Chapter 8
Pumasok sa eskuwelahan si Yannie nang hapong iyon. Day off ng kaibigan niyang si Isla kaya mamayang gabi ay wala siyang kasama sa CVS. At ngayon naman ay magpapasa siya ng panibagong manuscript niya at papasok sa isang subject niya mamayang alas dos.
"Good afternoon," bati niya sa mga kaklaseng nadadaanan niya. Tumatango ang mga ito sa kanya na nginingitian niya rin.
Buo ang atensyon niya sa klase. Nakinig, nagsulat, at nakapasa sa quiz. Nag-inat siya ng katawan nang matapos iyon. Lumabas siya ng silid nang nakangiti. "Hay, sa wakas," aniya. Mabilis niyang tinungo ang cafe na madalas niyang tambayan pagkatapos ng kanyang klase. Doon niya napiling magsulat ng kuwento. She ordered a slice of cheese cake and a cappuccino. She take a sip, eat, and then write. Ganoon lang ang ginawa niya hanggang sa makatapos siya ng dalawang chapter.
"I guess, it's not bad," komento niya habang tinitingnan ang nagawa. Nasa kalahati na siya sa chapter three kaya ayos na muna iyon. Magdidilim na rin kasi at kailangan niya pang pumunta sa Condo ng binata upang gawin ang trabaho. Alam niyang pagod ito ngayon. Nagmamadali siyang umuwi at nag-ayos ng kalat pagkatapos ay bumalik na sa Condo.
Wala pa ang binata at wala siyang susi dahil hindi siya humingi kanina. Wala rin siyang numero nito dahil hindi rin niya nahingi kanina. Kaya minabuti niya na lang na hintayin ito. Isang oras din siyang naghintay at tinatanong na siya ng guard dahil nasa labas lang siya nakatayo. Uuwi na sana siya nang matanaw niya ang sasakyan nitong paparating.
"Hay, salamat naman. Masakit na ang paa ko," komento niya. Mamayang alas nuwebe pa naman ang trabaho niya sa CVS kaya may oras pa siya ngayon.
Nang pumarada ito sa harap niya ay napangiti siya. Bigla siyang kinabahan at alam na niya kung bakit. Hindi kasi ito mawaglit sa kanyang isipan. Palagi itong hinahanap ng kanyang puso. Ilang beses man niyang pinilit ang sarili na kalimutan ito lalo na at hindi maganda ang una nilang pagkikita ngunit sadyang marupok ang kanyang puso.
"Hi," nakangiting bati niya rito nang makababa ito nang sasakyan. A small smirk form on his lips. He's intimidating. Para itong nasa langit samantalang siya ay nasa talampakan lang nito.
Narinig niya itong bahagyang bumuntonghininga. Hindi man ito nagsalita ay sumunod pa rin siya sa binata. Hindi na muna niya ito kakausapin. Kahit hindi pa ito pumapayag ay sadyang wala na siyang ibang magagawa bukod sa pagsilbihan ito upang makabayad sa nagawa ng danyos. Tahimik ito.
Halatang pagod. Tahimik nitong binuksan ang unit at kaagad na pumasok. Nahihiya siyang sumunod dito. Wala siyang inaksayang oras dahil may trabaho pa siya mamaya. She quickly grab an apron and cooked dinner for Vahn. Mabilis dumaan ang oras at tapos na siya. Hindi man lang ito lumabas ng kuwarto habang nagluluto siya. "Siguro pagod talaga siya," usal ni Yannie sa kanyang isipan.
Tinungo niya ang kuwarto ng binata saka marahang kumatok. "Kumain ka na!" tawag niya rito upang makuha ang atensyon nito. Narinig niyang nahulog sa loob. Nagtaka siya. Nang bumukas ang pinto ng kuwarto ay kaagad nawala ang atensyon niya sa narinig bagkos ay nakuha ng binata ang lahat ng kanyang atensyong. She was mesmerized by his beauty every moment she laid her eyes on him. Para bang nama-magnet nito ang paningin niya.
Madilim ang paningin nito sa kanya. "Alam kong ayaw na ayaw mo sa presensya ko pero kumain ka na muna. Malinis na ang lahat. Wala ka na ring labahin. At aalis na ako," mahabang litanya niya bago tumalikod. Tinungo niya ang gamit sa sala saka iyon padabog na binitbit. Ayaw niya pang umalis ngunit hindi naman iyon puwede. Nandito siya para magtrabaho. Para makapagbayad ng danyos na nagawa dahil sa katangahan niya, hindi para lumandi. "Umayos ka, Yannie," pabulong na sermon niya sa sarili.
Hindi pa rin natinag ang lalaki. Nang lingunin niya ito ay nakapako sa kanya ang paningin ng binata. Walang emosyon, walang reaksyon, walang bahid ng kahit na ano. Itinabingi nito ang ulo na animo'y pinag-aaralan siya nito. Inirapan niya ito. Hahakbang na sana siya palabas nang marinig niya itong bumulong.
"W-what did you say?" nagtatakang taningnniya rito.
Umayos ito ng tayo saka tuwid na naglakad papalapit sa kanya. Huminto ito sa harap niya habang nakayuko sa kanya. Vahn stared through her eyes. "Stay," he mumbled. "I want you to stay," dagdag pa nito.
Yannie was taken aback by his sudden burst of words. "B-bakit?" utal niya tanong.
Nagkibit-balikat ito. "I made a contract for you to sign," nakangisi nitong wika, halatang inaasar siya.
Umikot ang kanyang mga mata dahil sa inis. Akala naman kasi niya ay mananatili siya magdamag. "At bakit?" iritable niyang tanong sa binata.
"So you can't escape from me," komento nito. "I need you to sign it. You can read it if you want. There's do's and don't's," he shrugged saying those words as if it's normal. Like it's not a big deal.
Of course, it's not! Ikaw lang naman ang nag-iisip nang kakaiba, Yannie. Yannie scolded herself. She shake her head. "Saan ba?" tanong niya. Mapait siyang ngumiti. Pakiramdam niya ay itinatali siya ng binata upang hindi siya makawala. Imbis na matuwa siya ay lungkot ang namutawi sa kanyang puso.
"Why are you sad?" tanong nito nang makalapit. "I thought you'll be happy about it. Ilang beses na kitang nahuhuling nakatitig sa 'kin. Now I'm making things easier for you tapos ngayon nakabusangot ka," komento nito.
Kinagat niya ang kanyang dila upang maiwasang ang magsalita. Nahihiya siya. "Oo! Ilang beses na kitang tinitigan. Tsk!" malakas na singhal niya. "Bakit naman kasi ang guwapo mo," bubulong-bulong na aniya.
"What?"
"Nothing," pagtatapos niya sa usapan. "Kumain ka na at aalis na ako pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan mo," utos niya rito. Shecs trying herself to refrain from staring at the guy that caotured her heart completely.
"He will be your greatest heartbreak, Yannie," she reminded herself.
"Hmmm. Eat me."
Nagugulat siya dahil sa narinig. Tutop niya ang hininga habang nakaangat ang paningin sa binata. "A-ano'ng sabi mo?" nauutal na tanong niya rito. Natitigilan.
Bumunghalit ito nang tawa. "I was just teasing you!" anito bago timawa ulit. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Muntik an siyang bumigay. Inis siyang huminga nang malalim.
"B'wisit!" singhal niya saka nagtuloy sa paghakbang palabas ngunit nahawakan siya nito sa braso. This time, his eyes were dark and dangerous. Mataman siya nitong tinitiginan. Muntik na siyang manlambot nang mabasa sa mga mata nito ang pananabik. Bago pa man siya makapag-react ay napalitan na iyon nang walang reaksyong tingin.
"Just stay for awhile," usal nito Nakikiusap ang tono nito ngunit hindi niya iyon mababasa sa mga mata ng binata. "I just need company," dagdag nito.
"Eat," mariing utos niya. Gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang makawala dahil oara siyang hinihigop nang nakakaliyong emosyon na hindi niya maintindihan kung saan nagmumula.
Namula siya dahil sa paraan nang patingin ng binata. "Eat with me," anito.
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.
"That's an order," anito habang nakatingin sa kontratang hawak niya. Mabilis niyang binasa iyon.
Rule number 6: Do what I say. No buts.
Mabigat man sa loob ay sumunod siya rito sa kusina. Sabay silang naupo at nagsandok ng kanin. Nagkatingin silang dalawa at dahil ito ang amo niya at mabait siyang alipin ay binitawan niya ang sandok. Hinayaan niya itong maunang kumuha ngunit sa halip ay iba ang ginawa nito. Nawindang siya nang lagyan siya nito ng kanina sa plato. May ulam na rin iyon at walang emosyon nito iyong inilapag sa harap niya na parang normal lang.
No big deal, Yannie.
"T-thank you," nanginginig ang labi niya ang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Please, don't do this," bulong niya sa isipan.
"Stop staring and eat your food," saway nito sa kanya. Kaagad naman siyang yumuko upang matakpan ang pamumula ng kanyang pisngi. "Huwag mo masyadong titigan at baka ma-in love ka nang tuluyan," pang-aasar nito kaya nainis siya.
"Tss! In your dreams," iritableng wika niya. Naiinis niyang nilantakan ang pagkain.
"Eat slowly," saway nito sa kanya. "Are you trying to murder me jn your mind?" tanong nito.
Natigilan siya. Mabilis siyang umiling kahit pa totoo ang sinabi nito. "H-hindi. Gusto ko nang maubos to nang makaalis na ako rito," she said without breaking the eye contact.
"Whatever," he shrugged his shoulder and eat again.
Nang matapos ay nagligpit siya. Naghugas at naglinis sa kusina. Pagod na pagod siyang nagpunas ng pawis. She was dizzy. Nang matapos ay nanghahapo siyang napaupo sa silya. Sapo niya ang noo habang hinihilot iyon.
She sigh. "Napagod yata ako," bulong niya sa sarili habang hinihilot ang sentido.
"You should rest."
"Susmaryosep!" bulalas niya nang biglang magsalita ang binata. "Ano ba!" singhal niya ulit habang hinihimas ang dibdib dahil sa gulat. Malakas ang kabog niyon. Akala niya kasi ay natulog na ito.
"Why are you skittish today?" nakangiwi nitong tanong.
"Pakialam mo," pambabara niyang sagot. Tumayo na siya at inayos ang sarili. Inalam niya muna kung maayos ang kanyang pakiramdam habang nakatayo. Natatakot siyang baka ay bigla siyang mahilo. "Uuwi na ako," paalam niya rito. "May trabaho pa ako mamayang 9," dagdag niyang usal.
"Really?" hindi naniniwalang tanong nito.
"Bakit? Ano ba ang akala mo sa 'kin? Senyorita? Tsk!" malakas na singhal niya. Naglakad siya patungong sala at isinukbit sa balikat ang isang shoulder bag. "Aalis na ako," malungkot na aniya.
Tumango lang ito. Tuluyan nang lumaylay ang kanyang balikat. "As if naman pipigilan ka niyan, Yannie," inis niyang bulong sa sarili. "Isa ka lang alipin ngayon. Mas mabuti pang magbayad ka na ng danyos nang makaalis ka na," dagdag niyang paalala sa sarili.
Tahimik siyang lumabas ng Condo. Bumuntonghininga siya nang tuluyang makababa. Naglakad siya patungong high way at naghintay ng taxi dahil wala naman siyang ibang masakyan. Hindi niya kasi nadala ang kanyang bisikleta. It's already eight in the evening at isang oras na lang ay male-late na siya. Wala siyang pakialam sa paligid habang abala ang mga sasakyan sa pagparoo't parito.
"Huhay," buntonghininga niya. "Mahuhuli na naman tayo," dagdag niyang usal.
She jumped when she heard a loud beep behind her. Hawak ang dibdib ay inis niyang tinalikuran ang gumawa no'n. "Papatayin mo ba ako sa gulat? Ha?!" singhal niyang tanong sa sasakyang nasa likuran niya. "B'wisit," she scoffed.
Huminto iyon sa harap niya at bumukas ang bintana ng kotse. Bumungad sa kanya ang guwapong mukha ni Vahn. Umirap siya nang ngumiti ito sa kanya nang pagkaganda-ganda. Gusto niya itong hambalusin dahil sa inis. Halata kasing inaasar siya nito. Hindi namn niya mapigilan ang bilis nang t***k ng kanyang puso.
"Need a ride?" he smiled as he asked her. Umirap na naman siya ngunit nakuha pa nitong tumawa nang mahina. "Ngingiti na 'yan," he joked.
She almost choked on her own saliva. "What the," she said. "Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag-joke," nakangusong komento niya.
"What? Do you need a ride?" seryoso nitong tanong kaya tumango siya.
"Oo naman! At least, hindi na ako mamamasahe," aniya saka mabilis na umikot at sumakay sa passenger seat. "Thank you," makapal ang mukhang pasasalamat niya. Sumandal siya at pumikit. Gusto niyang namnamnim kung gaano kasarap ang sumakay sa isang Vahn este sa kotse pala ng binata. Napangisi siya sa sariling naisip.
"Why are you smiling?" nagtatakang tanong nito. Dumilat siya. Ang paningin ng binata ay nakatutok sa daan. Seryosong-seryoso.
"Ah, wala. Masaya lang ako," nakangising sagot niya. "Gusto ko lang maramdaman kung ano ang pakiramdam nang nakalibre," komento niya.
Tumawa ito. "This is not a free ride."
Nawala ang ngiti sa labi ni Yannie. "Seryoso? Tsk! Itabi mo at lalabas ako!" singhal niya. Ayaw na niyang madagdagan ang utang niya. Nahihirapan na nga siyang maghanap-buhay tapos bubuwisitin pa siya ng lalaking 'to? Gago ba siya?
Tumawa na naman ang binata dahil sa reaksyon niya. "I'm just teasing you," anito.
Hindi na nawala ang inis sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nayutuwa ang binata kapag naiinis siya. "Ewan ko sa 'yo," nakangiwing saad niya. Naiinis pa rin. She sighed loudly.
"Are you mad?" tanong nito nang ihinto nito ang kotse sa tabi ng kalsada. Umiling siya baho ito tinapunan ng tingin.
"Bakit ka huminto?" nakataas ang kilay na tankng niya rito.
Nagkibit-balikat ito. "We are here," sagot ng binata saka iginala ang paningin. "You work here, right?" he asked again.
Napapahiya siyang nag-iwas ng tingin nang mapagtantong tama ito. Narating na nila ang workplace niya at hindi pa man niya gusto ay kailangan na niyang bumaba. Bumuntonghininga siya bago sinipat ang sarili sa salamin. Tamad na tamad niyang kinuha ang gamit at binuksan ang pinto bago bumaba. Sumilip muna siya sa pinto.
"Salamat," hilaw siyabg ngumiti nang sabihin iyon. Tumango lang ito sa kanya at nang isara niya ang pinto ay tuluyan na itong nagmaneho paalis. Tanaw man niya ang sasakyan nito ay pakiramdam niya ay hindi na niya ito makikita.