Sa kabila ng kumpyansang maipapanalo ng team ang championship kahit wala ang anak nito ay nababahala pa din si Brandon Tejares spara sa anak. Ayon sa ina ng anak niya ay parati na itong nagkukulong sa kawarto at pang wala nang balak maglaro pa. Alam niyang saglit pa lang kami nagkita pero gusto gusto sana pa din na malaman ang kalagayan nito. At maramdaman ni Brett na naririyan lang siyang ama niya at handang tumulong sa kanya. Minabuti niya muling dalawin ang anak sa bahay ng ina nito. Pero gaya ng naunang pagkakataon ay nagkukulong pa din ang anak. “Anu ba ang nagyayari sa anak mo? Bakit ba nagkakaganyan siya?” Tanong ni Brandon Tejares kay Beca, ang ina ni Brett. Hindi umimik si Beca sa tanong niya. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya. Halata sa mukha ni Beca ang pagkabalisa. Ram

