YUGTO 29

1312 Words
Dahil sa malakas na pagsaksak ni kaloy sa bahaging dibdib ng matandang aswang ay Tumagos Ang mahaba at matalim na espada ni kaloy sa Likud ng aswang kaya dahilan ng agarang pagkamatay nito.napamulagat nalang kapwa Ang mga mata Nina Gandara at Anastasia sa kanilang nakikita sa kinaroroonan Nina Alexander at kaloy ganoon din si Mang Pedong na nanatiling nakasiksik parin sa kinaroroonan nito. Kinabahan silang lahat sa pagsigaw ni kaloy dahil kadadaan palang ng napakaraming aswang sa kanilang kinalalagyan baka babalik Ang ilan sa mga ito at aatake Ang mga ito sa kanila. Hindi Naman Sila nagkamali,dulot ng sinag ng bilog na buwan ay kitang kita nilang Lima Ang pagbabalik ng pitong aswang papunta sa kanilang kinaroroonan! "Ito na Ang hinihintay nating pakikipaglaban sa mga aswang,kailangang tahimik lang tayong makikipag-away sa kanila baka marinig pa ng ibang kasamahan nila at pagtutulongan tayong Lima.." Mahinang wika ni Gandara kina Alexander,kaloy,Mang Pedong at Anastasia. Isa-isa nilang hinanda Ang mga dalang Sandatang bitbit! At Magkasabay na Sinunggaban Sila sa pitong aswang na bumalik! At isa isa Silang napapalaban sa mga ito! "Hehehehe!!!" Hagikhik ng mga aswang. Dalawang aswang Ang umatake Kay Mang pedong kaya mabilis namang kumilos Ang tatay ni kaloy at pinagtataga Ang dalawang aswang ,natamaan Naman Ang dalawang aswang ngunit Ang isa ay daplis lamang kaya muling sinunggaban si Mang Pedong at mahigpit itong sinakal ng aswang sa leeg kaya dahilan upang bumaon Ang mga kuko ng aswang sa leeg ng tatay ni kaloy! Buong lakas namang muling tinadtad nito ang gilid ng aswang kaya nabitawan ng aswang Ang tatay ni kaloy dahil sa sobrang sakit! Subalit Ang Isang aswang na may Malubhang sugat ay muling sumugod Kay Mang pedong kaya ito Naman ang hinarap ng tatay ni kaloy para tuloyang tatalunin Ang aswang na ito! At si Gandara Naman ay Isang aswang na tiktik ang umatake rito! Dahil sa gulat ni Gandara na puntirya sa kanya Ang malaking Aswang na tiktik ay agarang naihagis niya ang hawak na hunting knife rito! "Arrrgggghhh.!!" Hiyaw ng tiktik sa Galit at sa sakit nang matamaan ito sa hunting knife na inihagis ni gandara kaya bumaon iyon sa tiyan ng aswang na lalaki! Napaatras si gandara nang makitang walang kahirap- hirap na binunot lang ng aswang na ito Ang bumaong hunting knife sa tiyan nito at sa tulong ng liwanag ng buwan ay kitang kita niya ang matalim na mga mata nitong nakatingin sa kanya at ang naglalaway na bibig nito! "Jusko..tulongan niyo po kami.." usal ni gandara. At Sa Isang iglap ay mabilis Siya nitong Sinunggaban at mahigpit na Hinakos! "Ahhhgg.." impit na sambit ni gandara nang walang kahirap- hirap na Hinakos Siya ng aswang at unti- unti Silang lumutang sa ere! "Hehehe..pangdagdag ka sa kakatatayin ngayong Gabi!" Wika ng pangit na boses ng aswang na bumulong sa kanyang tainga. Buong lakas na nagpipiglas si gandara upang makawala sa pagtangay sa kanya ng aswang! Natataranta Siya nang makitang unti- unti na talaga Silang pumaibabaw,tatangayin na talaga Siya ng aswang na lalaki! Mabuti nalang at Naisipan niya ang kanyang kuwentas na may anting- anting,pilit niyang hinuklas iyon sa leeg at inihampas sa katawan ng aswang na lalaki! "Ahhhhhgh!!!" Hiyaw ng aswang kasabay na pagbitaw nito Kay gandara. Nahulog Naman at bumagsak si gandara sa mga damuhan Mula sa mga Kamay ng aswang na lalaki dahil Sa sobrang hapdi dulot ng kuwentas na inihampas niya sa aswang! parang nasunog naman Ang bahagi ng katawan ng aswang na natamaan ng kuwentas ni gandara kaya mabilis na lumayo ito dahil sa labis na sakit at hapding dinaramdam nito! Nasa kamay lang niya ang kuwentas at mahigpit niyang hinahawakan iyon! Si kaloy Naman ay Isang malaking Aswang na babae Ang susugod sana rito! Nag- ala panday pang pomorma si kaloy at iwinasiwas Ang dalang espada sa harap ng aswang! Gigil namang napaatras at nakatingin Ang aswang sa Mukha ni kaloy,lumipad Ang aswang sa ibabaw ni kaloy ,mabilis namang kumilos si kaloy at Siya Naman ang napaatras sabay tumingala sa aswang sa ibabaw! Inatake Siya ng aswang at hinila ang maiksing buhok ni kaloy. "Ahhh.."impit na sambit ni kaloy dahil hinila ng aswang Ang kanyang buhok paibabaw kaya napaangat Siya Mula sa lupang kinatatayuan. "Wakk!! Wakk! Wakk!!" Matapang pang huni ng aswang na mahigpit na hinawakan Ang maiksing buhok ni kaloy. Sinikap din ni kaloy na maabot ng kanyang hawak na espada Ang aswang sa ibabaw.sa ilang beses niyang pagsaksak nito sa ibabaw ay Isang beses lang niya itong natamaan dahil masyadong madulas Ang galaw ng aswang na ito! At patuloy paring hinawakan Ang kanyang buhok kaya muli niyang sinaksak ito ng espada baka sakaling matamaan niya itong muli! "Aaghhhhrr..!" Hiyaw ng aswang at nabitawan si kaloy! Kaya katulad Kay gandara ay bumagsak din ito sa mga makakapal na damuhan! Galit na muling sinunggaban si kaloy ng aswang habang siya'y nakatihaya sa mga damuhan Mula sa pagkakahulog kaya mabilis Naman Ang mga kilos niyang sinalubong ng kanyang hawak na espada Ang aswang kaya natuhog ito sa kanyang matalim na espada! Nanlaki Ang mata ng aswang at unti-unting nanlumo ang buong katawan at bumagsak sa mga damuhan! Samantalang Si Anastasia Naman ay gulat na gulat din ito nang ito' y susunggaban ng Isang aswang! Isang dalagang aswang Ang umatake Kay Anastasia.nakikipagpuwersahan si Anastasia sa aswang na ito! "Kweek!! Kweekk!! Kweekk!!" Huni pa ng aswang na dalaga at mahigpit na Hinakos si Anastasia mula sa likuran! "Bitawan mo Ako aswang! Akala mo siguro Hindi kita kaya?? Humanda ka.." Nag galit galitan pang wika ni Anastasia kahit Ang totoo'y nanginginig na ito sa sobrang takot sa aswang na humakos rito! "Hehehehe!!" Hagikhik pa ng aswang. Pilit na kinalas ni Anastasia Ang mahigpit na pagkakayapos ng aswang sa kanyang likud at bumaon pa roon Ang mga matatalas na kuko ng aswang,mabuti nalang at maliit lang ito na uri ng aswang kaya nalabanan ni Anastasia Ang lakas nito at unti-unti nakalas ni Anastasia Ang mga braso ng aswang na yumapos sa kanya.balak niyang humarap sa aswang upang hagisan ng asin Ang Mukha nito at pagkatapos ay pupugutan niya ito ng ulo sa hawak niyang matalim na sanggot! Pagharap ni Anastasia ay sobrang nagulat si Anastasia sa pangit ng Mukha ng aswang at ganoon din Ang aswang na dalaga! Napatili din ito nang Makita ang matapang at Galit na Mukha ni Anastasia! Sobrang nagulat din Ang aswang na dalaga sa hitsura ng bibiktimahin niya,Hindi Kasi nito aakaling ganoon Pala ang Mukha ng biktimahin nito! "Ang kapal ng Mukha mo,Ikaw pa ngayon Ang matakot sa akin aswang ka,ha!?" Sabi pa ni Anastasia at sinabuyan ng asin Ang Mukha ng aswang. Napatili Ang aswang kaya sinundan agad ng pagtadtad ni Anastasia sa leeg nito kaya lang ay Hindi leeg ng aswang Ang natamaan kundi ang balikat nito.napahiyaw Ang aswang at mabilis na lumayo Kay Anastasia pero Ang sugat na tinamo nito ay siguradong Hindi na ito mabubuhay pa! Ang Kay Alexander Naman ay katulad din Kay Mang pedong,dalawang aswang Ang umaatake rito! Hindi ginamit ni Alexander Ang kanyang baril dahil tiyak na babalik Ang Maraming aswang na dumaan kapag may marinig na putok ng baril at pati na Ang nasa hide out na mga ASWANG na naiiwan ay tiyak na lulusob din Ang mga ito sa kanilang kinaroroonan! mabuti na nga lang at pitong aswang lamang Ang bumalik at nakarinig sa kanila!. Maliban sa kanyang baril sa jacket ay may hawak Naman siyang Mahabang kotselyo kaya bawat Isa sa dalawang aswang na umaatake sa kanya ay pinagsasaksak niya Ang mga ito! Humarap sa kanya Ang Isang aswang at Hindi iniinda nito ang pagsaksak niya rito! Talagang sinikap at sinakal Siya ng mahigpit nito sa leeg! Walang sawang paulit ulit Naman niyang sinaksak ang aswang na ito! Hangga't sa nanghihina din ito dahil sa tinamong mga sugat! Pero Ang Isang aswang Naman ay sinunggaban din Siya sa kanyang likod ! At Walang kahirap- hirap na inilipad Siya nito sa ibabaw!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD