"Salamat Anastasia,kailangang magmadali Tayo baka maabutan Tayo ng mga bisita nilang aswang at Ang Isang special nilang bisita ..narinig natin kanina ang pagpupulong nila sa labas, nabanggit nilang Isang donyang aswang Ang darating..kaya dapat Donya din Ang dating mo Anastasia.." Sabi ni Gandara.
"Ehh paano maging Donya tingnan si Anastasia??" Wika Naman ni Mang Pedong.
"Oo nga.. mahihirapan si Anastasia,dahil Hindi Naman desente yang suot niya..tingnan niyo nga naka pajama lang Siya at naka t-shirt.." Sabi Naman ni kaloy.
"Baka mabulilyaso pa Tayo Gandara.." Saad din ni Anastasia.
"Sandali.." Ani Gandara at tiningnan Ang sariling suot.
"Itong suot Kong bestidang kulay itim,pwedi na to,magpalit Muna Tayo ng damit.at itong hikaw ko ay isusuot mo rin ito..pati Ang kuwentas ko Anastasia..para lang maging bagay ka ding tingnan..at i Pony natin Ang buhok mo paibabaw..bahala na at walang make- up,matatawag kana nilang Isang simpleng Donya.." Suhistiyon ni Gandara.
"Oh Sige Gandara..Sige,magpalit Muna Tayo ng damit.." sang-ayon ni Anastasia.
"Teka,Teka..baka mahawaan ka sa kilikli power ni Anastasia Gandara? Kawawa ka Naman.." Sabi pa ni kaloy.
"Pwedi ba kaloy? Ako nalang lagi Ang nakikita mo ha? Ano bang gusto mo?" Galit na SITA ni Anastasia.
"Sorry na..parang di kana nasanay pa sa akin.." Natatawa lang na tugon ni kaloy.
"Ssshhh...Ang boses niyo ,medyo pakihinaan.." Saway ni Gandara.
Tumalikod sina Kaloy at Mang Pedong para makakapagbihis at makapagpalit ng damit sina Anastasia at Gandara.Kinuha Naman ni Gandara Ang kanyang hikaw at Ang kanyang kuwentas na may agimat at ipinasuot iyon Kay Anastasia.
"Wow,Bagay nga Sayo Anastasia,Tingnan niyo si Anastasia Mang Pedong ,kaloy,.ayos Diba??" Tanong ni Gandara.
"Haha,okay na okay..bagay nga Sayo Anastasia Ang kulay itim na bestida ni Gandara.talagang aswang nga Ang dating mo.." Sabi Naman ni kaloy.
"Nakakabuwisit Naman Ang kaloy na to.." nanlaki ang mga mata na wika ni Anastasiang tiningnan si kaloy.
"Tama si kaloy Anastasia,bagay nga at mapapaniwalaan kang bisita talaga nila..at malaking tulong ito sa atin kaya huwag kang magalit,.." Seryoso namang wika ni Mang Pedong.
"Ang buhok mo nalang Anastasia,sandali at aayusin ko Ang buhok mo.." Ani Gandara.
Nang makapaghanda na si Anastasia at naiayos na Ang buhok nito ay natuwa si Gandara sa nakitang ayos ni Anastasia.
"Sige na.. Anastasia,tumatakbo Ang Oras at baka maabutan Tayo ng mga bisitang aswang nila. huminga ka Muna ng malalim bago humakbang patungo sa hide out,at kailangang gagamitin mo ang lahat na iyong kakayahan sa pag- akting..upang mapapaniwala Sila.kung magigipit ka ay puwedi mong gamitin Ang kuwentas kong panlaban tandaan mo,landa Ang pangalan ng kunway kaibigan mo..at kapag nasa kuwarto kana ng mga Bihag ay Bigyan mo kami ng go signal upang makaghanda kami,umalulong ka ng malakas at sabihing may mga kaaway sa labas! Upang magkakandarapa palabas Ang mga ASWANG at pag lalabas Silang lahat ay iyon na Ang pagkakataong palabasin mo na rin ang mga Bihag sa kuwarto kung saan Sila nakakulong..habang nakikipaglaban Naman kami sa labas ng mga aswang!" Sabi ni Gandara.
"Ang Ganda ng Plano. Galingan mo Anastasia ha dapat kalmado ka.." Sabay pang Sabi Nina kaloy at Mang Pedong.
"Oh Sige,Sige..kaya ko to.."Ani Anastasia at tinibayan Ang loob sa gagampanang papel bilang special na bisita ng mga aswang.
Gayun paman ay di maiiwasang aatakehin ng kaba si Anastasia habang humahakbang na Siya patungo sa hide out ng mga aswang! Ilang beses siyang napalunok ng laway dahil sa sobrang tensiyong nararamdaman.
SA HIdE OUT Naman ng mga aswang ay nanatiling nakagapos si Alexander at Hindi ito ikinulong sa Kuwarto ng mga bihag.panay Ang tingin ni Lolo Waldo sa orasan na nakasabit sa dingding.naroon din si Wenona sa tabi ni Alexander at Hindi ito lumalayo.
"Mag- aalas Nuebe na at Hindi pa dumating Ang special na bisita ng iyong tita Landa Wenona..pati na Ang mga bisitang nagmumula sa ibang Lugar..Hindi parin dumarating.." Saad ni Lolo Waldo.
"Sabi ni Tita kung Hindi mga alas otso darating Ang kanyang bisita ay mga nasa alas Nuebe pa ito darating Lo,baka mga lampas alas Nuebe pa nga Ang pagdating nito pati na rin Ang Maraming bisita natin na nagmumula sa Iba' t ibang Lugar.." Sagot ni Wenona.
"Kahapon pa akong excited apo sa special na donyang bisita ng iyong tita..sana magugustuhan niya Ako at siya'y aKing mapapangasawa .." nakangisi pang wika ni Lolo Waldo.
"Ako nga Lo,umaasa po aKong mahalin ulit nitong si Alexander..dahil kung Hindi,.mapipilitan akong kakatayin nalang Siya.kung hindi ko Siya maangkin..Hindi rin pweding maangkin Siya ng iba..kaya dudukutin ko nalang Ang atay at puso niya upang kakainin ko ito .hahaha.." halakhak pa ni wenona.
"Hindi kayo magtatagumpay sa mga kasamaan niyo!" Galit na Saad ni Alexander.
"Masama na kung masama Alexander,.Hindi Ako magkaganito Kung Hindi mo Ako pinapaasa at pati katawan ko ay naangkin mo na kaya Dapat magbabayad ka sa lahat Kapag Hindi mo Ako pakasalan.Buhay mo ang maging kabayaran sa panloloko mo sa akin!"Galit pang tugon ni wenona.
" Dapat lang na magbabayad kayo dahil sa Anim na kasamahan naming pinat*y niyo! Alam naming magagalit Ang mga pamilya ng aming kasamahan dahil sa pagkamatay ng kanilang pamilya kaya humanda kayong lahat sa Galit nila!" Ani lolo waldo.
Ngunit biglang natahimik Ang pag- uusap nila nang may mahinang kumatok sa pintuan ng kanilang hide out.
"Lo,sino kaya Yan??" Tanong ni wenona.
"Baka iyan na Ang bisitang hinihintay natin !" Ani lolo waldo at excited na tinungo Ang pintuan at binuksan iyon.
"Good evening!! Ito ba Ang Sinasabing hide out ng aKing kaibigang si Landa? Hahaha.ako nga Pala ang kanyang bisita!" Nakapamaywang na wika ni Anastasia.
Na shocked Ang matandang si Lolo Waldo at ikinurap kurap nito ang mga mata habang nakatitig Kay Anastasia at kinilatis nito si Anastasia Mula ulo Hanggang paa.nanlaki Naman Ang mga mata ni Alexander nang Makilala si anastasia.nagsilapitan Naman Ang ibang mga aswang nang marinig Ang pagdating ng special na bisita.
"I- Ikaw Ang kaibigan ng aKing anak na si Landa??Ang donyang aswang niyang kaibigan??" Di makapaniwalang Tanong pa ni Lolo Waldo.
Grabe Ang kabang naramdaman ni Anastasia pero Hindi Siya nagpapadala at mas Lalo pa niyang ginalingan Ang pag- akting.
"Ahehehehe!!! Aba' y Ako nga guwapong matanda! nagugustuhan ko Ang hide out niyong ito! Ang galing niyo! At super duper excited na aKong makatikim ng preskang atay,wahahaha!!" Sabi pa ni Anastasia.
"Pasok ka.." àni Lolo Waldo.
at nakapamaywang parin si Anastasia habang palakad- lakad ito.Lahat ng aswang na naroroon ay nakatingin Kay Anastasia .bumulong pa ang Isang aswang Kay Lolo Waldo.
"Lolo waldo,nandito na talaga Ang hinihintay mong magiging asawa,Isang napakagandang dilag Ang donyang bisitang ito.." Napangising Sabi pa ng kàsamang aswang Kay Lolo Waldo.
Siniko Naman ni Lolo Waldo Ang Isang Kasamang aswang.
"Huwag kang magbiro ng masama,baka Magalit Ang bisita natin..mukhang Hindi Siya mapagpatawad..at mukhang masama kung magalit Ang special na bisitang ito.." Sabi pa ni Lolo Waldo na matiim na tiningnan si Anastasia.
"Bakit kayo tahimik?? May nasabi ba akong mali?? Hindi niyo lang ba Ako e we- welcome..??" Nagsalpukan Ang kilay na tanong pa ni Anastasia.
"Ahhh..Hindi Naman madam,nabigla lang Kasi kami sa pagdating mo . welcome na welcome ka dito!" Sigaw pa ni Lolo Waldo.
At sumunod Naman Ang ibang mga aswang sa pagsigaw upang e welcome Ang bisita ganoon din si wenona.
"Welcome madam!! At magandang Gabi Sayo! " Naghiyawan pang sabay sabay na sigaw ng mga aswang.
Sa kabila ng panganib nila ay Hindi napigilan ni Alexander Ang matawa ng lihim nang makitang si Anastasia Ang dumating at nagpanggap na special na bisita.napadako Naman Ang mga tingin ni Anastasia sa kinaroroonan ni Alexander at pakending- kending pang lumapit si Anastasia Kay Alexander habang nanonood lang Ang mga ASWANG.
"Ang sarap ng lalaking to kakainin! Akin lang ang mga lamang loob ng guwapong lalaking ito!" Sabi pa ni Anastasia Kay Alexander.