bc

Rallied Heart: SET

book_age16+
198
FOLLOW
1.0K
READ
revenge
sporty
drama
sweet
bxb
lighthearted
campus
city
secrets
athlete
like
intro-logo
Blurb

Kilalang magaling sa larangan ng Volleyball si Nicolo Mickelson. Pinili nitong sumali sa kupunan ng Colegio de San Luis Warriors dahil sa kagustuhan nitong matalo ang kinaiinisan niyang kupunan, Ang Titan Knights ng University of St. Benedict. Kung anu man ang dahilan ay tanging siya lang ang nakakaalam.

Ngunit hindi niya aasahan ang mga susunod na pangyayari. Mula sa hindi niya mapaliwanag na nararamdaman sa Team Captain ng Warriors na si Xander Cain Lim hanggang sa pagsali ng bestfriend niyang si Brett Argus Martines sa kupunang nais niyang talunin.

Anung sekreto ang dinadala ni Nicolo? Anung tensyon ang mamumuo sa pagitan nila ni Xander? Anung dahilan ni Brett upang iwan nito si Nicolo sa ere at sumali sa ibang kupunan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nakakadalawang panalo na ang kupunan ng Titan Knights ng University of St. Benedict. Katunggali nila ngayon ang kupunan ng Warriors na mula naman sa Colegio de San Luis. Hindi na halos magkarinigan ang mga tao dahil sa cheer ng supporter ng magkabilang kupunan.    Kilala ang dalawang volleyball team na ito bilang rival team. Sa kahit anong liga, private or national arena man ay laging nagtatapat ang mga ito sa finals. Ngunit, sa loob ng limang taon ay palaging nakukuha ng Titan Knights ang championship sa kabila ng kagalingang ipinamamalas ng Warriors. Marahil, ay dahil na rin sa galing at istilo ng senior coach nila.   "Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ginagawa ng coach nila?" inis na komento ni Nicolo. Nababakas na ang inis nito sa pinapanuod. Kasama niyang nanonood ngayon ay ang dalawa niyang best friend na sina Brett at Harvey. Mga volleyball players din ang mga ito. Kaya nga lamang ay hindi sila kabilang sa mga sinasalihan ng mga naglalaro sa harapan nila. High school category kasi ang kanilang sinasalihan.    "Well, maganda rin naman ang pinapakita nila. Masyado lang napaghandaan ng Titan Knights ang mga Warriors," wika naman ni Harley. Kung titingnan nga naman ay maayos ang laro ng Titans. Madiskarte rin ang mga palo nila sa bola.    "Well, dapat na-anticipate din ng Warriors 'yong kalaban. Hello, ilang beses na silang nagkaharap ng mga 'yan, hanggang ngayon pa ba naman naninibago pa sila?" Mukhang galit na talaga si Nicolo sa napapanood. Kung sa bagay ay paulit-ulit na lang kasi ang mga error ng Warriors. Wala ring ginagawa ang coach.    "Relax, Nicolo. Manood nalang tayo. 'Pag nakasama ka na sa team nila saka mo gawin ang naiisip mo." Saway ni Brett. Dahilan iyon upang napasimangot si Nicolo. Eversince, ganito na talaga si Brett. Tahimik lang na nanonood. Tila pinag-aaralan ang mga galaw at ayaw magbigay ng kahit anong kumento. Halos ibalibag na ni Nicolo ang body bag na dala-dala, pero si Brett ay kampante pa rin. Sadyang wala lang talagang pake si Brett.    Hanggang sa ma-straight set ng Titans ang mga Warriors ay nanahimik na lamang si Nicolo, kahit umiinit na ang ulo niya. Napako ang tingin niya sa isang tao na tuwang-tuwa habang binabati ang team. Nagngitngit ang bagang nito. Kung nakakapatay lang ang tingin, malamang ay nakabulagta na ang taong iyon.    Tumayo na lamang si Nicolo at walang sabi-sabing umalis kahit nagkakagulo pa ang mga tao. Paliko na ito sa exit nang may humila sa kan'ya.   "Let's wait for them to clear out the area." Si Brett. May halong pag-aalala sa mga mata nito. He always cares for Nicolo.    "Maghintay ka mag-isa. Uuwi na ako." Kasabay nang pagkasabi noon ay ang pagtanggal ni Nicolo sa kamay ni Brett na nakahawak pa sa galanggalangan. Mabilis din itong naglakad palabas ng coliseum na pinagdausan ng laro.   "Nicolo, tama si Brett, hintayin na lang muna natin humupa 'yong mga tao." Mabilis na tugon ni Harley. Sinubukan pa niyang habulin ito, pero may sa pusa 'ata si Nicolo, dahil mabilis itong nakalayo.   Nagkunwaring walang narinig si Nicolo at nagpatuloy lang itong naglakad at nakisiksik sa mga taong nagsisilabasan. Para sa kan'ya, kapag nagtagal pa siya roon at nakikita ang isang taong kinamumuhian ay lalong nag-iinit ang ulo niya. Baka hindi na kasi siya makapagtimpi at sugurin niya ang taong iyon.    Ilang sandali pa ay nakalabas na rin siya at tinungo ang sakayan ng taxi. Saktong pagsakay niya sa taxi ay tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinabi sa driver ang address at prenteng umupo sa back seat. Sinagot naman niya ang tawag ng makita kung sino ang tumatawag.   "Hello, Ma?" Kinontrol nito ang boses upang hindi mahalata ang inis na nadarama.    "I saw it on TV. Are you ok?" tanong ng mama niya. Alam na alam na nito na hindi masaya ang anak sa kinalabasan ng laro.   "I'm ok, Ma. Don't worry. I promise I will beat that team in all possible ways." Nagngingitngit na paninigurado ni Nicolo.    "You don't need to..." Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng mama niya.   "No, Ma. I can beat them. Papakita ko sa kan'ya na kahit gaano pa siya kagaling ay mabubutasan ko siya. Ipapakita ko sa kan'ya na kaya kong pabagsakin ang natatamasa nilang tagumpay. Maghintay ka lang, Ma." Muling sumagi sa isipan ni Nicolo ang isang mapait na alaala.  Ilang sandali pa ay binaba na niya ang tawag. Napatingin na lamang siya sa labas ng bintana ng sinasakyang taxi. “Kung minamalas ka nga naman, uulan pa 'ata.” Tugon niya sa sarili nang makitang makulimlim ang kalangitan.   ***   The next day ay mag-isang kumain ng lunch si Nicolo. Sanay na rin naman siya sa ganito, dahil hindi talaga siya palakaibigang tao. Maya-maya pa ay tumabi sa kan'ya ang dalawang best friend. Tahimik lang ito at hindi man lang pinansin ang dalawang bagong upo habang patuloy lang siya sa pag-kain.   "Nicolo, galit ka ba?" Pagbasag ni Harley sa katahimikan.   "No." Maikling sagot nito na taliwas sa tono ng boses nito.   "Cut the crap, Nicolo. What's the problem? Ganito ka palagi sa tuwing nanalo ang Titan sa Warriors. Ano ba ang meron sa Titans na 'yan at nanggagalaiti ka tuwing nananalo? My God, Nicolo, are you not getting tired of this?" Mukhang napipikong sita ni Brett. Hindi na nito matiis ang tantrums ng kaibigan. Marahil ay napuno na ito.    "Look, kung ano man ang inaasal ko ngayon wala ka na roon, Brett. Hindi naman kita pinakikialaman sa mga drama mo sa buhay. So, let me be on my own drama." Pagkasabi noon ay tumayo si Nicolo at mabilis na umalis. Wala sa bukabolaryo nito ang magpatalo kahit kina Brett at Harvey. He grew up learning to fight in all possible way. Kaya hindi ito nangingiming mawalan ng kaibigan. Sabi nga ng ilan, kung gaano siya kagaling sa volleyball ay ganoon din kahirap pakisamahan. Pero maayos naman siyang kausap kapag ang mga ka-teammate niya ang kasama.   Mabilis din namang tumayo si Brett para sundan ang kaibigan. Kahit naman napipikon na ito, hindi pa rin niya kayang tiisin si Nicolo.   "Nicolo." Pigil ni Brett kay Nicolo nang maabutan niya ito. May himig ng pagsisisi ang kanyang boses. Iniharap niya si Nicolo sa kaniya. Huminga ito nang malalim, "Sorry." Buong pusong wika ni Brett sabay hila sa kaharap upang dalhin ito sa kaniyang yakap. "Sorry if naging insensitive ako. Nalilito lang talaga ako sa kinikilos mo tuwing napag-uusapan ang Titans."   "Its okey, Brett. Hindi ko naman ini-expect na maiintindihan ninyo ako ni Harvey." Masama pa rin ang loob ni Nicolo. Ngunit, dahil na rin kay Brett ay unti-unting humuhupa ang nararamdaman niya.   “Then, make us understand. Ipaunawa mo sa amin kung ano ba ang meron? We are your friends, we don’t want to see you acting like this, especially me.”   Kumalas si Brett sa pagkakayakap niya kay Nicolo at muling iniharap sa kanya.   “In time, Brett. I will tell you. Not now.” Sagot naman ni Nicolo habang pilit na ngumingiti.   "Brett, will you go with me?" Tanong ulit ni Nicolo kay Brett.   "To where?" Takang tanong naman ni Brett.   "I want us to try out for Warriors this summer." Seryosong deklara ni Nicolo. “I want to defeat the Titans next year.” 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

NINONG III

read
364.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook