Coach Kiko POV: “Ako nga tapatin ninyo, anung problem?” Gustohin ko man itago ang galit at inis ko ay hindi ko magawa dahil sa walang kwentang larong pinapakita nila. “Coach Lito, ikaw ang pinaasikaso ko sa kanila bat wala kang ginagawa?” “Coach sabi ng mga bata kaya na nila eh. Saka practice lang naman to Coach.” Pagrarason ng isa pang walang kwentang assistant coach. “Simula bukas wag ka nang papasok Coach Lito ha. Walang lugar dito sa tam ko ang ganyang pag-iisip . Napaka-basura.” Pasensyahan kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit sila hinahire ng Sport’s Office. “Anu na? Wala bang gustong sumagot sa inyo? Lim, ikaw, anung problema mo? Sinabihan kita kung sino ang first six na isasalang mo pero pinili mo pa din yung gusto mo. Bilib na bilib ka sa kasamahan mong senior na parang a

