Chapter 32 Mierve's POV Habang nakaupo at nanunuod ng paborito kong korean drama sa aking cellphone ay kumakain ako ng paborito ko ring sushi na pinagawa ko pa kay Manang Lumen, ang kasama namin sa bahay. Ito palagi ang nakabantay sa akin kapag wala si Drixx. Ewan ko ba kay Drixx, gusto palaging may bantay ako. Seven months pa lang naman ang tiyan ko pero kung mag-alala ito ay parang kabuwanan ko na. Hindi kasi nito hinahayaan na wala akong kasama kahit nasa bahay lang naman ako. Naikwento kasi nito sa akin na muntik ng malaglag ang baby ni Farrah sa una nitong anak na kalauna'y kinuha rin ni Lord. Natatakot ito na magaya ako kaya Farrah. Sobra lang daw ako nitong mahal kaya sobra rin ang pag-aalala nito sa akin. Hindi ko naman ito masisisi sa pagiging over protective nito sa 'kin.

