Chapter 7

3045 Words
Chapter 7 Mierve's POV Hindi ako lumalabas ng kwarto namin ni Mandy. Dinig ko ang tawanan ni Drixx at ng kaibigan ko kahit nakikinig ako ng music at may nakasalpak na earphone sa aking tenga habang nakahiga. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto namin ni Mandy. Gusto ko lakasan ang sounds para hindi ko marinig ang tawanan nila ngunit baka naman masira ang eardrums ko. Tila tuwang tuwa silang dalawa sa pinag-uusapan. Kung ano man iyon ay wala na akong pakialam. Ang sabi ni Sandra ay hindi na niya tinuloy ang lumabas kasama ang mga kaklase namin. Mas minabuti niyang puntahan na lang daw ako. Nakapagtataka dahil hindi naman niya ugali ang pumunta sa bahay lalo na kung hindi naman importante. Dito na rin sila naghapunan na dalawa. Habang nasa hapag kami ay walang tigil sa pag kwento si Sandra. Panay din ang tanong nito kay Drixx. Ako naman ay nananahimik lamang. May pagkakataon na kapag tinatanong siya ni Sandra ay napapatingin siya sa akin ngunit binabalewala ko lamang iyon. Ayaw ko mawala ang atensyon niya sa aking kaibigan. Hanggang sa matapos kami kumain ay wala akong imik. Gusto sana niya ako tulungan maghugas ng mga pinagkainan ngunit tumanggi ako. Niyaya na rin siya ni Sandra sa sala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang kwentohan nilang dalawa. Mas pinili ko na lang ang magkulong sa kwarto kaysa ang sumali sa kwentuhan nilang dalawa. Baka ma-out of place lamang ako. Bumukas ang pinto ng kwarto at ang nakangising sii Mandy ang bumungad sa akin. "Ate," sambit nito saka tumabi sa akin. Dahil nakalagay ang earphone sa tenga ko ay tinanggal niya ito. Nilapit niya ang bibig sa aking tenga. "Selos ka?" bulong nito. Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Bakit naman ako magseselos eh magkaibigan lang naman kami ni Drixx. Ikaw ang bata bata mo pa kung anu-ano pinagsasabi mo." Sabi ko at tinalikuran ko na ito. Dinig ko ang hagikgik nito. Nilagay kong muli sa tenga ang earphone ko. Sa pagkakataong ito ay nilakasan ko na. Bahala na masira ang eardrums ko. Ayaw ko ng may marinig pa akong tawanan. Naramdaman ko umalis sa tabi ko si Mandy. Marahil lumabas na ito ng kwarto. Si tatay naman ay hindi ko alam kung saan pumunta. Gan'on ito pagkatapos kumain. Nawawala na lang ng bigla. Dahil sa pinapakinggan kong kanta ay para ako nitong hinihile. Naramdaman ko ang pamimigat ng talukap ko at tuluyan na nga akong ginupo ng antok. Naramdaman ko na lang ang marahan na paghaplos sa aking mukha. Hinayaan ko lang na gawin sa akin iyon. Marahil ang kapatid ko na walang magawa at ako ang pinagtitripan. "You look like sleeping beauty," sambit ng baritonong boses na nagpabalikwas sa akin sa pagkakahiga. Mabilis akong bumangon. Nakaupo si Drixx sa tabi ko at matamang nakatitig sa akin. Pupungas-pungas ng mata ng sinulyapan ko ito. "Si Sandra?" tukoy ko sa kaibigan. "Umuwi na. Magpapaalam sana siya sayo pero tulog ka na raw," sagot nito. "Ikaw, bakit hindi ka pa umuuwi? Anong oras na ba?" tanong ko rito at sinipat ko ang cellphone. Nanlaki ang mata ko na makitang alas-dose na ng hating gabi. Gano'n na ba ako kahimbing na natutulog? Samantalang kanina ay alas-syete palang ng nahiga ako. "Mamaya na siguro. Nag-i-enjoy pa ako sa view," makahulugan nitong wika. Sinimangutan ko ito. "Hindi ka na pwede matulog dito, Drixx," sambit ko ng hindi ito sinusulyapan. "Bakit? Dahil magagalit si Bart?" sagot nito dahilan para sulyapan ko ito. Hindi naman ito mukhang galit bagkus ay nakangiti pa nga ito. Sinuklay ko ang sariling buhok ng aking daliri. Hindi ako makasagot. Malakas ang radar ni Bart at sigurado ako na malalaman niya na pumunta si Drixx sa bahay. Ayaw ko na magkaroon pa kami ng gap ng kaibigan dahil kay Drixx. Binaluktot ko ang aking mga tuhod at niyakap ko ito saka pinatong ang aking baba. "Baka kasi ano isipin ng mga kapitbahay at ni tatay," sagot ko ng hindi ito sinusulyapan. I heard his deep sigh saka ito tumayo. "Sige, uuwi na ako," matamlay nitong tugon. I bit my lower lip. Aalis na naman ba ito na masama ang loob? Bago pa ito humakbang ay hinawakan ko na ito sa kamay. Natigilan ito sa ginawa ko. Nag-angat ako ng mukha para tingnan siya. Nabanaag ko sa mga mata niya ang lungkot. "Bakit ka ba ganito sa akin, Drixx? Kaibigan mo lang naman ako. Iba ang pinapakita at pinaparamdam mo sa akin bilang kaibigan. Itigil mo na 'to Drixx," pakiusap ko. Hindi ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kan'ya. Ang tanging alam ko lang ay kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. Naramdaman ko ang marahang pagpisil nito sa aking kamay. Muli siyang naupo. Inipit niya sa aking tenga ang takas kong buhok. Nakipagtitigan ako sa kan'ya. Kumibot ang kanyang bibig ngunit wala akong narinig na salita mula sa kan'ya. Hinaplos niya ng marahan ang aking mukha. Muli ko na naman narinig ang kanyang paghugot ng malalim na buntong-hininga. "You're special to me, Mier," sagot nito. Nadismaya naman ako sa sagot nito. Nakulangan ako sa sinagot nito sa akin. Ako naman ang humugot ng malalim na buntong-hininga. Sinasaktan ko lang talaga ang sarili ko. "Si Mandy?" bagkus ay tanong ko. Huminto ito sa pag haplos sa aking mukha. "Nakatulog na sa kwarto ni Tatay Mike," sagot nito. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin saka tumayo. Palilipatin ko si Mandy sa kwarto namin. Palabas na ako ng kwarto ng natigilan ako. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking bewang. Umikot iyon hanggang sa aking tiyan. Niyakap niya ako mula sa aking likuran. Pinatong niya ang kan'yang baba sa aking balikat. Hindi ako nakagalaw ng dumampi sa aking pisngi ang mainit niyang hininga. Napapikit ako ng muling nanuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Naramdaman ko mula sa likuran ko ang mabilis na t***k ng kan'yang puso. Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. Ilang segundo kami sa ganoong posisyon. Binalot kami ng katahimikan. Tanging t***k ng mga puso namin ang aking naririnig. "May pinangako ako na hindi ko maaaring sirain, Mier. Ayaw ko masira ang tiwala sa akin ni Tatay Mike. I respect him as much as I respect you. Kaya kung pwede sana ay hayaan mo ako na gawin ang mga bagay na gusto ko gawin sa'yo. Alam ko naman kung hanggang saan ang limitasyon ko. Isa lang ang pakiusap ko sa'yo," kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Pinihit niya ako paharap sa kan'ya. Puno ng sinseredad ang mga mata niya. Dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili na mapapikit. Handa na ako sa posible niyang gawin. Hinintay kong dumapo ang mga labi niya sa aking labi ngunit sa noo ko iyon lumapat. Nadismaya ako ngunit nagagalak ang puso ko dahil kahit may kayabangan at kapaskuhan si Drixx ay marunong itong rumespeto. "Huwag mo sana ako pigilan sa gusto kong gawin. Sa ganitong paraan na lang ako nagiging masaya, Mier." Mahina niyang wika. Pagkatapos niya ito sabihin ay niyakap niya ako. Tumugon ako ng yakap sa kan'ya. Hindi matutumbasan ang saya na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kahit hindi ako kuntento sa naging sagot niya ay ayos na sa akin iyon. Masaya na ako kung ano ang mayroon kami ngayon. Kung ano man ang napag