Chapter 3

3068 Words
Chapter 3 Mierve's POV Hindi na ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Bawat gawi ko sa pwesto niya ay panay ang sipat niya sa relo. Sinasadya ba niyang ipakita sa akin na naiinip na siya? Sino ba may sabi hintayin niya ako? Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita kong tumayo siya at naglakad papalapit sa area ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. 'Yung dapat na sasabihin ko ay hindi ko na nasabi. Umurong na ang dila ko. "Have you eaten?" seryoso niyang tanong. Tumango ako. "Hindi ba mas delikado sa daan kung ganitong oras ka umuwi?" "H-hindi naman. N-nasanay na din ako," utal kong tugon. Gusto ko batukan ang sarili. Bakit ako nauutal ng ganito? "I'll wait for you outside," sambit nito. Tumango lang ako. Ang akala ko ay aalis na siya sa harap ko ngunit nanatili lang siya nakatayo. Alanganin ako ngumiti sa kanya. I heard his deep sigh. Pakiramdam ko kapag ginagawa niya iyon ay may pumapasok sa isip niya na nagpapahirap sa kanya. "Is there anything I can do for you, Sir?" napalingon kami pareho sa nagsalita. Lumabas sa opisina nito ang manager ko. "Ah, wala po ma'am. May tinatanong lang po si Si--" "You're the manager here?" putol nito sa sasabihin ko. Bigla ako kinabahan. Baka may sabihin siya sa manager ko na ikatanggal ko sa trabaho. Kapag nangyari 'yon kakalimutan ko talagang nagkakilala kami. "Yes, Sir. May problema po ba?" sinulyapan ako ng manager ko. Kilala niya ako. Hindi ako 'yong tipo na nakikipag-away at nakikipagtalo sa customer kahit naghi-hysterical pa 'yan sa shop. Kilala niya akong mapagpasensya kaya hindi din niya ako mabitawan. "You should take--" "Sir, tataasan ko pa ang pader sa pagitan natin kapag ginawa n'yo 'yan," putol ko sa sinasabi niya. Tila naman natigilan ito. Dinig ko ang pagsinghap ng kasama ko sa likod nito. Hindi naman malakas ang pagkakasabi ko sapat lang para marinig niya. Nakipagtitigan ako sa kan'ya. Gusto ko iparating sa kan'ya na seryoso ako sa sinabi ko. Kalauna'y tumalikod na siya. "Dammit!" anas nito na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Mahina lang iyon pero may diin. Naglakad siya palabas ng shop. "Hindi ko naintindihan ang sinabi mo, Mierve," Sinulyapan ko ang manager ko. Alanganin ako ngumiti sa kan'ya. Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. "Boyfriend mo ba ang gwapong iyon?" tanong nito. Umiling ako. Kahapon nga lang kami nagkakilala. "Kilala mo s'ya, Girl?" tanong naman ng kasama ko. Tumango lang ako. Impit itong tumili. "Kaya pala iba ang tingin niya sayo," inikot ko ang mata. "Sige na, Mierve. Tapusin mo na yang ginagawa mo. Mukhang hinihintay ka niya," nginuso nito ang labas ng shop. Dahil wall glass iyon ay kita sa labas kung ano ang ginagawa nito. Nakasandal ito sa sasakyan nito. Ang sarap nito pagmasdan sa pwesto nito. Nakalagay ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon habang ang isang kamay ay may hawak na cellphone. Nasa cellphone ang atensyon nito kaya malaya ko siyang pinagmasdan. Bakit ang tulad niyang pinagpala sa kagwapohan ay pinagtutuunan ako ng pansin? I'm sure naman na mas madami pang babae diyan ang mas nakahihigit pa sa akin at sigurado ako na madami ding babae ang nagpapapansin sa kanya. Kung gan'on ay maswerte ako dahil pinagkakaabalahan pa niya ako. Sa naisip ay napangiti ako. "Girl, hindi ka ganyan ngumiti kay Bart," sa sinabi ni Kaye ay napalis ang ngiti ko. Binalingan ko siya. "Baliw," tumawa lang siya pati ang manager ko. Kilala kasi nito si Bart. Ang kaibigan kasi ang madalas na sumusundo sa akin sa shop. Nagkan'ya kan'ya na ng pinagkaabalahan ang mga ito. Sinulyapan ko siyang muli sa labas. Sa pagkakataon na iyon ay bumilis na naman ang t***k ng puso ko dahil nagtama ang aming paningin. Para na naman niya akong sinusuri. Alanganin ako ngumiti sa kanya. Ngunit nadismaya ako ng hindi man lang niya binalik ang ngiti na binigay ko sa kanya. Hmp! Suplado. Reklamo ng bahagi ng utak ko. Tinapos ko na ang ginawa ko at nagpaalam na ako sa manager ko at kay Kaye. Paglabas ko ng shop ay napansin kong wala siya sa labas ng sasakyan. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Sinilip ko siya sa side-view mirror ng sasakyan niya. Napangiti ako ng makita kong nakaupo siya sa driver's seat. Dahil nakabukas ang bintana niyon ay may naisip akong kapilyahan. Gugulatin ko siya. Dahan-dahan ako naglakad papalapit kung saan siya nakaupo. Nang malapit na ako ay natigilan ako. Napansin ko sa side-view mirror na nakapikit siya. I heaved out a deep sigh. Hindi ko na tinuloy ang plano na gulatin siya. Lumapit ako ng bahagya sa gawi niya. Para naman hinaplos ang puso ko sa aking nakita. Inaantok na siguro siya kaya hindi na napigilan ang matulog. Hindi ko naman kasi sinabi sa kan'ya na hintayin niya ako. Yumukod ako para mas lalo ko pang makita ang mukha niya. Pinasadahan ko iyon ng tingin. Napangiti ako dahil ito lang ang tanging pagkakataon para mapagmasdan ko siya ng mabuti. Dumapo ang tingin ko sa malago niyang kilay. Bumagay iyon sa mata niyang may kaliitan at mapupungay. Mahaba din ang pilik-mata niya. Mas mahaba pa nga sa pilik-mata ko iyon. Matangos ang kanyang ilong at masarap iyon pisilin. Ang cheekbone niya na bumagay din sa mukha niya. His perfect jaw line na talagang sinadya sa pagkaperpekto. Until my eyes stopped when I stared at his reddish thin lips. 'Yong labi na kahit tingnan mo lang ay parang masarap at matamis kapag tinikman. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Ano kaya lasa ng labi niya? Nagsalubong ang kilay ko ng may gumuhit na ngiti doon. Tumaas ang tingin ko ngunit gayon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita kong nakatingin siya sa akin. Mabilis na gumalaw ang kamay ko at dumapo iyon sa pisngi niya. Hindi naman malakas ang pagkaka sampal ko sa kan'ya. Hinimas niya ang bahagi ng pisngi na sinampal ko. "What was that for?" takang tanong niya. "A-ano kasi... M-may lamok sa pisngi mo," dahilan ko. Sana effective at maniwala siya. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Really, huh? Kaya pala sa labi ko ikaw nakatingin," sarkastiko nitong wika. Sa narinig ay inirapan ko siya. Nag-init ang mukha ko. Mabuti nalang at madilim sa pwesto ko. Hindi nito makikita ang pamumula ng pisngi ko dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon. Umabot hanggang tenga ang init sa aking mukha. Lumabas siya ng sasakyan at umikot sa front seat. "Hop in, ihahatid na kita sa inyo. May pasok ka pa bukas... I mean, mamaya," pinagbuksan ako nito ng pintuan. Hindi ko siya sinulyapan. In my peripheral vision ay himas himas pa din niya ang kanyang pisngi. "Ang sakit n'on, ah. Sa susunod lakasan mo pa para mahimasmasan ako. Pakiramdam ko kasi hindi pa ako natatauhan." Bahagya ko siyang sinulyapan. Pilyo pa din ang ngiti niya. Tila may pakahulugan din ang sinabi niya. Tahimik kami pareho habang tinatahak ng kanyang sasakyan ang daan pauwi sa bahay. Hindi naman siguro niya gagawin ito araw-araw. Bumabawi lang siya sa nagawa niya sa akin. Sa naisip ay nalungkot ako. Baka nga iyon ang dahilan niya kaya siya nandito kasama ko. Wala sa loob na napabuntong-hininga ako. Tumanaw ako sa labas. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa aking bag. Hindi ko kasi nilalagyan ng tone iyon kapag nasa trabaho ako. Si tatay ang tumatawag. "Anak, pauwi ka na ba?" naga-alalang tanong ni tatay. Naririnig ko sa kabilang linya ang sigaw ng isang lalaki. Mukhang nagwawala na naman si Mang Kanor. Ugali na nito iyon kapag lasing. Hindi sa tiyan nilalagay ang inumin kung hindi sa ulo. Palagi itong naghuhuramentado sa lugar namin. "Opo, Tay. Sa likod po ako dadaan. Malapit na din po ako," "Sige, anak. Bilisan mo at baka umikot pa itong si Kanor ay makita ka. Alam mo naman 'yon may pagkamanyak na matanda iyon," sa sinabi ni tatay ay tumawa ako ng mahina. Sa gilid ng mata ko ay tumingin sa akin si Drixx. Saglit lang iyon dahil itinuon n'yang muli ang kan'yang atensyon sa daan. "Sige, Tay," tinapos ko na ang tawag. "Bakit hindi mo sinabi na kasama mo ako para hindi s'ya lalo mag-alala," sinulyapan ko siya. "Sasabihin ko na lang kapag nasa bahay na ako," tugon ko. Hinintay ko siya magsalita ngunit wala ako narinig mula sa kanya. Nakarating kami sa lugar namin na tahimik lang siya. Hindi ko na pinapasok ang sasakyan niya sa looban kung saan ko siya pinag-park noong hinatid niya ako dahil baka mapagdiskitahan pa lalo na at nagwawala si Mang Kanor. "Wait, ihahatid na kita," presinta niya. Wala na akong nagawa ng kunin niya sa akin ang bagpack ko at sinukbit nito iyon sa kanyang balikat. Sabay kaming bumaba ng sasakyan niya. "Anong oras ang pasok mo sa trabaho sa umaga, Mier?" tanong niya habang naglalakad kami. Pinapakiramdaman ko si Mang Kanor baka kasi makasalubong namin. "Wala akong duty bukas sa grocery," sagot ko. Luminga-linga ako. Naririnig ko na ang boses ni Mang Kanor na papalapit sa gawi namin. "But you--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng hilahin ko ang kamay niya patungo sa madilim na bahagi na lugar. "What the? What are we doing here?" tanong nito sa akin. Hindi ko na siya makita sa sobrang dilim ng pinagtataguan namin. Kinurot ko siya sa kamay. "Ouch! Why did you do that?" "Pwede ba, manahimik ka na lang. Hinaan mo 'yang boses mo," mahina kong wika sa kanya. Kumunot ang noo ko ng bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin. Tumaas ang kamay niya sa braso ko at marahan niya iyon hinimas himas. "Anong ginagawa mo?" takang tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam na ganito ka pala ka-wild," sa narinig ay sinikmuraan ko siya. Iba ang nasa utak niya kung bakit nasa dilim kami. Pambihirang lalaki ito kung ano-ano iniisip. "Ang sakit, Mier, ha. Nakakadalawa ka na sa akin," reklamo niya. "Puro ka kasi kalokohan," "Ano ba kasi gi--" "Sinong matapang d'yan?! Lumabas ang matapang!" "Who's that?" bulong niya. "Siya ang dahilan kung bakit nandito tayo. H'wag ka assuming," tumawa ito ng mahina ng sinabi ko iyon. "Akala ko kasi may gagawin tayo dito. Sayang, akala ko lang pala," kinurot ko siya sa tagiliran. "Ahw!" napalakas yata ang daing niya kaya tumigil sa pag sigaw si Mang Kanor. "Sino 'yan?!" bahagyang lumapit ang boses nito. Lagot na, baka makita kami ni Drixx. "Lumabas ang matapang! Kung walang lalabas ako lang ang matapang!" gusto ko matawa sa sinabi ni Mang Kanor. Kinapa ko ang magkabilang tagiliran ni Drixx at humawak ako sa damit niya. Kinakabahan ako dahil baka makita kami lalo pa at may katangkaran itong kasama ko. Hindi ko na narinig nagsalita si Mang Kanor. Naramdaman ko ang mabigat na bagay na nasa paanan ko. Inaapakan ni Drixx ang paa ko. "D-Drixx, 'yung paa ko inaapakan mo na," mahina kong reklamo sa kanya. "Sorry," ngunit ng tanggalin niya ang paa niya na nakaapak sa paa ko ay nawalan siya ng balanse. Dahilan para mas lalo pa magkadikit ang mga katawan namin. Hindi na ako makahinga. Kung si Mang Kanor ay naghuhuramentado ganoon din ang puso ko. Parang gusto na niyon lumabas at iwan ako sa sobrang lakas ng t***k niyon. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Mang Kanor na papalayo sa pinagtataguan namin. "D-Drixx, d-dinadaganan mo na ako. H-hindi na ako makahinga," tila nahihirapan pa ako sabihin iyon. Ngunit hindi siya kumilos man lang. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Paano ako aalis sa harap niya kung gusto ko naman ang sitwasyon namin. Nanunuot ang amoy niya sa ilong ko na naging paborito ko na yata amoyin. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking mukha. Oh my! Anong ginagawa niya? Dahil may takas na buhok sa harap ng aking mukha ay inipit niya iyon sa aking tenga. Hindi ko na alam ang aking gagawin sa kinikilos niya. "Mier," "B-bakit?" nanginginig na ang boses ko sa kaba. "I want to be one of your friend," napaawang ang labi ko. Iyon lang? "W-wala ka bang kaibigan at ako pa napili mo maging kaibigan?" tanong ko sa kanya kahit tila nadismaya ako sa sinabi niya. "I have friends. Except those three morons ay wala na akong ibang kaibigan. Gusto kita maging kaibigan, Mier." Kung gusto niya ako maging kaibigan bakit ganito siya umarte sa akin? "Ganyan ka ba mag-offer ng pakikipagkaibigan?" tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina. "Nope. Sa'yo lang, Mier. Because you're special," he said huskily. Para naman nalusaw ang puso ko sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga iyon sa kamay niya. Shocks! Ganito ba talaga siya makipagkaibigan? Naramdaman ko ang paghawak niya sa likod ko. Nilapit niya ako sa kan'ya. All I knew is he's hugging me tightly. Sa ginawa niyang iyon ay naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso niya. "D-Drixx," tanging nasambit ko. Magkasalikop pa din ang aming mga kamay. "I'm 9 years older than you, Mier. Pero pakiramdam ko nagiging magkaedad tayo kapag kasama kita," nagkalkula ako sa isip. Ibig sabihin ay 27 years old na siya. Napangiti ako. Hindi na masama. "Ganun ba? Pero hindi mo naman kailangan gawin 'to kung gusto mo magkaroon ng kaibigan na 9 years ang agwat ng edad sa'yo," natatawa kong turan sa kanya. Pinaghiwalay niya ang magkasalikop naming mga kamay. Ang akala ko ay bibitawan na niya ako ngunit nilagay din niya ang kamay sa aking likod at muli akong niyakap ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya pero kung ano man iyon ay nagpapasalamat ako sa pagkain na iyon. "I like it." "Ang alin?" "You're hugging me back," tumawa ako. "Sira, may magagawa ba ako, eh, nakorner mo na ako." Tumawa ito ng mahina. Baka kailangan ko na din pasalamatan si Mang Kanor dahil dito. "Pero seryoso na, Mier. I'm happy 'cause I met you, and I thank God I found you," natawa ako sa sinabi niya. "Mier, I'm serious.l," reklamo nito. "Natawa lang ako sa 'thank God I found you', kanta kasi iyon," paliwanag ko. "I see," "Baka gusto mo na ako bitawan. Nakakahalata na ako eh," biro ko. Tumawa siyang muli. Hinawakan niyang muli ang aking kamay at pinagsalikop iyon. Nagpatiuna na siya sa paglalakad habang ako ay nasa likod niya. Animo'y kabisado na nito ang pasikot-sikot sa lugar namin. Napapangiti naman ako habang tinitingnan ang magkahawak naming mga kamay. Kung ganito siya makipagkaibigan sa akin ay ayos lang dahil palagay na din ang loob ko sa kanya. Nang marating namin ang pintuan ng bahay ay mabilis akong kumatok dahil baka bumalik si Mang Kanor. Nagulat pa si tatay ng pagbuksan ako ng pinto. Dahil magkahawak pa ang aming kamay ay tinago niya iyon sa likod niya. Pambihirang lalaking ito. Ayaw bitawan ang kamay ko. "O, Drixx, ikaw pala," sinulyapan ako ni tatay. Nagtatanong ang tingin niya. Alanganin ako ngumiti sa kanya. Pilit ko binabawi ang kamay ko ngunit ayaw bitawan iyon ni Drixx. Magkadikit na kasi kami. Baka ano isipin ng aking ama. "Halika, pumasok ka muna at baka maitak ka diyan ni Kanor," napahagikhik ako sa biro ni tatay. Sa gilid ng mata ko ay sinulyapan ako ni Drixx. Kalauna'y binalingan nitong muli ang aking ama. "Hindi na po. Uuwi na po ako. Hinatid ko lang po si, Mierve," nagmanong siya sa aking ama gamit ang isang kamay. "May alam po akong pagtataguan kapag napansin ko si Mang Kanor." Turan nito na tila may kapilyuhan na naman ang nasa isip. "O, s'ya sige. Mag-iingat ka riyan. Anak, halika na sa loob at ng makapagpahinga ka na," yaya sa akin ni tatay. Pumasok na si tatay sa loob ng bahay. "Akin na 'yung bag ko," binigay naman niya sa akin ang bag ko. Ngunit wala talaga siyang balak bitawan ang kamay ko. "Saka 'yung kamay ko, pakibigay na din," natatawa kong wika sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Parang hirap pa siyang bitawan ang aking kamay. "Parang ayoko umalis. Pwede ba dito na lang matulog?" may ngisi sa labi niya ng sabihin niya iyon. Hinampas ko siya sa braso. "Baliw, hindi ka pwede dito. Gusto mo bang pagtsismisan kami?" tugon ko. "Sige na, umuwi ka na at baka maitak ka pa ni Mang Kanor. S'ya lang daw ang siga dito." Pagkasabi ko niyon ay humakbang na ako papasok sa loob ngunit hinila niya ang kamay ko at niyakap akong muli. Umatras siya kasama ako palayo sa pinto. "D-Drixx, b-baka makita tayo ni tatay," sambit ko sa kanya ngunit walang pagtutol doon. "Just for a second, Mier. Please, pagbigyan mo na ako kahit sandali lang," pakiusap niya. Wala na akong nagawa kundi ang tumugon sa yakap niya. Para akong lumulutang sa alapaap. Yung kahapon lang kami nagkakilala pero pakiramdam ko matagal na kaming may koneksyon. "Good night, Mier. H'wag mo ako iisipin ha. Baka hindi ka makatulog ng mahimbing," biro niya. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Good night din, ay hindi pala, Good morning." Tumawa kami pareho. Nagpaalam na siya sa akin. Bago ako pumunta ng kwarto ay nakita ko pa ang pinabalot kong pagkain. Nagtaka ako dahil parang bago pa iyon. "Galing 'yan kay Drixx. Nakwento n'ya sa akin na pinabalot mo daw 'yung tirang pagkain. Pero hindi daw niya kayang pakainin tayo ng tira-tira kaya umorder siya ng bago," sabi sa akin ni tatay. Matigas din ang ulo ng isang 'yon. "H'wag ka magalala. Hindi niya tinapon ang pinabalot mo. Binigay niya iyon sa mga batang lansangan," sa sinabi ni tatay ay napangiti ako. Ngayon pa lang nakikita ko kung gaano kabait si Drixx kahit may pagka-presko at mayabang ito. Nahiga na ako ngunit hindi na naman ako ng antok. Mukhang gabi-gabi ko na mararanasan ito. Hindi ito insomnia. Dahil imahe ulit ni Drixx ang rumehistro sa utak ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Iba ang paraan ng pakikipagkaibigan niya. Pero susunod na lang ako sa agos dahil baka iyon nga ang pakikipagkaibigan niya. Napaisip ako. Kung iyon ang paraan niya ibig sabihin ay hindi lang siya ganoon sa akin. Sa naisip ay sumipa ako sa ere ngunit ng ginawa ko iyon ay natamaan ko sa mukha ang natutulog kong kapatid. "Aray! Ate naman, 'yung pader ang sipain mo h'wag ang mukha ko. Masisira maganda kong mukha sa'yo eh. Matulog ka na. Nababaliw ka na naman." Natawa ako sa sinabi ni Mandy. "Opo, ate," mahina kong tugon sa kanya. "Baliw,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD