Chapter 5
"Who was that?" kaagad na tanong ni Kim kay Vahn nang makalabas ang dalaga. Nasa KS five star hotel sila dahil birthday ngayon ng kaibigan niyang si Kim Smith, a multi-millionaire in her thirties. Ito ang may-ari ng naturang gusali.
Umiling siya. "I don't know," he shrugged his shoulder and chugged the wine in his glass. Marahan niya iyon inilagay sa mesa saka inayos ang suot. Kanina pa niya gustong umuwi. Kung hindi lang ito parte ng kanyang trabaho bilang tagapagmana ay kanina pa sana siya natulog. Hindi naman kasi niya alam na na-move ang oras ng party kaya hindi niya naabisuhan ang dalaga. "She must be mad," he thought.
Kaagad siyang umiwas sa dagat ng tao. He made his way down to the restroom. Nagtagal siya doon ng ilang minuto dahil naririndi na siya sa pagsunod sa kanya ni Kim. She was chosen to be his bride. But he politely declined. Hindi pa siya handa. Ayaw niya. Hindi niya kayang mahalin ang babae. Bukod sa pure business lang ang pagiging mag-on nila. Hindi iyon sapat upang pakasalan niya ito. In the meantime, he will just enjoy the moment.
Naintindihan naman iyon ng babae. Good thing Kim likes the idea of getting-to-know-each-other-first. "Vahn?" boses ni Kim ang narinig niya sa labas ng Restroom. Umayos siya ng tayo habang naka-lock ang pinto ng CR. He lock himself to stay away from the woman. Bumuntonghininga siya bago binuksan iyon.
"Why?" tanong niya sa babae nang mabungaran itong nakakunot ang noo habang naghihintay sa kanya.
Umiling ito. "Who was that woman? Explain," she comanded.
Ito ang pinakaayaw niya sa babae. Masyadong pakialamera at bossy. "Nothing," tipid niyang sagot saka nag-iwas ng tingin. He does not like the woman at all. Para siyang may kadena sa paa at hindi niya puwedeng gawin ang mga gusto niya. Ito lang dapat ang nasusunod.
"Ridiculous! She knows you!" singhal nito.
Bumuntonghininga si Vahn upang pigilan ang inis. "Kim," untag niya rito. "Don't start a fight," pakiusap niya. Ayaw niyang mag-away silang dalawa lalo pa at birthday ngayon ng dalaga.
"Really? Ni hindi mo man lang masagot ang tanong ko! I told you," usal nito habang dinuduro siya. "No other woman but me!" mariing utoa nito.
Tumango siya. "I know," he said.
"Tsk! I hate this!" She stormed out of the restroom. Huminga nang maluwag si Vahn upang pakawalan ang namumuong galit sa kanyang dibdib. He was like a lion in a cage. Not able to break through and be free. Nakayuko siyang lumabas. He feels like he didn't belong in the group of elites. Nang makalabas ay huminto siya. The cold breeze of the air gives him chills to the bones. Nakapamulsa siyang tumingala. The stars are shining bright. The moon was smiling at him as if saying it is going to be alright. He smiled while closing his eyes.
Nagmulat siya ng mata saka huminga nang malalim. Inilabas niya ang susi at pinatunog ang kanyang kotse. He's ready to go home. Away from this people. Hindi pa siya handang maging katulad ng mga ito. He gracefully entered his new BMW. Regalo pa iyon sa kanya ng matandang Zenith. As he was driving along the highway he notice a woman. Slowly walking while pushing some rocks. She's not his type though she caught his attention.
Doon niya napagtantong ito ang babae kanina. Ang nakabangga sa kanyang sasakyan. "What is she doing?" nagtatakang tanong niya sa sarili. "Is she stupid? Ano ba'ng ginagawa niya sa highway? She could be sideswift by some cars!" namamanghang singhal niya sa loob ng sasakyan.
He hit the automobile horn button and automatically, the woman jumped in shocked. Mabilis siyang bumaba nang maiparada ang sasakyan sa gilid. Hindi pa rin ito makahuma. Nanatili itong nakatayo. Humarap ito sa kanya and there, he saw her eyes. How lonely her eyea are. The grief. There's glimpse of sudden anger in her eyes as she saw him staring at her. Now she's mad. Again. He crossed her arms while looking at her with confusions in her eyes.
"W-what do you want?" utal nitong tanong sa kanya. She stomped her feet again. That's what he noticed after standing 6 feet apart from her. "A-ano? What do you want this time, mister?" She spat.
"Get in!" Tumalikod siya. Binuksan niya ang kotse at sumakay na hindi man lang hinihintay ang babae.
Out the blue, she obliged. Aligaga itong sumunod at sumakay sa kotse. Hindi man lang ito tumingin sa kanya. He started the engine and hit the road. "Ano na naman ang kailangan mo?" tanong nito ulit. Hindi siya sumagot. He's not in the mood. He wants peace. At nagkamali yata suyang pasakayin ang dalaga dahil mabunganga ito.
She poked his shoulder. "H-hoy," anito. Hindi niya ito pinansin. "Hoy!"
"Damn!" malakas na sigaw niya dahil sa gulat. Muntik na niyang mabitawan ang manibela dahil sa ginawang pagsigaw ng dalaga sa tainga niya. "What did you do?" galit niyang tanong rito. "Gusto mo ba ang madisgrasya?" dagdag niyang tanong sa dalaga.
She shrugged her shoulders as if nothing serious happened. "Tinatanong kita ilang beses na! Bakit naman kasi hindi ka sumasagot? Pipi ka ba?"
"W-what?"
"Tinatanong ko kung pipi ka ba?" kunot-noo nitong tanong. "Paulit-ulit?" naiinis nitong dagdag.
"Tss."
Mabilis siyang pumarada sa labas ng apartment ng dalaga. "I'm sorry for what happened. Hindi ko alam na na-move ang party nang maaga kaya hindi kita nakuha kaagad. Pasensiya sa abala," nahihiyang usal niya sa dalaga.
"Wow! Mabuti naman at naalala mo? Talaga lang, ah! Naabala mo lang talaga ako. At isa pa, maayos na pala itong kotse mo, why bother me?" taas-kilay nitong tanong.
Umiling siya. "Get out!" Nagulat ito sa paraan nang pagtataboy niya rito. She's too loud and he can't handle her boldness. Mabilis nitong tinanggal ang seatbelt at padabog na binuksan ang pinto ng sasakyan. Napatakip si Vahn sa kanyang tainga nang malakas nitong isinara ang pinto. The car move like there's an earthquake. "Woman!" malakas niyang singhal sa loob ng sasakyan ngunit wala an ang dalaga.
"Damn! What a brat!"
Mabilis niyang tinungo ang Condo niya. Nang makarating ay maayos niyang ipinarada ang sasakyan. Huminga muna siya nang malalim bago lumabas. Ayon na naman ang malungkot na tanawing sumasalubong sa kanya. His not happy with his life. Pumasok siyang mabigat ang mga hakbang. Ibinagsak niya ang katawan sa sofa habang marahang tinatanggal ang suot na sapatos. Niluwagan niya ang suot na polo dahil pakiramdam niya ay sinasakal siya niyon.
"Hello," bungad niya nang sagutin ang tawag. "Kamusta na po kayo, 'Nay?" tanong niya sa ginang.
Narinig niya itong mahinang tumawa. "Maayos na ang pakiramdam ko," anito. "Ikaw, kamusta ka na riyan?" usisa ng ginang.
"Maayos lang po ako, 'Nay," buntonghiningang sagot niya. "Magpagaling pa po kayo," dagdag niyang usal.
"Oo naman! Basta ikaw," anito. "Sige, magpahinga ka na. Alam kong pagod ka sa trabaho. Pagbutihin mo't makakamtan mo rin ang dapat na para sa iyo," anito. Pinatay nito ang tawag. Ibinaba niya ang hawak na cellphone saka tinungo ang kusina. Hindi na siya nag-abalang buksan ang kanyang ilaw.
Binuksan niya ang refrigerator at nagsalin siya sa kanyang baso nang malamig na tubig. Inisang lagok niya iyon na animo'y uhaw na uhaw siya. Nagsalin ulit siya at ininom iyon. The boredom and tiredness slowly crept to his body. Nagluto siya ng ramen. Puro noodles na lang ang nakakain niya dahil napapagod siyang magluto. Wala siyang ganang kumain at ayaw niyang maghugas ng pinagkainan. Kagaya nang nakasayanan ay mag-isa niyang kinain ang kanyang hapunan.
Note: This is not edited yet.