Chapter 7

2191 Words
Chapter 7 Masarap ang tulog ni Yannie. Ramdam niya iyong nang magising kinaumagahan. Pikit mata siyang bumangon at nag-inat ng katawan. Tumayo siya at binaybay ang daan papuntang kusina upang uminom nang malihamgam na tubig. Nasanay kasi siya na uminom ng tubig na may patak ng lemon pagkagising. Napamulat siya ng mata nang bumangga sa isang pader. Naglaglagan ang mga gamit doon. "Oh my!" she exclaimed in shock. Ang ibang gamit ay nasira dahil sa lakas nang pagkakabangga niya sa isang cabinet. Nagulat siya dahil wala namang ganoon sa apartment niya. Iginala niya ang paningin. Nanibago siya. Hindi niya ito kuwarto. Hindi niya ito bahay. Wala siyang magagandang gamit. "Oh my God!" sigaw niya ulit. Natataranta ang kanyang sistema. "Where am I?" taning niya sa sarili habang nanginginig sa takot. Wala siyang maalala. Napaayos siya ng tayo nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Inuluwa roon ang katawan ng isang lalaki. Wala itong suot na pang-itaas kung kaya'y natakpan kaagad ni Yannie ang kanyang mga mata. "Damn! Woman, I'm still sleeping," reklamo ng binata. His voice were deep and husky. "What happened?" nakapikit ang isang matang tanong ng binata. Hindi siya makasagot. Naidilat nito ang mga mata nang makita ang kalat sa sala. "What did you do? Oh my Jesus!" kunot-noong tanong nito. "A-ah, a-ano, nabangga ako," nakangiwing sagot ni Yannie. "S-sorry," hinging paumanhin niya rito. "Tsk! Clean that mess. Argh!" Pumasok ulit sa loob ang binata at malakas na isinara ang pinto. Napaatras siya dahil sa lakas niyon. Nakaramdam siya kaagad nang takot. "Bakit dito ako nakatulog? Bakit hindi ako umuwi?" inis niyang tanong sa sarili habang pinupulot ang basag na vase at isang set ng magagandang baso. "Tsk! Nadagdagan na naman ang utang ko. Kainis!" bulong niyang singhal sa sarili. Kaagad niyang tinapos ang paglilinis at naglulo ng agahan. She toast some bread, cooked some egg, bacon, hotdog, and ham. Nag-init din siya ng kape at pagkatapos ay nagtimpla para sa sarili. Hindi pa naman lumalabas ang binata kaya hindi na muna siya nagtimpla para dito. Mag-aalas otso na ng umaga ay hindi pa rin lumalabas ang binata kaya kinatok na niya ito. "Tao po? Kakain na," aniya habang pinakikinggan kung may ingay ba sa loob. Idinikit niya ang tainga sa tapad ng pinto saka pumikit upang makinig nang mabuti. "Susmaryosep!" Halos matumba siya dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Kaagad siyang napayapos sa binata dahil wala siyang ibang makapitan at nasa b****a ng pinto nakatayo ang binata. "What are you doing?" nagugulat nitong tanong sa kanya nang makahuma. Tinulungan siya nitong tumayo nang maayos. "Hindi ka pa kasi lumalabas nagugutom na ako," nakangusong sagot niya. Nahihiya rin siya dahil alam niyang puwede na siyang umalis ngunit hinintay niya pa talaga ang binata. "Then let's eat," anito na nagpaumuna sa pagpasok sa kusina. Nakangiti siyang sumunod sa binata na animo'y waging-wagi. "Hihihi!" She dance like a fool while walking bejind the mguy she likes. Of course, who wouldn't like a dashing Ceo, right? "What are you doing?" nagtatakang tanong ng binata nang mapansin siya nitong parang tangang sumasayaw habang nakangiti at pikit ang mata. "O-oh, dancing?" balik niyang tanong rito. She caught a glimpse of amusement in his eyes. She smiled at him. "Hihi! Maupo ka na," aniya. She grab a chair for him and serve his breakfast like a Chef would do to his beloved elite costumers. "T-thank you," nahihiyang pasasalamat ng binata. "I am not used to this," komento nito. "Then, masanay ka na. Dahil araw-araw ko itong gagawin sa 'yo," pagbibigay alam niya rito. Kumunot ang noo ng binata ngunit hindi siya nagpatinag. Kailangan niya itong gawin. Unang-unang, upang mabayaran ang utang niya rito. Pangalawa, upang mapalapit nang tuluyan sa binata. Ilang beses na siyang pinagsasabihan ng kanyang kaibigang si Isla dahil bukambibig niya ang binata kahit sa trabaho. "Why would I let you? Give me a good reason to let you in my property," anito na ikinagulat ni Yannie. Tiningnan niya ang binata bago ito tinaasan ng kilay. "Paulit-ulit ka alam mo ba 'yon," inis niyang wika rito. Narinig niya itong mahinang tumawa. "Hmmm. You're just stalking me, lady," wika nito. "I can feel it. I can sense it," dagdag nitong sabi. "What?" nanlalaki ang nga matang tanong ni Yannie. "Paano mo nasasabi ang mga 'yan? Are you a psychic?" tanong niya sa binata. "Kumain ka na lang nang makaalis ka na," pagpipigil nitong usal sumubo. "I can wash the dishes. Don't bother," dagdag nito. She was stunned. His voice were dismissive and the way he said those words, it hurst right in the chest. Alam niyang malandi na siya sa paningin ng binata pero wala siyang pakialam. Ngayon lang siya nagkaganito sa isang lalaki. At what's worse? They're not on the same label. He's gorgeous and hot and wealthy samantalang siya ay isa lang namang manunulat. She's just a f*****g dove who can't even fly. She sighed. Loudly. "Tsk! Tsk! Tsk!" bulalas nito. "Huwag ka masyadong tumitig sa 'kin. Baka mahirapan kang bawiin ang paningin mo," komento nito. Instead of taking her gazed from him, she stared at him without breaking eye contact. "Are you challengig me?" nanghahamon nitong tanong. Hindi siya sumagot. Nanatili ang kanyang mga titig sa binata. Walang emosyong ang kanyang mukha. She was staring straight to his soul. His deep set gray eyes were captivating. His perfect jaw, the straight line of his nose. He has a thick-straight eye brows and a thick-full lips. He's dashingly gorgeous. She thought in that three minute. Umiling siya ng hindi man lang umiwas ng tingin ang binata sa halip ay nilabanan nito ang mga titig niya. He bit his lower lip causing her to scream through her head. "A-ano . . . " nanginginig na bulong niya bago yumuko. Trying to hide her face because she's blushing. "What?" his voice was deep and dominating. "A-ah . . . " she took a deep breath, calming her wild heartbeat. "W-wala," aniya. Wala siyang maisip na salita. It's like her mind was cloudy. At lahat ng nakikita niya sa kanyang isipan ay ang guwapong mukha lamang ng binata. She shook her head. "Tsk!" Mabilis nitong tinapos ang pagkain. Pumasok ito sa kuwarto at naiwan siyang nakanganga. Nahihirapan siyang kumain dahil sa lakas nang kabog ng kanyang dibdib. Umubo-ubo siya nang mabilaukan at mabilis na tinungga ang isang basong tunig na nasa kanyang harap. "Hmmm," aniya nang maubos ang tubig. Kumain siya nang kumain at nang matapos ay kaagad siyang naghugas ng kanilang pinagkainan. Naglinis din siya at nagpahinga sandali. Kailangan niya pang umuwi. Ilang sandali lang ay lumabas ang binata habang may bitbit na gamit. "Siguro ay papasok na ito sa trabaho," bulong ni Yannie sa kanyang isipan. "I'm going," paalam ng Vahn sa kanya. "I can't accompany you," dagdag nitong sabi. Umiling siya bago tumango. "Ayos lang. No worries. Hindi naman kailangan," nakangiting sagit niya. Hindi man lang ito ngumiti sa halip ay mabilis itong tumalikod. A series of emotion run through her spine and hit her chest. Imaginations. Hinagilap niya ang kanyang mga gamit ay mabilis na nilisan ang lugar. She can't be there always. Dahil may sarili rin naman siyang buhay. She's a student and a writer. May trabaho rin siya kasama ang kaibigang si Isla. Umuwi siyang may bioig sa lalamunan dahil gusto niyang umiyak. Napapagod na siya. Paulit-ulit na lang ang takbo ng kanyang araw. Ngayon lang nabago. Dahil may isang Vahn na dumating. "Oh?" Napatayo siya nang maayos nang pagkarating sa apartment ay ang kaibigan ang nadatnan niya. "Bakit? Ang aga mo, ah?" usisa niya rito dahil nakatayo ito sa labas. Imbis na sumagot ay pinanliitan siya nito ng mata. "Saan ka galing?" nandidilat na tanong nito habang sinisipat ang kabuuan niya. Hindi siya makasagot. "Ano? Nanlalaki ka na naman?" "Judgemental ka talaga," gigil niyang usal bago kinuha ang susi ng inuupahan. Binuksan niya kaagad ang unit at naunang pumasok. "Nagbayad ako ng utang," pagbibigay alam niya sa kaibigan. Gulat ang rumehistro sa mukha ng dalaga nang marinig ang sinabi niya. "Ano?!" bulalas nitong tanong. "Sabihin mo nga ulit! Mukhang mali ang pagkakarinig ko," anito na inilapit pa ang mukha sa kanya. "Nagbayad ako ng utang," walang ganag sagot niya saka naupo sa sofa. "P-paano?" nauutal nitong tanong. "Duh? Ano ba 'yang iniisip mo?" inis niyang tanong rito. Baka kasi kung ano-ano na ang pumapasok sa isip nito. "W-wala! Bakit ba? Paano nga? Saan? Do'n sa masungit na 'yon?" Ang daming tanong. "Oo. Doon. Okay na? Naglinis ako. Nagluto. Naglaba. Nagpunas ng mga gamit. In short, naging alipin ako doon," usal niya. "Baka gusto mo pang dagdagan," dagdag nuyang wika. Malakas na tumawa ang kasama dahil sa sinabi niya. "Sana all!" Letsing kaibigan 'to! "Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" usisa niya sa kaibigan nakatanga sa kanya. "Bakit? Bawal na bang dumalaw ngayon? Siyempre, te. Hindi ka makontak kaya pumunta na ako. Baka napaano kana," usal nito habang nakataas ang kilay. "Ay, sana all concern," tumatawang komento niya. Binato siya nito ng unan na napulot nito sa sahig. "B'wisit ka talagang kaibigan! Pasalamat ka nga hindi kina ipinahanap sa mga pulis," nakangusong wika nito. "Madalas ka pa namang nawawala," dagdag nito. "Huwag mo na ngang ipaalala!" angal niya. "Oo na!" malakas nitong singhal. "Ano? Tatanga ka lang ba riyan? Hindi ka ba magluluto? Gutom na ako," reklamo nito bago mabilis na nag-iwas ng tingin. "A-ano?" malakas ang boses na tanong niya. Pinandilatan niya ito. "At bakit dito ka pumunta? Wala ka bang kamay?" paasik niyang tanong sa kasama. Umiling ito. "Tinatamad akong magluto. Kaya ikaw na lang," wika nito. "Sana all! Wala kang pasuweldo sa 'kin. Hindi mo ako alipin, ah!" reklamo ni Yannie pero kalaunan ay tumayo rin naman at tinungo ang kusina. Naghanap siya nang p'wedeng maluto ngayon. Sumunod sa kanya ang kaibigan. Nagtakal siya ng bigas at isinalang iyon sa rice cooker. Habang hinihintay na maluto ay nagbalat siya ng sibuyas at bawang. Itlog lang ang lulutuin niya. Kaagad niyang napansin ang pagkunot ng noo ng kanyang kasama. Palihim siyang natawa. "Bakit 'yan lang ang ipapakain mo sa 'kin? Ang cheap mong kaibigan," komento nito. "Bahala ka sa buhay mo," aniya na sinabayan nang mahinang tawa. Nag-e-enjoy siya kapag naaasar ito. "Yannie naman," nakangusong usal nito. "Kainis," dagdag pa nitong wika. "Weh? Hahaha! Huwag kang magtampo dahil walang maglalambing sa 'yo. Wala kang jowa!" "H-hoy!" singhal nito habang nanlilisik ang mga mata. "Foul 'yon," komento nito. "I know," walang ganang sagot niya habang tinatapos ang ginagawa. "As if naman mayroon talaga. Wala naman hindi ba?" taning niya. Tumango ito. "Ang bata ko pa, 'no!" anito. "Charot! Pero mas mukha kang matanda sa 'kin. Aminin mo na," komento niya. Malakas na tumawa si Isla dahil sa sinabi niya. "Gaga!" tumatawang singhal nito. "So," nandidilat na usal nito. Kumunot ang kanyang noo dahil sa inaasat nito. "Ano? Ano na naman?" naiinis na tanong niya rito. "Sus! Magkuwento ka kasi! Bakit ang tahimik mo naman. Dapat alam mo nang 'yon ang ipinunta ko rito," nakangusong sabi nito. "Ano na ang nangyari sa pagpunta mo ro'n?" "Eh, bakit nagtanong ka kanina kung saan ako nanggaling? Alam mo naman na pala," inis niyang sabi bago ito hinarap. "Wala lang. Naninigurado lang. Ito naman, galit agad." Ngumuso ito. "Well---" "Ano?" Natampal niya ito. "Patapusin mo muna ako," nakangiwing usal niya sa kaharap. Napakalapit pa ng mukha nito halatang hindi na makapaghintay sa sasabihin niya. Tumango ito sinyales na magpatuloy siya. "Tumae lang ako ro'n," seryosong wika ni Yannie dahilan para matigilan ang kaharap. Malakas siyang tumawa nang manlaki ang mga mata nito dahil sa inis. Inambaan siya nito nang suntok. "Shunga! Ang seryoso ko pa namang nakikinig," komento nito habang tumatawa. "B'wisit ka talagang kaibigan," dagdag nitong wika. "Sinabi ko na sa 'yo kanina kung ano ang ginawa ko ro'n." Hinarap niya ang rice cooker nang tumunog iyon hudyat na naluto na ang sinaing. Niluto niya ang itlog at hotdog na tira niya sa kanyang mini-refrigerator. "Hindi ba at may klase ka mamaya?" tanong nito nang nasa hapag na sila at sabay na kumakain. Tumango siya. "Mamaya pa naman. Pagkatapos ay magsusulat ako ng panibagong kuwento. Kailangan ko na ulit magpasa," aniya. "Galingan mo. Nandito lang ako. Taga-kain ng pinamili mo," seryosong sabi nito dahilan upang matawa siya nang mahina. "Kung may pambili pa naman ay bakit hindi," aniya. "Basta kapag naka-bingwit ka ng mayaman ay huwag na huwag mo akong kalilimutan," dagdag niyang wika. "Hmp! Kung kani-kanino mo nga ako iniirereto wala naman akong matipuhan sa kanila," nakangusong sabi nito bago sumubo ng kanin. "Choosy ka kasi," komento niya. "Bahala ka," anito. "Kapag walang magkakagusto sa 'kin ay magiging forever single ako," dagdag nitong kuwento. Nagkibit-balikat siya. "Hindi 'yan," aniya. "Maniwala ka sa 'kin. Kapag may time na tayo ay isasama kitang mag-bar. Baka do'n mo makikita ang ka-forever mo," nakangiting wika niya habang ini-imagine kung sino ang magkakagusto sa kaibigan niyang ubod nang ganda. Ganda lang. Mabilis nilang tinapos ang pagkain at ito ang naghugas habang nagpapahihga siya. Nagkuwentuhan sila at nang mapagod ay umuwi na ito dahil magpapahinga raw ito at pagkatapos ay maggo-grocery kasama si Ate Chris. Ang kasama nito sa apartment. Nakatulog siya nang hindi niya namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD