Kithin
Kuya Martin’s eyes were full of amusement while he’s looking at me intently. Nangingiti pa siya na minsan ay napapahalakhak.
“You looked like Kuya Alfie!” natatawa niyang sinabi habang nasa living room kami.
Doon niya na napiling hintayin si Kuya Apollo. Nag-aayos pa kasi siya para sa biyahe nila so he decided to bond with us for a while.
“Let me guess? You’re…15? 16?” aniya.
I chuckled and nodded. “15!”
Tumangu-tango siya. Hindi pa rin mawala ang mga ngiti niya habang nakikipagkwentuhan siya sa amin.
“Bata pa ako nang una kitang makita.” Naiiling na siya ngayon. “Ang laki mo na ngayon.”
Ipinakilala ko rin sa kanya ang mga kasama ko sa living room. Sila Mona at Austin. They greeted him politely. Sandali silang nagkamustahan bago niya ibinalik ang atensyon sa akin.
I smiled. Hindi pa rin ako makapaniwala sa paraan ng pagtrato niya sa akin. All I thought, they don’t want to meet us because we’re the children of their father from another woman. We’re the fruits of an illicit love affair, the reason why their mother lived in pain and sorrow.
But, no. This is my first time to meet Kuya Martin but he didn’t let me feel that…I’m different from them. Iniisip ko pa lang noon na ma makaharap ako kahit isa sa kanila, parang gusto ko nang magtago na lamang sa likod ni Kuya Apollo dahil sa tingin ko’y hindi ko kakayanin ang presensya nilang tatlo. I can vividly imagine myself, so shy, hiding on my shell like a turtle.
With Kuya Martin, he treated me like his real…sibling.
“Akala ko ba sa airport na lang tayo magkikita?” narinig namin ang boses ni Kuya Apollo sa hagdan.
Pababa na siya roon, nauna ang driver sa kanya ng ilang hakbang para ibaba ang maleta niya. Tulad ni Kuya Martin, naka-corporate attire rin siya. He’s dashingly handsome. He looked like Daddy during his younger days. I knew because I saw it in the picture.
“It’s alright. I got to see my sister.” Sagot ni Kuya Martin at saka bumaling. “Right?” nakataas ang kilay niya ngayon.
Isinantabi ko na ang hiya ko dahil hindi naman niya ako itinuturing na iba. I nodded merrily and smiled widely at him. Bahagya siyang natawa dahil sa naging tugon ko. He playfully messed up my hair which made me groan a bit in irritation.
Kaso agad kong na-realize na si Kuya Martin pala ito, I stopped myself immediately!
I heard Kuya Apollo’s chuckles and tapped Kuya Martin’s shoulder.
“Oh, no, bro. Never mess her hair up. She doesn’t like it.” Si Kuya Apollo.
Kuya Martin’s lips formed and ‘o’ shape and nodded, kapagkuwa’y ngumisi.
“I’m sorry, dear.” Then pinched my cheeks a bit. Kay Kuya Apollo naman siya ngayon bumaling.
“Nauna na si Andrew si Japan. He’s eager to close the deal to the investors. Kailangan niya rin daw agad bumalik dito sa Pilipinas dahil may aasikasuhin.”
Tumango siya. “Well. Let’s go, then?”
Bumaling silang dalawa sa akin pero si Kuya Apollo ang lumapit. “Be good. I’ll be out for a while. Makinig ka kay Mona.” At saka niya binalingan si Mona na nakaupo sa couch. Nagtagal ang tingin niya sa kasama ko ng ilang segundo bago niya ibinalik ang mga mata sa akin.
“Update me always.” He sternly said.
I pouted and nodded. “Fine.” Tanging sagot ko.
“Masyado mo namang pinaghihigpitan ito.” Agaw ni Kuya Martin sa atensyon ko. “Ano’ng gusto mong pasalubong? I’ll gladly get it for you.”
