Chapter 21 Drixx's POV Isa-isa kong tinawagan ang mga kaibigan ko. Gusto ko ibalita sa kanila na magpapakasal na ako. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa mga ito na ikakasal na ako. Nakausap ko na si Haru at Syke at papunta na ang dalawa. Ang panghuli kong tinawagan ay si Zick. "Dude, where are you?" tanong ko kay Zick na tila abala sa ginagawa nito. Nag-video call na lang ako para malaman kung totoo nga ang sasabihin sa akin ng mga ito na busy. Minsan kasi ay kahit wala naman ginagawa ang mga ito ay sinasabi na busy sila. "Busy ako, dude," mabilis na sagot nito kahit wala pa akong sinasabi. "Whatever, dude. Wala pa akong sinasabi may dahilan ka na agad." Tila walang pakiaalam na sagot ko sa sinabi nito. "What is it, dude. Makukulit ang mga anak ko, huwag ka ng dumagdag."

