CHAPTER 14

1469 Words
Kithin I ignored the blinding presence behind Austin and shifted my gazes at him. He looked shy but he moved closer to me. Nasa dulo na kami ng corridor na ito kaya wala na masyadong mga tao. Dito ko na lang siya kakausapin. Wala rin naman yatang makikinig sa amin, if ever. Huminto siya sa harap ko pero hindi makatingin ng maayos. He looked away. Mukhang may gustong sabihin pero hindi niya masabi. I sighed. Kung ganito ang mangyayari sa amin, baka hanggang sa araw ng competition, mailang na rin kami sa isa't-isa. "Austin, are we okay?" I cleared my throat because I said it a little softer. Baka hindi niya ako marinig. "I mean, bakit ka umiiwas?" Tiningnan niya ako at saka umiling. He smiled a bit before he bowed down his head. "Nahihiya lang ako." "Bakit?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. He shrugged his shoulders. "Hindi ko rin alam, Kith." "Paano sa araw ng competition? Ilag ka sa akin. How can we perform well if you let yourself dominated by what you feel?" "Hindi ko hahayaan 'yon, Kith. I won't fail our team. I...I won't fail you." He almost whispered tha last words he said to me. Sa mga sinabi niyang 'yon, medyo gumaan ang pakiramdam ko. He assured me that there's nothing to worry about. Okay na sa akin 'yon. Kinahapunan, nag-practice pa kami ulit sa bahay. This will be out last practice. Medyo late na kaming natapos kaya niyaya ko na siyang kumain dito ng dinner. I noticed Mona talking someone on her phone. Napansin ko kasi ang mangilan-ngilang sulyap niya sa akin kapag nagtatama ang mga mata namin, ngingiti lang siya at saka iiwas na ng tingin. I shrugged my shoulders and let her be. Kaso iniisip ko kung sino ang makakasama ko sa araw ng competition. I have things to bring to school. Hindi sapat si Kuya Rene para samahan ako. How about my wardrobe? And my make up! Magpapaayos na lang ba ako sa salon tapos didiretso sa school? Baka mahulas lang ang make-up ko kung maghihintay pa ako ng ilang oras! I realized, hindi pa pala talaga ako prepared. Medyo natataranta na ako dahil bukas na ang event namin! I texted Austin. Maybe I could get some ideas on him. Ako: Hi! Are you busy? Ibinaba ko ang cellphone sa kama ko para tapusin na ang pag-aayos sa mga gagamitin ko bukas. My phone beeped. Isinara ko ang itim na wardrobe bag kung saan nakalagay ang costume ko bago iyon ini-hang sa cabinet. I took my phone and checked it. It was Austin. Austin: Not much. Why? How 'bout you? Ako: Just finish prepping my costume. Austin: Oh. You're prepared! I pouted. Parang hindi nga eh. I feel worried for tomorrow. Ako: I don't think so :( Magtitipa pa sana ako ng ire-reply pero my phone rang. It was Austin. "Hello..." I said in a low voice. "You sound unhappy. Are you alright?" Ngumuso ako at pabagsak na nahiga sa kama. Sandali akong nakaramdam ng hilo pero hindi mawala sa isip ko ang mga naiisip. "Hindi pa pala yata ako ready, Austin." "Huh? Bakit?" I played the long strands of my hair. Kinukulot ko ang dulo noon. I collected all my concerns on my mind and sighed. "Walang tutulong sa akin sa pagbitbit ng mga gamit ko bukas. Hindi pwedeng iasa ko lahat kay Kuya Rene! And...how about my make up? Magpapaayos na ba—-" "Whoa! Wait there!" Putol sa akin ni Austin na halatang natatawa sa mga sinasabi ko. I pouted more. Hindi yata tamang sa kanya ako nagsasabi ngayon. This is my problem, not his. "Isa-isa lang, Kith. Let's try to solve everything." Sinundan niya iyon ng mahinang hagikhik. Ako naman, naghihintay lang ng maiisip niyang solusyon sa mga problemang isusumbong ko sa kanya. "Wala akong makakasamang magbitbit ng mga gamit ko bukas." Ani ko. "Uhm...I can help you with that. Pero kailangan kitang sunduin." I shook my head like he's in front of me. "Hindi pwede. Si Kuya Rene lang ang pwedeng mag-drive sa akin kapag may pupuntahan ako. Mahigpit na bilin ni Kuya Apollo sa akin 'yon." Yes. Kuya Apollo's very particular with his rules. Ayoko nang magkaroon ng kasalanan sa kanya ulit. I don't want him to get mad at me. "Eh 'di sa parking na lang. Aabangan kita ro'n." "But how about your things?" "Yung costume ko lang naman ang dadalhin ko." "Uhm..." tanging nasagot ko. "You need a make-up artist?" He asked. Napaahon ako mula sa pagkakahiga. He caught my attention now! "Y-Yeah. I think, I could hire one..." "My elder sister is a make-up artist. I'll talk to her right away." Para akong nabuhayan ng loob dahil sa mga offer niyang tulong sa akin. Wala na akong iisipin pang iba! Austin...he...solved everything! "Talaga? Uh...sige. T-Thank you ah!" I stuttered. "No worries!" He boyishly chuckled again. "Magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas. Baka mapuyat ang partner ko, lumaki pabang eyebags mo." Panunudyo niya. My free hand automatically held the lower part of my eye. Medyo na-bother ako sa sinabi niyang baka lumaki ang eyebags ko. Ilang araw na akong naglalagay ng facial mask para mag-glow ang skin ko. Ayoko namang mag-perform na mukhang pagod at ngarag. Maaga akong nagising kinabukasan. I prepped everything I needed for today. Good thing, Mona volunteered to accompany me to school! I was so happy! Kaya nang makarating kami ng medyo maaga-aga, agad din kaming naghanda. Sa classroom na ako inayusan ng Ate ni Austin. She's a make-up artist. May-ari siya ng isang salon sa city district kaya magaling siya sa ginagawa. Halos hindi ko nga makilala ang sarili ko pagkatapos eh. She did well with my make-up. Binigay niya sa akin ang gusto kong mangyari, a different personality. "You look ravishing." Sabi ni Austin pagkatapos kong lumabas sa classroom. Nagpalit na ako ng costume dahil thirty minutes na lang, mag-uumpisa na ang program. Pinatungan ko lang ng maong na jacket ang damit ko. Some parts of it have see-through designs kaya kailangan ko iyong takpan habang hindi pa naman nag-uumpisa ang kumpetisyon. Pero ang bandang baba ay hindi ko na nagawang takpan pa kaya lumilitaw ang bilugan kong mga hita. Napapatingin pa nga ang ibang mga estudyanteng naroon. Naririnig ko pa ang pagsaway ni Austin sa kanila kaya kahit may tumutubong hiya sa parte ng utak, I walked gracefully in front of many people. Sa gymnasium gaganapin ang event. Ito ang huling sports na gaganapin sa buong intramurals. After this, awarding na sa overall champion. Kanya-kanyang cheers at chantings ng motto sa bawat team. I can hear my teammates cheering for us kahit na hindi pa naguumpisa ang dance sport. Ang iba, may mga props pa para makagawa lang ng ingay, na ikinatuwa ko dahil napakasolid ng support system sa aming dalawa ni Austin. We were called as the emcee announces that the event will start now. Agad kaming tumalima ni Austin. Our coaches placed a a small cloth at his back with a number written on it. Then we formed a line in front of the judges. Sa unang tugtog ng musika, dinama ng katawan ko ang bawat kumpas nito. I literally forget everything for while for this performance. I gave my very best! Sa tuwing iindayog ng sabay ang mga katawan namin ng partner ko, mas lumalakas ang mga cheers sa amin ng mga audience. I know because aside from the deafening screams and chantings, they are literally shouting for our names! “Austin and Kith! Austin and Kith!” At kahit ang numero namin, 12, ay isinisigaw ng mga naroon. As the music get more sensual, the steps became more intimate, too. Sumasabay at bumabagay sa musika na kahit kanina pa kami nagsasayaw, hindi ko pa rin maramdaman ang pagod. Nang matapos ang sayawan, pakiramdam ko, ang laki-laki ng nagawa namin para sa team namin! I guess our efforts well paid off, na kung matalo man kami, hindi ko namasyadong iindahin iyon dahil alam kong nagustuhan ng mga manonood ang performance namin. My eyes wandered around the sea of people inside the gymnasium. Rinig ko pa rin ang lakas ng mga boses ng mga tao at ang bagong tugtog ng musika. Medyo nakakalunod sa pandinig. The judges took their time to give us points while we were lined in front of them again. Amidst of all the things I’m feeling right now, the excitement, tiredness, and nervousness, my eyes lingered at the outmost corner of the gymnasium. Sa laki ng lugar na ‘yon, my eyes glued at one person silently looking at me so grimly. Nakakulay puting polo shirt at dark maong pants na pinaresan ng leather shoes. Nakasandal sa pader ang likod habang nakahalukipkip, mataman ang tingin sa akin. My heart thumped. What is he doing here? Why is Andrew here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD