Chapter 14

2616 Words
Chapter 14 Mierve's POV Ginawa ko ang lahat para umiwas kay Drixx. Kung ano ang iwas ko noong anim na taon ang nakalipas ay mas dinoble ko pa ngayong nagkita kaming dalawa. Palagi na kasi siyang dumadalaw sa mall na pinagtatrabahuhan ko. Oo nga at siya ang May-ari ng mall at may karapatan siyang bumisita pero grabe kung bumisita ang lalaking iyon. Ginagawang party ang canteen. Nagpapa-deliver pa ito ng tatlong lechon para sa lahat. Ako naman ay naniwalang sagot ng May-ari ng canteen ang pagkain at dahil natatakam ako sa lechon ay kumain din ako. Sarap na sarap pa ako sa pag kain ng balat ng lechon dahil malutong. Saka ko lang nalaman na hindi talaga ang nangangasiwa sa canteen ang may gawa niyon. "Bakit hindi ka kumakain Ara? Ang sarap kaya nito. Magkamay ka na rin para mas ganahan ka kumain. Tingnan mo sila oh, naka kamay lahat," puna ko sa kaharap na si Ara na nakatulala lang na nakatingin sa akin saka nilibot ko pa ang aking mata. "Eh kasi naman, kanina ka pa kumakain. Parang mas gusto ko na lang tingnan kitang kumakain eh," sabi naman nito. Ngayon lang kasi ako kumain ng marami simula ng magkasabay kami kumain ng lunch ni Ara. Kapag nagbabaon kasi ako ay hindi ko pa nauubos. Kapag may natitira ako ay binibigay ko sa kan'ya. Kaya nga nagrereklamo na rin ito minsan na baka tumaba raw siya dahil sa kakaubos ng tira ko. "Masarap kasi," sabi ko na lamang. "Masarap kasi si Drixx ang nagbigay," dugtong ng bahagi ng utak ko. Sa naisip ay hindi ko napigilan ang mapangiti. Kinikilig ako sa paraan ng pagkuha ng atensyon nito sa akin. Pero dahil ayaw ko na muling mapalapit sa kan'ya ay sa ganitong paraan na lang ako nagiging masaya, ang kiligin ng palihim. Natigilan ako sa pagnguya ng biglang humilab ang tiyan ko. Parang hinahalukay ang bituka ko at bahagyang sumakit. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain. Kukuha pa sana ako ng balat ng lechon sa unahan ng canteen ng parang may bubulwak sa pang-upo ko. Nanlalaki ang mata na sinulyapan ko si Ara na ngayon ay abala na sa pagkain ng balat. Hinawakan ko ito sa kamay na ikinalingon nito sa akin. Nagtatanong ang mata ng sulyapan ako nito. "Bakit?" "Natatae ako," sabi ko na ikinaawang ng bibig nito. "Mierve, kumakain ako!" bulalas nito ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil mabilis akong umalis sa upuan at tinungo ang locker. Kinuha ko ang wipes at pabango sa loob ng bag at nagmamadaling tinungo ang banyo. Agad kong ni-lock ang cubicle. Mabuti na lang at walang tao dahil nasa canteen ang lahat. Nakakahiya kasi na magbawas na may mga tao sa loob ng banyo. Nahihiya pati ang paglabas ng sama ng loob ko. Naparami na yata ang kain ko kaya nagloko ang tiyan ko. Bawat labas ay nagpa-flush ako at nag-i-spray ng pabango ko. Baka biglang may pumasok kasi at maamoy ay mas lalong nakakahiya. Ang sakit na nga ng ilong ko. Tinakpan ko na rin ang ilong ko dahil kahit ako ay hindi ko kaya ang amoy. Sa bibig na lang ako humihinga. "May nilagay siguro si Drixx sa lechon kaya sumakit ang tiyan ko? Ako lang yata ang nasira ang tiyan eh. Kung galit siya, huwag naman sa ganitong paraan. Ang hirap maabutan ng sama ng loob sa trabaho." Reklamo ko habang ipit ang ilong ko. Narinig kong may bumukas na pinto. Marahil isa sa cubicle iyon at may pumasok na empleyado para magbanyo. 