Chapter 4
Mierve's POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may humahaplos sa aking mukha. Gusto ko sipain kung sino man ang talipandas na umiistorbo sa pagtulog ko.
Mamaya pang hapon ang pasok ko. Gusto ko bawiin ang gabi na hindi ako nakatulog dahil sa naranasan ko na naman ang hindi agad dinalaw ng antok ng nagdaang gabi.
Magliliwanag na yata ako nakatulog. Ang sabi niya ay h'wag ko siyang isipin pero paano ko gagawin iyon na sa bawat pag pikit ng aking mata ay ang imahe ng mukha niya ang nakikita ko?
Kahit isipin ko siya ay wala naman siya magagawa dahil hindi naman niya alam.
Nagmulat ako ng mga mata at ang nakangiting mukha ng magaling kong kaibigan ang aking nabungaran. Hinampas ko ito sa braso at sinipa ngunit iba ang nasipa ko.
Sapo nito ang kan'yang harapan at umikot-ikot ito sa higaan. Namimilipit ito sa sakit dahil sa ginawa ko. Hindi ko naman iyon sinasadya.
"Erve naman, sa dami ng sisipain mo itong pinakaiingatan ko pa talaga." Reklamo nito habang nakabaluktot ng higa at sapo ang harapan.
Halata sa boses nito ang sakit sa ginawa ko. Natatawa na lang ako sa hitsura nito. Hindi kasi nito alam kung saan babaling. Namumula na rin ang mukha nito.
"Tama lang sa'yo 'yan. Istorbo ka kasi. Kung kailan nasa kasarapan ako ng tulog mang-iistorbo ka. Buti nga sa'yo." Prangka kong sabi rito.
Bumangon ako at hinampas ko ulit ito sa braso. Umalis ako ng higaan at tinungo ang pintuan.
"Kasalanan ko ba kung gusto kita pagmasdan habang natutulog ka?" sabi nito dahilan para matigilan ako sa paglabas ng kwarto.
Nilingon ko ito. Nakaupo na ito at seryosong nakatingin sa akin.
Minsan kapag ganoon ang mga sinasabi nito ay nakakahalata ako pero ipinagsasawalang bahala ko na lamang dahil magkaibigan kami. Ayaw ko na masira iyon.
"Lumabas ka na nga. Pasok ka ng pasok sa kwarto namin ni Mandy. Ikaw ba may-ari ng bahay na 'to?" bagkus ay sagot ko sa kan'ya.
"Bakit? Hindi ba ako pwede pumasok dito?" balik tanong nito sa akin.
Tumayo ito at walang kakurap-kurap na lumapit sa akin. Napaatras naman ako. Iba kasi ang tingin na iyon ni Bart.
Hinawakan ko ang seradora saka pinihit ko iyon para bumukas. Malapit na ito sa akin. Mabilis kong binuksan ang pintuan at gumilid ako ng makalapit siya sa kinatatayuan ko. Tinulak ko ito para tuluyan na siyang lumabas ng kwarto saka ko mabilis na isinara ang pinto at ni-lock iyon.
"Grounded ka sa bahay, Bart! Dapat paglabas ko ay wala ka na rito kun'di malilintikan ka talaga sa akin!" sigaw ko sa kan'ya. Alam ko nasa labas pa siya ng kwarto. Tama nga ako dahil dinig ko ang pagtawa niya.
"Baliw talaga," usal ko.
Bago ako lumabas ng kwarto ay inayos ko muna ang higaan. Pumasok na rin siguro sa School si Mandy.
Thirteen years old na si Mandy at nasa Grade 8 na. Mahabang panahon pa ang bubunuin ko para mapagtapos ko ang kapatid sa pag-aaral. Pero ayos lang dahil may patutunguhan din ang paghihirap ko, namin ni tatay. Mabait na bata si Mandy at sigurado ako na hindi siya gagawa na ikasasama ng loob namin.
