Chapter 8

3264 Words
Chapter 8 Mierve's POV Lumipas ang mga araw at linggo wala na akong nakitang Drixx. Magtatatlong linggo na nga yata ng hindi ko pa nakikita ni anino niya. Naging matamlay ako sa mga araw na hindi ko siya nakita ngunit tinanggap ko na lang sa sarili na baka nga panandalian lang ang lahat sa amin. Baka na-realize na rin niya ang mga sinabi ko. Baka nga masaya na siya sa piling ng girlfriend niya. Natapos na rin ang first semester. Parati ko inaabala ang aking sarili sa trabaho. Kapag tapos na ako sa trabaho ay umuuwi na agad ako. Nagagawa ko na rin mag-overtime sa grocery na pinapasukan ko. Hindi na kasi talaga ako hinayaan ni tatay na magtinda kaya binabawi ko ito sa overtime ko sa trabaho. Sa coffee shop naman ay pumapasok ako ng maaga para hindi na ako mag-overtime sa gabi. Hindi naman ako madalas masundo ni Bart dahil busy din itong tao. Madalas din ako yayain ni Sandra lumabas lalo na sa gabi para mag-disco ngunit palagi ko itong tinatanggihan. Mas gugustuhin ko na lang din ang umuwi at ipahinga ang sarili sa maghapong pagtatrabaho. Hindi ko na maisisingit ang magsaya pa. Gusto ko abalahin ang sarili ko lalo na at palagi ko siya naiisip at na-mi-miss. Tinanggap ko na rin sa sarili ko na hindi na kami magkikita dahil na rin sa hindi naging maganda ang paghihiwalay namin dalawa. Dinalangin ko na sana nasa mabuti siyang kalagayan at masaya kung nasaan man siya ngayon. Ako na rin ang kusang humingi ng pasensya sa kan'ya sa ginawa ni Drixx. Wala naman akong ibang narinig na sagot mula sa kan'ya bagkus ay ayos lang daw iyon. Natural lang daw na ma-reject ang beauty niya. Tanggap na raw niya na hindi siya magugustuhan ni Drixx lalo pa at sinabi nitong may girlfriend na si Drixx. Ngunit nagtataka pa rin ako sa kan'ya dahil may pagkakataon na sinisingit niya si Drixx sa usapan. Tinatanong nito kung naliligaw pa raw ba si Drixx sa bahay. Ang sagot ko naman ay hindi na. Kapag sinasabi ko iyon ay mababakas sa mukha ng kaibigan ang tuwa. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Tapos na ang breaktime ko at nag-time in na ako. Napansin ko na nagkakagulo sa loob ng grocery. Maliit lang ang grocery na pinapasukan ko kaya mapapansin agad kung may kumusyon na nangyayari sa loob. Dahil maaga pa naman ay nakiusyoso ako. Tatlong lalaking nagtatangkaran at nag-gagwapuhan ang kumuha ng aking atensyon. Marahil ang tatlo na rin ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dito pati ng mga binabae. Pati mga diser ng grocery ay iniwan na ang mga kan'ya-kan'ya nilang pwesto. Base sa mga kutis nito at pananamit ay halatang galing sa may sinasabing angkan ang mga ito. May mga lahi rin ang mga ito. Sa naisip ay sumagi sa isip ko ang lalaking palagi na lang tumatakbo sa isip ko. Kung nakakapagsalita lang ang utak ko marahil nagreklamo na ito sa ginagawa ko. Anong ginagawa ng katulad nila sa ganitong grocery? Sigurado naman ako na kung saan sila nakatira ay may grocery sa kanila. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumawa naman ako ng mahina ng makita ko na pati manager ng grocery ay nakikiusyoso rin pala. Halata rin na kinikilig ito base sa ngiti nito sa mga labi. Napapailing na lang ako. Takaw pansin rin naman talaga ang tatlong ito. Umalis na ako sa mga nagkukumpulan. Tinungo ko na ang pwesto ko. Inaayos ko ang aking counter ng may naglapag ng chocolate sa tapat ko. Sinulyapan ko kung sino ito. Muntik na mapaawang ang labi ko sa aking nakita. Ang gwapo nito lalo na sa malapitan. Pero hindi pa ako bukas. Nag-aayos pa ako ng pera sa kaha. "Sir, sa next counter na lang po muna kayo," sambit ko. Nagsalubong naman ang kilay nito. "She said you're open," sabi nito na may tiningnan. Sinundan ko ang mata nito at ang nakangiti kong manager ang nakita ko. I heaved out a deep sigh. Utos ng manager dapat sundin kaya wala na akong nagawa kun'di ang magsimula na mag-scan ng pinamili nito. "What the? Chocolate, Dude? Are you serious?" tila hindi makapaniwalang usal ng isang kasama niyo. Sinulyapan ko ang nagsalita. Kumunot ang aking noo dahil parang nakita ko na ito kung saan. "What seems to be the problem?" sagot ng naglapag ng chocolate. Napakaseryoso ng mukha nito pero gwapo pa rin ito tingnan. "Dammit! Where is that f*****g idiot?" sabat naman ng isa pa. May dala-dala itong canned beer. Sila 'yung tatlong pinagkakaguluhan kanina. Mas gwapo sila sa malapitan. Kapag sinama sa kanila si Drixx ay tiyak akong there are the perfect creature sent from above. Walang tulak-kabigin sa mga hitsura ng mga ito. Napakaperpektong mga nilalang. Pasimple kong pinilig ang aking ulo ng sumagi siya sa aking isipan. Pati ba naman dito sa trabaho ko ay siya pa rin ang iniisip ko? Gusto ko matawa sa kanila dahil isa lang naman ang binili nila. "You f*****g coward. Where the hell are you?" narinig kong wika ng nasa likod. May kausap ito sa cellphone. Kinuha ko na ang mga pinamili nila at ini-scan iyon isa-isa. Nang sinabi ko na ang total amount ng pinamili nila ay binigyan nila ako ng isang libong piso. Magkano lang naman ang pinamili nila. Mga mayayaman nga naman. "Sir, baka po may smaller bill kayo?" Tanong ko. "Just keep the change," sabi ng nasa unahan. "Hindi po kami tumatanggap ng tip sir," sagot ko. Nagkatinginan naman ang tatlo. Tila nag-uusap ang mga mata ng mga ito. "No wonder, he likes you," muling baling sa akin ng seryosong lalaki. Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung para sa akin ba ang sinabi nito. "Syke, give me your money," utos nito sa katabi. "What?!" bulalas naman nito. Kalauna'y nag-abot ito ng limang daan. Napangiti ako saka kinuha ko ang pera. Pagkatapos ko ibigay ang sukli ay binalot ko na ang mga pinamili nila. "Thank you sir," nakangiti kong wika sa kanila. Pinagmasdan ko silang lumabas ngunit nagtaka ako ng bumalik ang isa na pamilyar sa akin ang mukha. "Sorry about my friend. He is a totally coward," sabi nito sabay kindat sa akin saka tuluyan ng lumabas ng grocery. Napaawang naman ang aking bibig. Sino ang tinutukoy nito? "Kilala mo ba ang mga gwapong iyon?" nakangiting tanong sa akin ni Ma'am Lisa, ang aming Manager. "Hindi po, ma'am. Ngayon ko nga lang po sila nakita," tugon ko. "Talaga?" tila hindi ito makapaniwala sa naging sagot ko. "Ikaw kasi ang hinanap nila sa mga kahera." Dagdag nito. Natigilan ako. Paanong ako ang hinahanap nila? Hindi ko naman sila kilala. Hindi ko na pinagkaabalahan pang isipin kung kilala ko ba sila dahil hindi ko naman talaga sila kilala lalo na at sa hitsura nilang iyon ay hinding-hindi ako magkakaroon ng kakilalang tulad nila. Maliban lamang kay Drixx ngunit dati iyon. Pagkatapos ko sa grocery ay dumiretso agad ako sa coffee shop. Hanggang alas-nuwebe lang ang duty ko dahil maaga ako pumasok. Kahit weekdays ay marami ang tao sa shop dahil dito rin pumupunta ang mga nag-oopisina. Dahil sa pagiging abala ko ay hindi ko na rin namalayan ang oras ay malapit na naman pala akong umuwi. Nagbibilang ako ng pera sa kaha para i-turn over ito kay Kaye. Narinig kong may pumasok dahil tumunog ang door chimes. Binati ng isa pa naming kasama ang mga bagong dating. Pareho kaming nasa kaha ni Kaye pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang impit na tili ng kasama namin kasabay na napahawak si Kaye sa braso ko at pinisil ito. "Aray! Huwag naman ang braso ko. Pambihira ka naman, Kaye. " Reklamo ko sa katabi ko dahil humigpit lalo ang pagkakahawak at pisil nito. "Ang gwapo, Girl," sabi nito at inipit ang boses para paliitin at hindi marinig ng ibang tao sa loob. Dahil na-curious ako ay sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito. Napaawang naman ang labi ko