Rallied Heart Set Chapter 30 Xander POV Pagmulat ko ng aking mata ay agad na tumampad sa akin ang mukha ng taong dahilan kung bakit ako masaya. Hindi ko napigilan ang sariling halikan siya sa noo. Ang amo kasi ng mukha niya kahit minsan ay mahirap siyang maarok. Ganoon yata talaga pagmahal mo, you will love not only his good side but also accept his bad. Naalala ko tuloy ng araw na kausapin ako ni Harvey. Flashback "Captain!" Tawag nito sa akin. Wala pa ako sa mood dahil nga sa hindi ko talaga matanggap na talo ulit kami sa grupo nila. "Kanina pa kita tinatawag kaya! Oh!" Nasa harapan ko na siya habang inaabot sa akin ang isang may kalakihang paperbag. Inabot ko na lamang iyon. Nang tignan ko ang laman ay napakunot noo ako dahil naglalaman iyon ng sapstos, varsity jacket, gym bag, s

