Chapter 15
Mierve's POV
Pagkatapos ng duty ko ay nagmamadali na akong pumanhik sa locker. Hindi ko na nahintay si Ara dahil may customer pa ito. Bago ko kasi matapos ang oras ng duty ko ay pinuntahan pa ako ni Drixx sa pwesto ko. Sinabi nito na sa labas na lang daw ito ng employees entrance maghihintay.
Tinalikuran na nga ako nito ngunit hindi ko inasahan na babalik pa ito para dampian ako ng halik sa labi na ikinagulat ko naman. Wala na siya sa harap ko ay nanatili pa rin akong nakatulala at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan.
Nahimasmasan na lang ako ng marinig kong may mga impit na tumili. Nakita ko si Ara na makahulugan ang ngiti ang binitawan sa akin. Habang ang ibang nakakita sa ginawa ni Drixx ay nasa pwesto lamang nila at bakas sa mukha ang kilig. Si Resty naman na partner ko sa area ay nakaawang ang bibig dahil sa hindi inaasahang ginawa ng CEO sa akin.
Bagamat gusto nilang magtanong kung ano ang mayroon sa amin ni Drixx ay hindi nila magawa dahil bawal ang magkwentuhan sa oras ng trabaho. Isa pa, may mga customer din silang ina-assist.
Hindi ba at bawal din ang ginawa ni Drixx na basta na lang ako hinalikan lalo na at nasa trabaho pa ako? May mga customer pa naman ang nakakita. Isa pa, ano na lang ang iisipin ng mga mataas na may relasyon ang CEO ng kompanya at ang isang empleyado lamang?
Dahil si Ara ang katabi ko sa area ay ito ang nakipag kwentuhan sa akin kahit loitering na ito dahil nasa pwesto ko na ito. Marami itong tanong pero ang sabi ko na lamang ay magkukwento ako kapag pareho na kaming bakante.
Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rito kung bakit parang matagal na kami magkakilala ni Drixx. Hindi ko pa kasi magawang magkwento rito tungkol sa kung ano ang mayroon kami ni Drixx noon.
Kahit si tatay at Mandy ay wala pa ring alam na nagkita na kami ni Drixx. Ngayon pa lang nila malalaman kapag hinatid na ako ni Drixx sa apartment.
Pagkakuha ko ng bag ko sa locker ay nagmamadali akong bumaba sa employees entrance. Muntik pa akong madulas sa hagdan kung hindi lang ako nakakapit sa railings ng hagdan. Ang nakangiting si Kuya Bong naman agad ang sumalubong sa akin ng nasa employees entrance na ako.
"Mukhang may date ah," bungad nito sa akin. Ngiti lamang ang naging tugon ko.
"Hi," sabay kaming napatingin ni Kuya Bong ng magsalita si Drixx sa bungad ng pintuan. Nakita ko naman na agad sumaludo si Kuya Bong na wala pa rin ideya kung bakit narito si Drixx sa employees entrance.
"Good evening, sir," bati nito kay Drixx.
"Good evening," tugon nito at muli akong sinulyapan. "Let's go." Sabi nito at kinuha na ang bag ko.
Tumango lamang ako bilang tugon. Muli kong binalingan si Kuya Bong. Nakaawang na ang bibig nito ng sulyapan ko.
"Kuya Bong, uuwi na ako." Sabi ko pa rito. Tila alanganin naman itong tumango.
Hawak ni Drixx ang kamay ko habang tinutungo kung saan naka-park ang sasakyan nito. Inalalayan ako nitong pumasok sa front seat. Pagkatapos ay umikot ito patungo sa driver's seat. Ito na rin ang nagkabit ng seatbelt sa akin. Napapangiti naman ako dahil sa gestures na ginagawa nito sa akin. Sobrang caring nito.
"Salamat," sambit ko na dahilan para sulyapan ako nito at muling tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan patungo sa sa aking tinutuluyan.
"What for?"
"Hindi ka nagalit sa 'kin,"
"Why would I do that? Dapat ba akong magalit dahil iniwan mo ako ng walang paalam?" sabi nito na may halong panunumbat. Sumimangot naman ako sa sinabi niyo. Narinig ko na tumawa ito ng mahina.
Ginagap nito ang aking kamay saka marahang pinisil. Hindi na ako nagsalita bagkus ay nilagay ko pa sa ibabaw ng kamay nito ang isang kamay ko at hinawakan ito na parang ayaw ko ng pakawalan ang magkapatong naming mga kamay.
"Ang sweet naman ng Mier ko," sabi nito na hindi ako sinusulyapan. Napangiti na lamang ako sa tinuran nito. Na-miss ko ang pagtawag nito sa akin niyon.
Pagdating sa tapat ng apartment ay nauna na itong bumaba sa akin. Pinagbuksan na lang ako nito ng pinto at kinuha ang bag ko sa likod ng passenger seat.
"Mier, wait," pigil nito sa akin ng akma na akong hahakbang patungong gate.
"Bakit?" tanong ko.
Bumuga ito ng hangin at hinawakan ako sa kamay. Kumunot naman ang aking noo dahil malamig ang palad nito. Hindi naman malamig sa labas para lamigin ito ng ganito.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko rito at bahagya pa akong lumapit rito.
"Y-yeah. I was just nervous. Ngayon na lang kasi kami ulit magkikita ni Tatay Mike. Baka galit siya sa 'kin." Sabi nito na parang batang nagsusumbong.
Napangiti ako sa sinabi nito. At least alam ko na may kinakatakutan din pala ito. Lumapit pa ako rito at tumingkayad para bigyan ito ng halik sa labi saka ito niyakap. Hindi naman agad ito nakakilos sa ginawa ko.
"Ang tamis naman. Isa pa nga," sabi nito.
Kumalas ako sa pagkakayakap ko rito. Pilyo ang ngiti nito ng sulyapan ko. Sumimangot naman ako sa sinabi nito.
"Pampakalma lang po ang ginawa ko para hindi ka kabahan. Halika na sa loob. Gising pa ang mga iyon. Sigurado ako na masaya sila kapag nakita ka," puno ng excitement na sabi ko.
"Are you sure? Kinakabahan talaga ako eh," paninigurado nito na hindi nawawala ang kapilyohan sa mga ngiti nito sa labi. Umikot lamang ang mata ko dahil alam ko na kung ano ang gusto nitong mangyari.
"Last na 'to, ha?" sabi ko. Tango lamang ang naging tugon nito.
Muli akong tumingkayad at dinampian ito ng halik sa labi. Nang tatanggalin ko na ang labi ko sa labi nito ay nanlaki ang mata ko ng hinapit ako nito sa bewang at malalim na ang halik na ginawad nito sa akin. Natatawa naman ako sa ginawa nito sa gitna ng paghalik nito sa akin.
Dahil gabi naman na at wala ng tao sa labas ay hinayaan ko na lamang itong halikan ako. Kumapit na lamang ako sa magkabilang tagiliran nito. Ang sarap lang mahalikan ng lalaking ito.
"Kuya Drixx?!" isang impit na tili ang nagpatigil sa aming dalawa ni Drixx.
Mabilis pa sa alas-kwatro na para kaming napaso ni Drixx na kumawala mula sa pagkakayakap. Kamuntik pa itong mawala sa balanse dahil naitulak ko ito. Nagkatinginan kaming dalawa at pareho kaming nagpakawala ng tawa kasabay ng pagkakamot nito sa ulo.
Nagmamadaling lumabas ng gate si Mandy at niyakap si Drixx. Napangiti naman ako dahil hindi nagbago ang pakikitungo ng kapatid ko kay Drixx kahit matagal ng hindi nagkita ang dalawa. Sana ganoon din si tatay kapag nagkita dila ni Drixx.
"Ang laki mo na Mandy. Parang kailan lang nakita kitang nene pa. Ngayon, dalaga ka na." Natatawang biro ni Drixx kay Mandy habang yakap at tinatapik-tapik ito na parang nakatatandang kapatid sa likuran.
"Dalaga na talaga ako Kuya Drixx. Marami na nga akong manliligaw eh," tugon naman ng kapatid ko.
Sa sinabi nito ay kinurot ko ito sa tagiliran dahilan para kumalas na ito sa pagkakayakap kay Drixx. Wala kasi itong kinukwento sa 'kin na may nanliligaw na pala rito.
"Bruha ka. Bakit hindi ko alam samantalang ate mo 'ko? Sasabunutan talaga kita Mandy kapag nalaman ko na nakikipagligawan ka sa gilid-gilid," pagbabanta ko rito. Inismiran lamang ako nito at bahagyang lumayo sa akin.
"Ikaw nga, nakikipaghalikan sa labas ng bahay. Isusumbong kita kay tatay, ate." Sabi nito.
"Ikaw na bruha ka," sabi ko na akma ko itong lalapitan para kurutin ngunit tatawa-tawa itong mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Baliw talaga." Sabi ko at saka muling binalingan si Drixx.
Napasimangot naman ako dahil ang malawak na ngiti ni Drixx ang nabungaran ko. Tila ba gustong-gusto nito ang kulitan namin na magkapatid.
"Ano nginingiti-ngiti mo riyan, Mr. Drixx Hanford? Natutuwa ka ba dahil napahiya ako sa harap mo?" nakapamewang na puna ko rito saka ito tinaasan ng kilay.
Hindi ito nagsalita bagkus ay lumapit ito sa akin at muli akong hinapit sa bewang. Mataman ako nitong tinitigan. Ang mga titig nito na hindi makapaniwala na nasa harap ako nito.
"I can't believe I'm with you. Para akong lumulutang sa alapaap dahil ang matagal kong hinanap ay nakikita, nahahawakan at kasama ko na. Huwag mo na akong iiwan, Mier. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ikaw na lang ang nagpapasaya sa 'kin," puno ng sensiredad na sabi nito.
Umiling-iling ako habang mataman ring sinasalubong ang mga titig nito. "Kung mangyari man na iiwan kita, gusto ko na ikaw ang magtataboy sa 'kin. Hindi na ako ang gagawa ng paraan para iwanan ka. Hihintayin ko na ikaw ang mang-iwan sa 'kin." Malungkot na sabi ko rito.
Nang sinabi ko iyon ay bakas sa mukha nito ang pagtataka. Marahil ay hindi ito makapaniwala sa binitawan kong salita.
"Bakit mo iniisip na ako ang magtataboy sa'yo? Na ako ang mang-iiwan sa'yo? I won't do that, Mier. Anim na taon kitang hinanap tapos ipagtatabuyan lang kita? Hell, no. Ngayong nakita na kita ay hindi na kita pakakawalan pa." Puno ng determinasyon na sabi nito saka ako muling siniil ng halik. Kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.
Alam ko na hindi nito maiintindihan ang ibig kong sabihin. Pero kung dumating man ang araw na malaman na nito ang buong katotohanan, kahit masakit na ipagtabuyan ako nito ay titiisin ko.