Kithin
Sandali lang kaming nag-usap sa sasakyan niya dahil kailangan ko na ring bumalik sa classroom. I still have a class to attend to. Halos hindi nga ako naka-concentrate sa mga lessons dahil lumilipad ang isip ko kanina. Our time's short but I remember every detail of what happened earlier.
Puro kami tawanan, kulitan at kwentuhan sa loob ng sasakyan niya. Nagdala rin siya ng meryenda, katulad ng madalas niyang gawin kapag bumibisita siya sa akin.
"Sige na! Please?" I even pouted my lips and tried to make my voice cute.
Sinusubuan ko lang naman siya ng french fries, eh!
"Kith," humalakhak siya. "Stop it." Naiiling na sabi niya.
He bit his lower lip and looked away. Now he looked cuter. Namumula siya habang nangingiti! He's blushing!
The brute is blushing!
"Please, Drew! Just one bite." iminuwestra ko ang isang stick ng fries sa kanya.
Ibinalik niya ang tingin sa akin bago bumaba ang kanyang mga mata sa pagkain na hawak ko.
"Fine," he said.
Pinagmasdan ko siya habang unti-unti niyang inilalapit ang bibig niya sa pagkain. I immediately noticed how good-looking he is.
Sobrang gwapo! Mas gwapo pa sa kahawig niyang si Jacob Elordi!
Sa unang kagat niya sa fries na hawak ko, pinangalahatian niya iyon agad. He looked at me as he bit it. Nangunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Doesn't he like the fries? Pinagbigyan niya lang kaya ako?
"Oh, bakit ka nakasimangot?" He asked while chewing his food.
I made face as I ate the remaining half of the fries I’m holding. I licked my thumb and my index finger because of the cheese. Sinimot ko, sayang eh. Kaso hindi pa ako nakakakuha sa paper cup ng bagong stick ay narinig ko na ang sunud-sunod na pag-ubo ni Andrew.
"Hey, are you okay?" I asked worriedly.
Sinubukan ko pang hagurin ang likod niya gamit ang isang kamay ko para maginhawaan siya pero hindi naman nakakatulong. Namumula na rin ang leeg at mukha niya dahil sa walang tigil na pag-ubo.
"Damn," he said in between his continuous coughing.
I started to get panic. Kinuha ko agad ang bottled water sa lalagyan nito at mabilis na binuksan. I helped him drink it. Halos maubos niya nga ang kalahati nito eh.
He really had it bad.
"Sorry..." I said after he drank his water. Ako na ang nagsara ng lid at ibinalik ko rin sa dating kinalalagyan nito.
Kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang gilid ng kanyang labi. I pouted as I silently watch him doing that. Sana ako na lang pala ang gumawa no'n.
"Why?" He asked. His voice's a little raspy because of the coughing.
"Pinilit kasi kitang kumain. Kung sana hindi ako naging makulit—"
"It wasn't because of that," putol niya sa akin. I can "Don't lick your fingers."
Nangunot ang noo ko. "Eh, may cheese kasi."
"Wipe it, instead." Sagot niya. Muli siyang kumuha ng tissue at inabot iyon sa akin.
Dahan-dahan kong tinanggap iyon. Dahil ba doon kaya siya naubo? I suddenly remembered my actions awhile back. I just licked my fingers because it has cheese on it. Saka ganoon naman ako kumain noon pa. Does it look gross?
Baka nga. Ayaw niya siguro ng ganoon. Kadiri siguro tingnan.
Napapaisip tuloy ako na baka na-turn off siya sa akin! Dang it! Nakakahiya!
“What are yout thinking?” He asked.
I bit my lip as I think about that idea. Nakakahiya nga talaga siguro ang ginawa ko dahil ganoon na lang ang naging reaksyon niya. Para akong nanghina. Nawalan na ako ng ganang ubusin ang pagkaing dinala niya.
“Kith,” muli niyang tawag sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I tried to smile at him but my smiles failed to convince him that I’m fine.
“Uhm, I gotta go. May klase pa ako, eh.” I said to avoid the humiliation I am feeling now.
Umiling siya. Sinilip niya ang oras sa kanyang wristwatch. “We still have time. Ba’t bigla kang natahimik?”
Iling lang din ang itinugon ko. “Naisip ko lang, we don’t know much pa about us. Maybe…maybe we should know each better better? Or…deeper?” Medyo awkward na tanong ko.
Tumaas ang kilay niya. His lips parted. Akala ko’y sasagot siya pero kalaunan ay itinikom din niya ang kanyang bibig.
“Alright, then.” Aniya. “How should we do it?”
“We can start telling with the things that we like? Ganoon din sa mga bagay na ayaw natin?”
“Uh-huh,” he said while nodding. “What else?”
Ano pa ba? Siyempre we have to bond! How about…
“Should we d-date?” Alanganin kong tanong sa kanya.
Napakurap-kurap siya habang mataman akong pinagmamasdan. My breath hitched as I anticipate his answer. Tama ba iyong tanong ko?
Kaso napabuga ako ng hangin dahil sa tugon niya.
“You’re too young for a date, Christine.” Sabi niya na ngayo’y nakataas na ang isang kilay niya.
“Tss. My classmates are doing that already with their girlfriends and boyfriends. Saka, hindi lang dating ang ginagawa nila. Some of my friends in America were already doing it.” I said to support my answer. I crossed my hands around me and leaned at the back rest of my seat.
“What are they doing?” Mababa na ngayon ang boses niya.
Nilingon ko siya. “You know that already. I don’t have to say it to you.”
Nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya. Pansin ko rin ang pagdilim ng tingin niya sa akin. Mukha siyang…galit?
“We’ll not going to talk about that.” Nangungunot ang noo niya. “And you should stop being curious about those things.” He said with finality.
“You sounded like Kuya Apollo. Napaka-conservative. Lagi siyang may nasasabi even the way I dress!”
He smirked. “Pinoprotektahan ka lang niya.”
“Hmmp! I don’t see it that way.” Maktol ko. “Eh ikaw? Ganoon ka rin ba?”
“Hmm? What?”
“Pinupuna mo rin ba ang mga babae mo noon kung ano ang sinusuot nila?” Walang habas kong tanong sa kanya.
I saw how his eyes widened upon hearing my vulgar words. Agad niya akong sinaway.
“Kithin!”
I smirked. “The first time we met, your hand was rested on some girl’s shoulder. When we saw each other at the hotel, I know you are with someone else. Kaya tulad din ni Kuya Apollo, alam kong mahilig ka rin sa mga sexy at magagandang babae!” Dire-diretso kong sabi. I don’t know but I felt a pang of pain in my chest. Biglang bumigat ang nararamdaman ko. And my words… I don’t know where it came from…
Laglag ang panga niya matapos kong magsalita, tila hindi makapaniwalang nanggaling sa akin ang mga salitang iyon. May sasabihin pa sana ako pero kailangan kong huminga dahil para akong naubusan ng hangin sa mga pinagsasabi ko. Ang nakakunot na noo niya kanina ay lalong nangunot ngayon.
“And I still don’t forget that you were with a girl named ‘Lizz’ the night before we went to your condo!” Medyo naiinis kong sabi sa kanya.
He bit his lower lip. I noticed a ghost of smile on his lips but I shrugged it. Ewan ko ba kung bakit ako biglang nagkaganito. Bigla na lang pumasok sa isip ko at hindi ko na mapigilan ang sariling hindi maibulalas ang mga iyon.
Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. My chest is heaving but I tried my best to calm myself. Kahit ang lamig ng aircon, ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa gilid ng ulo ko. Actually, I can literally feel that my face heated after I blurted out.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon iyon sa labas ng bintana. Alis na lang kaya ako? Should I get back to our room now?
But I will miss the remaining minutes to be with him! Mas mami-miss ko siya kapag ganoon.
“Kith,” tawag niya sa akin. Hindi ko siya malingon. Inaabot niya ang kamay ko pero hindi ako nagpapaubaya.
