Chapter 18

2041 Words
Chapter 18 Mierve's POV Kinabukasan, hindi pa nga ako nakakaligo ay nasa sala na si Drixx naghihintay. Pupungas-pungas pa ako ng mata ng nabungaran ko itong nakaupo sa sala katabi si tatay habang nagka-kape. "Good morning, misis ko," nakangiti nitong bati sa 'kin saka tumayo at nilapitan ako. Hinapit ako nito sa bewang ng makalapit at akma akong dadampian ng halik nang iniwas ko ang aking mukha at tinakpan ko ang bibig ko. "Hindi pa ako nagmumog, Drixx. Nakakahiya, mabaho pa ang hininga ko." Katwiran ko rito ng biglang nagsalubong ang kilay nito sa ginawa ko. "So, it doesn't matter. Kahit mag-amoy lupa ka pa. Pa-kiss na ako, misis ko. Huwag mo naman ako ipahiya kay Tatay Mike." Pakiusap nito sa akin. "Ayaw," sabi ko at saka umiling-iling. "'Tay Mike, ayaw ako halikan ng anak n'yo, oh," parang bata na sumbong nito sa tatay ko. Sinilip ko naman si tatay na nakaupo. Nakangiti lamang ito at napapailing. Hinampas ko ito sa balikat. "Para kang bata. Hindi mo ako madadala sa sumbong-sumbong mo na 'yan," sabi ko sabay tanggal ng braso nito sa bewang ko. Tinalikuran ko ito at tinungo ang kusina. Naghilamos muna ako at nagmumog. Muntik ko ng maibuga ang tubig sa bibig ko ng maramdaman ko ang pagpulupot sa katawan ko ng braso nito. "Kaya pala ayaw mo magpahalik sa 'kin sa sala kasi ang gusto mo, dito sa kusina," sabi nito sabay dampi ng halik sa leeg ko. "Hindi 'no. Nakita mo naman na may ginagawa ako. Ikaw lang itong sumunod sa akin dito, eh." Katwiran ko. Mahina naman itong tumawa sa tinuran ko. Mas lalo pang humigpit ang pagkaka yakap nito sa akin na animo'y ayaw na ako nitong pakawalan. "Hintayin natin ang mag-aalaga kay Tatay Mike. Alam ko naman na hindi mo na maasikaso si tatay dahil busy ka sa trabaho kaya naghanap ako ng titingin kay kan'ya. Isa pa, para may kasama rin siya kapag pareho kayong wala ni Mandy dito sa bahay." Malambing na sabi nito sa akin habang nakapatong ang baba sa aking balikat. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to, Drixx. Mamaya rin ay nandito na si Mandy," tugon ko saka pumihit paharap para yakapin ito. Alas sais pa lang ay umaalis na si Mandy para pumasok sa university na pinapasukan nito. Medyo may kalayuan din kasi ang pinapasukan nito. Kaya minsan ay hindi ko na rin ito nakikita kapag gumigising ako sa umaga. Kapag si tatay ang naiiwan mag-isa sa apartment ay iniiwanan ko na ito ng pagkain at binibilinan ko ang kapitbahay namin na bantayan muna si tatay. Mabuti na lamang at mabait ang mga kapitbahay namin at napapakiusapan na tingnan muna si tatay habang wala kami ni Mandy. "Gagawin ko ang lahat huwag ka lang mahirapan, Mier. Engaged na tayo kaya kung ano ang problema mo ay problema ko na rin. I love you, misis ko. Hayaan mo akong tulungan ka." Puno ng sensiredad na sabi nito habang marahang hinahagod ang likod ko. "Thank you, Drixx. Sana huwag kang magbago," hindi ko napigilan sabihin. "I won't, Mier. Mahal na mahal kita kaya malabong magbago ako sa'yo." tila kampante na sabi nito. Sana nga hindi ito magbago sa akin kung sakaling malaman na nito ang totoo. Pagdating ng titingin kay tatay ay umalis na kami ni Drixx. Nagbilin na lamang ako sa makakasama ni tatay ng mga gagawin nito. Kampante naman ako na magagawa nito ng maayos ang bilin ko dahil ang sabi ni Drixx ay private nurse ito. Half day lang din naman si Mandy kaya uuwi iyon agad kapag tapos na ang klase. Tinawagan ko na rin ito na may titingin na kay tatay. Baka kasi magulat ito kapag nakita na may ibang tao sa apartment. Habang lulan ng sasakyan at tinatahak ang daan patungo sa lugar kung saan ko gagampanan bilang isang Therapist ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Iniisip ko kasi kung ano ang maaari kong ipaliwanag kapag nagkita na silang dalawa. Ano na lang ang sasabihin niya na kasama ko si Drixx. Pero dahil nandito na ito ay kailangan ko na itong panindigan. "Okay ka lang?" pukaw ni Drixx sa pananahimik ko. "Okay lang ako," tugon ko saka bumaling ng tingin sa labas ng tinted nitong sasakyan. Naramdaman ko naman ang marahan nitong pagpisil sa aking kamay na hawak nito. Simula ng umalis kami sa apartment ay hindi na nito binitawan ang kamay ko. Ewan ko ba, gustong-gusto ko rin na hawak nito ang kamay ko. "Hanggang ano'ng oras ka doon?" tanong nito. "Depende sa session. Pero madalas tatlong oras ang tinatagal ko. Bakit?" "Susunduin kita. Tatapusin ko lang ang dapat kong gawin sa opisina. Huwag kang aalis hanggat wala ako." Maawtoridad na sabi nito. "Baka nakakaistorbo na ako sa'yo, Drixx. Kaya ko naman mag-commute. Isa pa, ihahatid naman ako ni-" pinutol ko ang sasabihin ko ng mapagtanto ko ang lumabas sa bibig ko. Hindi pa pala nito alam. "Ihahatid ka nino?" "K-kaibigan ko," utal kong tugon. "I'm your fiancè now, Mier. Ako ang dapat na sumundo sa'yo," "S-sige," Bahagyang bumagal ang usad ng trapiko. Nagkaroon si Drixx ng pagkakataon na sulyapan ako. "Misis ko," agaw ng atensyon nito sa akin. Sinulyapan ko naman ito. Matamis ang ngiti nito ng balingan ko. "Bakit?" "Can I kiss you, now?" pilyong sabi nito. Nanlalaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Pati ba naman sa sasakyan nito? Alam naman nito na nasa gitna kami ng daan ay nagagawa pa talaga nitong magtanong ng gano'ng bagay. Kanina kasi ay hindi na nito ako nagawang halikan dahil nagmamadali na akong nagtungo ng banyo. Hindi ko na nga nagawang mag-kape tulad ng kinagawian ko. Sadyang pinanganak lang talaga si Drixx na makulit at hindi nakakalimot ng mga bagay na gusto nitong gawin. "Umuusad na po ang mga sasakyan, mister ko," nakangiti kong sabi rito. Natawa ako ng mahina ng sumimangot ito. Ang gwapo pa rin nito tingnan. Tuloy-tuloy na ang usad ng mga sasakyan. Mabilis naman namin narating ang bahay. Pagdating sa tapat ng malaking gate pinigilan ako nito ng akma kong bubuksan ang pintuan ng sasakyan. Nagtataka ko naman itong sinulyapan. "Hindi pa ba tayo lalabas?" tanong ko rito. Hinintay ko ito magsalita ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay nanatili lamang itong nakatitig sa akin. "Drixx?'' pukaw ko sa pananahimik nito. Kapagkuwa'y bumaba ang tingin nito sa labi ko. Umikot ang mata ko dahil alam ko na kung ano ang gusto nitong mangyari. Para lang mapagbigyan ko ang nais nito ay inabot ko ang batok nito at ako na ang kusang unang humalik rito. Sandali lang sana ang halik na igagawad ko rito ngunit hindi ko na rin napigilan ang sarili ko ng lumalim ang halik na tinugon nito. Hinawakan ako nito sa aking bewang at pinaupo sa pagitan ng mga hita nito saka pinaikot ko ang braso sa leeg nito. Malamig ang buga sa loob ng sasakyan ngunit hindi ko na iyon maramdaman dahil sa init na lumalabas sa aking katawan maging kay Drixx. Pakiramdam ko ay sinisilyaban ako sa init ng aming mga katawan. Marahan ang paghaplos ng malambot at mainit nitong palad sa aking balat kaya bawat dantay ng kamay nito ay tila kakaibang sensasyon ang aking nararanasan. Dahil maluwag ang suot kong damit ay mabilis na nakapasok ang palad nito sa ilalim ng damit ko. Nakiliti ako sa paraan ng paghagod at paghaplos ng kamay nito sa balat ko. Nanatili lamang ang mga labi namin sa isa't-isa ng maramdan ko ang pag-akyat ng kamay nito patungo sa likod ng hook ng aking brassiere. "I love you, Mier…" he huskily said. Narinig ko ang kumawalang ungol sa bibig nito kasabay ng maramdaman ko ang tila matigas na bagay sa pang-upo ko. Agad akong kumawala sa labi nito ng maramdaman ko ang bagay na iyon at mabilis na umalis sa pagkakaupo mula rito. "f**k," sambit nito saka sumubsob sa manibela. Hanggang sa paulit-ulit itong mariin na nagmura. Napakagat naman ako sa aking ibabang labi. Ilang beses akong nagpakawala ng hangin mula sa aking bibig. Ano ba ang nangyari? Nawala yata kami pareho sa sarili kaya parang hindi namin mawari ang nangyayari sa aming dalawa lalo na si Drixx. Tumuwid na ito ng upo saka ako binalingan. "I'm sorry, Mier. Hindi ko napigilan. I'm sorry…" mahinang usal nito. "O-okay lang," tila nahihirapan kong tugon. "Lumabas na tayo. Baka hindi ko na kayanin pa ang magpigil, misis ko." Sambit nito at nauna ng lumabas ng sasakyan. Umikot ito at pinagbuksan ako ng pintuan. Sabay na kaming pumasok ng buksan ang gate ni Manang Miling, kasambahay sa bahay. Bahagya pa nitong pinasadahan ng tingin ang masama ko kapagkuwa'y muli akong binalingan. "Pasok na kayo, ma'am, tawagin ko lang po si sir. Kanina n'ya pa po kayo hinihintay." Sabi nito saka kami tinalikuran ng makapasok kami sa loob ng bahay. "Maupo ka muna, Drixx. Pupuntahan ko na lang. Sasabihin ko rin na may kasama ako." Sabi ko rito saka tinalikuran ito. "Misis ko, huwag ka magtatagal, ha," sabi nito ng tumalikod na ako. Muli akong pumihit paharap rito at nginitian ito. "Opo," sambit ko. Nagsimula na akong maglakad ng matigilan ako. Patungo na sa kinatatayuan ko ang amo ko. "Erve, nandito ka na," nakangiti nitong salubong sa akin at nagmamadaling lumapit sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakagalaw ng yakapin niya ako. Nagsimulang rumagasa ang kaba sa dibdib ko ng ginawa nito iyon. Hindi ko magawang balingan ng tingin ang nasa likuran ko na si Drixx dahil sigurado ako na hindi nito nagustuhan ang ginawa ng amo ko. "Okay ka lang?" tanong nito sa akin ng tila naramdaman nito ang panginginig ng buo kong katawan. Hawak nito ang magkabila kong balikat. Tumango lamang ako bilang tugon. Pipihit sana ako para humarap kay Drixx ngunit nanlalaki ang mata ko ng muli niya akong niyakap. "Na-miss kita, Erve." Sambit nito. Bakas sa boses nito ang pananabik na makita ako. "What the hell do you think you're doing?" mariin na sabi ni Drixx at mabilis akong hinila mula sa pagkakayakap ng amo ko at itinago na parang bata sa likod nito habang ang kaharap ko ay nagulat ng mapagsino ang nagsalita. "Ikaw?" gulat na sambit nito. "Yeah, me, and you are? Who the hell are you para yakapin ng gan'yan ang fianceè ko?" "Ano'ng? Erve, ano'ng sinasabi ng lalaking ito? Ano'ng fianceè? Kailan pa kayo nagkita? Putang'na, bakit nagpakita ka pa?" tila hindi makapaniwalang sambit nito. "So, what do you care? Ngayong alam mo na engaged na si Mier sa akin, get your filthy hands off her. Back off, bro. May nagmamay-ari na sa kan'ya." Mariing bigkas ni Drixx. "No! Hindi ako maniniwala hanggat hindi si Erve ang nagsasabi sa 'kin." Sabi nito na bahagyang tumaas na ang boses. Umatras si Drixx kasama ako. Marahil ay gusto ako makita ng kausap nito ngunit hindi ito pumayag. "Stop it. Nandito lang s'ya para magtrabaho. Hindi kasama ang yakapin mo s'ya. Ikaw ba ang nangangailangan ng serbisyo n'ya? Mukhang okay ka naman, aalis na kami." Sabi ni Drixx at hinawakan ako sa kamay. "Erve!" tawag sa akin nito ng maglakad na kami ni Drixx para tunguhin ang pintuan. "Drixx, ang mama n'ya ang kailangan ng serbisyo ko. Hindi ako pwede umalis dahil hindi pa tapos ang session namin. Pasensya na, kailangan ko bumalik." Pigil ko kay Drixx at huminto kami. "Hindi ako papayag na sa kan'ya ka magtrabaho, Mier. Nakita mo naman kung paano ka niya yakapin sa harap ko. f**k. Kung wala lang ako sa pamamahay niya ay baka sinugod ko na siya ng suntok. C'mon, iuuwi na kita." Tugon nito at muli akong hinawakan sa kamay. "I'm sorry, Drixx. Pero kailangan ko 'tong gawin. Malaki ang utang na loob ko sa kan'ya. Kailangan ko bayaran ang sakripisyong binigay niya sa akin ng anim na taon." Paliwanag ko rito. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ang nagtatagisan nitong mga bagang ay biglang naglaho. Ang mga mata nito na tila nag-aapoy sa galit ay napalitan ng kakaibang tingin. Hindi ko matukoy kung ano iyon. "Kung hindi ka umalis, ako sana ang papasan ng lahat ng ginawa niya para sa'yo. Pero hindi ko na maibabalik ang anim na taon na nakalipas." Muling panunumbat nito sa akin. Ang kakaibang tingin na nakita ko kanina ay napalitan ng lungkot. "I'm sorry, Drixx," tanging nasambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD