Kithin
Ako:
Thank you for this day, Andrew! I had fun being with you. ❣️
I read again the text I typed for Andrew. Okay na kaya ito? Or should I delete the heart emoji?
I closed my eyes and breath. Ano naman ngayon kung lagyan ko nga? We both like each other. Hindi nama siguro big deal kung ipapakita ko ang pagkagusto ko sa kanya.
But a part of me is hesitating to send this. Pero...crush na crush ko kasi siya!
I bit my lip and quickly pressed the 'send' button. Bahala na!
When I saw the text that it was already sent, binitawan ko ang cellphone at inihiga ang sarili sa kama. Gusto kong tumili pero baka biglang sumulpot si Mona rito sa kwarto ko. Pinalipat na kasi siya ni Kuya Apollo rito sa taas para may makasama raw ako habang wala siya.
If I know, pinapabantayan niya lang ako sa kanya.
But because the giddiness I feel now bursted within me, I took my pillow and pressed my face against it. I looked like a pathetic love sick teenager! Impit akong tumili habang nagpapapadyak sa kama ko.
Ano ba itong nararamdaman ko? I can't believe that I can like someone like this. Nagkaka-crush naman ako noon sa school namin pero hindi ganito katindi.
I can clearly remember how I felt when I was confessing my feeling towards him. Hindi ako makahinga. Kinakabahan ako pero it felt so good. Parang may nagrarambulan na kung ano sa tiyan ko.
Am I having butterflies in my stomach? Maybe! But nonetheless, I felt ecstatic! Pakiramdam ko, it will never last. Magiging masaya pa rin ako kahit na matulog ako ngayong gabi at magising kinabukasan.
Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Siya lang naman ang tinext ko kaya malamang na siya lang din ang nag-reply.
Parang ayoko pang alamin kung sino ang nag-text sa akin. I was really hoping that it was him. At iniisip ko pa lang kung ano'ng mababasa ko, kinikilig na ako ng sobra!
My heartbeat skipped a bit when I read his name on my phone's screen. It's him! It's really him!
Andrew:
Can I say too that this is the best day of my life?
I bit my lower lip as I read his reply. Kung kinikilig na ako kanina, dumoble pa iyon ngayon!
Best day of his life? Why? Because he spent the whole day with me?
I cannot contain the joy I am feeling right now!
Nag-isip ako ng pwede kong i-reply sa kanya. Nakailang tipa na ako sa cellphone ko. Ang dami kong gustong sabihin. Pero sa huli, binubura ko lang dahil pakiramdam ko, ang corny kong magsabi ng nararamdaman.
Nasa malalim akong pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ko. Andrew's name flashed on my screen! Napaupo akong bigla at napalunok sa kaba. Lahat ng gusto kong sabihin sa text, naglahong parang bula! My mind totally went blank. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
But of course, every second counts when it comes to him. Kaya kahit hindi ko alam o kung may sasabihin nga dapat ako, I cleared my throat and answered his call.
"Hello..."
I greeted him in m low voice. No because I am worried that someone might hear me outside, pero dahil tinatantiya ko pa ang magiging takbo ng usapan namin ng taong kausap ko sa kabilang linya.
I heard a deep sigh from the other line. Like it was a relief for him that I spoke after I answered his call.
"Did I freak you out?" Iyon ang mga salitang bumungad sa akin.
Nangunot ang noo ko. "What?" Nalito ako sa paraan ng pagtatanong niya.
Bakit niya naisip 'yon?
"You didn't reply to my text."
"Ah," I chuckled to ease the awkwardness I am feeling now. "Nag-iisip kasi ako ng ire-reply ko."
"Really?"
"Of course! U-Uhm..." My voice trembled as I think of other things to say. "I have to say something na may sense towards you, 'di ba? Hindi naman pwede iyong puro pa-cute na messages ang ise-send ko sa'yo?"
He chuckled. Natigilan ako. Grabe ang boses! Gwapo na nga sa personal, pati ang boses, nakaka-in love!
"You really are cute."
I blushed profusely in an instant! Ramdam ko ang init na unti-unting gumagapang mula sa batok paitaas sa aking ulo. I wasn’t able to answer him immediately. At kung nandito siya ngayon, siguradong pagtatawanan niya ako dahil pulang-pula ang mukha ko!
“No, I’m not. Para sa mga bata lang ang cute.” Protesta ko sa kalagitnaan ng pagwawala ng isip at puso ko.
“Pero bata ka pa naman talaga.”
“I’m not! Sixteen na ako this year!”
He chuckled. “Still young for me.”
“Hmp!” I sighed. I lied on the bed and took my pillow to for a hug. “I wish I could grow up so fast.”
“Why?”
“Para pantay na tayo! Para bagay na tayo!” I said shamelessly.
Natawa siya ulit sa sinabi ko. Sumimangot lang ako. Ano’ng nakakatawa? Doesn’t he like my idea? I thought he likes me?
“Kith, you’re still young. Marami ka pang mararanasan sa pagdaan ng panahon. You should enjoy everything that’s happening to you.”
“Well, I’m enjoying being with you.” I said bluntly.
I heard his soft curses from the background. I hate people who curses. Pero bakit kapag siya, bagay na bagay sa kanya? He sounded more…manly.
“You’re just infatuated, Kith.”
“Maybe. But, I like it. I like being infatuated with you, Andrew.”
Nagmura siya ulit. Iniisip ko tuloy na huwag na lang magsalita dahil baka ayaw niyang nagiging bukas ako sa nararamdaman ko.
“I-I-I’m sorry.” Pagbawi ko.
“Why?” Paos na tanong niya sa akin.
“For being vocal. Ayaw mo siguro sa gano’n?”
“I didn’t say that. But you’re still young, Kith. I don’t mind if you’re infatuated with me but you have to…take things slow.”
Natigilan ako. Bakit? Mabilis ba ako? I was just honest with my feelings. Is that wrong?
“Okay.” Pagsuko ko.
Sabagay, he’s years ahead of me. Siguradong napagdaanan niya rin ito. And if he’s telling me to take things slow, maybe I should just agree with him?
“Uh, Andrew?”
“Hmm?” He hummed.
We’re on the same page naman ‘di ba? Gusto ko siya. He also likes me. Hindi siguro masama kung…magtatanong ako tungkol doon?
“Tayo na ba?”
Hindi siya agad nakapagsalita. I felt a bit disappointed for his silent reaction. O baka naman ayaw niyang tinatanong ko siya ng mga ganitong bagay?
He’s a playboy. I know because I heard it with Kuya Apollo. Kapag nagku-kwentuhan sila tungkol sa mga babae nila, naririnig ko iyon.
“Kith—-“
“Sorry ulit.” I chuckled to ease the brewing awkwardness between us. “Sorry! I assume to much just because we confessed each other’s feelings.”
“You don’t have to say sorry for what you feel.” Like he’s trying to comfort me with his words.
But I suddenly feel unsure now. Mabigat sa dibdib. Malakas lang naman ang loob ko magsabi at magtanong ng mga ganitong bagay dahil wala ako sa harapan niya. I just missed him so much kaya hindi ko na napigilan ang umamin kanina.
My uncontrollable feelings led me to confess my real feelings towards him. I wasn’t able to collect myself and reflect before I acted.
Kaya niya siguro nasabing I should take things slow.
“Kith?”
“Uh yeah!” Agap kong sagot. “I’m still here, Andrew.”
“It’s getting late. You should rest now.”
He’s ending the conversation. Why do I feel like I’m being rejected by him?
“C-Can I ask you something?” Pambabalewala ko sa sinabi niya.
“What is it?”
I took a deep breath to get some courage for asking him this.
“You like me right?”
“I do.”
“But you’re just taking things slow?”
“Yes.”
“But you like me, right?” Ulit ko. I don’t mind kung nakukulitan na siya sa akin.
“Yes, Kith. I like you. I really like you.” Walang gatol niyang sagot.
Naglahong parang bula ang naramdaman kong bigat sa dibdib. It was a relief for me. At least, we’re clear now. Gusto niya ako at gustung-gusto ko rin siya.
Text at calls lang ang naging komunikasyon namin sa mga nagdaang araw. He got a bit busy again for work. Kahit naghihintay ako sa mga tawag at text niya sa akin, I also enjoyed my friend’s company.
Minsan, in between of the day, bigla na lang siyang susulpot dito sa school para bigyan ng meryenda. Sometimes, during lunch breaks, we go out and eat. Ihahatid niya ako ulit pabalik sa eskwela para sa panghapon na klase ko.
One time, the teacher told us that she won’t be able to meet us for tomorrow’s class. Ibig sabihin, wala kaming pasok sa kanya sa hapon. I planned of spending my free time with Andrew. Ite-text ko na sana siya tungkol doon nang makita kong may text na siya sa akin.
Andrew:
I’m in the parking lot. Same spot. Same car.
I smiled. Saktong break time namin. The message was sent a few minutes ago. Kaya agad kong kinuha ang wallet ko. Iniwan ko na ang bag dahil babalik pa naman ako mamaya para sa susunod na klase.
Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa parking area. Nagmamadali ang mga kilos ko dahil limitado lang ang oras para sa amin. Gusto kong ubusin ang natitirang oras ko sa pakikipag-usap sa kanya kahit araw-araw naman kaming magkausap sa cellphone.
Palapit pa lang ako, tanaw ko na ang sasakyan niya. Diretso na ang mga kilos ko. Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. And the first thing I saw when I went inside the car is his fresh aura.
Ang tamis ng ngiti niya. Ang gwapo gwapo at sobrang bango niya!
Ilang araw din kaming hindi nagkita kaya nang masilayan ko siya ngayon, hindi ko na napigilan ang aking sarili.
I kissed him in his cheeks! I felt him stiffened. He remained his eyes on me while his lips parted a bit.
“I miss you!” I blurted out. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis dahil hindi ko mapigilan ang sobrang tuwang nararamdaman ko ngayon.
Napakurap-kurap siya. He looked away and gripped the steering wheel tightly. His veins from his muscled arms protruded and bit his lips.
Pero natigil ang mundo ko nang sagutin niya ako.
“I miss you more.”