Natigilan ako nang dumampi sa balat ko ang kamay niya. Mabilis pa sa alas kwatrong nilingon ko ang ginagawa niya. His rough and warm palm touched and aimed my palm. I clenched my fist so he won’t get a hold of my hand. Pero hindi ko maikakailang nagwawala na ang puso ko sa sobrang saya!
He chuckled and held it more using his both hands! Para akong natutunaw sa mga hawak niya sa akin. I can’t keep my defenses anymore. Kalaunan, unti-unting lumuwag ang mga daliri ko. He took that as an opportunity to hold me better. And as he tried to fit his fingers in between the spaces of my hand, literal na nahinto ako sa paghinga.
“Your hand’s small,” aniya habang hinahaplos ng kanyang hinalalaki ang aking kamay.
“Y-yeah.” I stuttered.
I gulped as he held it a litle tighter. Pareho naming pinagmamasdan iyon. I chuckled inwardly as I noticed our complexion. Mestiza ako kaya prominente ang kulay gatas kong kutis habang siya, moreno.
His free hand tapped my small nose. I cringed it and I realized, my defenses are still up.
“Stop annoying me.” Iniwas ko ang aking mga mata. Umusog ako sa pagkakaupo para malayo sa kanya ng kaunti.
Pero sino’ng niloko ko? Ang aking sarili. Hindi rin naman ako makakaiwas dahil hawak niya ang kamay ko!
“I’m not. Come here.” Tawag niya sa akin.
He gently tugged my hand, prompting me to move a little closer. I pouted and gave in a little. Umusog nga ako pero sa labas naman ang tingin ko.
“Kith,” I felt a warm touch on my chin. Nabigla ako ro’n!
“Baby, please look at me.” His voice sounded pleading.
Unknowingly, humigpit ang hawak ko sa kanyang mga kamay. I bit my lower lip to suppress myself from smiling. Oh my gosh! My insides went wilder when I heard what he called me.
Did he call me ‘baby’?!
What? Am I his baby now?!
Pinuno ko ng hangin ang baga ko bago ko siya hinarap. His languid stares bore on mine. At ang tapang tapang kong salubungin iyon. Wala akong balak na magbawi ng tingin!
“Fine, we’ll know each other better. We’ll text and call every time. And…” he licked his lower red lip “We’ll date, too, I supposed.”
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Pero siyempre, tipid lang ‘yon. I even pursed my lips so I’ll prevent it to make my smile a little wider.
“Great! Uhm, I don’t have a class tomorrow afternoon. We can do malling and eat at the restaurant? Watch a movie?”
Humalakhak siya. “Planado mo ba ‘to?”
My eyes widened. “Of course not!”
Nanatili ang ngisi sa kanyang mga labi. Kinamot niya ang kanyang kilay at kalaunan, tumango na rin siya.
“Alright. Bukas, mamamasyal tayo.”
My smile grew wider. Para akong batang napagbigyan sa inuungot ko.
I felt my phone vibrated, hudyat na oras na para bumalik na ako sa room. My eyes trailed on our hands holding together. Ayaw ko mang kumalas pero kailangan ko na rin umalis.
“I gotta go, Drew.” Nanlulumo kong sabi.
Ang bilis naman ng oras! I wanted to be with him pa!
“Yeah, you should. We’ll talk later.” Sabi niya.
Marahan din ang pagbitaw niya sa kamay ko. Habang tinitingnan ko iyon, I can’t help myself but to feel sad. Hindi pa ako nakakaalis sa kotse niya, namimiss ko na siya agad.
“Bye,” mahina kong sabi.
Tumango siya. Ngumuso ako. May pumasok sa utak ko pero hindi ko alam kung kaya ko ba iyong gawin.
Pero sa huli, hindi ko na rin itinuloy ang binabalak. Bumalik na ako sa classroom.
Hindi bale, magkikita naman kami bukas ng hapon. Kahit ilang oras lang, makakasama ko siya.
Para akong natauhan ng mapagtanto kong nasa kalagitnaan pa rin ako ng klase. I smiled as ideas started to run on my mind. Mukhang hindi yata ako makakatulog mamayang gabi sa kaiisip nito!