'Yung pinaka pinto kasi ay palagi lang na naka-open. Sinasara lang kapag wala ng mga empleyado at binubuksan kapag may mga opening shift na. Nang sigurado ako na wala na akong ilalabas ay nag-flush ako ulit saka muling nag-spray ng pabango. Bahagya pa akong pumikit at inamoy ang perfume ko. "Ang bango mo, Mierve," usal ko habang nakapikit. Kapagkuwa'y nagmulat na ako ng mata at nilapag muna sa sahig ang pabango ko saka kumuha ng dalawang piraso ng wet wipes. "Kakain pa ba ako? Baka sumakit na naman ang tiyan ko kapag kumain ako ulit," kausap ko sa sarili habang nagpupunas. Napasimangot ako ng sumagi sa isip ko ang nakangising si Drixx. Baka nga isa ito sa paraan niya para gantihan ako. "Hindi na ako kakain ng mga pagkain na dinadala mo, Drixx. Baka lasunin mo na ako sa susunod." Kumbinsi ko sa sarili. Pagkatapos ng ginawa ko ay dinampot ko na ang perfume ko sa sahig. Pinupunasan ko ng wipes ang kamay ko ng lumabas ako ng cubicle. Pakanta-kanta pa ako ng tinungo ko ang sink. "Thank God I found you, I was lost without you…" napapangiti pa ako habang kinakanta ko ang musikang naging paborito ko na simula anim na taon ang nakalilipas. Awtomatiko akong napatingin sa salamin para sipatin ang sarili ko ngunit agad na napalis ang ngiti ko sa labi ng mapagsino ang nakita kong kasama ko sa loob ng banyo. Nakapamulsa itong nakatayo habang nakasandal sa hamba ng cubicle. Seryoso ang mukha at halos magdikit na ang mga kilay sa pagkakasalubong. Nakagat ko ang ibabang labi ng maalala ko ang mga sinabi ko kanina lang sa loob ng cubicle. Narinig kaya nito ang lahat ng sinabi ko? "Really? Hindi ka na kakain ng mga pagkain na dala ko?" nakataas ang isang kilay na sabi nito. Hindi ako sumagot bagkus ay nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay. Nang sapat na ang ginawa ko ay mabilis kong dinampot ang pabango ko at wife at nagmamadaling humakbang para lumabas ng banyo ngunit napahinto ako ng makita kong nakasara iyon. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng hinaklit ako sa braso ni Drixx at dinala sa dulo ng banyo at sinandal sa malamig na pader. Tinukod niya ang dalawang kamay sa magkabila ng aking gilid para hindi ako makaalis. Na-corner niya ako. Patingala ko itong tiningnan saka tinaasan ng kilay. Nakipagpaligsahan ako ng titig rito. "Do you think na kaya kitang lasunin? You're unbelievable, Mier. Bakit mo ako pinag-iisipan ng masama? Iyan ba ang pagkakakilala mo sa 'kin?" hindi makapaniwalang tanong nito. Bigla naman akong nahimasmasan sa sinabi nito. Napayuko na lamang ako dahil saka ko lang napagtanto na wala pa itong alam sa ginawa ko. "Hanggang kailan mo ako balak iwasan, Mier? Hindi na nga ako humihingi ng paliwanag sa'yo 'di ba? Gusto mo ba na magtanong ako kung ano ang dahilan at iniiwasan mo ako? Gusto mo ba?" puno ng panunumbat na sabi nito. Kagat ang ibabang labi ay umiling-iling ako. Mas mabuti ng hindi siya magtanong dahil ayaw ko ng madagdagan pa ang kasinungalingan ko. Mas lalo lang akong magiging makasalanan kapag nagpatuloy ako na hindi magsabi ng hindi totoo sa kan'ya. Hindi ko pa kayang magtapat sa kan'ya ng katotohanan. Natatakot ako sa posibleng mangyari. "S-sorry," usal ko. Libo-libong bultahe ang dumaloy sa buo kong katawan ng dumantay ang kamay niya sa baba ko at inangat ang mukha ko. Nabanaag ko ang puno ng pangungulila sa mga mata nito. Nagsimula na ring maghuramintado ang puso ko sa sobrang lakasn ng t***k nito. "Nahihirapan na ako, Mier. Hirap na hirap na ako. Huwag mo na akong iwasan, please." Pakiusap nito sa akin. Nag-init ang mata ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Kahit pala gaano ko tapangan ang sarili ko, kapag si Drixx na ang kaharap ko ay lumalabas pa rin ang pagiging mamon ng puso ko. "I told you, umiyak ka kapag masaya ka," mahinang sabi nito kasabay ng pagpunas ng luha ko na dumaloy sa aking pisngi. Hindi ko na napigilan yakapin ito dahil sa sinabi at ginawa nito. Humagulgol ako ng iyak sa dibdib nito. Wala na nga yata akong pakialam kahit mabasa ko ang longsleeve polo nito. Pati make up ko yata ay kumalat na. Bahala na kung ano ang isipin ng makakakita sa akin sa labas ng banyong ito. Si Drixx na siguro ang bahalang magpaliwanag sa mga ito. Alam kong hindi niya ako ilalagay sa kahihiyan. Naramdaman ko ang marahang paghagod nito sa aking likuran. Hindi pa rin nagbabago ang Drixx na nakilala ko. Sweet at may respeto pa rin siya sa akin. "Gusto mo bang umuwi na? Ihahatid na kita sa inyo. Gusto ko na rin makita si Tatay Mike at Mandy," suhestyon nito habang hinahagod ang likuran ko. Umiling-iling ako bilang tugon. May trabaho pa ako na dapat kung tapusin. Kailangan ko tapusin ang 8 hours duty ko para makabawi ako sa ilang araw na hindi ko pinasukan ang isa kong pasyente bilang private therapist nito. Hindi kasi kinaya ng katawan ko ang pagod kaya bumigay ang katawan ko. "Tatapusin ko ang 8 hours duty ko, Drixx. Isa pa, baka ano isipin sa 'kin ng mga kasama ko." Paliwanag ko rito saka kumalas sa pagkakayakap ko rito. Ako na rin ang nagpunas ng sarili kong luha. Nakayuko akong pumihit paharap sa salamin. Para akong bata na pumalahaw ng iyak ng makita ko ang hitsura ko. Kumalat na ang mascara sa ilalim ng mata ko. Para tuloy akong may black eye. "A-ang pangit ko na," sabi ko sa gitna ng pag-iyak. Dinig ko ang pagpapakawala ng mahinang tawa ni Drixx mula sa aking likuran. Hinawakan ako nito sa braso at pinihit paharap sa kan'ya. Inabot nito ang wipes at kumuha ng isang piraso saka nagsimulang punasan ang kalat na make up ko sa mukha. "Maganda ka pa rin sa paningin ko kahit kumalat na ang make up mo. Kahit magmukha ka pang gusgusin, you're still my beautiful one." Puno ng sensiredad na sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi nito. Siguro ay kakalimutan ko muna ang mga agam-agam ko sa buhay. Gusto ko muna maging masaya sa piling ni Drixx. Kung malaman man niya ang totoo ay buong puso kong tatanggapin ang galit niya. Ang mahalaga ngayon ay masaya ako. Anim na taon akong nagdusa ng malaman ko na ako ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid niya. Pinili ko ang lumayo dahil iyon ang tanging paraan para kung sakali man na malaman niya ang katotohan ay wala na ako sa paningin niya. Hindi ko kayang salubungin ang galit ni Drixx. Hindi ko kayang magalit sa 'kin ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. "Kailangan ko ng lumabas, Drixx. Sa locker na lang ako mag-aayos," pukaw ko rito dahil mukhang wala pa itong balak na paalisin ako. "What is your locker number?" tanong nito sa akin. Kumunot naman ang aking noo sa sinabing nito. "Bakit?" "Kukunin ko ang make up kit mo. Dito ka na mag-ayos," sabi nito. Tinapon na rin nito sa basurahan ang ginamit na wipes sa aking mukha. "Pero may gagamit din ng cr, Drixx. Kanina pa nakasarado 'yung pinto. Baka may gusto ng pumasok." "Don't worry about your co-employees. Pinagamit ko na sa kanila 'yung cr ng customer sa second floor." Nakangiting paliwanag nito. Hindi man ako makapaniwala sa ginawa nito ay napangiti ako dahil gagawin ni Drixx ang lahat ma solo lamang ako. Tinanggal ko ang ID na nakasukbit sa aking leeg at binigay ko sa kan'ya. Tinuro ko ang susi ng locker ko. Bago nito tinungo ang locker ko ay isang mabilis na halik ang ginawad nito sa akin. Naghintay ako na makabalik ito. Ilang minuto lang ay nakabalik na ito sa loob ng banyo. Sinara ulit nito ang pintuan at inabot sa akin ang bag ko. "Salamat," sabi ko na hindi ito sinusulyapan. Sinimulan ko ng ilabas ang mga make up kit ko. Maglalagay na sana ako ng foundation sa mukha ng mapasulyap ako rito mula sa salamin. Mataman kasi itong nakatitig sa 'kin habang nakatayong nakapamulsa sa gilid ng sink malapit sa akin. Halos mapunit na yata ang bibig nito sa pagkakangiti. "Kailangan mo ba talaga akong titigan habang nag-aayos? Sa labas mo na ako hintayin," sabi ko rito at nagsimula ng maglagay ng foundation ngunit pinigilan ako nito sa aking ginagawa. Nagtataka ko naman itong sinulyapan. Wala akong nagawa ng hilahin ako nito palapit at hinapit ako sa bewang. Mataman pa rin itong nakatitig sa akin. "Can I kiss you again?" sambit nito na ikinaawang ng labi ko. Kailangan pa ba niya magpaalam eh, nakakarami na nga siya ng halik sa akin. Nakipagtitigan ako sa kan'ya. Nagpaalam naman siya. Why not? The only thing I knew ay ako na ang kusang humalik sa kan'ya. Hanggang sa parang may sarili ang isip ang aking mga braso na pumulupot sa leeg niya. Hinapit pa niya ako sa aking bewang. Sa tangkad nito ay nahirapan akong tumingkayad para lang maabot ang labi nito na ngayon ay wala ng sawang nilalasap ang labi ko. Nakakahiya dahil hindi pa ako nagto-toothbrush. Malalasahan nito ang lechon na kinain ko. Ngunit yata wala itong pakialam sa lasa ng bibig ko dahil ginalugad pa nito ang loob ng bibig ko gamit ang dila nito. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko at ang malamig na sink. Nakaupo na ako sa sink. Dahil naka-skirt ako ay kailangan ko pang ibuka ang mga hita ko para lang makapasok siya sa gitna ko. Ang siste ay, lumihis paitaas ang skirt ko dahil baka mapunit at pencil cut pa ang yari ng skirt ko. Pareho kaming naghahabol ng hininga ng humiwalay ang labi niya sa labi ko. "Sana ako ang nauna sa labi mo," pabulong na sabi nito. Humagikgik naman ako sa sinabi nito. Nagtataka naman itong sinulyapan ako. "What was that for?" curious na tanong nito. "Ikaw na ang first kiss ko 6 years ago," sabi ko rito. Tila hindi naman ito makapaniwala sa tinuran ko dahil sa pagkakasalubong ng kilay nito. "Bago ako umalis sa condo mo ay hinalikan kita habang tulog ka." Dugtong ko. Napangiti ito pagkatapos ko itong sabihin. Kapagkuwa'y muli akong hinapit at wala ng salitang lumabas sa bibig nito na hinalikan ako. Naramdaman ko na lang ang kamay nito sa hita ko na nililinis pa ang skirt ko paitaas. Hinayaan ko ito sa ginagawa nito. Wala nang pagtutol sa pagkatao ko sa posibleng mangyari. Hanggang sa naging abala na ang isang kamay nito sa pagtanggal ng butones sa blouse ko habang patuloy akong hinahalikan. Nanlalaki naman ang mata ko ng ang isang kamay nito ay nasa panloob na suot ko na. Mabuti na lamang at may suot akong stocking at hindi agad nito matatanggal ang panloob ko na saplot. Wala sa loob na naitulak ko ito. Nahimasmasan yata ako. Saka ko lang napansin ang pag-init ng buo kong katawan. Umalis ako sa pagkakaupo sa sink at inayos ang sarili. Sinimulan ko ng ibalik sa pagkakabutones ang blouse ko at pati skirt ko ay inayos ko rin dahil bahagya itong nagusot. "Sorry, Drixx. Papasok pa ako," hingi ko ng paumanhin sa nagulat na si Drixx. Humarap ako sa salamin para ituloy ang ginagawa kong pag-aayos. "I'm sorry," bagkus ay sagot nito. Natigilan naman ako. "I'm sorry because nakalimot ako. Nadala ako sa nararamdaman ko. Hindi na kita ginalang. I'm sorry, Mier." Sambit nito at niyakap ako mula sa likuran. "Huwag mo ng isipin iyon," sabi ko na lang. "Susunduin kita mamaya. I miss Tatay Mike ang Mandy. I miss you. I miss everything about you, Mier." Puno ng sensiredad na sabi nito. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng aking luha. Saka ko lang napagtanto na hahayaan ko muna na maging masaya kaming dalawa. Mas mahirap kasi para sa akin na iwasan ito. Mahal ko si Drixx at nararamdaman ko rin ang pagmamahal niya para sa akin. Ano ba naman 'yung maranasan ko naman ang maging masaya sa taong mahal ko. Author's Note: Hi po, pasensya na po at nahuli ang update ko. Hindi po talaga kinaya ng katawang lupa ko. Enjoy reading po❤️❤️ Love you all❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD