Kithin
He started to maneuver his car while I enjoy his company. Hindi ko nga lang ipinahalata dahil ayokong isipin niyang gusto ko ang pagsama ko sa kanya. Isa pa, hindi ko talaga in-expect na siya ang susundo sa akin. Kung hindi si Kuya Apollo, and driver ang sumusundo kaya seeing him in the school premises shocked me big time…plus, well, ayokong magsinungaling sa sarili ko pero kinikilig ako na isiping siya ang kasama ko ngayon.
“Gusto mong mag-snack?” he asked out of nowhere.
Mabilis ang naging pagbaling ko sa kanya. “H-Hah?”
He glanced at me and smirk. “Gusto mong magmeryenda?”
Nataranta ako sa tanong niyang iyon. I tried to process his first and second question. Pero nang ma-realize ko iyon pareho, natawa na lang ako sa sarili ko dahil tinagalog niya lamang iyon.
Silly you, Kithin!
“S-Sure!” nauutal kong sagot sa kanya.
Please! Please! Please!
“Saan mo gustong pumunta?”
“Uhm…” napansin kong papalapit kami sa isang fastfood chain. Doon na lang!
“There.” Itinuro ko ang McDonald’s.
In a s swift, ikinabig niya ang manibela at dumiretso sa drive-thru. Nag-order siya ng fries at float para sa akin. He paid for it. Hindi na rin ako nagprotesta. Well, he offered it so it’s expected that he’ll pay for it.
“How about you?” I asked.
Umiling siya. “I’m fine.” He smirked.
I shrugged my shoulders. Hindi ko na siya kinulit pa. Nagpatuloy siya sa pagda-drive. Minsan, may mga tumatawag sa kanya. He would answer it. Tingin ko ay tungkol sa trabaho. Kaya hindi na ako umiimik.
I was busy munching my food when suddenly, he took some of my fries.
“Uy!” saway ko.
Kitang-kita ko kung paano niya inisang subo ang fries na kinuha niya sa karton na hawak ko. Kahit ang kumain, ang sexy pa ring tingnan. When he swallowed it, kitang-kita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. I shook my head. I can’t be obvious! I need to act casual!
“Can I have more?” he asked.
Tumigil ang kotse dahil red light. Sinulyapan ko siya. He boyishly smirked at me. Ang ganda ng mga mata niya. It’s like a mirror. I can easily see his emotions by just looking at his eyes.
And his playful stares make my heart thumping so fast.
Tumikhim ako at inayos ang aking salamin. I offered my food to him. BFF fries naman ang kinuha niya kaya marami pa akong makakain kahit na humingi siya sa akin. We can actually share from my food.
“I’m thirsty, too.” He said in a raspy voice.
Agad kong inilinga ang aking paningin. Baka may bottled water siya sa loob ng sasakyan. Pero wala akong makita. Ang tanging inumin na meron sa loob ng kotse niya ay ang…coke float ko.
Ngumuso ako. Should I offer it to him? Hindi ba nakakahiya iyon? He said, he’s thirsty. Baka mabilaukan pa siya kung hindi ko siya papainumin.
I offered him my drinks. “You can just remove the straw and the lid para makainom ka.”
Kinuha niya ang cup sa akin pero nanlaki ang mga mata ko nang isubo niya ang straw na ginamit ko na!
Oh my gosh! He just… he just.
Parang…nag-kiss na rin kami!
He casually returned to me the cup, na parang balewala lamang iyon sa kanya. Pero ako, big deal sa akin ‘yon!
“You used my straw.” Walang kiming sinabi ko sa kanya.
Tiningnan niya ako. “You want me to replace it? We can go back there, ibibili kita ulit.”
I pouted. Babalik pa kami para palitan itong drinks. Medyo malayo na kami sa McDonald’s. It’s a waste of time and money. Kaya sa huli umiling na lang ako.
“Ikaw kasi, hindi ka bumili ng sa’yo.” I said in a low voice.
He chuckled a bit. “I’m just getting your attention. Hindi mo ako pinapansin, eh.”
I pursed my lips to hide the giddiness I feel every time he’s talking to me this way. Nag-iwas na ako ng tingin at kinagat-kagat ang labi ko dahil hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang kilig na nararamdaman ko!
Binalingan ko siya ulit. “You’re busy eh. Kahit nagda-drive ka, you’re still attending to calls. Saka that’s bawal, ‘no!” I can’t stop myself from talking.
Tumaas ang kilay niya. “Alin ang bawal?”
“Picking up calls while driving!”
“I can still manage to drive.” Depensa niya.
“But you’re with me! Paano na lang kung magkamali ka sa pagda-drive mo habang may kausap ka sa phone? Eh ‘di nadisgrasya tayo! Do you want that to happen?” Sunud-sunod na tanong ko.
Napamaang siya sa mga sinabi ko. Hiningal din ako sa pagsasalita. I wanted to say more but when I saw the amusement in his eyes, I backed off.
Umayos ako ng upo. I saw him grinned and shrugged his shoulders. Lumawak lalo ang ngiti niya sa labi nang makita niyang lumabi lang ako bilang reaksyon ko sa itinugon niya.
“Alright. I won’t entertain calls if I’m with you. That’s your first rule to me. I don’t wanna break it.”
I smiled. “Dapat lang.” then I started eating again.
Umiling-iling siya. “Villanueva ka talaga.”
He started driving again. Tanaw ko na ang malaking gate ng subdivision namin. Hindi na siya pinahinto ng gwardya para i-check pa. Sumaludo na lang sila sa kanya at nagtuluy-tuloy sa pagda-drive. He must be known here.
“Susunduin mo rin ba ako bukas?” I asked excitedly when he parked his car outside our gate.
“Gusto mo ba?” he asked.
I pouted.
He chuckled and pinch my nose. “Hindi pwede. I was only asked by your brother for today. May sakit daw ang driver ninyo at hindi pa siya tapos sa meeting. Ako ang pinakiusapang sumundo sa’yo.” Paliwanag niya.
Hindi ako nakasagot. Unti-unti kong nare-realize ang lahat ng mga pinagsasabi ko sa buong byahe.
I bit my lip and closed my eyes heavily. I began to think all my actions awhile back. Pati ang mga tanong ko kanina. Nang mapagtanto kong masyado akong naging excited at kumportable sa naging asal ko, hindi na ako nakahuma pa. Feeling ashamed with my words, tumango na lang ako.
“But…can I get your number?” he asked and handed me his phone.
Tinitigan ko ang cellphone niya. Kukunin niya ang number ko. Ibig sabihin, there’s a possibility that we can talk to each other kahit na hindi kami magkasama!
“Okay.” I casually said.
I took his phone and placed my number there. Ako na rin ang nag-save ng pangalan ko roon. After that, ibinalik ko na iyon sa kanya.
He bit his lip and smirked. Hindi na rin nagtagal pa ang usapan namin. Bumaba na rin ako sa sasakyan niya at pumasok na sa loob ng bahay.
Naging ganoon ang nnangyari sa mga sumunod na araw at linggo. Madalas nang nale-late si Kuya dahil naging abala na siya sa trabaho. I heard his partnering with one of my half-brothers, Kuya Martin. Naikwento ni Kuya Apollo ang tungkol sa pag-expand ng negosyo abroad. Hindi ko rin naman masyadong binibigyan ng pansin iyon because I think I’m too young to comprehend things like that.
Or maybe I’m just not interested on it.
May upcoming program sa school namin this month. Intramurals. I’m not into sports so hindi ako masyadong excited. Balak ko na lang ang manood at hindi na magparticipate sa mga sports.
“Each one of you shall participate to any activities. Walang hindi sasali!” anunsyo ng adviser namin.
“May sports ka bang sasalihan, Kithin?” Kylie asked.
Umiling ako saka lumabi. “I don’t have sports to join. Wala akong alam sa mga ganyan.”
“Well, we can join the cheer dance competition! Additional points daw iyon sabi ni Ma’am.”
Cheer dance? Sabagay. Pwede na rin para may masalihan kami.
“Sige, magpalista tayo.” Sagot ko.
Medyo maingay na sa classroom. Nagsuspend na ng klase ang buong campus pra makapag-prepare na sa mga activities. Sinusulat na ng adviser namin sa whiteboard ang names ng mga sasalit sa mga iba’t-ibang sports.
Nakita kong wala pang nakasulat na names sa dance sport portion. Nagtaas ako ng kamay para ma-notice ng teacher namin.
“Yes, Ms. Villanueva?”
Tumayo ako. “Ma’am, pwede po ba akong sumali sa dance sport?”
“Well…if you can you do ballroom dancing, pwede.” Nakangiting sabi niya.
Tumango ako! I’ve been dancing like that when I was still in the U.S.
“Sige po. Sasali po ako!” nakangiting sagot ko.
“Alright. Kailangan niya ng partner, boys! Sino’ng may gusto?” anunsyo ni Ma’am.
Umupo ako ng nakangiti. Ayan. May pagkakaabalahan na ako kahit papaano.
Tumayo ang kaklase kong si Austin. “Ma’am, please enlist my name.”
Ngumiti si Ma’am Rose sa amin. “Okay. We got a pair!”
Lumingon ako ay Austin. He’s one of my classmates na tahimik lang pero nage-excel. Nang magtama ang paningin namin, he smiled at me. Gumanti ako ng ngiti sa kanya.
“Excuse me po, Ma’am Rose, good afternoon po.” Magalang na bati sa kanya ng PE teacher na babae.
Lumapit si Ma’am Rose sa kanila at sandali silang nag-usap. I am now busy thinking of what dance piece should we perform. Kailangan ko yatang kausapin ang magiging partner ko.
Tumayo ako para lapitan si Austin. He’s with his friends habang nagku-kwentuhan. Nang mapansin niyang palapit ako, umayos siya ng upo at sinaway ang ibang kaklase namin.
“Hi Austin!” nakangiting bati ko sa kanya.
Mabilis siyang tumayo para lapitan ako. Nangingiti siya habang nakahawak sa kanyang batok.
“Hi, Kithin.”
“Kukunin ko sana ang number mo para makapag-usap tayo tungkol sa gagawin natin. Okay lang ba?”
Tumango siya. “S-Sige ba!”
Inabot ko sa kanya ang cellphone ko. He typed his number on it. Ako na ang nag-save no’n at nagpasalamat. Pagkatalikod ko, tinawag ako ni Ma’am Rose.
“Ma’am, bakit po?” magalang kong tanong sa kanya.
Inabot ni Ma’am Rose ang kamay ko para lalong mapalapit sa kanya.
“Ma’am Kris, itong si Kith, pwedeng humalili kay Nicole bilang majorette natin sa Drum and Bugle Corps!”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Majorette? Are they talking about leading the corps? Iyong may hawak na baton?
Tumangu-tango ang kausap niya. “Pwede! Matangkad at maputi. Gusto mo ba, hija?”
Binalingan ako ni Ma’am Rose. “Exempted sa periodical exams sa MAPEH kapag DBC member ka.” Dagdag niya.
Natigilan ako. That’s a huge benefit! I got to have a perfect score in one of my subjects. Malaking tulong iyon para sa paghatak ng grades ko. Isa pa, magkakaroon din ako ng points sa extra-curricular activites.
Hindi na ako nag-dalawang isip pa. Tumango ako bilang tugon.
“Sige po Ma’am Kris. Payag po ako.” Nakangiting sabi ko sa kanya.