Pagkatapos ko mag-ayos sa kwarto ay lumabas na ako ngunit gayon na lang ang pagtahip ng aking dibdib ng makita kong printeng nakaupo si Drixx sa di-kawayan na upuan namin. Seryoso at madilim ang mukha nito. Napansin ko rin ang mariin na pagkakalapat ng kamao nito.
Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng aming bahay. Alas-nuwebe na ng umaga. Anong ginagawa niya rito ng ganitong oras? Wala ba s'ya trabaho?
Oo nga pala, hindi niya kailangan magtrabaho dahil ma-pera siya.
Ngumiti ako sa kan'ya ngunit wala man lang akong natanggap na tugon mula sa kan'ya. Matiim itong nakatitig sa akin. Anong problema ng isang ito? Ngayon ko napagtanto na napapalibutan ako ng weird na lalaki.
"Good morning. Ang aga naman ng dalaw mo. Chinese lang?" biro ko ngunit hindi man lang ito ngumiti.
Parang babae ang isang ito. May dalaw ba siya ngayon? Parang kagabi lang masaya kaming naghiwalay tapos ngayon hindi na naman maipinta ang mukha.
"Nag-almusal ka na ba?" tanong ko. Hindi ito sumagot. Baka hindi maganda ang araw ito kaya iba ang timpla nito ngayon.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Minabuti ko na lang na tunguhin ang kusina.
Nakita kong may nakatakip sa hapag-kainan. Binuksan ko iyon isa-isa. Natakam naman ako dahil tuyo at itlog maalat ang nakahain doon. May sinangag din na nakahain. Napangiti ako dahil alam na alam ni tatay ang paborito kong kainin sa umaga. Mapaparami ang kain ko nito.
"Nagpapapasok ka ng lalaki sa kwarto mo?" anang baritonong boses. Napaigtad naman ako dahil sa laki ng boses nito pati kaluluwa ko nagising. Muntik ko pa mabitawan ang hawak kong plato.
Pumihit ako paharap rito. Nakapamulsang nakatayo ito sa may bungad ng kusina. Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. Baka nakita nitong lumabas si Bart sa kwarto namin ni Mandy.
"Si Bart ba tinutukoy mo?" tanong ko. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang pagtaas ng isang kilay nito.
"Who else do you think?" sarkastikong sagot nito.
"Nagising na lang ako nasa loob na siya. Nakita mo naman siguro na pinalabas ko siya 'di ba?" paliwanag ko. Ngunit hindi yata ito sang-ayon sa sinabi ko. Para akong mapapaso sa paraan ng titig nito kaya ako na ang unang umiwas. Hindi ko kayang tapatan ang mapanuri niyang tingin.
Kumuha ako ng dalawang plato sa lalagyan. Baka hindi pa kasi siya kumakain kaya parang hindi maipinta ang mukha nito. Bahala na kung hindi niya magustuhan ang nakahain.
Nang mailagay ko na ang plato ay saka ako naupo ako.
"Kain tayo," nakangiti kong wika sa kan'ya.
Kumunot ang noo nito. Ano ba iniisip niya? Bakit ganito siya umasta sa harap ko?
Kumuha ako ng sinangag sa plato gamit ang aking kamay. Masarap magkamay lalo pa at tuyo ang ulam.
"Bakit hindi ka mag-lock ng pinto para hindi siya nakakapasok sa kwarto?" muling sabi nito. Hindi pa pala ito tapos magsalita.
Tumigil ako sa pagkuha ng tuyo.
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi maipinta ang mukha niya?
Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko ang pagkuha ng tuyo sa mangkok. Naglagay na rin ako ng itlog na maalat sa aking pinggan. Mamaya na ako magpapaliwanag. Gusto ko na talaga kumain.
"Mierve," tumigil ako sa pagnguya ng tinawag niya ang buong pangalan ko. Hindi ko iyon nagustuhan. Nasanay na kasi ako sa tawag niya sa akin.
Muli akong nag-angat ng mukha. Natigilan ako dahil lalong dumilim ang mukha nito. Bigla akong nabahala.
"Kumain ka muna kaya. Baka gutom lang 'yan," anas ko.
"God dammit!" napasabunot ito sa buhok. Tila naubusan na ito ng pasensya sa akin.
I heaved out a deep sigh.
"Matagal na kami magkakilala ni Bart. Childhood friend ko siya kaya natural na lang sa kan'ya ang maglabas masok dito sa bahay. Sanay na kami sa presensya niya dahil kaibigan ko siya. Pero kapag naman sumusobra na siya ay sinasabihan ko naman. Okay na po ba?" nakangiti kong paliwanag sa kan'ya. Nanatili lang itong nakatitig sa akin. Hinayaan ko na lamang siya. Tinuon kong muli ang aking atensyon sa pagkain.
"So, pwede rin ako pumasok sa kwarto mo dahil kaibigan mo rin ako?" sambit niyo.
Natigilan ako sa pagsubo. Mukhang wala itong balak na pakainin ako. Muli ko siyang tiningnan. Seryoso siya sa sinasabi niya dahil wala akong makitang senyales doon na nagbibiro siya.
Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na may kakaiba sa pagkakaibigan namin dalawa kumpara sa pagkakaibigan namin ni Bart?
"Ano kasi, Drixx. Iba ang sitwasyon namin ni Bart. Matagal ko na s'yang kilala kumpara sayo. I mean, mas kilala ko s'ya kaysa sa--"
"Stop right there, Mier. So, that's it. Hindi pa rin sapat ang offer ko na pakikipagkaibigan sa'yo dahil hindi mo pa ako lubos na kilala. Wala kang tiwala sa akin, ganun ba?" sabi nito.
Pagkatapos nito iyon sabihin ay tinalikuran na ako nito. Napaawang naman ang aking bibig. Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko.
Mabilis akong tumayo para sana magpaliwanag sa kan'ya ngunit hindi ko na siya naabutan. Nakita ko rin si tatay na nagtatakang nakatingin sa akin. Napansin kong nasa tabi siya ng isang cart.
"Ito na ang bago nating cart, anak. Pina-deliver na ni Drixx dito kanina pagdating niya. Bakit nga pala umalis agad iyon? Ang sabi n'ya ihahatid ka raw niya sa school." Paliwanag nito.
Wala ako naisagot sa sinabi ni tatay. Pinalangin ko na sana ay pumunta si Drixx sa shop mamaya.
Ngunit tila yata nasaktan siya sa mga sinabi ko dahil ni anino niya ay hindi ko nakita kahit sa labas man lang ng shop. Kung may number lang sana ako ng cellphone niya ay tinawagan ko siya o na-text man lang. Kapag nagkita kaming muli ay hihingin ko na ang cellphone number niya.
Si Bart na rin ang sumundo sa akin muli. Nagtaka pa ito na pagpasok nito ng shop ay halos mapunit ang labi ko dahil sa pagkakangiti. Ngunit napalis lang iyon ng hindi ang inaasahan ko ang dumating sa shop.
Hindi na nagtanong ang kaibigan dahil wala pa itong ideya na si Drixx ang sumundo sa akin ng nagdaang gabi sa shop. Hindi ko na kailangan siguro sabihin pa iyon sa kan'ya.
Lumipas ang mga araw na hindi ko siya nakita. Nalungkot ako dahil hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. Hindi na rin ako pinag tinda ni tatay ng linggo dahil baka maulit na naman ang nangyari sa akin. Pero noong sabado ay pinilit ko na ako ang magtinda. Pero hindi pumayag si tatay na wala akong kasama. Pinasamahan niya ako kay Bart. Dahil wala naman ginagawa ang kaibigan ko ay sinamahan niya ako.