usapan nila ni tatay ay hindi ko na siguro dapat pang alamin iyon. Ang importante ngayon ay mahalaga ako kay Drixx at ganoon din siya sa akin. Kung panaginip man ito ay ayaw ko ng magising. Ngunit tila yata hindi palaging may saya. Dahil ang saya ay laging may kapalit. Nagulat ako ng hindi si Drixx ang nakita kong parating sa shop. Ang kaibigan kong si Bart ang naroon. Nakangiti itong pumasok sa shop. Bakit siya ang nandito? Nasaan si Drixx? Bago umalis si Drixx kagabi ay sabi nito na siya ang susundo sa akin ngayon. Sumang-ayon naman ako dahil gusto ko naman iyon. Masaya kaming naghiwalay ng nagdaang gabi. Ni hindi nga niya mabitawan ang kamay ko. Pinilit ko na lang siya na umalis ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kaibigan tutal gawain naman niya ito dati, ang sunduin ako sa trabaho. Tahimik lang kami nag-aabang ni Bart ng jeep. Hanggang sumakay kami ay wala itong imik. Tinatahak na namin ang eskinita pauwi ay nabibingi pa rin ako sa katahimikan naming dalawa. Hindi aki sanay na ganito ang kaibigan ko. "Nakakabingi naman," basag ko sa katahimikan. Narinig ko ang mahinang tawa nito. Marahan ko naman siyang sinuntok sa braso. "Twenty-three ka na pero wala ka pa rin girlfriend. Mag-girlfriend ka na para naman hindi na ako ang sinusundo mo." Biro ko sa kan'ya. Huminto siya sa paglalakad. Napahinto rin ako saka ito sinulyapan. Salubong ang kilay nito ng sulyapan ko. Huli na para bawiin ko ang binitawan kong salita. Nagsisi ako kung bakit ko binuksan ang topic na iyon. "Pa'no ako magkaka-syota kung hindi naman pinapansin ng babaeng gusto ko ang nararamdaman ko," seryosong sabi nito na matamang nakatitig sa'kin. Hindi ako nakasagot sa sinabi nito "B-Bart," anas ko. Napakamot ito sa ulo at nag-iwas ng tingin. "Handa akong maghintay, Erve. Hihintayin ko rin na matauhan ka na hindi si Drixx ang para sayo." Dagdag pa nito. Nanlumo ako sa sinabi nito. Pinapahiwatig nito na wala talagang lugar para sa katulad ko ang tulad ni Drixx. Isang malaking sampal sa akin ang sinabi nito. Tanggap ko naman iyon pero hindi naman niya kailangan ipamukha sa akin. Nagsimulang na itong maglakad ngunit kalauna'y huminto ito at pumihit paharap sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha nito ng sulyapan ko. Nagtaka naman ako sa naging reaksyon nito. Bahagya akong napaatras ng humakbang ito palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik kung saan kami galing. "Bart, ano ba. Saan pa ba tayo pupun-" "What are you doing?!" isang pamilyar na boses ang nagpahinto sa pagsasalita ko. Dahil nasa eskinita kami at may mga bahay sa dinadaanan namin ay hindi kami kita kung saan kami nakatayo ni Bart. Akma akong haharap sa pinanggalingan ng boses ngunit pinigilan ako ni Bart. Nagtataka ko naman itong sinulyapan. Umiling-iling ito at nakikiusap ang mga mata. Pinapahiwatig nito na huwag ko ng subukin na tingnan ang pinanggalingan ng boses. "Gusto kita Drixx," sabi ng isang pamilyar na boses. Nagsalubong ang kilay ko dahil boses ito ni Sandra. "What?!" bulalas ng baritonong boses na tila hindi nagustuhan ang sinabi ng kaibigan ko kasunod ang isang ma pang-insultong tawa. Saka ko lang napagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "I don't like you. Alam mo naman siguro 'yan. May girlfriend na ako at hindi ko gustong sirain ang relasyon naming dalawa ng dahil sa'yo. Who the hell are you anyway?" mapang-insultong sabi nito. Parang tinusok ng kung anong matulis na bagay ang puso ko sa narinig. Unti-unting nangilid ang luha sa gilid ng aking mata. Kasabay nito ang galit na bumalot sa aking puso. Straight to the point si Sandra kung magsalita. Minsan talaga hindi muna ito nag-iisip sa binibitawang salita. Naranasan ko na iyon minsan pero kaibigan ko pa rin ito kahit nakakasakit na siya ng kalooban. Sino siya para pag-salitaan ng masama ng ganoon ang kaibigan ko? Marahas kong hinila ang kamay ko na hawak ni Bart. Hahawakan pa sana niya ako ngunit tinapat ko sa kan'ya ang aking isang kamay para pahintuin siya. "Sige, subukan mong pigilan ako. Kakalimutan kong naging magkaibigan tayo," nanggigigil na sabi ko bago ko ito tinalikuran. Mabilis akong naglakad palabas ng eskinita ngunit para na naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nabungaran. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Unti-unti na namang may bumara sa aking lalamunan. Mas masakit pa yata itong nakikita ko kaysa ang narinig kong may kausap siya sa cellphone at sinabihan niya ng 'I miss you at I love you'. Kung kanina ay parang may tumusok sa aking dibdib ngayon ay pinira-piraso na ang puso ko. Magkahalikan silang dalawa ng kaibigan ko. "What the f**k!" tinulak niya si Sandra dahilan para mapaupo ito sa daan. Napansin niya ang presensya ko. "M-Mier?" gulat na sabi nito ng makita ako. Mabilis kong dinaluhan si Sandra. "Okay ka lang?" tanong ko sa kaibigan. Kagat ang ibabang labi nito ng tumango lamang bilang tugon. Kahit madilim ay hindi nakaligtas mata ko na may galos ito sa bandang siko. Pinatayo ko siya. Pinagpagan ko ang bandang likuran nito para maalis ang dumi. Sa lugar namin ay hindi seminto ang daanan kaya kapag umulan ay puno ng putik ang nadadaanan namin. "Mier, it's not what you think. She kissed me," paliwanag agad niya ngunit hindi na ako nakapag timpi. Pumihit ako paharap sa kan'ya at malalaking hakbang ang aking ginawa papalapit sa kinatatayuan niya. Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kan'yang pisngi. Tumagilid ang mukha niya sa ginawa kong pagsampal. Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa ginawa ko ng sulyapan niya ako. "Wala kang karapatan na pag-salitaan ng masama ang kaibigan ko! Kung nagtapat man siya sa'yo irespeto mo!" galit na sabi ko rito. Tila nagulat pa siya sa sinabi ko. Akma niya akong hahawakan ngunit umatras ako. "Kung sino man ang sinabihan mo ng 'I miss you at I love you' at ang sinasabi mong girlfriend mo ay bumalik ka na sa kan'ya. Masaya kami dito ng wala ka!" dugtong ko pa. Kumirot ang puso ko sa binitawang salita. Ako pa yata ang nasaktan sa mga sinabi ko. Nabanaag ko sa mga mata niya kung paano siya nasaktan sa sinabi ko. Pero hindi ko na ito maaaring bawiin. Hindi ko siya maaring panigan lalo pa at marami ang nagawang kabutihan sa akin ni Sandra. Hindi ko ito mapapalampas. Inalalayan ko si Sandra na maglakad. "Mier, hindi mo ako naiintindihan," may lungkot sa boses na sabi nito. Pinigilan ko ang sarili na lingunin soya dahil oras na gawin ko iyon ay baka bumigay ako at hindi ko mapigilan na yakapin siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Sandra. "Pare, sige na. Igalang mo na lang ang gustong mangyari ni Erve. Umalis ka na," narinig kong wika ni Bart. Hindi ko na narinig na nagsalita si Drixx. Ngunit hindi ko napigilanvang sarili na lingunin siya. Likod na lang niya ang tanging nakita ko. Marahil ito na ang huling pagkikita naming dalawa. Sa naisip ay hindi ko napigilan ang sarili na tumulo ang aking luha. Tama na siguro ang naranasan kong saya na kasama ko siya. Isa lang ang masasabi ko, ma-mi-miss ko siya ng sobra. Hindi na nagtagal si Sandra sa bahay. Pinahatid ko na rin siya kay Bart dahil masyadong gabi na. Baka pagtripan pa si Sandra sa daan. Hindi na naman agad ako dinalaw ng antok. Lagi na lang ba ganito? Laging na lang ba may kapalit ang kasiyahan ko? Sinulyapan ko ang kapatid na mahimbing na natutulog. Muli akong tumingin sa kisame. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Kinuha ko ang cellphone ni Mandy na nasa ulunan nito. Nandoon kasi ang kantang madalas kong pakinggan. Baka mag-download na rin ako ng kantang iyon. Kapag ganitong naiisip ko siya ay pinapatugtog ko iyon. Nang makita ko na ay bahagya ko lang hininaan ang volume nito dahil baka magising si Mandy. Now playing:Thank God I found you by Mariah Carey Mapait akong ngumiti ng marinig ko ang musikang ito. Akalain mo nga naman at naging paborito ko pa ang kantang ito. Para sa akin ba o para sa kanya? Muli akong humugot ng malalim na buntong-hininga. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Kumain na kaya siya? Iniisip din kaya niya ako? Baka naman kasama niya ang girlfriend niya ngayon. Sa naisip ay nangilid ang luha sa aking mga mata. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pag landas ng masaganang luha sa aking pisngi. Bakit nga ba ako naniwala sa kanya? Buong akala ko ay wala siyang girlfriend dahil napapadalas ang pag punta niya sa bahay. Ang mga salita niyang tumatak na sa aking puso't isipan. Pilit kong binaliwala ang mga narinig ko noon sa kan'ya sa kausap niya sa cellphone. Inisip ko na lang na baka ina niya o kapatid ang sinasabihan niya. Pero dahil sa narinig ko kanina ay natauhan ako. Nalinawan ang isip ko. Katulad din si Drixx ng ibang lalaki. Mapagsamantala sa tulad ko na mabilis maniwala sa mabulaklak na salita. Hindi tumigil sa pag-agos ang masaganang luha sa aking pisngi. Pinigilan ko ang mapahikbi dahil baka magising si Mandy. Nagtalukbong ako ng kumot. Ilang segudo lang ay narinig kong nag-vibrate ang aking cellphone. Sinilip ko ito ngunit nag salubong ang aking kilay dahil unregistered number ang tumatawag. Hinayaan ko itong mag-vibrate. Tumigil naman sa pag tunog ang cellphone ko. Akma kong bibitawan na sana ito ngunit muli na naman iyon nag-vibrate. Tumatawag muli ang numero na hindi nakarehistro sa aking cellphone. Suminghot muna ako bago ko pinindot ang answered button. "Hello?" mahina kong wika. Hinintay ko magsalita ang nasa kabilang linya ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa rin sumasagot. "Sino po sila?" tanong kong muli. Dinig ko ang mabigat na buntong-hininga sa kabilang linya. Biglang tumahip ang aking dibdib. Kahit hindi ito magsalita ay alam kong siya ang tumatawag. Kung kanino man niya nakuha ang number ko ay wala na akong pakialam. Kahit man lang sa ganitong paraan na lang ay makasama ko siya. Napansin kong tumigil na ang pinapakinggan konh musika. Inulit ko iyon at nilapit ko sa cellphone na hawak ko kung saan nasa kabilang linya siya. Sigurado ako na matutuwa siya sa maririnig niya. Siya ang dahilan kung bakit naging paborito ko ang musikang ito. Wala pa rin akong naririnig na ingay sa kabilang linya. Base sa pananahimik niya ay alam kong nakikinig siya. Gusto ko sabihin sa kan'ya na miss na miss ko na siya ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil ako naman ang nagsabi na umalis na siya. Sana maintindihan niya ako kung bakit ko iyon ginawa. Napahikbi ako ng tuluyan na niyang pinatay ang tawag. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang paghikbi. Gusto ko bumalik sa panahong hindi ko siya nakilala. Na sana walang Drixx sa buhay ko ngayon. Na sana hindi ko nararamdaman ang sakit na nararanasan ko ngayon. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD