon sa loob ng hide out kaya iyon ang bitbit nila.at sina aling bebang at Ang dalawang anak ay dumistansiya lang Sila at nagtago sa labas ng mga dahon ng makakapal na mga halaman sa paligid ng hide out! ganoon din Ang magkasintahang naka underwear lamang nagtatago lang fin at sumusuot ang mga ito sa mga halamang damo! Paglabas nilang lahat ay nanlaki Ang mga mata ng mga aswang at Galit na Galit Ang mga ito! "Na budol Tayo Lolo Waldo!!" Gulat na Sabi pa ng Isang aswang nang makitang nakalabas Ang mga bihag Kasama si anastasia. Humihingal na lumapit si kaloy Kay Anastasia at Ibinigay Ang armas nitong sanggot.habang sina Gandara at Mang Pedong ay patuloy na nakikipaglaban sa mga aswang!! Susunggaban sana ng mga aswang si Anastasia dahil sa Galit ng mga ito ngunit sabay na pinagbabaril Nina Alexander at Mang Lauro Ang tatlong aswang na puntirya Kay Anastasia at sina ester at Dario ay tumulong din Ang mga ito.hinampas ng mag-asawa Ang dalawang aswang na nakalaban ni Gandara! Nahahapo at humihingal nasa pagod si Gandara!! Ganoon din si kaloy,napapagod na rin ito dahil sa mahigit sampong aswang Ang umaatake sa kanila,mabuti nalang at dumating at nakalabas na sina Mang Lauro at Alexander,pati na sina Dario at ester kaya natulongan Sila sa pakikipag- away sa mga aswang!! Sa sobrang sampong aswang na nakalaban nila ay apat Ang natamaan sa baril Nina Alexander at Mang lauro.at dalawAng aswang Naman Ang pinatutulongan Nina aling ester,Mang Dario at gandara.at DalawA din Ang napatumba nina kaloy at Anastasia at isa Naman Kay Mang pedong.at Ang mga tatlong natitirang aswang ay bigla nalang nawala ang mga ito! "Nawawala Sila!!" Sigaw pa ni Gandara. " umatras Sila dahil Hindi nila Tayo kaya,parang Tatlo na lang Yata Silang natitira!" Sagot Naman ni Mang Pedong. "Ano pang hinihintay natin? Eeskapo na Tayong lahat dito!" Sabi Naman ni Mang Lauro. Lumabas at lumapit Naman sina aling bebang,tala at pepoy sa kanila pati na Ang magkasintahan.nang makitang kumpleto na Sila ay mabilis Silang umalis.inakba ni kaloy si pepoy dahil mahirap Ang daang tatahakin nila paibaba ng bundok! Masaya na sana Silang lahat papaalis ngunit namangha Sila dahil biglang nagdilim Ang langit at natatabunan Ang liwanag na buwan sa kalangitan! Maitim at makakapal na mga anino sa mga himpapawid Ang nakikita nila nang sila'y tumingala. "Ano Yan!??" Gulat na tanong ni Anastasia. "Hehehehehe!!! Hindi kayo makakatakas lahat!! Dumating na Ang mga bisitang aswang Mula sa ibang Lugar..!!!" Sigaw ng isa sa mga natitirang aswang sa hide out at boses iyon ng matandang aswang na si Lolo Waldo. At Kasunod Ay ang malakas na pag- iingay ng sari- saring Huni ng Maraming aswang sa himpapawid!! "Ang Dami nila !!" Gulat na sambit ni Alexander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD