Chapter 10

1747 Words
Chapter 10 "Hmm," Vahn hummed while driving home. He's a bit ecstatic after a long day. "Hmm," kanta niya pa. Sinabayan niya ang kantang naririnig sa radyo ng sasakyan. "What's wrong with me?" tanong niya sa sarili habang nakakunot ang noo. "Why am I smiling like an idiot?" dagdag niya pang tanong nang mahagip ang sarili sa salamin na nakangiti sa kawalan. "Am I excited to see her?" he asked himself, doubting. He shake his head in disapproval yet his heart is nodding in delight. Mabilis pa sa kidlat siyang pumarada nang makarating sa Condo. Sinipat niya pa ang sarili sa salamin at nang makitang magulo ang buhok at hindi maayos ang pagkakabutones ng kanyang polo ay kaagad niya iyong inayos. Nang nasiyahan sa nakita ay kampante at confident siyang bumaba ng sasakyan. Nakangiti siya habang nakapamulsang naglakad papasok. "Magandang hapon, Sir Giovannie," nakangiting bati sa kanya ng guwardiya. Ginantihan niya ito ng ngiti saka nagtuloy sa pagpasok sa loob. He was grinning ear to ear like an idiot. Aaminin niyang masaya siya. He expected Yannie to be there. Dahil alam niyang babalik ito dahil ipagluluto pa siya nito. Nakangiti siyang pumasok sa sariling unit at hinubad ang suot na sapatos. Maayos niya iyong inilapag sa shoe rock at hinubad ang kanyang coat. Isinabit niya iyon saka nagtuloy sa loob. Ilang sandali lang ay naghintay siya kung may darating. "Maybe, na-traffic?" patanong niyang usal sa sarili bago tumayo at tinungo ang kusina. Napapiksi siya nang tumunog ang doorbell. Kaagad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Tinungo niya ang pinto at pagkabukas ay tumambad sa kanya ang mukha ng dalaga. Wala itong Kahit anong kolorete sa mukha but he find her beautiful. Naka-messy bun ang buhok nito. She was like a walking godess in his eyes. Ngumiti siya nang hindi man lang ito umiwas ng tingin. "H-hello," nauutal na bati nito sa kanya. "Come in," he ushered him to the living room. "Ikaw na ang bahala kung ano ang gagawin mo," aniya. "I already clean," dagdag niya pang usal. Nalilito itong bumaling sa kanya. "S-so? Ano na lang pala ang gagawin ko kung ginawa mo na ang dapat kong gawin?" nagtataka nitong tanong sa kanya. Ngumiti siya. He shrugged his shoulder. "You can rest," pagbibigay alam niya sa dalaga. Nagtataka na naman itong tumingin sa kanya. Pinahiran ng dalaga ang namuong pawis sa noo nito. "B-bakit?" naguguluhang tanong nito. He shrugged again. "I just want company," he said, grinning. "Did you eat?" he asked. Umiling ang dalaga. "B-bakit?" nagtataka na namang tanong nito. Inabot niya ang kamay ng dalaga at hinila ito papuntang kusina. Kaagad niyang hinila ang isang silya at pinaupo ito doon. Nagtataka naman siya nitong tinapunan ng tingin habang abala siya sa pagkuha ng kanyang lulutuin. "Ano ba ang gagawin mo?" tanong nito sa kanya. Ngumiti siya baho ito sumagot. "I'll cook for you," nakangiting sagot niya rito. "Just wait there," dagdag niyang usal. "B-bakit?" nagtataka na naman nitong tanong. "Ang ibig kong sabihin, bakit mo ginagawa 'to?" dagdag nitong tanong. Tumigil siya sa ginagawa. "Nothing," aniya. "Don't ask," masungit niyang sagot dahil ayaw niyang aminin na hinahanap-hanap na niya ang presensya ng dalaga. Hindi iyon magiging maganda para sa kanya. Sa kanilang dalawa. Halata kasi sa inaasta ng dalaga na may gusto ito sa kanya. Dumadagdag pa na hindi iyon itinatanggi ng babae at panay ito pa-cute sa kanya. Mabilis niyang hinarap ang gagawin. His body tensed up knowing she was looking at his back. Nakasuot siya ng skmpleng white t-shirt at shorts. He looked up back at amazed by the peaceful sight. Nakanganga si Yannie habang nakapikit ang mga mata. Banayad ang pagtaas-baba ng balikat nito hudyat na natutulog ito. Nakasandal ito sa upuan at nakatingala. "Was she tired?" nagtatakang tanong ni Vahn sa sarili. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa hanggang sa matapos. Maingat niyang inilapag sa harap ng dalaga ang isang plato. Pati na ang mga kubyertos at baso. Ang kanyang nilutong kare-kare at kanin ay inihanda niya na rin. Umupo siya sa harap nito at pinagmasdan ang dalaga. Napangiti siya. She's starting to fall for the woman even though wala itong ginagawa upang mapaibig siya. He's falling over her simple actions that make his heart flatter. Sa simpleng pag-ngiti, pagtingin, pagtawa, pagkainis, at sa sari-saring emosyong ipinapakita ng dalaga ay nahuhulog siya rito. Hindi niya mapigilan ang sarili. Nasanay siyang mag-isa. Malungkot ang buhay niya. Madilim. Ngunit dumating ang dalaga at ito ang naging liwanag ng kanyang buhay. And now, nasasanay na siya sa pagsulpot-sulpot nito. Hinahanap na niya ang presensya ng dalaga at hindi niya maitatanggi iyon. Pati si Kim ay nababalewala na niya nang hindi niya sinasadya. Now, the idea of marrying Kim is in the brink of disposal. Iwinaglit niya muna sa isip ang kasal dahil mukhang magdadalawang isip lang siya lalo na at may nahanap sitang tunay na nagpapasaya sa kanya ngayon. Marahan niyang niyugyog ang balikat ng dalaga upang gisingin ito. "Hey, wake up." The lady jolted up hearing his deep, husky, voice. He chuckled at her reaction. Kunot-noo naman itong tumingin sa kanya. She's disoriented. Nagpalinga-linga ito sa palogid halatang nakalimutan ng dalaga kung nasaan ito. "Let's eat," malumanay na usal ni Vahn. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ng dalaga dahil hindi pa rin itong reaksyon. "Kumain ka na," utos niya rito at kaagad naman itong sumunod. Mabilis lang silang kumain. Siya na rin ang naghugas ng pinagkainan nila dahil namumungay ang mga mata ng dalaga. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya rito dahil pumipikit-pikit ito. Umiling ito saka yumuko at lumapat ang noo sa mesa. "What happened?" tanong niya ulit dahil hindi man lang nagsasalita ang dalaga. Mabilis siyang lumapit dito upang tingnan ang kalagayan nito ngunit nagulat siya nang paglapat ng kanyang kamay sa dalaga ay mainit ito. "Oh my God! You have a fever!" he exclaimed in surprise. Kaya pala parang wala ito sa sarili kanina. Hindi na dapat ito pumunta kung ganoong masama pala ang pakiramdam nito. Kaagad niya itong dinala sa sariling kuwarto at nilagyan ng thermometer. "37.9," basa niya nang tumunog iyon. "Tsk!" reklamo niya sa inis. Kaagad siyang nagpatawag sa baba upang makahingi ng gamot. Noon niya lang napagtantong wala man lang siyang maski isang gamot sa medicine kit niya. Ipinaalala niya sa sarili na bibili siya ng mga gamot bukas. Gabi na rin kasi at kung aalis siya ay walang makakasama ang dalaga. "Salamat." Mabilis niyang isinara ang pinto at inilapag ang gamot sa mesa. Nagsalin siya ng tubig sa baso at dinala iyon sa kuwarto habang bitbit sa isang kamay ang maliit na paper bag. "Hey, wake up." Untag niya sa dalaga upang magising ito. Pilit itong dumilat. Tumaas kaagad ang kilay nito nang mabungaran suta nito. Natatawa siya dahil nakukuha pa rin nitong magtaray kahit pa may sakit ito. "Here." Iniabot niya rito ang gamot. "Drink your meds," utos niya saka tinulungan itong bumangon. Kaagad naman itong sumunod ngunit halata sa mukhang naiirita ito. Sa inaasal ng dalaga ay naaalala niya ang kanyang kinilalang ina rito. Naiirita rin sa kanya ang kanyang ina-inahan dahil kapag may sakit din ito ay kinukulit nuya itong uminom ng gamot. Nagtataray rin ito sa kanya dahil ayaw ng ginang na naiistorbo ito sa pagtulog. Kahit pa mainit ito ay wala itong pakialam. "T-thank you." Hindi niya inaasahang maririnig iyon mula sa dalaga. Napangiti siya. "You're welcome," aniya saka tinulungan itong humiga. Inayos niya ang comforter at hinayaan itong matulog. Lumabas siya upang manood muna ng balita. Napaisip siya. Kung wala pala itong kasama ay walang mag-aasikaso rito kapag wala itong sakit. Ilang sandali lang ay nakaramdam siya ng antok. Naglatag siya ng manipis na bed sheets at kumuha siya ng unan sa kanyang kuwarto. May spare naman siya ng kumot at nagbihis siya ng pantulog. Pinatay na niya ang telebisyon at natulog na. Ilang beses siyang gumising sa gabi upang makainom ng gamot ang dalaga. Medyo bumaba na rin ang lagnat nito kinaumagahan. "Good morning," bati nito sa kanya nang magising siya. Hindi man ito nakangiti ay halata namang maayos na ang pakiramdam nito. Tinanguan niya ito habang tahimik na umupo sa harap ng mesa upang mag-kape. Tahimik niya ring ininom iyon habang nakatangang nakatingin sa dalaga na parang walang lagnat kagabi. "How's your sleep?" untag niyang tanong rito. Lumingon ito sa gawi niya saka nag-isip bago sumagot. "Maayos naman," anito na tumango-tango pa. "Salamat," dagdag nitong sabi. "Bakit ka nga pala pumunta pa rito kagabi?" tanong niya rito. Hindi naman siguro masama kung magtatanong siya. "May sakit ka 'di ba?" dagdag niyang tanong. "Ah, k-kasi . . . " bumuntonghininga ito saka nag-iwas ng tingin. "Kailangan, eh." Tumalikod ito sa kanya. Sinungaling. Gusto mo lang talaga akong makita. A small piece of his heart flutter at the thought. Kung hindi lang talaga sagabal sa buhay niya ang dalagang si Kim ay siguro, masaya siya ngayong ipangalandakan sa buong mundo na may nagugustuhan na siya. Pero hindi niya man lang masabi-sabi sa iba 'yon dahil ini-expect na ng mga tao na magpapakasal siya milyonaryang iyon. Labag man sa kanyang loob ay hindi niya puwedeng pigilan ang kasal. Hahanapan niya muna ng butas ang dalaga para matigil ang plano. Sa ngayon ay aabalahin na muna niya ang sarili sa trabaho, at paglalandi. Umismid siya. Kung paglalandi man ang matatawag sa simpleng pagkagusto sa isang babae ay wala na siyang pakialam. Hindi naman niya mahal si Kim. Pakakasalan niya ito ayon sa utos ng kanyang angkan. Inihatid niya muna ang dalaga sa apartment nito dahil wala pala itong dalang pera. Nalaman niyang nawala ang wallet nito at kaya ito napunta sa kanya kagabi ay dahil malapit lang ang condo sa trabaho ng dalaga kaya nilakad na lang nito ang kaunting distansiyang namagitan sa kanila. Sinabihan niya iting kung masama pa rin ang pakiramdam ng dalaga ay huwag na muna itong pumunta sa kanya. Magpahinga na muna ito dahil ayos lang naman sa kanya. Ito lang naman talaga ang nagpumilit na bayaran ang mga danyos na nagawa nito dahil sa katangahan. Natawa siya nang maalala ang hitsura nito nang mabangga nito ang sasakyan niya. Hindi ito magkandaugaga sa pag-ayos ng sarili at sa sasakyan. Halata sa mukha ng dalaga ang gulat at takot at dahil doon ay nagmadali itong makaalis. Kailangan na niya talagang sanayin ang sarili na hindi ito makita dahil kung hindi, magiging problema iyon sa huli. Pero sa ngayon, i-enjoy na muna niya ang kaunting panahong makakasama ang dalaga dahil hindi na rin naman ito magtatagal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD