Chapter 6
Kinabukasan ay kataka-takang maaga ang gising ni Vahn. Alas sais pa lang ng umaga ngunit gising na ang kanyang diwa. Kataka-taka ring maganda ang kanyang gising. Hindi niya alam kung ano ang dahilan basta ang alam niya ay good mood siya ngayon. Nakangiti siyang bumangon at nag-inat ng katawan. Naglakad siya patungong banyo at sinipat ang kanyang hitsura.
"Good morning, handsome!" nakangiting bati niya sa kanyang sarili. He mentally laugh at himself.
"Ano kaya ang magandang mangyayari ngayon?" tanong ni Vahn sa kanyang sarili. Kaagad siyang naligo at nagbihis. Today is a good day to ruin. He thought. Kaagad siyang nagluto ng bacon, egg at ham. Mag-isa lang naman siya kaya nag-toast na lang siya ng loaf bread. He then pour a jot cup of coffee and eat his breakfast, slowly, and in peace. Kahit sa trabaho ay ramdam ng kanyang mga kasama na maganda ang gising niya. He's ready to work, fully.
"Good morning po, Sir Vahn!" nakangiting bati sa kanya ng kanyang sekretary. Good thing hindi na papasok si Glenda, ang old sekretary ng matandang Zenith. Hindi pa siya handang tawagin itong lolo dahil hindi naman siya lumaki sa pamilyang Zenith.
Ngumiti siya bago sinagot ang dalaga. "Good mornin. What's my schedule for today?" tanong niya rito.
"May meeting po kayo, 10 am. Sa Clerk Hotel po iyon. Mamayang 2 pm po, ay sa Destiny Resort for the renovations and new building in Palawan," nakangiti nitong sagot.
"Thank you," aniya. Umupo siya sa kanyang silya nang lumabas ang sekretarya niya. Kaagad niyang hinarapa ng sandamakmak na trabaho. Hindi nna toxic ang trabaho but he don't want to be slacking. Ayaw niyang may masabi ang matanda sa paraan nang pagtatrabaho niya.
After awhile, he stood up. Nag-inat siya ng katawan at mainit na ang kanyang puwitan sa mahabang oras nang pagkakaupo. "It's time," he mumbled. He fetch his car keys, a folder and head to the door. Mabilis na sumunod sa kanya ang kanyang sekretarya ngunit pinigilan niya ito.
"Huwag ka nang sumama. Ako na lang ang haharap sa kanila," aniya sa nagtatakang dalaga.
"T-Talaga po?" namamangha nitong tanong.
Tumango siya. "Yes. Don't worry, I just want to be alone," sagot niya rito. Pilit itong ngumiti sa kanya saka napapahiyang tumango. Dahan-dahan itong bumalik sa puwesto nagbabakasakaling babawiin niya ang sinabi. Nakangiti niya itong tinalikuran.
Mabilis niyang tinungo ang Clerk Hotel. Malapit lang ito sa Clerk Hospital kaya mabilis niya lang iyong natunton. He's ten minutes early kaya naghintay muna siya sa sasakyan. After five minutes of staring at himself in the mirror, he decided to enter the hotel restaurant. Nakangiti sa kanya ang mga staff. Maybe because they know him as the new Zenith heir or maybe because he got looks. He shrugged the idea at naupo sa isang table doon.
Nagtingin-tingin siya sa menu na ibinigay sa kanya ng waiter ngunit kalaunan ay tubig lang ang napagpasyahan niya. Nagtataka at napapahiya ang waiter na umasikaso sa kanya. He don't need to eat some fancy food. Mahal. Hindi siya sanay mamuhay nang marangya. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin dumadating ang ka-meeting. Bumuntonghininga siya.
Aalis na sana siya nang may nagmamadaling pumasok sa restaurant. Nagpalinga-linga ito. Halatang natataranta. Nang madapuan siya nito ng tingin ay kaagad umaliwalas ang mukha nito. Nagmamadali ang lalaking naglakad papalapit sa kanya. Nanginginig. "Hello, Mr. Zenith. I am sorry I was late because of the traffic," hinging paumanhin nito.
Ngumiti siya. "Don't worry. Have a seat please," nakangiting usal niya.
"T-Thank you," utal nitong sagot. Aligaga itong umupo. Huminga muna ito nang malalim bago nagsimulang magsalita. Mahaba-haba ang naging usapan nila. Umabot iyon ng isang oras ngunit hindi niya iyon alintana. Naaliw siya at namangha sa mga alok ng kompanya ng lalaki.
"Thank you for listening, Mr. Zenith," nakangiting usal ng lalaki bago nakipagkamay kay Vahn. "I hope we will from you," dagdag nitong wika nang bitawan ang kanyang mga kamay.
Ngumiti siya. "Of course! I will review it in my office. I love your offers. It's interesting," sagot niya.
"Thank you for time. I'll go ahead, then." Tumalikod ito saka naunang lumabas ng restaurant. Umupo siya at umorder nang makakain. Hindi man lang sila nakakain dahil naaliw siya. "Tsk." Hindi man lang niya napakain ang kanyang kausap kahit pa ito ang nakipag-meeting sa kompanya nila.
"Thank you so much, Sir. Please come again," nakangiting usal ng waiter nang naglakad siya palabas ng restaurant. Ngumiti siya sa babae saka dumiretso sa kanyang sasakyan. Nagpahinga muna siya sandali bago nagmaneho pabalik nang opisina. Alam niyang mang-uusisa ang sekretarya niya dahil natagalan siya ngunit hindi na siya nag-isip pa. Nasa daan ang kanyang atensiyon nang may mahagip ang kanyang paningin.
"Is that Yannie?" taning niya sa sarili ng makita ang babaeng nagba-bike habang nagsa-sound trip. "Hindi ba siya naiinitan?" tanong ulit ni Vahn sa sarili. Mainit sa labas dahil ala-una pa lang ng hapon. Tirik na tirik pa ang araw at masakit iyon sa balat. Hindi man lang yata iyon alintana ng dalaga.
Bumusina siya at halos malunok niya ang dila dahil sa gulat ng muntik matumba ang dalaga. Lumingon ito sa gawi niya dahil mabagal lang naman ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. The lady recognized his car and much to his surprised, she raised her middle finger on him. "W-what the heck!" gulat niyang singhal.
He grabbed his cellphone and rang her phone. Pinagmasdan niya itong bumagal ang pagtakbo at padabog na sinagot ang kanyang tawag. "What?" tanong nito. May bahid nang inis ang boses ng dalaga.
"What did you just do?" asik niyang tanong rito. "What's that middle finger, woman?" dagdag niyang tanong.
"Hoy! Kasalanan mo 'yon! Nagulat ako!" paliwanang nito.
"Reasons, reasons, reasons," he said.
"Aba! Aba! Baka gusto mong masuntok?" galit nitong tanong.
"Sadista," komento niya.
"Bakit ka tumawag? Istorbo ka, alamo ba 'yon?"
"Well, I just to make it up to you. About last time. Honestly, kung hindi lang kita nakita ngayon ay hindi kita maaalala. Just do me a favor and thank me, okay?" mahabang litanya niya.
"Wow! The audacity!" she exclaimed in disbelief. "Kapal ng mukha," dagdag nitong sabi.
"Really, woman," usal niya. "Baka nakakalimutan mong may utang ka oa sa 'kin?" pananakot niya rito. Napanood niya kung paano nawala ang ngiti nito sa mukha. Napalitan iyon ng takot at inis. Umirap ito sa kanya kahit hindi siya nito nakikita.
"Oo na! Magbabayad ako." Tinalikuran siya nito saka mabilis na nagpedal paalis.
"Tsk. Tsk. Tsk," napapailing na usal ni Vahn sa sarili. Sumakay siya sa kanyabg sasakyan at mabilis na bumalik sa opisina. Nang hapon ding iyon ay nakipag-meeting siya sa isa pang kliyente at dumiretso nang uwi pagkatapos.
"What are you doing here?" nagugulat niyang tanong nang madatnang nakatayo sa harap ng kanyang condo ang dalagang si Yannie.
"Ah, wala lang. Binibisita ka? Bawal ba?" walang emosyon nitong sagot. "Total naman ay palagi mo akong sinisingil kahit maayos na ang sasakyan mo. Dadalaw ako palagi sa 'yo. Lutuan na lang kita. Ako ang maglilinis ng tinitirhan mo. At iyon ang mahiging kabayaran sa pagbangga ko ng kotse mo," diretso nitong wika na ikinagulat niya.
Para bang plinano na ng dalaga ang lahat. "At sino naman ang nagsabing papayag ako sa gusto mo?" gulat niyang tanong. Wala pang nakakapasok sa kuwarto niya. Kahit sa tinitirhang Condo ay wala pa siyang pinapasok doon.
"Ako. Wala ka ng kawala. Ako ang masusunod ngayon." Lumapit ang dalaga si kinatatayuan niya at marahan siya niting itinulak. "Buksan mo na nang makapagsimula na ako," anito. Disidido talaga itong gawin ang mga binitawang salita nito kanina.
"A-are you sure?" utal niyang tanong. Kailangan niyang makasigurado dahil baka may ibang motibo ang dalaga. Baka magnakaw pa ito ng mga gamit sa Condo niya.
"Of course! At para naman hindi ako makonsensiya!" singhal nito sa pagmumukha niya. Lumayo siya sa dalaga habang binubuksan ang pinto. Bahagya pa siyang tumagilid upang matingnan kung ano ang gagawin ng dalaga. Baka kasi ay bigla siyang atakihin nito. He heard yhe click sound indicating that the door was open.
"Come in," nagdududang alok niya rito. Taas noo itong pumasok na animo ay may-ari ng Condo. Aligaga siyang sumunod dito. Pinagmasdan niya ito habang nagpalinga-linga sa paligid. Sinisipat ang lahat ng gamit na naroon. "Baka naman magnanakaw lang 'to," bulong niya sa sarili.
"Oh, ano pa ang itinatayo mo riyan? Maupo ka na! Ako na ang bahalang magluto nang kakainin mo," diretso nitong saad.
"No!" mabilis niyang sigaw. "Baka lasunin mo pa ako. Maglinis ka na lang," dagdag niyang wika.
Tumaas ang kilay niti dahil sa narinig. "A-ano? Ano ba ang tingin mo sa 'kin? Nanglalason?" galot nitong tanong. Umatras siya nang akmang maglakad ito papalapit sa kanya.
"Ops! Back off!" mariing singhal niya. "Maglinis ka na lang. Period." Tumalikod siya at pumasok sa kanyang kuwarto. He changed into some comfortable clothes. Lumabas siya at tinungo ang kusina upang magluto ng para sa kanilang dalawa.
Hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin habang abala ito sa pagwawalis sa sahig. Umabot ng isang oras ang paglilibot nito. Aaminin niyang marunong namang maglinis ang dalaga. Makakatipid siya sa bayarin kung hindi na siya magbabayad nang maglilinis ng kanyang unit. "Tapos ka na?" tanong niya rito nabg maupo ito sa sofa. Nagpapahid ito ng pawis gamit ang isang maliit na tuwalya.
Tumango ito. "Ang dami mong labahin," komento nito. He was taken aback by her sudden remark.
"Why? Are you doing my laundry too?" he asked. Tumango ito. Napapatango na lang din siya. "Let's eat first. It's already past eight. Wala ka bang trabaho ngayon?" usisa niya nang maalalang sa CVS niya ito madalas makita.
Umiling ito. "Day off ko," tipid nitong sagot bago tumayo at nag-inat. Sumunod ito sa kanya sa kusina at sabay silang kumain nang hapunan. Siya ang naghugas ng pinagkainan nila habang nagpapahinga ang dalaga. Nang matapos siya sa ginagawa ay tiningnan niya kung ano ang ginagawa nito. Nagukat siya nang makitang nakhilata ito sa sofa. Nakanganga at tulog na tulog. Ilang sandali lang ay narinig niya ang mahina nitong paghihilik.
Natawa siya. "Seriously? Ganoon ba kahirap linisan ang Condo ko?" natatawang tanong niya sa sarili. Pumasok siya sa sariling kuwarto at kumuha nang isang spare sheets, unan at kumot. Marahan niya iyong ipinatong sa dalaga nang hindi ito ginigising. Ayaw niyang istorbohin ang pagpapahinga nito. Masyado yata itong komportable sa kinahihigaan kaya ay nakatulog kaagad.
Ilang beses niya pang tinitigan ang dalaga. Iniisip kung bakit narito ito ngayon sa usit niya. Kung bakit hindi man lang niya magawang umayaw rito. And for the first time, he sleep with peace in his mind.