Nagliwanag ang mukha ko nang marinig kong bibilhan niya ako ng pasalubong! I never went to Japan ever! I heard lots of complimentary things to that place. Kung wala lang akong ibang commitment sa eskwela, baka nagpumilit akong sumama kay Kuya Apollo!
“Don’t start spoiling her! Baka masanay.” Saway niya.
Pero hindi siya niyo pinansin. He only smirked and moved closer to me until he whispered something.
“List it down, dear. I’ll buy it for you.”
Hindi ko mapigilan ang ma-excite! Dumagsa ang iba’t-ibang bagay na gusto kong ipabili. Kuya Apollo’s limiting me with buying stuffs for me because he’s teaching me how to save money. Okay din naman sa akin ‘yon. Hindi naman masama ang loob ko pero knowing someone who can give those things for free, hindi ko mapigilan ang hindi magsaya!
Kahit nang makaalis na sila, hindi mawala ang saya sa puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ito ngayon. Kung tutuusin nga, halos ayawan ko ang pagpapakita kahit isa man lang sa kanila. Tinutulan din iyon ni Kuya Apollo nang makabalik ako rito. Tingin niya’y hindi pa ako handa para roon. He even thought they’ll hate me because of our situation.
Pero hindi siya naging iba kay Kuya Martin. So maybe…he thought, too, that it’s fine if I’ll meet him.
Naging busy kami sa unang araw ng program. Nagkaroon ng parada sa labas ng school grounds. I was the majorette. Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang event na ito. Sa U.S., hindi ko masyadong na-aappreaciate ang mga activities dahil kaunti lang naman kaming naga-aral sa international school na pinapasukan ko. Pero rito sa bagong eskwelahan ko, pakiramdam ko, I became an instant star!
Nao-overwhelm nga ako sa atensyon na ipinapakita nila sa akin.
“Sino ‘yon?” narinig kong bulong ng isang grupo pagkatapos naming mag-disperse sa grounds.
“Christine Villanueva. Transferee daw ‘yan. Ang ganda, ‘no?”
Nag-init ang pisngi ko sa narinig. They’re talking about me. I smirked and continued walking, hindi ko na sila binigyan pa ng pansin. I got other things to do, too. Magpapalit pa ako ng damit dahil masyadong maiksi ang skirt ko. Isa pa, kahit naman nagugustuhan ko ang atensyon na nakukuha ko sa mga tao rito, ayoko naman ‘yong pakiramdam na tinitingnan ako na para bang…sinisilipan.
I wore a high-waisted jeans and a red t-shirt with a lion print, emblem ng team namin. Somehow, nagamit ko rin ang mga pantalon na binili ni Kuya Apollo para sa akin. Ang shirt namin ang magiging uniform namin para sa araw na ito. Sa mga susunod na araw, kahit ano’ng damit na basta kulay pula.
Kylie called me to join their group. Sumama ako sa kanila papunta sa gym para manood ng volleyball. Maingay doon sa loob dahil sa mga cheers ng bawat teams. Naupo kami sa gitnang bahagi ng mga bleachers kung saan naroon din ang ibang teammates namin.
“Kith, Austin’s there! Let’s go!” hila niya sa akin.
Hindi ko na magawang pumalag pa ng hatakin niya ako papunta sa bleachers kung nasaan sila Austin. They were cheering for our team. Red team versus yellow team pala ang kasalukuyang naglalaro.
Maingay sa grupo nila Austin. May hawak pang drums ang isang kasama niya at sa tuwing nakakapuntos ang team namin, hinahampas nila ito ng malakas.
“Austin!” sigaw ni Kylie.
Hindi kami narinig ni Austin pero napansin kami ng isang classmate namin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kami. Medyo nagtaka pa ako kasi kitang-kita ko sa kanya ang gulat. Kinalabit niya si Austin nang hindi inaalis ang tingin sa amin ni Kylie. When he got his attention, lumingon ito sa direksyon kung nasaan siya. Kahit siya, nanlaki ang mga mata nang mahagip niya kami ng tingin.
Agad siyang tumayo at mukhang nagpa-panic. Gusto ko ngang matawa sa itsura niya dahil hindi niya alam kung ano ang uunahing gawin. Kumaway sa kanila si Kylie at habang papalapit kami sa kanila, binakante ng kaibigan niya ang upuan kung saan siya nakaupo kanina.
“Buti na lang, nakita namin kayo rito! Ang daming tao! Grabe!” palatak ng kasama ko.
Bumitaw siya sa akin at ginawang pamaypay ang isa niyang palad na parang naiinitan. Kahit centralized ang aircon sa gym, sa dami ng taong narito, talagang maiinitan ka pa rin.
“Uy paupuin mo!” narinig kong bulong ni Renz kay Austin.
Hindi na hinintay ni Kylie ang imbitasyon nila Austin dahil siya na mismo ang gumiya sa akin para maupo. Austin became quiet when I sat beside him. Napaupo na rin siya nang makaupo na kami kasama ang mga kaibigan ni Kylie. They were already cheering for our volleyball team pero kaming dalawa ni Austin, hindi makalikha ng kahit anong ingay.
Binalot tuloy ng awkwardness ang paligid namin. Naiilang ako pero dahil mas nakakahiya naman kung aalis ako, minabuti kong mag-stay na lang rito hanggang sa matapos ang laro.
“Sorry…” mahinang usal niya nang hindi sinasadyang magtama ang mga tuhod namin.
My lips parted by his sudden reaction. Para siyang napaso nang tumama ang balat ko sa balat niya. Agad niya iyong iniwas sa akin at bahagyang inilayo ang sarili. Though it’s really making me feel uncomfortable, hindi ko iyon pinansin. I didn’t mind it and continued watching the game.
He’s glancing at me once in a while. Napapatingin din ako sa kanya kapag napapansin kong nakatingin siya sa akin. Pero kapag nagtatama ang mga mata namin, agad niya iyong iniiwas.
This can’t be happening. Kung ganito ang mangyayari sa amin hanggang sa dumating ang araw ng event para sa dance sport, I’m pretty sure we won’t perform well.
I took a deep breath before saving all my guts to talk to him. I have to get rid of the awkwardness between us.
Hinawakan ko siya sa kanyang braso na mabilis niyang ikinalingon sa direksyon ko. With his lips parted and a blushing face, he looked at me shyly.
“Let’s talk. Tayong dalawa lang.” I sternly said. Tumayo ako para sumunod na siya sa akin sa labas. “And I don’t take no for an answer.” At saka ako nag-martsa paalis sa bleachers para makalabas sa gym.
I can hear Kylie’s voice calling for me but I shrugged my shoulders and continued walking. Nang makalapit na ako sa entrance ng gym, sumulyap ako sa likuran ko para tingnan si Austin kung sumunod nga ba siya sa akin.
He was there following me, just a few meters from me. Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad.
I know that he likes me. I turned him down and offered him friendship. Kung gusto niyang hindi na kami magpansinan, pwede naman niyang gawin iyon pagkatapos ng event namin.
Can’t he just pretend that we’re cool? Tss.
Lumiko ako sa pasilyo papunta sa classroom namin. Doon walang makakakita sa amin dahil halos lahat ng estudyante ay nasa grounds at nasa gym. Ang iba, tumakas na para mamasyal sa ibang lugar. We can talk here na kaming dalawa lang kung nahihiya man siyang may makakita sa amin.
“Kith, wait!” tawag niya sa akin.
Lumingon ako sa likod. I saw him running away. Pero mula sa kanyang likuran, sa dulo ng pasilyong iyon, napansin kong parang may nagtago sa isang sulok. Lumampas ang tingin ko kay Austin at nadirekta ang mga mata ko roon. Not sure but I saw someone…following us?
Tumaas nga lang ang kilay ko nang makumpirma kong may tao nga roon nang mapansin kong gumalaw ang anino paalis sa sulok na iyon.
Who could it be?