Kahit papaano ay nawala ang pag iisip ko kay Drixx dahil sa presensya ni Bart. Palagi kami nag aasaran kahit pa may mga bumibili. Minsan isang beses napagkamalan din kami na magkasintahan na agad ko naman itinanggi.
Araw ng lunes ay naglalakad na ako pauwi. Hindi muna ako pumasok sa shop dahil may gagawin pa akong research. Nagpaalam na rin ako sa manager ko at pinayagan naman niya ako. Sinabi ko na rin kay Sandra na manghihiram ako ng laptop sa kan'ya.
Sa aming tatlo, si Sandra ang mas nakakaluwag. Nagpapasalamat na rin ako dahil may kaibigan akong tulad ni Sandra. Malaki rin ang utang na loob ko sa kan'ya.
Nang malapit na ako sa bahay ay huminto ako sa paglalakad. May narinig akong tawanan. Pinakinggan ko iyon dahil may narinig akong pamilyar na boses.
"Aba'y makwela pala ang binatang ito, ano? Mukhang magkakasundo tayo niyan." Sabi ni Mang Kanor.
Kapag nalasing na naman iyon ay tiyak na magwawala na naman ang matandang iyon.
Napabuntong-hininga na lamang ako at nagsimula na akong maglakad ngunit natigilan na naman ako ng makita ko ang pamilyar na bulto. Nagsimula na naman sumikdo ang puso ko.
Kaharap nito si Mang Kanor at nasa tabi nito ang tatay ko. Halos yata lahat ng kapitbahay namin ay nakatingin sa kan'ya. May mga ibang ka edaran ko ang tila kilig na kilig sa presensya ng animo'y artista sa paningin ng mga ito.
Masaya kasi itong nakikipagtawanan sa mga kainuman. Tsk! Kapag si Mang Kanor ang kainuman tiyak na hanggang madaling araw. Kaya bago pa malasing si Drixx ay ipagpapaalam ko na siya kay Mang Kanor.
Nasa harap sila ng bahay nagiinuman. Hindi naman siguro siya magagalit kapag ako ang nakiusap.
Lumapit ako sa kanila. Dahil nakatalikod si Drixx ay hindi niya ako napansin na papalapit sa pwesto nila.
Na-miss ko siya ngunit hindi yata maganda ang muli naming pagkikita dahil mukhang lasing na siya sa paraan ng pagtawa niya.
"Tay," tawag ko kay tatay.
Sabay na lumingon sa gawi ko si tatay at si Mang Kanor. Si Drixx ay nanatili lamang na nakatalikod sa akin. Narinig naman siguro nito ang pagtawag ko kay tatay.
Galit pa rin kaya siya? Pero bakit nandito siya kung galit pa rin siya sa akin?
"Anak, nandito ka na pala," nakangiting sabi ni tatay saka tumayo.
Nagmanong ako at awtomatikong napatingin sa mesa. Nakita kong dalawang bote ng longneck ng tanduay ang nakatayo roon. Ang isa ay wala pa sa kalahati.
Hard ang inumin na iyon at hindi ako sigurado kung umiinom si Drixx ng mga gano'n na inumin. Sa tulad ni Drixx na mayaman ibang inumin ang iniinom nito.
Kanina pa kaya siya rito? Sa tingin ko ay kanina pa dahil naubos na ang isang bote ng longneck.
Binalingan ko si Mang Kanor na nakatingin sa akin. Nakahubad ito at kitang kita ang malaki nitong tiyan na labas ang nakausling pusod. Wala na rin itong buhok sa bunbunan nito. Sa madaling salita ay panot na ito.
Iwas ako sa kan'ya dahil marami nagsasabi na manyak daw ang matandang ito. Tulad ngayon, iba ang tinging ipinupukol sa akin.
Alanganin ako ngumiti sa kan'ya.
"Syota mo ba itong si tisoy, Mierve? Aba'y, napakaswerte mo at maganda ang lahi ninyo kapag nagka-anak kayo," pukaw nito sa akin.
Sa sinabi nito ay napangiwi ako. Hindi ba nila alam na kailan lang kami nagkakilala ni Drixx.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay binalingan ko si tatay.
"Tay, kanina pa po ba kayo umiinom?" tanong ko.
"Oo, anak. Hindi ako masyado tumatagay dahil kapag nalasing na itong si Drixx ay may aalalay. Oo nga pala, bakit maaga ka ngayon?" paliwanag nito.
Binigay ko sa kan'ya ang dala kong bag. Binalingan ko si Drixx na nakatungo at hindi pa rin ako sinusulyapan.
"May gagawin po ako kaya hindi muna ako pumasok," sagot ko. Kapagkuwa'y sinulyapan ko si Mang Kanor.
"Ayos lang po ba na hindi ko na painumin si Drixx. Magmamaneho pa po kasi siya pauwi." Magalang kong wika kay Mang Kanor na titig na titig sa akin. Hindi ko talaga gusto ang paraan ng tingin ng matandang ito.
"Sige, walang problema. Ikaw pa ba, malakas ka sa akin," tugon nito.
Pagkasabi nito niyon ay kinuha nito ang bote na may laman at tumayo na.
"O, pa'no pareng Mike. Sa bahay na ako iinom. Maiwan ko na kayo." Paalam nito.
Binalingan kong muli si Drixx ng makaalis ang manyak na matanda. Kinalabit ko ito sa balikat. Nag-angat naman ito ng mukha. Para namang hinaplos ang puso ko ng makita ko itong nakangiti sa akin.
"Kaya mo bang tumayo? Pasok ka na sa loob ng bahay. Magpahinga ka muna bago ka umuwi." Suhestyon ko. Tumango naman ito bilang tugon.
Tumayo ito ngunit nawala ito sa balanse. Mabuti na lamang at nahawakan ko ito sa braso at ang isang kamay ko ay sa bewang nito. Muntik pa kaming mabuwal kung hindi lang ako naalalayan ni tatay.
Sa laki kasi ng tao ng lalaking ito ay hindi ko siya kayang alalayan kaya humingi ako ng tulong kay tatay.
"Okay, tapos na po ang palabas. Pwede na po kayo umuwi sa mga bahay ninyo." Narinig kong pagtataboy ng aking kapatid sa mga kapitbahay namin.
Gusto ko matawa sa sinabi ni Mandy. Wala talaga itong pakundangan kung magsalita.
Sa kwarto ni tatay namin dinala si Drixx. Hindi siya kasya sa upuan namin at isa pa baka sumakit lang ang likod nito.
Kukuha sana ako ng plangganita at bimpo pero si tatay na ang kumuha.
Nakapamewang akong tumayo sa harap nito kahit hindi ako nito nakikita dahil nakapikit ito. Mukhang nilasing nga ito ni Mang Kanor.
Dumating na si tatay dala ang plangganita na may lamang maligamgam na tubig at bimpo.
"Ikaw na bahala, anak. Magluluto lang ako ng hapunan natin. Dito mo na patulugin si Drixx dahil baka kung mapaano pa iyan sa daan. Sayang ang gandang lalaki niyan kung maagang mawawala." Sabi ni tatay na ikinaawang ng labi ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si tatay sa sinabi niyang iyon.
Pagkasabi nito ni tatay ay lumabas na ito ng kwarto. Nilagay ko ang plangganita sa lamesita at naupo ako sa tabi niya saka sinimulan ko na siyang punasan. Ang sarap niyang pagmasdan habang nakapikit. Na-miss ko siya ng sobra.
Nang matapos ko siyang punasan sa mukha at sa leeg ay ang katawan naman niya ang sumunod kong pinunasan. Tinanggal ko isa-isa ang butones ng polo niya. Napakagwapo niya sa suot na blue long sleeve polo na nakatupi hanggang siko. Marahil galing ito ng opisina at dumiretso dito sa bahay.
Nang matanggal ko na ang butones sa polo niya ay napalunok ako ng tumambad sa mga mata ko ang katawan niya.
I bit my lower lip. Hindi pa ako nakakakita ng ganito na may abs sa malapitan. Siguro sa mga pinapanuod ko sa TV. Pero kakaiba ang epekto sa akin ng nakikita ko.
Iniwas ko ang tingin sa katawan nito. Binasa kong muli ang bimpo at dahan dahan kong dinampi sa katawan niya iyon ngunit mas pinili ko na lang ang pumikit habang ginagawa iyon. Ngunit maya-maya naman ang silip ng isang mata ko dahil baka kung saan pa mapunta ang kamay ko.
Nang sapat na ang pagpupunas ko sa katawan niya ay dumilat na ako ngunit para naman akong naparalisa ng makita kong blangko ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"You are so innocent, Mier. You didn't even try to look at my beautiful body," sambit nito. Grabe rin talaga ang kayabangan ng lalaking ito.
Dahil sa inis ko ay binato ko sa katawan nito ang bimpo na hawak.
"Ang yabang mo," usal ko at akmang tatayo ngunit nahawakan niya ako sa kamay kaya muli akong napaupo sa tabi niya.
"Just stay, Mier. Please, and I'm sorry." Halos pabulong na sabi nito.
"Sorry saan?"
"Sa mga sinabi ko. Bigla na lang din ako umalis. Tatay Mike said na hinabol mo raw ako. I'm sorry." Tugon nito.
Umupo ito pero hawak pa rin nito ang kamay ko.
Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang mala-adonis nitong katawan. Walang mababakas na bilbil sa katawan nito. Marahil kapag hinawakan ko iyon ay wala akong mararamdamang malambot doon bagkus ay matigas lahat ang buong parte niyon.
"Stop staring to my six pack abs Mier," sambit nito dahilan mag-init ang aking pisngi dahil sa sinabi nito.
Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Bagay sila magsama ng kapatid ko. Walang pakundangan magsalita.
"Nang mag-ulan ng kayabangan, sinalo mo lahat iyon, Drixx." Bagkus ay sabi ko.
"Pati kagwapuhan sinalo mo," dugtong ng utak ko.
Tumawa naman siya sa sinabi ko.
"Sabi nga nila," sang-ayon naman nito.
Tinuon nito ang atensyon sa kamay ko na hawak niya. Nilaro-laro niya ang bawat daliri ko at pagkatapos ay pinagsalikop niya ang aming mga kamay.
I bit my lower lip. Sa kabila ng kayabangan nito ay may tinatago itong ka-sweetan sa katawan at palagi niyang pinaparanas sa akin iyon sa tuwing magtatagpo ang aming landas.
"I told myself na hindi ako magpapakita sa'yo ng kahit man lang dalawang linggo," sabi nito.
Mula sa aming kamay na magkasalikop ay nag-angat siya ng tingin sa akin. And my heart started to beat fast again.
"Pero hindi ko pala kaya. Dalawang araw pa nga lang na hindi kita nakikita ay mababaliw na ako. Paano pa kaya ang dalawang linggo?" puno ng sensiridad na sabi nito.
Pinasadahan niya ng tingin ang aking mukha.
"D-Drixx." Tanging nasambit ko.
"I miss you, Mier. Mahirap pala maging kaibigan mo. Nakakabaliw, nakaka praning. You're always driving me crazy which is weird." Sabi pa nito.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi ako nakagalaw ng hinaplos niya ang aking mukha.
"Tulad ngayon. Nawala ang kalasingan ko ng makita kitang parang takot na takot na makita ang maganda kong katawan." Nangingiti nitong wika.
Sa sinabi niyang iyon ay hinampas ko siya sa braso. Talagang isisingit pa niya ang kayabangan niya. Pero masaya ako dahil bumalik na kami sa dati. Kung alam lang niya na na-miss ko rin siya.