Nicolo POV Aaminin kong galit ako dati sa lalaking hindi ako kinilalang anak. Marahil ay dahil iyon sa kagustuhan kong magkaroon ako ng ama gaya ng ibang bata. Marahil dahil noong hindi ko pa siya nakikita ay palaging pinapanood naming ang mga laro niya. Siya ang naging idol ko noong bata pa ako kaya inaral ko ang laro. Nagbakasakaling kapag nagkita kami ay makakapaglaro kaming dalawa at ituturo niya sa akin ang lahat. Noong itinangi niyang anak niya ako ay umigting ang kagustuhan kong maging magaling na manlalaro para mahigitan ko siya. At nang malaman kong official na siyang coach ng volleyball ay sinabi ko sa sarili na tatalunin ko ang team na tinuturuan niya. Nalunod ako sag alit na hindi ko na nakikita na may mga bagay akong namimiss out sa buhay. Pero sa mga lumipas na araw sa k