dahil ang tatlong lalaking nasa grocery kanina ay sila rin ang nakikita ko ngayon na papalapit sa amin sa counter. Sinusundan ba nila ako? Gusto ko matawa sa sarili. Sino naman ako para sundan ng mga gwapong ito? Hindi na rin ako magtataka kung sa kanila nakatingin ang mga tao sa loob. "Oh, hi! It's you again. What a coincidence, right?" sabi ng lalaking huling lumabas ng grocery kanila. Sinulyapan pa nito ang dalawang kasama. "Right, dude?" Dugtong pa nito. Alanganin naman ngumiti ang dalawa. Ngumiti ako sa mga ito. Napansin kong nagsikuhan ang dalawa sa likod ng unang nagsalita. Hinayaan ko na lang sila at tinapos ko na ang pag-turn over ng pera. Ang mga in-order naman ng mga ito ay ni-take out na lang ng nila. Nagmamadali rin kasi silang lumabas ng shop. Anong problema ng mga 'yon? Pagkatapos ko mag-ayos ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa shop pati sa manager ko. Habang nag-aabang ng masasakyan ay sinulyapan ko ang aking cellphone. Hindi kasi ako nawawalan ng pag-asa na sana tumawag siya at mag-text man lang. Ngunit nadismaya lamang ako ng wala akong natanggap na mensahe mula sa kan'ya. Nakalimutan na yata siguro niya ako. May dumaang jeep na dadaan sa lugar namin ngunit nanatili lamang akong nakatayo. Kinagat ko ang ibabang labi ng maramdaman ko ang pangingilid ng aking luha sa aking gilid ng mata. Nagbara rin ang aking lalamunan. Bago pa tuluyan maglandas iyon ay tumingala na ako. Mapait akong ngumiti ng makita ko kung gaano kaganda ang kalangitan. Maraming bituin at bilog na bilog ang buwan. Maganda itong pagmasdan lalo na sa mga magkasintahan. Kasabay ng mapakla na ngiti ay hindi ko na kayang pigilan ang pag-agos ng masaganang luha sa aking pisngi. Simula ng hindi naging maganda ang aming huling pag-uusap ay parati kong nararamdaman ang ganito. Parang may bahagi ng puso ko ang nawala. Puno ng pangungulila ang nararamdaman ko araw-araw. Minabuti ko na lang muna ang maglakad. Kapag napagod ako ay saka na lang siguro ako sasakay. Gusto ko muna mag-isip. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko maiwasan na maisingit pa siya. Kumusta na kaya siya? Iniisip din kaya niya ako? Muli akong humugot ng mabigat at malalim na buntong-hininga. Muli na naman naglandas ang aking mga luha. Gamit ang palad ay pasimple kong pinunasan ang mukha ko. May mga nakakasalubong kasi at ako baka ano pa ang isipin nila. Minabuti ko na lang din ang sumakay na para makapagpahinga na rin ako ng maaga. Nang bumaba ako ay nilagay ko na ang cellphone ko sa aking bag. Kampante ako maglakad sa eskinata dahil kilala naman ako ng mga tambay dito sa lugar namin. May respeto rin sila kay kaya wala silang gagawin na hindi maganda sa akin. Naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone sa bag. Habang naglalakad ay kinuha ko iyon mula sa aking bag ngunit nahulog ko ito sa daan nang magulat ako ng may pwersahang humila sa aking kamay patungo sa madilim na sulok. Hindi ko maaninag ang kung sino man ang humaklit sa akin ngunit nanuot sa ilong ko ang amoy nito. Pamilyar sa akin ang amoy nito dahil ito lang ang namumukod tanging may amoy na ganoon. Biglang may lumukob na takot sa aking dibdib. "Alam mo bang matagal na akong takam na takam sa'yo," puno ng pagnanasa na sabi nito kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ng matukoy ko kung sino nga ito. Sinubukan kong sumigaw ngunit mabilis niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang palad nito. Nagpupumiglas ako ngunit sadyang malakas ito. Nang matanggal ang palad nito na nakatakip sa aking bibig ay nagkaroon ako ng pag-kakataon na kausapin ito. Sana maawa ito sa pakiusap ko. "M-Mang Kanor, p-parang awa n'yo na po, huwag n'yo po itong gawin. P-promise po, h-hindi ko sasabihin ito. P-paalisin n'yo lang po ako. P-parang awa n'yo na po," nangangatal ang labi na pakiusap ko rito. Nangangatog ang tuhod at buong kalamnan ko sa takot. Hindi ko alam kung may makakarinig ba sa akin pero sana ay mayroon. "Sandali lang naman 'to, Mierve. Pagkatapos nito ay hindi na muulit," sabi nito na halatang sabik na sabik na lapain ako kasabay ang marahas na pag punit sa damit na suot ko at hinalikan ako sa leeg. "Pero kapag nasarapan ako, pwede rin naman maulit." Dugtong pa nito at mala-demonyong tumawa ng mahina. Sa sinabi nito ay humagulgol ako ng iyak. Hindi ko magawang makatakas sa kan'ya dahil nakadagan siya sa akin. Sa laki ng tiyan niya ay hindi na ako makahinga. Sinubukan kong tumakas at napagtagumpayan ko naman ito ngunit mabilis kumilos si Mang Kanor. Nahawakan niya ako sa buhok at mabilis niya akong tinulak sa pader dahilan para tumama ang ulo ko. Tila na-blangko ako dahil sa lakas ng pagkakauntog ko sa sementong pader. Sinubukan kong kumawala mula sa pagkakadagan nito sa aking likuran ngunit mabigat ito at hindi ko kayang makatakas. Nawalan na ako ng pag-asa na makatakas pa sa kan'ya. Wala na akong nagawa kun'di ang umiyak na lamang. Hindi ko lubos maisip na sa ganitong paraan mawawala ang iniingatan ko. "P-parang awa n'yo na po, Huwag n'yo po itong gawin sa akin. P-parang tatay ko na po kayo, Mang Kanor," pakiusap kong muli sa gitna ng paghikbi. Sana lang ay makonsensya ito sa sinabi ko. "Putragis! Hindi naman kita anak. Tumahimik ka na lang para matapos na tayo!" nauubusan ng pasensya na sabi nito. Muli niyang tinakpan ang bibig ko at mabilis niyang kinapa kung saan ang zipper ng suot kung pantalon. Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi sapat ang ginawa kong iyon dahil nakatakip ang kamay niya sa bibig ko. Naalarma ako ng nabuksan na niya ang zipper ng pantalon ko at pilit na binaba ang suot kong pantalon. "You son of a b***h!" isang galit na boses ang narinig ko. "I will f*****g kill you!" nanggigigil na dagdag pa nito. Naging malinaw sa akin kung kanino ang pamilyar na boses. Hindi ko na rin naramdaman si Mang Kanor sa aking likuran. Nang humarap ako ay isang bulto ang nakita kong inuundayan ng suntok ang nasa ilalim nito. Hindi ko alam kung saan na napunta ang mga tao rito at wala man lang akong nakikitang naglalakad sa daan. Kung tutuusin ay maaga pa naman. Nanginginig ang aking tuhod ng maglakad ako papalapit kay Drixx. Hinawakan ko siya sa balikat dahil patuloy pa rin siya sa pag unday ng suntok kay Mang Kanor na wala na yatang malay. "D-Drixx," nanginginig ang boses na tawag ko rito. Huminto ito sa pagsuntok. "Don't you ever touch her again because I swear, I will f*****g kill you!" nagtatagisan ang bagang na sabi nito sa walang malay na si Mang Kanor. Ramdam ko ang galit ni Drixx sa matandang mayakis. Humarap ito sa akin. "f**k!" bulalas nito. Umalis ito sa ibabaw ni Mang Kanor saka hinubad ang suot na jacket at sinuot sa akin ito. Saka ko lang napagtanto na punit-punit ang harapan ng damit ko. Nang maisuot nito ang jacket sa akin ay sinara niya ang zipper para hindi makita ang harapan ko. Kinuha niya ang bag ko na nasa daan at hinawakan ako sa kamay. Naglakad kami pabalik, palabas ng eskinita, palayo sa bahay. Sumunod na lang ako sa kan'ya. Saka ko lang napagtanto na sa sasakyan niya kami patungo. Inalalayan niya ako pumasok sa loob ng sasakyan niya. Umikot siya sa driver's seat. Hinintay ko na buhayin niya ang makina ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay nanatili lang siyang nakaupo. Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko napigilan na tumulo ang aking luha. Galit siya sa akin at nararamdaman ko iyon. Tumungo ako at doon ako tahimik na umiyak. Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang braso ko at niyakap ako. Muling kumawala ang kanina ko pa pinipigilan sa harap niya. Ang tahimik kong pag-iyak ay nagkaroon ng tunog. Naramdaman ko ang marahang paghagod niya sa aking likuran. Wala akong narinig na salita sa mula sa kanya. Nanatili lang siyang nakayakap sa akin at patuloy sa pag hagod sa aking likuran. "D-Drixx," anas ko sa gitna ng pag-iyak. "Shhh, it's okay, everything is going to be alright. Hindi ka pwede umuwi na gan'yan ang hitsura mo," sabi nito saka kumalas sa pagkakayakap sa akin. Gamit ang kan'yang palad ay pinunasan niya ang luha sa aking pisngi. "Dadalhin muna kita sa condo ko." Suhestyon nito. Natigilan naman ako sa sinabi nito. Inipit niya ang takas kong buhok sa aking tenga. Ngumiti siya sa akin. Ang ngiting iyon na matagal kong hindi nakita. "Don't worry, magpapaalam ako kay Tatay Mike." Paglilinaw nito. Wala na akong nagawa ng tawagan nito si tatay at pinaalam ako. Sumang-ayon naman agad ang tatay ko. Dinala niya ako sa malaking building. Nalula ako sa taas nito. Hawak niya ang aking kamay ng tinungo namin ang condo unit niya. Napanganga naman ako sa nakita ko. Napakaaliwalas ng loob ng unit nito. Ang pader nito ay salamin kaya kita mula sa loob ang mga nagkikinangan at nagtataasang building sa labas. Nasa ika-labing anim na palapag kasi ang unit ni Drixx. Pinaupo muna niya ako sa sofa. Tinungo niya ang isang pintuan at pumasok doon. Paglabas niya ay may dala na siyang damit. Inabot niya sa akin ito. "Maligo ka muna. Magpapa-deliver ako ng pagkain para makakain ka." Pormal nitong wika sa akin. Sinundan ko naman siya ng tingin. Tumawag siya sa telepono at nagpadeliver siya ng pagkain. Nagulat pa siya ng hindi pa ako umaalis sa pagkakaupo. Tinitigan lang niya ako. Blangko ang kanyang mukha. Muli na naman bumilis ang t***k ng puso ko ng lumapit siya. Nag-squat siya ng upo para pumantay sa akin. Sinuklay ng kan'yang daliri ang aking buhok. "Hindi ko mapapalampas ang ginawa ng gagong matandang iyon. May kalalagyan talaga siya sa akin kapag nagkita kami," nanggigigil na sabi nito saka marahan niyang hinaplos ang aking mukha. "Ikaw pa talaga ang napili niyang pwersahin. That bastard. Sinasabi ko na nga ba at may balak siya sa'yo." Dugtong niyo. Nakagat ko ang ibabang labi. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa aking mukha. "Salamat, Drixx. Utang ko sa'yo ang buhay ko. Kung hindi ka dumating ay baka wala na akong mukhang maihaharap. Salamat talaga." Puno ng sensiredad na sabi ko at muli na naman naglandas ang luha mula sa aking mga mata. Dinig ko ang buntong-hininga nito. Umupo siya sa tabi ko at inihilig ang aking ulo sa kan'yang balikat. "Hindi ko hahayaang mangyari iyon, Mier. I'm sorry, nahuli ako ng dating. Sana bumaba agad ako ng sasakyan para kahit ni dulo ng daliri niya ay hindi dumapo sa'yo. Kinain ako ng pride ko, I'm sorry." Saad nito. Tumigil ako sa pag-iyak ng marinig ko ang mga huli niyang sinabi. Nag-angat ako ng mukha. Nabanaag ko sa mga mata niya ang pangungulila. Pareho ba kami ng nararamdaman? Tumuwid siya ng upo at humarap sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. "I'm always watching you, Mier. I can't come near to you because you might still be mad at me. Pero hindi mo alam kung paano ako naghihirap na hindi ka lapitan. Sobrang miss na miss na kita alam mo ba 'yon?" sabi niya at muli niya akong niyakap. Sapat na sa akin ang narinig ko. Sapat na sa akin na hindi ko kayang tiisin ang lalaking matagal kong hindi nakita. Sobra ko rin siyang na-miss. "Miss na miss na rin kita, Drixx," hindi ko napigilan sabihin sa kan'ya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Nakangiti siya ng sulyapan ko. "Marami akong gustong ipaliwanag sa'yo, and I think," sabi nito. Lumapit ang mukha niya sa akin. "Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako kay Tatay Mike, Mier. Mababali na ang pangako ko sa kan'ya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD