Chapter 19

3356 Words
Chapter 19 Mierve's POV Halos hilahin ko na ang oras para lang makaalis sa bahay ni Bart. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagtagal pa ako rito. Isang oras na lang ay matatapos na ang session ko sa mama nito. Tatlong oras na ring naghihintay sa akin si Drixx sa sala. Nang malaman nito na si Bart ang makakasama ko sa bahay ay pinasya nitong hintayin na lamang ako. Tinawagan nito ang sekretarya para kanselahin ang mga nakaabang na meeting nito. Habang nasa kwarto ni Tita Brenda ay hindi ko maiwasan isipin si Drixx kung ano na nga ba ang ginagawa nito sa sala. Gusto nga nitong sumama sa akin dito sa kwarto ngunit ako na ang pumigil rito. Sinabi ko na lamang na magtiwala siya sa akin. Mabuti na lamang at napakiusapan ko ito. Hindi ko na napansin ang presensya ni Bart. Siguro ay magpapaliwanag na lamang ako sa kan'ya kapag hindi ko na kasama si Drixx. Sa ngayon ay hindi ako komportable kausapin si Bart dahil nasa paligid lang si Drixx. Baka bigla na lang nito kaming makita ni Bart na magkasama at kung ano pa ang maaaring kahinatnan. Kanina lamang ay nasaksihan ng dalawang mata ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa pero alam ko na nagpigil lamang ang mga ito dahil nasa tabi nila ako. Kapag nagkataon na magpang-abot muli ang dalawa ay baka magkainitan na naman ang mga ito at hindi ko maawat dahil nandito ako sa kwarto ng pasyente ko. Wala pa rin pinagbago sa kanilang dalawa kapag nagtatagpo. Pareho pa rin silang mainit ang ulo kapag nagkakaharap. "Mierve, kailan mo ba balak sagutin ang anak ko. Hindi ba at matagal na nanliligaw ang anak ko sa'yo. Bakit ang tagal mo naman yata siyang sagutin?" tanong sa akin ni Tita Brenda habang ini-stretch ko ang binti nito. "Magkaibigan lang po kami ni Bart, tita. Hindi po ba at sinabi na ni Bart na magkaibigan lang po kaming dalawa." Palilinaw ko rito. May pagkamakakalimutun na kasi ang mama ni Bart. Kaya kailangan pang ulit-ulitin rito ang mga nangyari. "Ang sabi kasi ni Bart ay nililigawan ka raw n'ya. Sinungaling pala ang anak ko kung gano'n," sabi nito saka dumilim ang mukha. "Baka sinabi lang po ni Bart iyon tita para hindi kayo magalit. Kilala n'yo naman po ang anak ninyo, masyadong maalalahanin lalo na pagdating sa'yo." Maagap kong wika para hindi ito magalit sa anak. "Pero kapag manligaw sa'yo ang anak ko, sasagutin mo ba, Iha?" tanong nito sa akin na nagpatigil sa ginagawa ko. Mabait si Tita Brenda sa akin. Naging pangalawang magulang ko na ito ng mamatay ang nanay ko dahil binilin kami ni nanay sa magulang ni Bart. Pero hindi ko kayang magsinungaling rito na may pag-asa sa akin si Bart. Kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa anak nito. "Ah, tita, kasi…" "Tapos ka na ba Erve? Pwede na ba tayong mag-usap?" malamig na sabi ni Bart sa bungad ng pinto. "Malapit na, Bart," saad ko. "Sige, hihintayin kita. Nasa study room lang ako. Puntahan mo na lang ako doon." Sabi nito at tinalikuran na ako. Napabuntong hininga na lamang ako ng makaalis ito. "May problema ba kayo ni Bart, Iha?" tanong nito sa akin. Umiling lamang ako bilang tugon. "Kilala n'yo naman po anak n'yo, tita, moody." Sabi ko at pilit na ngumiti sa harap nito. "Mahal ka ng anak ko, Mierve. Simula pagkabata ay prinotektahan ka na niya. Sana makita mo ang mga iyon," tila nakikiusap na sabi sa akin ni Tita Brenda. "Naiintindihan ko po, tita." Sabi ko na lamang. Pagkatapos ng session ko ay tinungo ko na ang study room ni Bart. Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago pumasok sa loob. Sasabihin ko na ang dapat sabihin. Hindi ako maaaring magtagal sa loob dahil baka hanapin na ako ni Drixx. Nakapamulsang nakatayo si Bart at nakatanaw sa labas mula sa bintana. Tila malalim ang iniisip nito. "Bart," agaw ko sa atensyon nito. "Ano'ng ginawa mo, Erve? Nilapit mo lang ang sarili mo sa kapahamakan," puno ng pag-aalala na sabi nito saka pumihit sa akin paharap. "Nag-iisip ka pa ba? Kapag nalaman niya ang totoo, kahit mahal ka niya, hindi siya mangingimi na gantihan ka." Patuloy nito. "H-hindi n'ya kayang gawin iyon Bart. Mahal ako ni Drixx, hindi niya ako kayang saktan." Katwiran ko na bahagya ng gumaralgal ang boses ko. "Talaga? Kaya ba hinayaan mo s'yang makalapit muli sa'yo? Kapatid ang nawala sa kan'ya, Erve. Kadugo ang nawala. Mahalaga, iniingatan pero ng dahil sa ginawa mo ay nawala ang kapatid niyang iyon. Ikaw, sino ka ba? Kailan lang ba kayo nagkakilala kumpara sa kapatid n'ya na simula pa lamang pagkasilang ay nasilayan na ng mata niya? Masasaktan ka lang, Erve. Hanggat maaga ay tapusin mo na kung ano ang mayroon sa inyong dalawa." Mahabang litanya nito na walang pakialam kung masasaktan ako. Isa sa mga nagustuhan ko sa ugali ni Bart ay ang pagiging prangka nito sa akin at sa mga kakilala nito. Pero ngayon, sobra ito magsalita. Alam n'yang masasaktan ako pero nagbitaw pa rin siya ng mga salitang makakasakit sa akin. Tama naman siya, sino ba naman ako? Mas matimbang pa rin ang kapatid ni Drixx kumapara sa akin. Pero, masama ba ang sumugal? Masama ba ang maging masaya kahit sandali sa piling ng taong mahal ko? Kung sakaling malaman man niya ang totoo, kung parurusahan niya ako, ayos lang. Ang mahalaga ay naranasan ko kung paano ang maging masaya. Kung paano ako mahalin ng taong mahal ko. Unti-unting nangilid ang luha ko. Alam kung para sa akin kung bakit sinasabi ni Bart ang lahat ng ito. Concern lang siya sa akin. Pero sana maintindihan niya rin kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na makalapit muli si Drixx sa akin. "H-hayaan mo muna akong maging masaya, Bart. Kahit ngayon lang, please…" garalgal kong wika. Nabanaag ko ang kakaibang lungkot sa mga mata nito ng bitawan ko ang salitang iyon. Ang lungkot na napalitan ng sakit. "H-hindi ka pa ba masaya sa 'kin, Erve? Hindi na nga ako humihingi ng kapalit. Ang mahalaga lang sa akin ay nasa tabi lang kita. Mahal kita Erve, at alam kong alam mo 'yan. Sa akin ka na lang, please…" sabi nito saka naglakad palapit sa akin. "I'm sorry, Bart," sabi ko habang titig na titig sa kan'ya. Ayaw ko siyang umasa. Kaibigan lang ang turing ko sa kan'ya. "Gagawin ko ang lahat maiparamdam ko lang kung gaano kita kamahal, Erve. Kahit paulit-ulit mo akong saktan. Kahit paulit-ulit mong ipamukha sa akin na hindi ako ang mahal mo ay tatanggapin ko. Huwag ka lang umalis sa tabi ko. Mahal kita, Erve." Patuloy nito at inisang hakbang na ang kinatatayuan ko saka ako mabilis na niyakap. Hindi ko na nagawang makagalaw dahil mahigpit ako nitong niyakap. Kulang na lang ay kapusan ako ng hininga sa higpit ng pagkakayakap nito sa akin. "B-Bart, kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Pasensya na. B-bitiwan mo na ako, please. Baka umakyat si Drixx. Magaga-" "No! hindi kita ibibigay sa kan'ya, Erve. Wala akong pakialam kung engaged ka na sa kan'ya. Gagawin ko ang lahat, huwag ka lang mapunta sa kan'ya." Sabi nito dahilan para matakot ako. Bawat katagang binitawan nito ay may diin at puno ng determinasyon. Ibang-iba sa Bart na nakilala ko na kalmado kung magsalita. "B-Bart, bitawan mo na ako. N-nasasaktan ako sa ginagawa mo," sambit ko na nahihirapan ng huminga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito. "No, Erve, please. Akin ka na lang. Paliligayahin kita. Magiging masaya tayo. Kung ano ang kayang ibigay ni Drixx ay kaya ko na ring ibigay sa'yo. Nagsumikap ako para pantayan siya. Kaya ko s'yang higitan, Erve." Puno ng pakiusap na sabi nito. Ngunit hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal na binibigay nito. Hindi ko kayang magpanggap. Pilit akong nagpupumiglas mula sa pagkakayakap nito ngunit sadyang malakas ito. Hanggang sa nawalan na lang ako ng lakas dahil mukhang wala itong balak na pakawalan ako. "B-Bart, please. Ayaw kong masaktan ka kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo ng harapan. Kaibigan lang ang kaya kong ibigay," mahina kong turan rito. "E-Erve, p-please. Huwag mo 'kong iiwan. M-mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. Ikaw na ang naging buhay ko. Nakikiusap ako…" sambit nito na nanginginig ang boses. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pamamasa ng balikat ko. Umiiyak si Bart. Naramdaman ko rin ang pagyugyog ng balikat nito. Nakaramdam ako ng awa sa kaibigan ko. Nagkaroon na naman ako ng agam-agam na sana hindi na lang ako pumayag na samahan ako ni Drixx para hindi nito nalaman na nagkita na kaming muli. Marahan kong hinagod ang likuran nito. Saka ko lang napagtanto na kung bakit hindi ko ito magawang mahalin sa kabila ng pinapakita nitong kabaitan sa akin? Bakit kay Drixx pa na kailan ko lang naman nakilala? "Huwag ka ngang umiyak. Ka lalaki mong tao umiiyak ka. Ang pangit mo," pagbibiro ko rito. Sana kahit man lang doon ay mapakalma ko ito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil unti-unti ng lumuluwag ang mga braso nito sa pagkakayakap sa 'kin. "E-Erve…" usal nito. Natatawang pinunasan ko ang luha nito gamit ang kamay ko. Pilit akong ngumiti sa harap nito kahit nalulungkot ako. Nahihirapan akong nakikita siyang nasasaktan ng dahil sa 'kin. "Tumigil ka na, ha. Gusto mo bang makita akong umiiyak?" tanong ko rito habang pinupunasan ang walang humpay na pag-agos ng luha nito. Umiling lamang ito bilang tugon. "Naiiyak na kasi ako kaya please lang, huwag ka ng umiyak sa harap ko. Ang pangit mo." Natatawa kong sabi kasabay ng pagtulo ng luha ko. "I-I'm sorry, Erve. Please, dito ka na lang sa tabi ko. Kahit bilang kaibigan lang, huwag ka lang umalis sa tabi ko." Muli nitong pakiusap sa akin. Nagpakawala ako ng buntong hininga saka namewang sa harap nito. "Sino ba may sabi na aalis ako? Aalis ako kapag nakapag-apply na ako sa Japan. Passport na lang naman ang kulang ko 'di ba? Para kang ewan." Sabi ko na lamang saka hinampas ito sa braso. Kahit paano'y napangiti naman ito sa sinabi ko. "Alam ba n'ya?" seryosong tanong nito. "Hindi," tipid kong sagot. "Good," mahinang sabi nito pero hindi nakaligtas sa pandinig ko iyon. Magsasalita pa sana ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng bag ko. Biglang sumikdo ang puso ko ng makita ko kung sino ang tumatawag. Sinulyapan ko si Bart na ngayon ay salubong ang kilay. Tinalikuran ko ito para sagutin ang tawag ni Drixx. "Where are you?" tila aburido na tanong nito. Lalo akong kinabahan sa tono ng boses nito. Alam nito kung ano'ng oras ako matatapos. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Magagalit ito kapag sinabi kong kasama ko si Bart. Ayaw ko na magpang-abot pa sia dahil kanina lang ay alam kong nagpipigil lang sila pareho. "Sa kwarto pa rin ni Tita Brenda," pagsisinungaling ko. Mabuti na lamang at hindi ako nautal dahil baka mahalata nito na nagsisinungaling ako. "Lier," isang katagang maikli lamang pero parang hiniwa ang puso ko sa paraan ng pagbigkas nito. Ramdam ko ang galit sa boses nito. "D-Drixx, hintayin mo na lang ako. Malapit-" "No! Where the f*****g hell are you, Mier?! Ako ang pupunta sa'yo kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso 'yang kaibigan mo!" halos pasigaw ng sabi nito sa kabilang linya. Natakot naman ako sa inasal ni Drixx. Walang paalam na nagmamadali akong lumabas ng study room ni Bart. Tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin dahil natatakot ako na baka totohanin ni Drixx ang sinabi niya. Humahangos na tinungo ko ang sala ngunit napahinto ako ng ang nagbabagang mata ni Drixx ang sumalubong sa 'kin. "D-Drixx," "Ang sabi ko ako ang pupunta sa'yo. Ayaw mo na masaktan ko ang kaibigan mo kaya hindi mo ako sinunod, gano'n ba? Where is that f*****g bastard? Ang trabaho mo ay ang mama niya. Hindi ang tawagin ka pa kung saang lugar." Nanggigigil na sabi nito at akmang papanhik sa hagdan ngunit mabilis ko itong pinigilan. "Drixx, tama na, please. Umalis na tayo." Sabi ko rito at hinila ko na ito palabas ng pinto. Mabuti na lamang at sumunod ito sa akin. Nasa labas na kami ng gate ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Bart na ikinahinto nito. Nakagat ko ang ibabang labi at mariin na pumikit. Sana hindi na lang siya sumunod. Nakikita ko na ang posibleng mangyari lalo na at mainit ang ulo ni Drixx. "Erve, sinasaktan ka ba ng lalaking 'yan?" nag-aalalang tanong ni Bart. Pumihit ako paharap kay Bart at agad na umiling bilang tugon sa tanong nito. "Okay lang kami, Bart. Sige na, pumasok ka na sa loob. Uuwi na kami. Pakisabi na lang kay Tita Brenda na umalis na ako. Salamat." Bagkus ay sabi ko at binuksan na ang pintuan ng sasakyan para pumasok na at para sumunod na rin si Drixx. Nanginginig na kasi ang buo kong kalamnan sa tinging pinupukol ng bawat isa. Tila ba nagtatagisan ang mga ito at ano mang oras ay kapwa na bubuga ng apoy ang palitan ng mga titig ng mga ito. Nagtatagisan ang bagang ng mga ito. "Drixx, halika na," pukaw ko kay Drixx na nakikipagtagisan pa rin ng tingin kay Bart. Kapag nagtagal pa kami ay baka magkasakitan na ang dalawang ito. Nakuha ko naman ang atensyon ni Drixx at tinalikuran na nito si Bart. Napabuga naman ako ng hangin dahil kahit paano'y nasa kontrol pa ito. Papasok na ako sa loob ng sasakyan ng hawakan naman ako ni Bart sa braso na lalong nagpakaba sa 'kin. "Bart, ano bang ginagawa mo? Aalis na kami. Bita- ay!" tili ko ng inundayan ng suntok ni Drixx sa mukha si Bart dahilan para mapaupo ito kalsada. Dumugo ang sulok ng bibig nito kung saan tumama ang kamao ni Drixx. Mabilis kong niyakap si Drixx at pinigilan ito sa pagtangkang muling undayan ng suntok si Bart. "D-Drixx, please, huwag mo 'tong gawin…" nanginginig ang boses na sabi ko kay Drixx na halos magliyab na ang mata sa galit. Dahil maputi ito ay kitang-kita ko kung paano namula ang kabuuan ng mukha nito dahil sa galit. "I said, get your filthy hands of her, you f*****g bastard. Engaged na ang binabakuran mo! Layuan mo ang girlfriend ko kung ayaw mong basagin ko ang bungo mo!" gigil na sabi ni Drixx kay Bart na hindi ko alam kung tumayo na ba dahil nanatili parin akong nakayakap kay Drixx para pigilan ito sa posible pa nitong gawin sa kaibigan. "Sino ka bang putang ina ka?! Kailan lang ba kayo nagkita ni Erve, at kung makaasta ka ay parang matagal mo s'yang inalagaan? Putcha, ang kapal ng apog mo para angkinin ang hindi naman sa'yo. Pa'no kayo naging engaged kung pinilit mo lang pala s'ya at hindi na magawang tumanggi ni Erve? Para sabihin ko sa'yo, mas matagal ako na kilala ng inaangkin mo. Mas kilala ko s'ya kaysa sa pagkakakilala mo sa kan'ya. Ikaw ang lumayo sa kan'ya, tanga!" sabi naman ni Bart na hindi naitago ang galit sa binitawang salita. "f**k you! Huwag kang umasa na mamahalin ka ni Mier. Anim na taon kaming hindi nagkita, pero ano? Nasaan s'ya ngayon? Nasa tabi ko at hindi sa tabi mo, gago!" balik naman ni Drixx. Halos mabingi na ako sa palitan nila ng maaanghang na salita. Hindi ko na alam kung paano ko aawatin ang mga ito dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ako sa pagpipigil kay Drixx na makalapit kay Bart. Nahihirapan na ako dahil sa laki nitong tao. Baka ako na ang tuluyang bumigay at hindi ko makayahan ang tensyong ito sa pagitan nilang dalawa. "Really? Kaya pala sinabi ni Erve na hindi niya ako iiwan kahit nand'yan ka na. Ibig sahihin lang nito ay mahalaga ako sa kan'ya." Nakakalokong sabi ni Bart na ikinatigil ni Drixx. "Is that true, Mier?" tila naubusan ng lakas na tanong ni Drixx. Hindi agad ako nakapagsalita sa tanong nito. Hindi ko rin ito matingnan dahil natatakot akong salubungin ang nagtatanong nitong mga mata. Wala akong nagawa kun'di ang sumubsob na lang sa dibdib nito at nagsimulang umiyak. "D-Drixx, tama na, please. Umuwi na tayo…" pakiusap ko rito. "Tell him, Erve. Sabihin mo sa kan'ya ang mga sinabi mo sa akin kanina. Sahihin mo na hindi mo-" "Tama na!" putol ko sa sasabihin nito saka kumawala sa pagkakayakap kay Drixx at pumihit paharap kay Bart. "Bart, please. Nakikiusap ako sa'yo. Kung mahalaga ako sa'yo, itigil mo na 'to." Puno ng pagsusumamong sabi ko rito. Tila naman nahimasmasan ito sa sinabi ko. "Sige, pero hindi ako titigil, Erve. Hanggat hindi kayo kasal ng lalaking 'yan ay asahan mong aaligid pa rin ako sa'yo. Hindi ako papayag na sa kan'ya ka mapupunta." Puno ng determinasyon na sabi nito saka kami tinalikuran. "f*****g bastard." Sambit ni Drixx. Mahina lang iyon ngunit puno ng galit. Hindi ko na ito nagawang sulyapan dahil pumasok na ako sa loob ng sasakyan nito. Pagpasok nito sa loob ay binuhay na nito ang makina at pinaharurot paalis sa lugar. Tinawag ko na yata lahat ng santo dahil sa bilis nito magpatakbo. Mamamatay ako ng maaga sa ginagawa nito. "Ibaba mo na ako Drixx," pukaw ko rito dahil mukhang wala itong balak na bumagal ng takbo. "What? Dahil babalik ka sa kan'ya? f**k. I knew it. Hindi mo talaga ako mahal. Mas mahalaga siya kaysa sa 'kin na kailan mo lang din nakita. Tang ina, Mier. Pinagmukha mo akong tanga." puno ng hinanakit na sambit nito at mas lalo pang pinabilis ang takbo ng sasakyan nito. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba sa ginagawa nito. Kulang na lang ay paliparin na nito ang sasakyan. Mabuti na lamang at maluwag ang daan dahil kung hindi ay baka pati kasabayan nitong sasakyan ay pag-initan nito. "Drixx, ano ba?! Kung gusto mo ng mamatay, mauna ka dahil kailangan pa ako ng tatay at kapatid ko!" sigaw ko rito. Tila nahimasmasan naman ito sa sinabi ko. Itinigil nito ang sasakyan sa gilid ng daan. Hinampas nito ang manibela at paulit-ulit na nagmura. "Alam mo ba kung saan ako nagagalit? 'Yung nagawa mong magsinungaling sa 'kin. Galing ako sa kwarto ng mama ni Bart pero wala ka doon. That's why I asked you kung nasaan ka. But you lied to me, Mier. Bakit?" "Kasi ayaw ko na magalit ka kapag nalaman mo na nag-uusap kami ni Bart. Iniiwas ko lang kayong dalawa sa posibleng mangyari." Paliwanag ko. "Pero hindi mo kailangan magsinungaling sa 'kin. f**k. You disappoint me. Nagawa mo magsinungaling sa 'kin ngayon, paano pa kapag sa mga araw na magkasama tayo? I can't believe you." Puno ng hinanakit na sabi nito. "Tama na, Drixx. Pagod na ako, umuwi na tayo," tila wala ng lakas na sabi ko at nag-iwas ng tingin. Masakit marinig ang mga sinabi nito na sinungaling ako. Tama naman ito, sinungaling ako. May hindi ito alam na pilit kong ikinukubli sa mga ngiti ko kapag kaharap ko ito. "Ngayon, nanahimik ka dahil tama ako. Kung hindi mo kayang maging tapat sa 'kin, mas mabuti pang sabihin mo na ng mas maaga. Kaysa naman pinagmumukha mo akong tanga." "Ano ba Drixx?! Ang sabi ko tama na!" hindi ko napigilang tumaas ang boses ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha nito sa inasal ko. Nasasaktan ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Hindi niya kailangang ipamukha sa 'kin na sinungaling ako. Oo, sinungaling ako. Ginagawa ko ito dahil gusto ko lang naman maging masaya kasama siya. Masama ba magsinungaling kung ang kaligayahan naman namin pareho ang kapalit? "M-Misis ko…" nanlalaki ang mata na usal nito. Tila ba ito naman ang natakot sa inasta ko. "Iyon palang ang kasinungalingan na nagawa ko na nalaman mo. Paano kung mayroon pa palang mas mabigat na kasinungalingan akong tinatago sa'yo para lang huwag ka magalit sa 'kin?" hindi ko naipigilang sabihin. Panahon na siguro para malaman nito ang katotohanan. Sasabihin ko na kahit ang kapalit nito ay ang masaktan kami pareho. Mas mahirap ang magpanggap na masaya kung may tinatago akong mabigat sa dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD