Chapter 13

2238 Words
Chapter 13 Mierve's POV Para akong hindi mapaanak na pusa dahil kanina pa ako pabalik-balik sa stockroom. Kanina pa ako napapaisip kung paanong nandito siya. Ang sabi ni Kuya Bong ay nandito ang May-ari ng mall. Si Drixx ba ang May-ari ng mall? "Hindi, hindi," sabi ko kasabay ng pag-iling. Kinagat-kagat ko ang dulo ng daliri ko at muling nagpabalik-balik ng lakad. Halos mapudpod na ang dulo ng kuko ko sa hinlalaki dahil simula ng pumasok ako rito sa stockroom ay ganito na ang ginagawa ko. "Hoy!" "Ay, bruha ka!" bulalas ko ng ginulat ako ni Ara. Dahil sa gulat ko ay ilang beses ko itong hinampas sa braso nito. Tatawa-tawa naman itong umiiwas sa ginagawa ko. "Ano ba kasi ginagawa mo rito? Kanina p bukas ang mall. Isa pa, hindi oras ng pag-i-stockroom. Baka masita ka rito," puna nito sa akin. Tumingin pa ito sa kabuuan ng stockroom. "Nakita mo naman, ikaw lang ang tao rito." Dugtong pa nito. "Ayoko lumabas, Ara," tugon ko. Kumunot naman ang noo nito sa tinuran ko. Awtomatikong gumalaw ang kamay nito saka sinipat ang noo at leeg ko. "Wala ka naman sakit, Mierve. Malamig rin dito sa stockroom. Bakit parang pinagpapawisan ka? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito. Agad ko naman sinipat ang sariling katawan. Pinagpapawisan ako ng malamig. Saka ko lang napagtanto na pati kamay ko ay sobrang lamig. Ganito ang epekto ng hindi ko inaasahang pagkikita naming muli ni Drixx. Nang nakita ko siya kanina habang blangko ang mukha na nakatingin sa akin ay agad akong umalis sa harap nito kahit hindi pa tapos ang peptalk. Kumaripas ako ng takbo at tinungo ang department kung saan ako naka-duty. Dumiretso ako sa stockroom kahit bawal pa pumasok. Pagdating ko sa loob ay sumigaw ako na walang boses. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ng makita ko siya. Naroon ang saya, pananabik at takot. Masaya dahil nagkita kaming dalawang muli. Matagal na hindi ko s'ya nakita. Tanging ang picture n'ya lang na kinuha ko pa sa google ang nag-iisang mayroon ako. Pananabik dahil matagal akong nangungulila sa kan'ya. Ngayon ay nakita ko na siya ay parang gusto ko tumakbo pabalik kung saan ko s'ya iniwan at yakapin ng mahigpit. Takot dahil dumating na ang ikinakatakot ko. Baka kaya siya nandito ay dahil alam na niya na ako ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid niya. Labis ang kaba ang naramdaman ko habang papasok ako ng stockroom. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari ng bigla na lang ako umalis sa harap ng marami. Baka mapagalitan at matanggal ako ng wala sa oras ng Branch Manager pati na rin ng Department Manager dahil sa ginawa ko. Sa isiping iyon ay mas lalo akong kinabahan. "Tara na sa labas. Walang bantay sa paninda mo. Mamaya pa ang shift ng kapalitan mo." Yaya sa akin ni Ara. Kahit nangangatog ang tuhod ay wala na akong nagawa kun'di ang lumabas ng stockroom. Baka mas lalo lang ako mapagalitan dahil walang nagbabantay ng items ko. Pagdating sa pwesto ko ay nag palinga-linga pa ako. Baka kasi nasa paligid lang si Drixx. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako makapag-concentrate ng maayos sa trabaho ko ng dahil sa kan'ya. Nang dumating si Resty, ang kasama ko sa pwesto ko ay agad akong pumasok sa stockroom. Nagtataka naman ito dahil hindi ako pumapasok ng stockroom lalo na kung mag-aayos lang naman ng mga paninda namin. Mas porte ko kasi ang magbenta at ito naman ay ang mag-ayos ng stocks namin sa loob. Pero dahil kailangan kong umiwas ay gagawin ko ang bagay na hindi ko talaga ginagawa. Lumabas lang ako ng magtatangahalian na. Mabilis kong hinila si Ara para kumain kahit hindi pa ito nakapag paalam sa kasama nito sa pwesto. Hanggat maaari kasi ay ayaw ko muna manatili sa pwesto ko katulad ng nakaugalian ko. Nababahala ako na baka biglang dumating si Drixx dahil hindi ko na alam kung saan pa ako tatakbo at magtatago. Masyadong mabilis ang isang oras na break. Parang ayaw ko ng pumasok. Gusto ko na hilahin ang oras para matapos na ang morning shift ko at makaalis na ako rito sa mall. Hindi kasi ako sigurado kung nandito pa siya sa mall. Pagbaba ko sa area ko ay binigay agad sa akin ni Resty ang dalawang pants na hawak nito. Kukuha raw kasi ito ng stocks sa stockroom. Hindi ko na nagawang magsalita ng mabilis itong umalis sa harap ko. "Mierve," napalingon ako sa nagsalita. Kinabahan naman ako dahil ang Branch Manager at ang Department Manager ay papalapit sa akin. Baka tanggalin na ako ng mga ito dahil sa inasal ko kanina. "Dalhin mo na 'yan kay sir kung ayaw mong matanggal," pagbabanta nito sa akin ngunit hindi ko makitaan na galit ito, bagkus ay nakangiti pa ito. Gayon din ang Department Manager namin na si Sir Mark Alcaraz. Kahit nagugulumihanan ay tinungo ko ang fitting room at kinatok ko ang tinuro ni Sir Argarin na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Dalawang katok na ako ay wala pa rin akong naririnig na sumasagot sa loob ng fitting room. Sinulyapan ko si Sir Argarin ngunit wala na ang mga ito sa pwesto. Muli akong bumaling sa pintuan ng fitting room. "Sir, nandito na po ang isusukat n'yong pants," tawag ko sa customer na nasa loob kasabay ang pagkatok. Napangiti ako ng bahagyang bumukas ang pintuan. Bahagya kong pinasok ang kamay ko para iabot rito ang hawak kong pants ngunit nanlaki ang mata ko nang hinawakan ang kamay ko ng tao sa loob at hinila ako papasok sa loob ng fitting room. Pagpasok ko sa loob ay napasandal ako sa salamin. Muntik ko ng mabasag ang salamin dahil bahagyang tumama ang ulo ko ngunit agad na may humarang sa likod ng ulo ko. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang pangahas na humila papasok sa akin sa loob ng fitting room. Hindi ako nakagalaw ng makita ko ang seryoso nitong mukha. Ang kaninang kalmado ko pang katawan ngayon ay nagsimula ng manginig. Ang puso ko na kanina lang ay kalmado, ngayon ay kasing bilis na ng mga kabayong nagkakarerahan. "D-Drixx," usal ko. Ngayon ko na lang ulit nabanggit ang pangalan niya. Hindi ko matukoy kung ano ang nakikita ko sa mga mata niya pero hindi iyon galit. Nag-iwas ako ng tingin dahil napapaso na ako sa paraan ng pagkakatitig nito sa akin. Kapagkuwa'y humakbang ako para umalis sa harap nito ngunit mabilis ako nitong nahapit sa aking bewang at inilapit ang katawan ko sa katawan nito. Nagpupumiglas ako sa pagkakahapit nito sa akin. Tinulak ko ito ngunit sadyang malakas ito. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ng lalaking ito pero hindi ko gusto ang ginagawa niya. Ayaw ko na pag tsismisan ako ng mga kasama ko rito sa mall. Masisira ang magandang imahe ko sa mga kasama ko lalo na at may award ako sa mall na ito. "Drixx, ano ba? Bitawan mo 'ko. May trabaho pa ako," sabi ko rito habang patuloy na nagpupumiglas. "I'm your customer here. So, whether you like it or not, you have to assist me." Maawtoridad na sabi nito. "Alam ko na customer kita at dapat kitang i-assist. Pero hindi kasama sa trabaho ko ang isama mo pa ako rito sa fitting room. Lalabas na ako." Sabi ko at tinapat nilapat ang dalawang kamay ko sa dibdib nito para muling itulak ngunit napasinghap ako ng dinagan niya ang katawan sa akin. Nanlalaki ang mata na sinulyapan ko ito. Sa pagkakataong ito ay hindi na ito seryoso. Puno ng pananabik ang nabanaag ko sa mga mata nito. "Iyan ba ang isasalubong mo sa akin pagkatapos ng anim na taon na paghahanap ko sa'yo? Hindi ako manghihingi ng paliwanag mo dahil alam ko naman na wala kang sasabihin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay nakita na kita. Now, tell me, i-aassist mo ba ako o sisantehin kita dahil sa pagtalikod mo sa akin kanina. Remember, I'm the owner of this mall kaya ay kaya kitang sisantehin kapag hindi mo sinunod ang gusto ng customer mo." Mahabang litanya nito. Hindi ako sigurado kung seryoso nga ito sa sinasabi nito pero nagkaroon ako ng takot dahil isang pitik lang nito ng daliri ay tanggal nga ako sa trabaho. Kapag natanggal ako sa trabaho ay hindi ko na matutuloy ang plano ko na umalis ng bansa. Passport na lang ang kulang ko. Pero bakit naman sa ganitong paraan pa? "Sige, hayaan mo akong gawin ang trabaho ko. Hayaan mo akong i-assist kita bilang customer ko," sabi ko na pilit tinapangan ang loob ko at nakipagtitigan rito. Umaliwalas naman ang mukha nito ng sabihin iyon. Bahagya itong ngumiti sa akin. "Na-miss kita," sabi ng bahagi ng utak ko ng masilayan ko ang ngiti nito. "Pero palabasin mo na ako. Masisira ang trabaho ko dahil hindi kasama ang pagpasok ko sa fitting room lalo na at may customer sa loob. Alam n'yo naman siguro iyon, sir, hindi ba?" paglilinaw ko rito. Bahagyang kumunot ang noo nito at lumuwag ang pagkakahapit sa aking bewang. Nakahinga naman ako ng maluwag sa ginawa nito. "Thank you, sir," nakangiti kong sabi at nagsimula ng humakbang para lumabas ng fitting room. Mabuti na lamang at mabilis pakiusapan ang lalaking ito. Ngunit bago pa man ako makahawak sa hawakan ng pintuan ay hinawakan niya ako sa braso at mabilis na pinihit paharap at muling sinandal sa salamin. "Drixx, ano'ng-" "I change my mind," sabi nito. Bago ko pa man maibuka ang bibig ko para magsalita ay tinakpan na ng labi nito ang labi ko. Nanlalaki ang mata na hindi ako nakagalaw sa ginawa nito. Hindi ko inasahan na gagawin niya ito. Gusto ko ito itulak pero hindi naman gumagalaw ang katawan ko. Tila ba naparalisa ako sa ginagawa nitong pag-ukopa sa labi ko. Hinapit pa nito ang bewang ko para mas lalo pang magkalapit ang katawan naming dalawa. Gusto ko na mag-protesta pero heto ako, tila ninanamnam pa ang tamis ng halik nito sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na nagpapatangay na sa halik na binibigay nito. Hindi ko napigilan ang sarili na pumikit. Namalayan ko na lang ang sarili na tumutugon sa halik nito. Shocks! Sobra kong na-miss ang lalaking ito. Siya ang first kiss ko noon pa man. Wala pang ibang labi ang nakakasayad sa labi ko kun'di siya pa lamang. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung paano ang humalik. Nakakatawa hindi ba? 24 years old na ako pero wala pa akong karanasan sa paghalik. Pero ngayon, pakiramdam ko ay hindi na ako bago sa halik. Ginawa nitong posible ang imposible sa 'kin. Imposible dahil buong akala ko ay hindi ko na mararanasan ang mahalikan lalo na sa lalaking noon pa man ay pinapangarap ko. Pero ngayon, heto ako, nagpapatangay sa mapanukso nitong halik. Sumagap kami ng hangin pareho ng tila nauubusan na kami ng hangin. Dinampian niya ako ng halik sa noo saka pinagdikit ang noo namin. "I missed you, Mier. How come na dito lang pala kita matatagpuan? How stupid I am. Six years akong naghanap sa'yo, alam mo ba 'yon?" sabi nito at muli akong hinalikan. Maya-maya lang ay kumalas ulit ang labi nito sa labi ko. "D-Drixx, sorry…" muli kong sambit. "It's okay, wala ng dahilan para mag-sorry ka pa. Ang mahalaga ay nagkita na tayong muli. Huwag mo na akong iiwan ha?" pakiusap nito. Tatango na sana ako ng sumagi sa utak ko ang nangyari sa kapatid nito. Hindi kaya ng konsensya ko na habang masaya ako kasama ito ay para ko na ring sinaksak ito. Alam ko na magagalit at magagalit siya kapag nalaman niyang ako ang naging dahilan ng pagkawala ng kapatid niya. Kahit kailan ay hindi ako magiging masaya sa piling niya hanggat may mabigat akong dinadala. Kapag dumating ang araw na malakas na ang loob ko na sabihin sa kan'ya ang katotohanan ay gagawin ko. Kahit kamuhian pa niya ako ay ayos lang. Ang mahalaga ay sinabi ko sa kan'ya na may kasalanan ako sa kan'ya. Pero ngayon ay hindi ko pa kaya. Kahit masakit para sa akin na iwan ito sa loob ng fitting room ay kailangan kong gawin. "Lalabas na ako Drixx," bagkus ay sabi ko. Kunot ang noo na tinitigan ako nito. Nakipagpaligsahan ako ng tingin rito. Gusto ko iparating sa kan'ya na seryoso ako. "Ano'ng oras ang labas mo?" "Kung balak mo akong hintayin, huwag na, Drixx. Maaabala pa kita. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho." Matamlay kong sabi rito ngunit hindi ko pinahalata. "You kissed me back, Mier. Ibig bang sabihin ba nito ay pareho tayo ng nararamdaman?" tanong nito na ikinatigil ko. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito. Nagkamali yata ako ng tumugon ako sa halik nito. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko rito. Para ko lang nilapit ang sarili ko sa sarili kong pain. "Mali ka ng iniisip, Drixx. Lalabas na ako," sabi ko sabay iwas ng tingin. Halatang natigilan ito sa sinabi ko. Ginamit kong pagkakataon iyon para makalabas ng fitting room. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa labas ng fitting room. Bagkus ay nakita ko ang lahat ng customer na nagsusulat sa kabilang fitting room. Hindi na ako magtataka kung bakit sila nandoon. Lahat ay kayang gawin ni Drixx. Heto nga at kasing lakas ng kulog ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba. At si Drixx lang nakagagawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD