Chapter 9
Hindi namamalayan ni Vahn na napapangiti siya habang nagmamaneho paalis ng CVS. Kahahatid niya lang sa dalagang si Yannie at hindi niya alam kung bakit huminto pa siya sa harap nito kanina habang nakatayo ang dalaga at naghihintay ng masasakyan.
"Tsk!" singhal niya sa sarili. Napasabunot siya sa sariling buhok. "This is not right," he commented.
Mabilis siyang pumarada sa harap ng Smith Condominium. He sighed in frustration. Napapagod na siya sa kadramahan ng dalagang si Kim. Ang may-ari ng Smith Condo. Tamad siyang naglakad papasok. Hindi naman siya tinanong ng nga security guard dahil kilala na siya ng mga ito.
"Good evening, Sir Giovannie!" masiglang bati ng isang guwardiya sa kanya. Nginitian niya ito bago inabot ang isang Coffè Mocha na kabibili niya lang sa Starbucks bago dumiretso sa Condo.
"Salamat po nito, Sir," nakangiting pasasalamat ng guwardiya. Tumango lang siya bago naglakad papasok. He waited for the elevator. Ilang minuto lang ang lumipas ay kaagad siyang sumakay doon. Pinindot niya ang top floor at naghintay ulit. He crossed his arms. Tamad siyang naghintay na animo'y aabutin siya ng sampung taon sa loob. Bumuntonghininga siya. Baka kung ano na naman ang sabihin ng dalaga pagkapasok niya.
Nang makalapag ay kaagad siyang lumabas. He ring the doorbell at ilang sandali lang ay bumukas iyon. Bumungad sa kanya ang napakagandang babae. Maputi ito, payat at sexy. Pang-model ang tindig nito at halatang mayaman. Kim Smith is a classy woman. Kahit nakapambahay lang ito ngayon ay elegante pa rin itong tingnan habang nakangiti sa kanya. At mas lalo lang siyang nanliit nang maglakad ang babae habang nakasunod siya rito. He locked the door.
"Why are you late?" kaagad na reklamo nito nang humarap ito sa kanya. "I was waiting for you like hours ago," iritable nitong sabi.
Bumuntonghininga siya bago sumagot. "Na-traffic ako," tipid niyang sagot.
"Lame excuses, Vahn," sagot nito bago umirap sa kanya.
"I'm here already, Kim." Naglakad siya papalapit sa dalaga. "Ano pa ba ang kulang?" tanong niya habang nilalambing ang dalaga. Kaagad itong yumapos sa kanya. Ngayon ay may ngiti na ito sa labi.
"Gosh! I'm just kidding," she cutely laugh while caressing his face.
Vahn hugged the woman lightly. They slowly danced under the dim lights of her Condo. Ang tanging nagbibigay liwanag sa parteng iyon ng Condo ay ang banaag na liwanag ng buwan.
In outside, he's enjoying her company. In the inside, he's ready to p**e. Ayaw niya sa dalaga. Kung hindi lang siya pinipilit ng matandnag Zenith ay matagal na niya itong hindi pinansin. Ngunit sadyang makulit din ang dalaga. Palagi itong tumatawag sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nakadependi na ito sa kanya ngayon. Palagi rin itong tumatawag at sasabihing kailangan siya nito na kadalasan naman ay nauuwi sa hindi magandang gawain. He feels like he's a slave.
Alipin. Alipin siya ng kapangyarihan.
Naaawa na siya sa sarili ngunit kailangan niyang maging magaling. Kailangan niyabg patunayan na mapapatakbo niya ang kompanya nang maayos.
"What's bothering you, baby?" tanong ng dalaga na nakapagpabalik sa kanya sa huwisyo.
Umiling siya at bahagyang ngumiti. "Nothing," tipid niya sagot bago pumikit. He gave her a quick kiss on the lips. And yet, she wants more. It was more of a physical interaction. Walang pagmamahalan ang namamagitan sa kanila. Purely mutual understanding. No strings attached. Kailangan lang para sa ikagaganda ng imahe nilang dalawa. Ayos lang naman sa dalaga. Pero napapansing niyang masyado itong possessive sa kanya. Ayaw nitonf may lumalapit sa kanyang ibang babae.
Ngunit kataka-takang hindi man lang ito nagtanong tungkol kay Yannie. At hindi rin ito tumawag sa kanya nang mawala siya sa party nito. He just shrugged the thought of her having a relationship with other guys. Dahil wala siyang pakialam.
"Uuwi ka ba?" tanon nito sa kanya habang nagbibihis siya.
Hindi niya ito tiningnan. "Yeah, I still have work to do," tipid niyang sagot.
"Well, thanks for the night," she smiled, looking thrilled. Ngumiti siya bago tumango.
"I gotta go," nagmamadaling paalam niya dahil ayaw niyang matulog sa Condo ng dalaga.
"Just sleep here, okay?" alok nito ngunit matigas siyang tumanggi. "Why are you rejecting me?" mataas ang kilay na tanong nito.
"Seriously, Kim?" nauubusan ng pasensiyang tanong niya sa dalaga. "I have work to do," seryosong saad niya habang pinipigilang ilabas ang inis dahil baka mag-away pa sila. Ayaw niya nang ganito dahil talagang mag-aaway lang sila. Narinig niya itong nagmamaktol pero hindi niya na iyon pinansin.
Tumayo siya at pinulot ang susi niyang nahulog sa sahig. "I'm going," paalam niya rito ngunit hindi man lang tumingin sa kanya ang dalaga.
"Kim," tawag niya rito.
"Whatever," walang ganang sagot nito. "Just go. I don't need you here," pagtataboy nito sa kanya. Sanay na siya ganoong trato sa kanya ng dalaga. Hindi na iyon mababago. Isa lang naman ang nagustuhan nito sa kanya. Ang pagiging magaling niya sa kama. Nothing more, nothing less.
Mabilis siyang lumabas nang kuwarto at tahimik na tinahak ang daan palabas ng building. Nagmamadali siya dahil gusto niya pang maabutan ang dalagang nagbibigay nang liwanag sa kanyang buhay. Aaminin niyang nagalit siya rito nang tapunan siya nito ng kape at nang mabangga ng bisikleta ang sasakyan niya ay dumoble iyon. Ngunit nang makita niya kung gaano kasipag ang dalaga ay nakita niya ang sarili rito.
Napangiti siya. "She's cute," pag-amin niya sa sarili.
Nagmaneho siya paalis at mabagal na pumarada sa tapat ng CVS na pinagtatrabuhan ni Yannie. Pinagmasdan niya ito habang abala sa pag-aayos ng mga paninda. She's wearing a black sweater and blue jeans. Her hair was tied in a messy bun. Wala itong kolorete sa mukha. Hindi na namalayan ni Vahn na ilang minuto na pala siyang nakatitig sa dalaga. Napagpasyahan niyang lumabas. Nang pumasok siya ay gulat ang rumehistro sa mukha ng dalaga nang mag-angat ito ng tingin.
"G-good evening," nauutal nitong bati sa kanya. Tinanguan niya ito saka dumiretso sa estante ng mga cup noodles. Gusto niyang kumain. It's already late. Kumuha siya ng dalawa at dinala sa counter. Binayaran niya iyon.
"Gusto mo bang kainin 'yan dito?" tanong nito sa kanya. "May maliit kaming heater. Mag-iinit ako ng tubig," presenta nito.
"Sige," sagot niya. Pinipigilan niyang mapangiti dahil ayaw niyang malaman nitong hinahanap niya ang presensya ng dalaga. Kaagad itong tumalima at pagbalik ay may dala ng maliit na heater.
"Maupo ka na do'n," anito. Itinuro nito ang mesa sa unahan na may apat na upuan. Tumango siya bago naglakad. Nang makaupo ay pinagmasdan niya ulit ang dalaga. Hindi niya malaman ang nararamdaman. Masyading mabilis. Ayaw niya nang ganoon.
Tahimik siyang yumuko upang ipikit ang mga mata. Ipapahinga niya muna iyon at kanina pa siya inaantok. Lumipas ang ilang minuto ay marahang yugyog sa balikat ang nagpamulat kay Vahn. "Oh," he groaned. Mabilis siyang umayos ng upo nang mabungaran ang dalaga. "I'm sorry I fell asleep," hinging paumanhin niya rito.
Umiling ito saka ngumiti bago sumagot. "Ayos lang. Halata namang pagod ka," anito. Ininguso nito ang cup noodles na mainit na at puwede nang kainin. Naiwan ang kanyang mga mata sa labi nito nang ngumuso ito. Mabilis niya nai-iwas ang paningin doon saka binalingan ang noodles.
"Eat your food," panimula niya. Inilapag niya sa harap nito ang isa pa. "That's yours," dagdag niyang usal.
"T-talaga?" nagtatakang tanong nito bago tinapunan ng tingin ang noodles.
Tumango siya. "Eat," utos niya rito. Kaagad itong sumunod sa kanya. Tamihik nilang nilantakan ang mainit na noodles. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. For an instance, her presence were comforting. Pakiramdam niya ay maayos ang takbo ng buhay niya. Kahit hindi man ito magsalita ay ayos lang sa kanya. Sigurado siyang nagtataka ito ngayon dahil sa pakikitungo niya rito. Gusto lang niyang makasama ito nang hindi nito nalalaman. She was cure. His cure from loneliness.
"Bakit binilhan mo ako nito?" usisa nito nang maubos nito ang kinakain.
"Don't ask," mataray na saad niya.
"Tss." Tumayo ito at oadabog na itinapon ang pinagkainan. Natatawa siya sa reaksyon nito ngunit hindi niya ipinakita. Ayaw niyang mahulaan nito ang nararamdaman niya.
"Are you not going home?" Bumaling ito sa kanya nang tanungin niya ito.
"May trabaho pa ako," sagot nito. Her voice were dismissive and he doesn't like it.
"I'll accompany you," presenta niya.
"Hindi kita kailangan dito," walang ganang sagot nito. "Umuwi ka na. Marami ka pang gagawin," pagpapaalis nito sa kanya.
He stay silent for a minute. "Okay," walang emosyong sagot niya bago naglakad palabas. He stayed in his car. Pinagmamasdan ang dalaga habang abala ito sa trabaho. Marami-rami rin naman ang bumibili kahit gabi na dahil marami ang gumagala.
Napagdesisyonan niyang umuwi na muna. Kailangan rin niyang magpahinga. Mabibigat ang hakbang nang makabalik siya sa sariling Condo. He was drawn to the woman at hindi niya maiwasang manlumo dahil wala ito ngayon. Naiinis siya sa sarili dahil dapat siya ganoon. He should focus on Kim. Dahil ito naman talaga ang pakakasalan niya sa huli. Iyon ang dapat. Para sa kompanya.
Inihilig niya ang ulo sa headrest habang nagmumuni-muni. Sa halip na ang fiancee-in-paper na si Kim ang kanyang isipin, ang mukha ng dalagang si Yannie ang nakikuta niyang imahe sa isipan. Hindi siya nainis bagkus ay ngumiti siya. Nakangiti ang dalaga sa kanya. He shake his head to get rid of his thoughts. He sighed in frustration.
"What's wrong with me?" inis niyang tanong sa sarili.
Humiga siya at pumikit ngunit kaagad rin siyang napadilat dahil hindi mawaglit sa kanyang isip ang mukha ng dalaga. "Damn!" inis niyang singhal baho pumikit ulit. Ganoon pa rin ang nangyari at nagagalit na siya. Gusto na niyang makatulog.
Bumuntonghininga siya baho bumangon at tinungo ang kusina. Kumuha siya nang malamig na tubig at inisang lagok iyon. Uhaw na uhaw siya at pinagpapawisan. Kakaiba ang sensasyong nararamdaman niya sa tuwing naiisip ang dalaga. "You're crazy," saway niya sa sarili. Inis siyang naupo. "This is not right," he admitted.
Mag-uumaga na nang dalawin siya ng antok kung kaya'y hilong-hilo siyang napabalikwas nang bangon nang tumunog ang alarm clock niya. Sapo ang dibdib habang pinapakalma ang sarili. "What a good day," komento niya habang hinihilot ang sentido.
Masakit ang ulo niya at pagod ang katawan niya. "How much hour did I sleep?" mahina ang boses na tanong niya sa sarili. Tiningnan niya ang orasa sa kanyang bedside table. It's already eight thirty kn the morning.
He groaned in annoyance. Ayaw niyang pumasok sa kompanya. Pagod ang utak at katawan niya. Dumagdag pa na hindi siya nakatulog nang maayos kagabi kaya nangangapa siya ngayon. Kaagad siyang naligo at nagbihis. Uminom lang siya nang mainit na kape at dumiretso na sa opisina.
"Good morning, Sir!" The guard saluted while he walked past him. He just smiled like he used to. Mabilis niyang narating ang opisina at kaagad na nagpabili ng kape dahil nagugutom siya. Nagpabili na rin siya ng breakfast para maibsan ang gutom. With a faint hope in his heart, he wished Yannie was there to cook for her. Pero hindi naman iyon pupuwede dahil may sariling buhay ang dalaga.
Wala siya sa sarili habang nagtatrabaho. Minsan ay ginigising siya ng kanyang sekretarya dahil umiidlip siya at may pinapapapirma ito sa kanya. Pakiramdam niya ay buong magdamag siyang uminom at bangang na bangag siya. "Sorry," napapahiyang aniya. Ika-limang beses na siyang ginising nito.
Nagtataka ito sa ikinikilos niya. "Ayos lang po ba kayo, Sir?" nag-aalalang tanong nito.
Tumango siya. "Kulang lang ako sa tulog," tipid niyang sagot.
"Magpahinga po kayo," komento nito. "Halata pong kulang kayo sa tulog," nakangiwing dagdag nito. "Malapit na po ang lunch break. Gusto n'yo po ba'ng bumili ako nang makakain n'yo?" presenta nitonf tanong.
"Thank you," nahihiyang aniya. Nang lumabas ito ay kaagad niyang pinakawala ang kanina pa pinipigilang hikab. Humikab siya nang humikab. Napaoagod na ang panga niya kaya uminom siya nang maraming tubig. Nagtimpla rin siya nga kape. Mabuti na lang at naalala niyang may coffeemaker sa opisina niya hindi na sana siya nagpabili kanina. Kaya pala nagtataka siyang tiningnan ng sekretarya niya. Iniisip siguro nito na nababaliw na siya.
Lumipas ang oras at uwian na. His energy were at zero point now. Pagod siyang nag-inat ng katawan at binitbit ang gamit. Mabilis siyang lumabas ng building at nang makarating sa baba ay kaagad siyang sumakay sa sasakyan. Bigla ay nakaramdam siya nang excitement at hindi niya alam kung bakit.