Chapter 3
“Yannie,” pabulong na tawag sa kanya ng kaibigang sa Isla. Nag-aayos siya ng mga cup noodles sa istante dahil wala namang namimili ngayon. Malapit na ring lumalim ang gabi. Inaantok na siya ngunit kailangan niyang magtrabaho.
“Bakit?” Naglakad siya palapit sa kaibigang may tinitingnan. Ibinaling ni Yannie ang paningin.
“Narito ‘yong lalaki kahapon,” ismid nitong wika habang nakanguso sa kung saan. She held her breath.
“What do you mean?” aligagang tanong niya sa kaibigan.
“Si Mr. Masungit.” Ininguso niya ang kinatatayuan ng binata.
Pinagmasdan niya ito. Hapit sa katawan nito ang suot na itim na sando. Malaki ang built ng katawan. Halatang tambay sa Gym ang binata. Malalaki at nakatatakam ang mga biceps nito. Napailing siya sa naisip. Umiling siya nang umiling saka tumalikod. Ayaw niyang makita siya nito.
“Ikaw muna ang bahala riyan,” utos niya sa kaibigan habang dahan-dahang lumayo.
“Hoy! Gaga ka ba? Ikaw ang cashier, bruha!” pabulong nitong singhal sa kanya. Pilit siyang ngumiti.
“Maawa ka,” aniya. “Ayaw kong humarap sa kanya, hehehe.” Mabilis siyang tumalikod saka naglakad papalayo. Hinarap niya ang iba pang kailangang gawin upang mawala ang atensiyon sa binata. Sigurado siyang kapag nakita siya nito ay makikila siya ng binata. She’s scared at the same time ay natatawa sa itsura nito nang tapunan niya ito ng kape kahapon.
Mahina siyang humagikhik nang maalala kung paano manggalaiti ang binata ngunit napalis ang ngiti sa kanyang labi nang tumayo ito sa harap niya. Nagtama ang paningin nila. Nanlaki ang mga mata niya nang kumunot ang noo ng binata nang makilala siya nito. Patay! Mabilis siyang tumalikod upang maiwasan ang binata ngunit mabilis itong humarang sa daraanan niya.
Patay ka talaga, Yannie!
“You!” mariin nitong sambit habang kunot na kunot ang noo. “Pay for what you did yesterday, woman!” paasik nitong sambit sa kanya. Natutop niya ang hininga dahil masama ang tingin ng binata sa kanya.
“Ah, ano . . . “ napapahiyang bulong ni Yannie dahil ang kaibigang si Isla ang nakataas na ang kilay sa kanya.
“Ano ‘yan?” nagtatakang tanong ni Isla sa kanya.
Umiling siya saka hinarap ang lalaki. “Ano ang ibig mong sabihin?” maang-maangan niyang tanong sa binata. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Wala akong kasalanan sa ‘yo, mister.” Tumalikod siya ngunit nahigit niya ang hininga nang mahawakan siya nito sa braso at mapaharap sa binata.
“Aray!” impit niyang sambit dahil ayaw niyang gumawa ng iskandalo sa loob ng tindahan. “Ano ba ang ginagawa mo?” paasik niyang tanong sa binata na matamang nakatitig sa kanya. Masama ang tingin nito. Parang apoy na lumalagablab sa init at napapaso siya niyon.
“Pay for what you did yesterday, woman.” Kinaladkad siya nito palabas ng tindahan. Nag-aalalang mukha ni Isla ang nahagip ng paningin ni Yannie ngunit umiling siya at sinenyasang ayos lang siya.
“There.” Binitawan siya ng binata nang tuluyan silang makalabas. Pinanlisikan niya ito ng mata.
“Ano ba ang problema mo?” Naiinis niya itong tinapunan ng masamang tingin. Kung tutuusin ay may kasalanan naman siya. Ngunit kasalanan din naman nito dahil ito tumingin sa dinaraanan kaya natapunan niya ito ng kape.
“Bayaran mo ang nasira mong damit ko,” pinal na saad ng binata.
Nangunot ang noo ni Yannie sa narinig. “Ano ang sinabi mo? Bayaran?”
“Yes, woman! Nasira mo ‘yon dahil sa katangahan mo kahapon.”
“Wow! Kung hindi ka naman kasi tanga. Dapat kasi ay tumitingin ka sa dinaraanan mo! Kasalanan ko ba na matapunan ka? Ikaw ang bumangga at hindi ako!” mahabang paliwanag ni Yannie sa binata.
“Seriously?”
“Nyenyenye!” panggagaya niya sa binata.
Bumuntonghininga ito saka nag-inat. “Alam mo bang ipinagawa ko pa iyon sa Italy?” asik nitong tanong.
“Talaga? Haha! Nasa Divisoria ‘yon, manong! Huwag mo nga akong lokohin.” Umirap siya saka impit na tumawa.
Italy? Seryoso ba siya? Anong klase ng damit ba ‘yon para sa Italy pa niya ipinatahi? Sosyal, ah! Tumatawang ani sa isip ni Yannie.
“I’m serious,” pinal na saad ng binata.
Yannie shrugged her shoulders. “Who cares?”
“That’s ten thousand,” seryoso nitong saad.
Malakas na tumawa si Yannie. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan dahil sa sakit. Tumawa siya nang tumawa. Hindi man lang natinag ang binata. Tiim-bagang itong tumingin sa kanya. “W-what?” napapahiyang tanong niya sa binata nang hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
“Ten thousand lang?” tumatawang tanong ni Yannie. “Ten thousand lang at maniningil ka pa?” Tiningnan niya ang binata mula ulo hanggang paa. Mukhang mayaman sana, kuripot lang.
Umismid ang binata. “Ten thousand dollars.”
Napaubo siya sa narinig. Napalis ang ngiti sa labi ni Yannie. Napalitan iyon nang ngiwi hanggang sa tuluyang tumikom ang kanyang bibig. Shock filled her mind. “S-Seryoso b-ba siya?” Halos malunok na niya ang sariling dila dahil sa gulat. Ang mahal! Pashnea!
“A-At babayaran ko ‘yon?”
Tumango ang binata bilang sagot. Inilahad ng binata ang kanyang kamay. “Your name?” tanong nito.
Umiling si Yannie. “Nakakabili ka ng ganoon ka-mahal tapos ako ang pagbabayarin mo?” nanggigigil na tanong niya rito.
“I can file a case against you.” Napamulagat siya sa narinig.
C-Case? As in kakasuhan niya ako?
“At b-bakit? Ano ang ikakaso mo sa ‘kin?” aligagang tanong niya sa binata.
“Well, you’re the reason why I’m late sa hearing,” panimula nito. “And I want you to pay for it. Kahit sa CCTV tingnan, ikaw ang bumangga.”
Ano raw?
“Gusto mo bang makasuhan?”
Umiling nang umiling si Yannie dahil sa tanong ng binata. She’s damn scared. “At noong isang araw ay binangga mo ang BMW ko habang nag-ba-bike ka,” dagdag nitong wika dahilan upang lalong pumuti ang mukha niya.
Nawala yata ang lahat ng dugo sa katawan niya dahil sa rebelasyong iyon. Of course! Hindi niya iyon makalimutan. Kahit pa hindi niya iyon sinabi sa kaibigan ay hindi naman iyon mawala sa kanyang isip. Natakot siya. Ayaw niyang ma-iskandalo. Kaya naman nag-isip siya.
“P-Puwede i-installment?” nahihiyang tanong niya rito. Kumunot lang ang noo ng binata. “Alam mo kasi, n-nag-aaral pa ako. At saka nagsusulat lang ako ng mga nobela. Wala pa akong p-pera,” usal niya.
“Your name?” sa halip ay tanong nito.
“Yannie,” sagot niya. Mabilis itong tumalikod.
Nagtatakang Isla ang bumungad sa mukha ni Yannie nang makapasok siya sa loob. “Sino ‘yon?” tanong nito.
Umiling siya. “Wala ‘yon,” tipid niyang sagot.
“Hoy! May narinig ako,” panimula nito. “Ano ‘yong may nabangga ka? Nagba-bike ka? Kakasuhan ka?” sunod-sunod nitong tanong.
“P-Paano mo narinig?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan. “Ang layo mo, ah,” dagdag niyang usal.
“Girl, malakas ang radar ng tainga ko,” anito. “Ano ba kasi ang nangyari?” usisa nito.
“Nagba-bike kasi ako tapos aksidente kong nabangga ang isang BMW. Hindi ko naman alam na sa kanya pala iyon at hindi ko rin napansing kita pala ako sa CCTV.” Kunot-noo siyang umiwas ng tingin dahil nahihiya siya.
“Paano na ‘yan? Baka naman kasuhan ka talaga no’ng tao?”
“Huwag naman sana.”
“Babayaran mo na lang?” tanong ng kaibigan. “Kung manghihiram ka ay wala pa tayong suweldo ngayon,” dagdag nitong usal.
“Oo nga, eh.” Pumikit siya upang pigilan ang pagtulo nang nagbabadyang luha. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin,” aniya.
“Tumawag ka sa pamilya mo,” suhestiyon nito.
Umiling si Yannie. Ayaw niyang dumagdag sa problema ng pamilya nila. Isa pa, may ibang pamilya na ang ina niya at ang kanyang ama ay wala na. Wala siyang malapitan ngayon.
Mabilis tumakbo ang oras. Padarag niyang binuksan ang pinto ng kanyang apartment. Tanging liwanag na nagmumula sa labas ang nagbibigay ilaw sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto. May kaliitan iyon at sapat lang ang kinikinita niya upang mabayaran ang naturang puwesto.
Huminga siya nang malalim. Natatakot siya. Paano na lang kapag nakulong nga siya?
“Ang tanga-tanga mo naman kasi, Yannie,” naiinis na bulong niya sa sarili. Bumuntonghininga siya. “Kailangan kong mag-ipon.”
Mabilis siyang naghanda upang matulog. Hindi niya na naisip ang maghapunan. Mabuti na lang at kumain siya kanina ng snacks bago umuwi. Paikot-ikot siya sa kanyang higaan. Hindi siya dinadalaw ng antok. Pagod siyang bumangon at nagbasa ng kanyang inaaral. At dahil dumarami ang pumapasok na ideya sa utak niya ay nagtipa siya sa kanyang laptop. She’s an aspiring writer.
She loves writing at dahil doon may extra-income rin siya kapag nagpapasa siya ng kanyang manuscript sa isang sikat na publishing company. Nang mapagod ay itinigil niya ang ginagawa at humiga. Kaagad na bumigat ang kanyang mga talukap at tahimik siyang natulog.