YUGTO 30

1293 Words
Gustong sumigaw sina Gandara sa nakitang pagtangay Kay Alexander ngunit nagpipigil lamang Silang lahat para di Sila maririnig ng mga aswang! " Gandara,si pareng Alexander,nabihag ng Isang aswang.." nanlaki ang mga matang mahinang wika ni kaloy Kay Gandara. "Anong gagawin natin..?? Nadagdagan na Naman Ang ililigtas natin,nabihag din si Alexander ng aswang.." Mahinang pagkakasalita na ayon din ni Mang Pedong. Kapwa Kasi Sila nakikipaglaban sa mga aswang kaya Hindi nila natulongan si Alexander! "Jusko gandara,kawawa Naman Ang pogi Xander natin..kailangang mailigtas natin Siya.." wika din ni Anastasia. "Mailigtas natin Siya,Hindi Ako papayag na Hindi mailigtas si Alexander.." Galit at matigas Ang salitang wika ni Gandara "Bilisan natin,aalis Tayo dito at lilipat Tayo sa unahan ...huwag tayong manatili rito dahil tiyak Kong babalikan Tayo ng mga aswang na nasa hide out..dahil maibalita ng Isang aswang na tumangay Kay Alexander na nandito Tayo,kaya nanganganib Tayo rito.." wika ni Gandara. Mabilis namang kumilos Ang lahat upang makaalis sa kanilang kinaroroonan.mas Lalong nadagdagan Ang kanilang tapang at determinasyon na makikipaglaban sa mga aswang dahil sa pagtangay Kay Alexander! Hindi nga Sila nagkamali,pagkaalis nila roon ay dumating Ang mga ASWANG mula sa hide out ngunit Hindi na Sila nakita ng mga ito! Naririnig nila Ang pag- uungol ng mga ito dahil sa Galit nang makitang namatay Ang Anim na aswang na kasamahan nito! May natagpuan Naman Silang malalaking mga bato sa kabilang side ng tuktok ng bundok na iyon at may napansin din Silang malaking butas sa tabi ng gilid nito kaya tinanglawan nila ito sa dalang flashlight,Hindi Kasi kaya Ang liwanag ng buwan upang maaaninag nila Ang loob ng butas na iyon.kapwa pa Sila natuwa nang makitang kakasya Sila roon kaya nagmamadali silang sumiksik sa malaking butas ng mga bato dahil narinig nilang nagkakagulo Ang mga ASWANG mula sa hide out at hinahanap Sila ng mga ito! Pagkapasok nilang lahat roon ay sinarhan nila ng mga makakapal na Damo Ang pwerta ng butas kaya tiyak nilang Hindi Sila roon makikita at mapapansin ng mga aswang! Samantalang humalakhak ng humalakhak Naman si wenona nang makitang si Alexander Ang bagong bihag nila! Nakagapos ito sa Tali at Hindi pa nila ito ipinasok sa kuwarto ng mga Bihag dahil iyon ang gusto ni wenona. "Alexander,mahal ko! Salamat Naman at nakuha ka ng Isang Kasama Namin..alam mo bang miss na miss na kita mahal ko??" Malambing na wika ni wenona. tatlong aswang na lang ang naiwan sa hide out dahil hinahanap ng mga kasamahan Ang mga Kasama ni Alexander. "Kung talagang mahal mo Ako,bakit niyo ito ginawa sa amin..??" Galit na tanong ni Alexander Kay wenona. "Dahil Hindi niyo kami matatanggap ng daddy mo.. Alexander! Minahal pa Naman kita ng sobra,kung mahalin mo lang sana Ako ng tapat at magsasama Tayo Hanggang sa dulo ng Buhay natin..ay Hindi sana ito mangyayari sainyong mag- ama!!" Galit ding sigaw ni wenona. "Mamahalin Kita wenona at pakasalan Basta pakawalan mo kaming lahat na bihag dito!" Wika pa ni Alexander. "Hahahaha!!" Halakhak ni wenona. "Anong Akala mo sa akin..?? Uto- uto? Hindi Ako ganoon Xander!! Maaaring Hindi ka masasali sa pagkatay dahil mahal na mahal kita Xander,.pero Ang mga Bihag namin sa loob ng kuwarto Kasama Ang iyong ama ay nakatakda nang kakatayin mamayang alas dose! Kulang pa nga eh,kaya hayun..hinahanap ng mga Kasama namin Ang mga Kasama mo..upang idagdag ngayong alas dose..! Ang lakas ng loob niyong lumusob dito sa aming hide out!?" Sabi pa ni wenona. Alas otso nalang ng Gabi ay Hindi nahagilap ng mga aswang sina Gandara kaya Galit na Galit Ang mga itong bumalik nalang sa hide out. "Lolo Waldo,kumusta po Ang paghahanap niyo..?" Tanong pa ni wenona. "Nagsasayang lang kami ng Oras! Wala kaming nakikita sa paligid ng tuktok ng bundok na ito!" Sagot ng matandang aswang na Lolo ni wenona. "Hindi niyo Sila mahahanap! " Galit na sabad ni Alexander. "Anong Sabi mo?? Gusto mo bang lalantakan ko na ngayon din ang mga lamang loob mo ha?!"mulagat pa Ang mga matang wika ni Lolo Waldo Kay Alexander. "Huwag po Lolo! Mahal ko po Siya,Siya po Ang Kasintahan ko Lolo,umaasa parin po aKong matanggap niya Ako at mamahalin ng tunay.." Sabi pa ni wenona. "Ano!? Siya ba si Alexander!? Ang anak ni Lauro!?" Tanong pa ni Lolo Waldo. "Opo Lolo.." Sagot Naman ni wenona. "Pasalamat ka ha! At mahal ka ng aKing apo!" Sabi pa ng matandang aswang. "Kung Hindi pa sana nakaalis Ang Maraming kasamahan natin ay natitiyak Kong nahuli din Ang mga Kasama ng lalaking ito! Saan pa kaya aabot sa pangangaswang Ang mga yun, samantalang..nandito lang sa Palagid Ang pang dagdag sana! Kaya lang ,Ang bilis nakatakas,nawawala agad ang mga kasamahan ng binatang Yan!" Mahabang dagdag na pagmamaktol ng matandang aswang. "Sayang nga Lo,nakaalis na sila." Sagot Naman ni wenona. At Ang nakatangay Naman at nakahuli Kay Alexander ay muling umalis ito upang muling mangaswang kunti lang Naman Ang sugat nito.mas Lalo itong ginanahan dahil nakahuli ito Kay Alexander. Lumipas pa ang kalahating Oras.alas otso y media na ng gabi. "Lolo waldo Diba ito Ang Oras na darating Ang mga ASWANG na bisita?" Tanong ni wenona. "Ay oo,alas otso na,maliban sa maraming bisita nating aswang ngayon Mula sa ibang Lugar..ay may Isang special na bisita Tayo ngayong darating! Baka nga maya- Maya ay narito na iyon..Wala pa Naman si Landa,kaya Tayo Muna Ang mag welcome ng kanyang special na bisita!" Sabi ng matandang aswang. Ang di alam ng mga aswang na nasa malapit na sina Gandara,kaloy,Mang Pedong at Anastasia sa hide out.dahan dahang gumapang Ang mga ito sa Likud ng mga mayayabong na mga dahong halaman malapit sa hide out kaya dinig na dinig nila Ang pag- uusap ng mga aswang. "Nakita mo na ba Ang Kaibigan ni Tita Landa Lolo?" Tanong ni Wenona. "Hindi pa.. excited nga Ako apo..gusto Kong makita Ang kaibigan ng tita mo,.at papipiliin ko agad Siya isa sa mga Bihag sa loob ng kuwarto para special na Ibigay ito sa kanya.." Sabi pa ni Lolo Waldo. Sumenyas Naman si Gandara sa mga Kasama na babalik Sila sa unahan dahil may naiisip itong plano.dahan dahan namang muling gumapang Sila pabalik.kapwa pa Sila nahahapo nang makarating na Sila distansiya sa hide out. "Grabe,halos di Ako makahinga sa ginagawa natin.." Sabi pa ni kaloy. "Makinig kayo,kunti lang ang mga ASWANG sa loob ng hide out mga nasa sampong aswang lang Sila..kaya kailangang makahanap Tayo ng paraan kung paano Ang isa sa atin makakapasok sa loob.." wika pa ni Gandara. "Ano?? Idi Patay Ang Isa sa atin..kung papasok sa loob.." Sabi pa ni Anastasia. "Mahirap Ang sinasabi mo gandara,.." Sabad din ni Mang Pedong. "Hindi ito mahirap,kailangan lang ng tamang acting Ang kung sino Mang papasok sa loob.ikaw Ang nakita Ko Anastasia at may tiwala Ako Sayong kakayahan .magpanggap ka na Ikaw Ang special na bisitang dumating..Hindi ka Naman Kilala ni wenona Hindi ba??" Wika ni gandara. Nanlaki Ang mga mata ni Anastasia. "Ano?? Ako?? Patay Tayo diyan.." gulat na Sagot ni Anastasia. "Anastasia,nandito lang kami sa paligid.kaya huwag kang matakot, dapat determinasyon at katapangan Ang ipapairal natin ngayon upang mailigtas natin Ang mga Bihag..Ikaw Ang nakita Kong pweding magpanggap na special na bisitang aswang..at bubuksan mo ang kuwarto ng mga Bihag at pag makalabas Sila ay pwedi na silang makakatulong sa atin sa pag Talo ng mga naiiwang aswang diyan sa hide out nila.." Ani gandara. "Tama Anastasia,galingan mo lang pag akting..Ikaw pa..magaling ka ata sa ganyan..at pati Mukha mo ay pweding pwedi rin.." Natatawang wika ni kaloy. Kinurot ni Anastasia si kaloy. "Sige na Anastasia..bilisan natin..Marami na Tayong Kasama kapag makakalabas Ang mga ikinulong nilang mga Bihag..dahil makakatulong din Sila sa pag- ubos ng mga aswang na naiiwan diyan sa hide out.." Sabi Naman ni Mang Pedong. "Bakit Ako?? Huhuhu,pero Sige na nga.. Tama ka gandara,kailangang maging matapang Tayo.." sabi Naman ni Anastasia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD