Kithin
I chose Kuya Apollo to decide for me now. Though Daddy’s visiting me frequently here, he let my brother to look after me for the mean time while he’s taking care of other things. I didn’t bother to know it. Sapat nang malaman ko na busy siya sa ibang bagay.
He enrolled me in a private school near Highlands Subdivision. Hindi na ako namili sa paaralang papasukan ko. I trusted my brother’s judgement when it comes to such things. Isa pa, matagal akong nawala rito sa Pilipinas. Mas alam niya kung ano ang mga dapat para sa akin.
“Paano ba ‘yan, mag-isa na naman ako palagi rito kapag nag-umpisa na ang pasukan niyo.” Malungkot na sabi ni Mona habnag inaayos namin ang mga pinamili naming gamit sa mall.
Siya ang sumama sa akin para bumili ng mga school supplies, iilang damit at sapatos na gagamitin ko sa pasukan. Kuya Apollo entrusted me to her. Sa takot ni Mona na pumalpak sa bilin ng Kuya ko, hindi niya ako hinayaan sa kung saan-saan. Kahit yayain ko siyang mag-meryenda, hindi siya nagpatinag.
My forehead creased when I heard her say that. Biglang may pumasok na ideya sa utak ko pero hindi ko alam kung papayagan ako ni Kuya.
Kasalukuyan kaming kumakain ni Kuya sa hapag nang maalala ko ulit ang naisip. Nasa gilid lamang si Mona, medyo malayo sa mesa. Naghihintay ng pwedeng iutos sa kanya.
“Kuya, pwede ko bang isama si Mona sa school?” tanong ko.
Natigil siya sa pag-nguya. Nag-isip sandali at saka nagsalita. “You’re too old for babysitter, Kith.”
“Tss. It’s not that!” saway ko.
Uminom siya ng tubig bago muling nagsalita. “Eh ano?”
I swallowed the food that I’m chewing before I answered him. “Let her enroll, too, in my school.” I said positively.
He glanced at me with his brow raised. Confused, he repeated what I’ve told him.
“Gusto mong i-enroll ko si Mona sa school na papasukan mo?” he cleared.
Tumango ako. “Why not? Para may kasama ako sa school---”
“Mona already graduated in high school. Hindi mo siya magiging classmate kung doon natin siya ie-enroll.” Matabang na sabi niya.
I glanced at Mona. Huling-huli ang mga tingin niya habang nakikinig sa amin. I smirked and nodded at her once.
I was about to speak more when Kuya butted again.
“Don’t worry, I have plans for her.” He said coldly.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I wonder what it is.
“Like?” tipid kong tanong. I have to act like I’m not really interested about it.
Hindi siya sumagot. I got dismayed when he didn’t tell me about the plans he’s talking about. Kaya nang ikwento ko iyon kay Mona, pati siya, nabitin sa nalaman.
Fast forward to that, nag-umpisa ang klase. I was able to get along with my classmates. 4th year high school na ang equivalent ko rito sa Pinas. Graduating na rin. Madali lang namang pakisamahan ang mga kaklase ko. Like me, there are also transferees from other provinces. Ako lang ang galing ibang bansa.
“Christine, ‘di ba sa US ka galing? How come you’d end here?” maarteng tanong ni Kylie sa akin isang araw nang nasa canteen kami.
I shrugged my shoulders. “Well, my brother is here so…” hindi ko na iyon itinuloy. I am not comfortable talking things like these to people I just met.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi na ako umuuwi sa bahay ‘pag lunchbreak. Dito na ako kumakain sa school o kaya sa labas ng campus kapag nagyayaya ang mga classmate ko.
Hindi ako nahirapang mag-adjust. My classmates are not hard to come along with. Some of them are bratty, most of them are nice, and wealthy as well.
Isa lang yata ang kaklase kong hindi galing sa marangyang pamilya. Transferee rin tulad ko. Madalas siyang kausapin ni Carlo at kainisan ng isang grupo ng mga babae.
I was busy re-writing my essay in a whole sheet of paper when she sat on the chair beside me.
“Hi!”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. She’s smiling at me widely. Nakapangalumbaba ang isang kamay sa arm chair at nakahilig ang baba niya rito.
I smirked and nodded at her once.
“Ba’t mag-isa ka ngayon? Hindi mo kasama sila Kylie?” takang tanong niya.
My nose wrinkled as I smiled at her and shook my head. “May tinatapos kasi ako, eh.”
She nodded a couple of times. “’Yong essay?”
“U-um.” Simpleng sagot ko.
Tinulungan niya ako. She added more ideas on my answers. I just expounded it in detailed manner. Nang matapos ako, she even proofread it.
“Ayan! Mas ayos ‘yang sagot mo ngayon.” She smirked.
I tried my best to remember her name. I can say that she’s good in academics. Nakapasok siya sa top 10 noong huling grading period, not bad for a transferee.
“Ellie!” I called at her. Nasa labas na kami ng gate ngayon.
Lumingon siya sa akin. She smiled, too, and waved at me.
Patakbo ko siyang nilapitan. Kasama niya rin si Carlo roon. He smiled at me, too. Gumanti ako ng ngiti sa kanila at napansin ang hawak ni Ellie na pulang lata na hugis puso.
My brow raised. Wow.
“Uuwi ka na?” tanong ko.
I wanted to be friends with her. It was easy for me to get along with some of my classmates but the way Ellie treated me, mas gusto ko siyang kasama. She’s warm and very friendly.
Tumango siya. “Oo. Bakit?”
I wanted to treat her in a milk tea shop nearby. Libre ko na dahil tinulungan niya ako sa essay noong nakaraan. But, looking at them, parang…may date na magaganap.
“Yayayain sana kitang lumabas pero…mukhang may lakad yata kayo.” Sabay tingin sa hawak niya.
She blushed profusely. Carlo chuckled and put the back of his palm in his lips.
“H-Hindi! Pauwi na nga ako eh.” Nauutal na sabi niya.
I pouted. “Next time, then?”
Tumangu-tango siya. Sayang. Chance ko na sanang mamasyal sandali bago ako umuwi.
Naglakad ako sa pathwalk kung saan din ang waiting area. Hinintay ko si Kuya Apollo. He usually arrives earlier than my dismissal. Gusto ko na rin sana matuto ang mag-commute pero hindi pa niya ako pinapayagan. He told me that he’ll be the one to teach me soon. Kahit sa school service, medyo hindi pa niya ako ipinagkakatiwala.
The wind blew stronger. Bahagyang umaangat ang palda ko at nililipad ang buhok dahil sa hangin. Kung pipigilan ko ang paghangin ng palda ko, sumasabog ang buhok ko sa aking mukha. Nawawala rin sa ayos ang eyeglasses ko. As I tried to combed my hair and fix my glasses, bahagyang tumaas ang palda ko.
“What the…” I murmured.
Medyo mataas ang pagkakaangat ng palda ko. I’m not sure if someone sees my legs and thighs. Hindi pa naman ako gumamit ng half-slip shorts. I’m not comfortable wearing another fabric when using a skirt. Okay na sa akin ang undies.
Humangin ulit ng malakas. Hindi ko iyon inaasahan. Mas malakas sa una at pangalawa. Hawak ko pa rin ang buhok ko kaya hindi ko na napigilan ang mataas na pag-angat ng palda ko.
I was about to hold it again when a pair of large hands held the hem of my skirt and pulled it down, preventing it to be blown by the wind.
“s**t!” he whispered.
Dahil sa sobrang gulat, bahagya akong tumili. Who the hell is this man? I can see that his intention is good but I was literally dumbfounded! Para siyang kabuteng biglang susulpot sa harap ko’t hahawakan ang dulo ng aking palda!
Thinking that this man is a pervert, I moved away from him and readied myself in case he’ll take his advances again.
“Ano ba?!” sigaw ko.
Inipit ko ang sumabog na buhok sa magkabilang tenga ko. Mabilis ang paghinga ko dahil sa pagkabigla. Nagtiim bagang pa ako at balak ng tawagin ang guard para humingi ng tulong ng mapansin ko ang pamilyar na kabuuan ng lalaki.
And just as I thought…Andrew. Is. Here.
“You’re not holding your skirt!”
My eyebrows met in so much confusion. Is he mad?
“What are you doing here?” I asked.
Umayos siya sa pagkakatayo. Tiningnan niya ang ibang estudyante sa pathwalk na iyon. Sinundan ko ang tingin niya. Their eyes scandalously looked at us. Nangungunot ang noo at ang iba’y nagbubulung-bulungan pa.
I realized, we’re already making a scene here.
I bit my lip. Uminit ang pisngi ko dahil sa natamong kahihiyan. Did I overreact? Pero normal naman iyon dahil nagulat ako ah?
Hinawakan niya ako sa braso. It’s firm but I can still feel how he holds me gently. Madiin pero hindi masakit.
“Let’s get out of here.” Matigas na sabi niya.
Inilayo niya ako roon at tinungo namin ang parking area. He opened the door for me. But because he’s not explaining anything to me, binawi ko ang braso kong hawak niya. He looked at me with a hint of confusion and irritation.
“Susunduin ako ni Kuya!”
“Your brother’s still stuck in a meeting.”
“Maniwala ako sa’yo! I don’t believe you.” Sagot ko.
He sighed helplessly and licked his lower lip. Nagtagal ang tingin ko ro’n. His lips are thin and red. It glistens when he licked it.
“Christine!” he called my attention.
Kumurap-kurap ako na parang natatauhan. I looked at him again.
“Why are you here ba?” Maarte kong tanong sa kanya.
“I’m here to fetch you.”
Tumaas ang kilay ko sa narinig. I sneered at him with my playful stares.
“Weh?” sagot ko.
I laughed inwardly. Natawa sa sariling kalokohan. Narinig ko lang ‘to minsan kay Mona. Madalas ring sabihin ni Ellie ‘yon kapag may hindi siya pinaniniwalaan sa kausap. It’s a teen lingo, anyway.
“What did you say?” manghang tanong niya.
“I said, weh?” lumabi ako.
Naningkit ang mga mata niya. Sige lang, Andrew. Maasar ka pa.
I giggled and bit my lip. I shook my head. Nadagdagan ang iritasyon niya dahil nahahalata niyang inaasar ko siya.
“Get in the car.” He said authoritatively.
I laughed for mocking him. Hindi siya umiimik. Kapansin-pansin din ang reaksyon niya dahil sa pang-aasar ko. Habang ako, hind ko na rin maitago ang namumuong kilig dahil sa pagsundo niya sa akin.