Chapter 20 Mierve's POV Kahit hindi pa kami nag-iimikan ni Drixx ay sumama pa rin ito sa pamamasyal namin sa labas. Hindi na nito nagawang pumasok sa opisina dahil sasamahan na lamang daw kami nitong lumabas. Wala naman akong nagawa kun'di ang sumang-ayon na lamang sa nais nito. Baka kasi kapag tumanggi ako ay simulan na naman ng hindi pagkakaunawaan naming dalawa. Kanina ay handa na akong sabihin sa kan'ya ang totoo pero bigla na lang niya akong niyakap at paulit-ulit na humingi ng tawad sa akin. Hindi raw niya sinasadya na makapagbitaw ng salita ni hindi maganda. Ang tapang na bumalot sa akin para sabihin sa kan'ya ang buong katotohanan ay biglang naglaho na parang bula. Hindi ko pala kaya ang magalit sa akin si Drixx. Hindi ko kakayanin. Ngunit para namang hindi pa nawawala ang

