Chapter 16
Mierve's POV
Ayaw pa sana ako tigilan ni Drixx na halikan sa labas ngunit muling sumigaw si Mandy na kung maghahalikan na lamang daw ba kami buong magdamag. Pareho na lang kaming natawa ni Drixx habang papasok ng apartment.
Nang makita ni Drixx ang kalagayan ni tatay ay nagtatanong ang mga mata nito na sinulyapan ako. Alanganin naman akong ngumiti lamang rito. Magkukwento ako sa kan'ya kapag tapos na akong kumain.
Nagpalit muna ako ng damit bago ko tinungo ang kusina para kumain. Niyaya ko si Drixx pero busog pa raw ito. Mukhang ayaw rin nitong umalis sa tabi ni tatay.
Dahil sinabi ko kay Mandy na huwag na akong hihintayin na kumain kapag uuwi galing sa trabaho ay nauuna na nga itong kumain at si tatay.
Iniwan ko muna si Drixx sa sala dahil hindi na ito binitawan ni Mandy. Tulad ng sinabi ko sa kan'ya ay nasasabik na makita siya ng kapatid ko at ni tatay. Nakita ko kasi kung paano umaliwalas ang mukha ni tatay ng makita nito Drixx.
Tapos na akong kumain at naghuhugas na ako ng pinagkainan ko ng maramdaman ko ang pagpulupot ng pamilyar na kamay sa aking katawan mula sa likuran ko. Napangiti na lamang ako ng nilagay nito ang baba sa aking balikat.
"Hindi ko maisip kung pa'no mo nakaya ang ganito, Mier? Pinag-aaral mo si Mandy and Tatay Mike got stroked. I wish I could turned back time na nasa tabi mo ako. Iniwan mo kasi ako kaya imbes na hindi lang ikaw ang pumasan ng lahat ng ito ay ginawa mo. Handa naman kitang tulungan noon," pagpapaalala nitong muli sa 'kin. May bahid din ng hinanakit ang boses nito.
"Hayaan mo na. Tapos na 'yon. Ang mahalaga ay nagkita na tayong muli. Saka noon pa man nakaya ko na 'di ba? Baka nakakalimutan mo na may trabaho ako sa umaga at sa gabi, at the same time nag-aaral pa ako," pagpapaalala ko rin rito.
"I know," sabi nito. Tinanggal na nito ang baba sa balikat ko at nagsimula na itong tulungan ako maghugas ngunit nanatili pa rin sa likuran ko. Kahit kailan talaga hindi nawawala ang ka-sweet-an ng lalaking ito.
"May ibang trabaho ka pa rin ba tulad ng dati?" curious na tanong nito.
"Meron," tipid kung sagot.
"What is it?"
"Therapist ako. Tulad bukas, off day ko. Pupunta ako sa pasyente ko dahil kailangan ko siyang i-therapy," sagot ko.
"Is that all?"
"Yes,"
"Sasamahan kita bukas," presinta nito. Natigilan naman ako sa sinabi nito.
"Hindi na, Drixx. Therapy lang naman iyon. Saka hindi naman ako magtatagal doon kasi kailangan ko rin umuwi para ipasyal si tatay at Mandy." Tanggi ko sa sinabi nito.
"I insist. Kakausapin ko rin kung sino pwede makausap na nangangalaga ng pasyente mo. Papatigilin na kita." Maawtoridad na sabi nito.
Hindi na ako nagsalita ng sinabi nito iyon. Kilala ko si Drixx. Kapag sinabi nito ay dapat masunod. Pero kinakabahan kasi ako sa posibleng mangyari kapag nakita nito kung kanino ako nagta-trabaho bilang therapist.
"Drixx, umalis ka kaya sa likuran ko kung tutulungan mo akong maghugas. Dito ka na lang sa tabi ko at baka maabutan na naman tayo ni Mandy," sita ko na rito dahil kinuha nito ang plato na hawak ko at ito ang nagsabon nito.
"Hayaan mong makita ni Mandy kung gaano ako ka-sweet sa ate n'ya. Isa pa, para na rin magkaroon na s'ya ng boyfriend," sabi nito dahilan para sikuhin ko ito.
"Ouch. Grabe, ang bayolente." Reklamo nito ngunit tatawa-tawa naman.
"Kunsintidor ka. Baka kapag kayo lang ang magkasama eh, sabihan mo na mag-boyfriend na. Para sabihin ko sa'yo, mister, hindi pa tapos mag-aral ang kapatid ko. Magtapos muna s'ya at maghanap ng trabaho. Kung may mapapatunayan na s'ya, saka s'ya mag-boyfriend. Naiintindihan mo ba?" mahabang litanya ko rito.
"Ang strict naman ni ate. Okay, wala po akong sasabihin kay Mandy. Ikaw po ang masusunod, misis ko."
"Ano?!" bulalas ko at pumihit paharap rito. Pilyo ang mga ngiti nito ng balingan ko.
"What? Ang sabi mo kasi mister. So, misis kita, right?" nangingiting sabi nito saka tinukod ang dalawang kamay sa edge ng lababo. Lalong nagkalapit ang aming mga katawan at lumawak pa ang pagkakangiti nito sa akin.
Dahil may bula ang kamay ko ay nilagyan ko ang tungki ng ilong nito. Natawa naman ako sa naging reaksyon nito dahil nagusot ang ilong nito. Pilit nito tinatanggal ang bula sa ilong nito. Hindi kasi nito magamit ang dalawang kamay dahil ayaw nito alisin sa pagkakatukod sa lababo.
"Maka-misis ka, bakit tayo ba?" bagkus ay sabi ko rito.
"We kissed a lot, hindi pa ba tayo?" tugon naman nito. Sumimangot naman ako sa sinabi nito.
Ganun na lang ba iyon? Porke hinalikan na niya ako ay kami na? Wala man lang ba s'yang balak manligaw kahit nauna na niya akong halikan?
Gusto ko naman maranasan ang maligawan. Oo nga at may mga nagpapalipad hangin sa akin. Pero hanggat maaga ay inuunahan ko na sila na hindi ako nagpapaligaw. Sinasabi ko na rin na may boyfriend ako kahit wala naman. Kapag sinasabi ko na may boyfriend ako ay si Drixx ang nasa isip ko.
"Masyado ba akong mabilis? Kung kailangan kitang ligawan ay gagawin ko, Mier, maging girlfriend lang kita." Puno ng sensiredad na sabi nito sa akin.
"Huwag na," sagot ko.
"Ano'ng huwag na,"
"Huwag mo na akong ligawan. Hindi ka naman yata marunong manligaw kasi dinaan mo na agad sa mabilisan. Okay na, tayo na."
"W-what?" tila hindi makapaniwala na tanong nito.
Kumapit ako sa laylayan ng longsleeve polo nito at tumingkayad para dampian ito ng halik sa labi saka matamis na ngumiti.
"Ang sabi ko, girlfriend mo na ako Drixx Hanford," paglilinaw ko rito.
Nagningning ang mga mata nito sa sinabi ko.
"Oh, Mier. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa balat ng lupa," sabi nito. Kapagkuwa'y binuhat ako at nagpaikot-ikot kami sa kusina.
"Hoy, Drixx. Ibaba mo na ako. Baka makita tayo ni Mandy," pigil ko rito sa pag-ikot naming dalawa. Tumigil naman ito saka ako binaba.
"Masaya lang ako, Mier. Masayang, masaya," sabi nito at niyakap ako. Tumugon naman ako ng yakap rito.
"Masaya ako dahil masaya ka," sambit ko at sinubsob ang mukha ko sa dibdib nito.
"Mier,"
"Hmm?"
"Dito na ako matutu-"
"Hindi," putol ko sa sasabihin nito. Alam ko na kasi ang sasabihin nito. Tumawa naman ito ng mahina.
"Alerto ka ha," sabi nito saka kumalas ng pagkakayakap sa akin.
Umalis ito sa harapan ko at ito na ang nagtuloy ng paghuhugas ng plato. Napapangiti naman akong sumunod at ako naman ang yumakap mula sa likuran nito. Naghugas ako ng kamay sa gripo saka ito niyakap muli kahit basa pa ang kamay ko. Inamoy-amoy ko pa ang likuran nito.
"Mas sweet ka pala kaysa sa 'kin eh. I like it and I love it," sabi nito.
"Buti pa ang pagiging sweet ko love mo, ako kaya, love mo rin?" bubulong-bulong ko. Marahil hindi nito narinig ang sinabi ko dahil nagpatuloy lamang ito sa ginagawa nito.
Tinapos nito ang paghuhugas ng plato na wala na akong narinig na salita sa bibig nito. Nanatili naman akong nakayakap rito. Nang pakiramdam ko ay tapos na ito ay kumalas na ako sa pagkakayakap ko mula rito saka ito tinalikuran. Pupuntahan ko kasi si tatay para tingnan kung ano na ang ginagawa nito. Sigurado ako na wala pa itong balak matulog lalo na at nandito si Drixx. Ngunit hindi ko na nagawa pa ang humakbang ng hawakan niya ako sa kamay at hinila palapit sa kan'ya at hinapit ako sa bewang. Nagtatanong naman ang mata ng sulyapan ko ito.
"B-bakit?" tanong ko.
"What did you just say?" tanong nito na matamang nakatitig sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa tanong nito. Ano ang tinutukoy nito na sinabi ko?
"Ang alin?"
"Yung binubulong mo kanina sa likuran ko. May sinasabi ka hindi ba?" paniniguro nito sa akin. Napangiti na lamang ako dahil narinig pala nitong bumubulong ako ngunit hindi nito narinig ang sinabi ko.
"Wala. Baka guni-guni mo lang po iyon," bagkus ay sabi ko.
"Oh come on, Mier. Hindi pa po ako bingi para hindi ko malaman na wala kang sinasabi," giit nito at nilapit pa ang mukha sa akin.
"Gusto mo ba talaga marinig?" nakangiti kong tanong. Seryoso itong tumango bilang tugon.
Pinulupot ko ang braso ko sa katawan nito saka tumingkayad. Nakipagtitigan ako rito na parang wala ng bukas. Nginitian ko muna ito bago ko dinampian ito ng halik sa labi.
"Wala," sabi ko at saka mabilis na kumalas mula sa pagkakayakap ko rito.
Ang buong akala ko ay hindi na ako nito kukulitin ngunit muli ako nitong hinila at walang pasabi na hinalikan na naman ako. Dahil sa gusto ko naman ang ginagawa nito ay pinulupot ko ang barso ko sa leeg nito. Dahan-dahan kaming naglakad na hindi ko na alam kung saan kami tutungo. Naramdaman ko na lamang ang pang-upo ko na lumapat sa malamig na bagay. Nasa edge ako ng lababo nakasandal.
"Say it, Mier. Say it, please…" pakiusap nito sa gitna na pagdampi ng halik sa akin.
"Ang sabi ko, mabuti pa ang pagiging sweet ko ay love mo. Ako kaya, love mo rin?" ulit ko sa sinabi ko kanina.
"As I remember, anim na taon na kitang mahal," sambit nito na ikinaawang ng bibig ko.
"T-totoo?" hindi makapaniwalang sambit ko. Nakangiti itong tumango. "Mahal din kita, Drixx."
Pagkatapos ko iyon sabihin ay ako na ang kusang humalik rito. Mas pinalalim ko ang halik kaysa sa unang halik na binigay ko rito. Gusto ko maramdaman nito ang pagmamahal ko para rito.
Dahil sa ginawa ko ay narinig ko ang mahinang ungol na kumawala sa bibig nito. Gusto nito ang ginagawa ko kaya mas binigay ko pa ang lahat ng makakaya ko para lang mapasaya ito.
Naramdaman ko na naman ang pamamasyal ng kamay nito sa aking bandang tagiliran. Pumailalim ito sa aking suot na damit. Pinigilan ko ito ngunit wala akong sapat ng lakas ng loob para tumutol dahil hindi ito nagpatinag sa ginawa ko.
"Ano ba naman kayong dalawa? Kung saan-saan kayo naghahalikan," sabi ni Mandy na muling nagpatigil sa aming dalawa ni Drixx. Sinubsob ko na lang ang aking mukha sa dibdib ni Drixx para itago ang pagkapahiya sa kapatid. Ramdam ko ang pang-iinit ng mukha ko dahil sa pagsulpot ni Mandy at sa nabungaran nito.
"Excuse me lang po mga lovebirds ha, iinom lang po ako ng tubig. Pagkatapos ay aalis na ako at saka n'yo na ituloy iyang ginagawa n'yo. Kung hindi n'yo kayang pigilan, doon kayo sa kwarto. Promise, hindi ako magsusumbong kay tatay." Dugtong pa nito saka mahinang tumawa.
"Kumatok ka nga muna Mandy, bago ka pumasok," sita ko rito.
"Pambihira ka naman ate. Kusina itong pinili n'yong dalawa na maghalikan, walang pintuan dito. Kung gusto mo na katukin kayo, doon sa kwarto, may pinto doon." Katwiran nito.
"Baliw," sabi ko.
"Mababaliw talaga ako sa inyong dalawa. Wala kayong pinipiling lugar." Sabi nito at tumatawa na tinalikuran kaming dalawa palabas ng kusina.
"Baka tama si Mandy,"
"Paanong tama s'ya?" nagtatakang tanong ko saka kumalas sa pagkakayakap ko rito at sinulyapan ito.
"We need a room, I guess?" pilyong sagot nito.