Set Five: Adjusting

1810 Words
Harvey POV Isang linggong walang training. Ito ay dahil kailangan naming asikasuhin ang mga papers namin at nang maging official enrolled na kami dito sa Colegio de San Luis. Maaga palang ay nandito na ako sa school. Nagbabakasakaling maabutan ko o makita si Nicolo na hanggang ngayon ay hindi pa nagpaparamdam maliban nalang sa text message niyang “H’wag kang mag-aalala, tutuloy pa rin naman ako. I just need a fresh air”. Sa dami nang tinext ko sa kanya ay dalawang sentences lang talaga ang re-reply niya. Hindi ba niya alam na ako ang kinukulit ng mga kasamahan naming baguhan kung anung balita na sa kanya. “Hey, have you heard from Nicolo?” Kabababa ko palang ng taxi ay si Sam kaagad ang sumalubong sa akin pero ni good morning ay hindi man lang ako binate at si Nicolo kaagad ang hinahanap. Saklap ng hindi famous. “Good morning, Sam. I’m good. I haven’t eaten my breakfast yet you want to join?” Sarkastiko kong tugon sa kanya. “I’m sorry. I’m just worried of Nicolo. How about I’ll treat you a meal?” Apologetic niyang sagot na ikinatuwa ko naman. Free food is life kaya hindi na ako nag-umarte pa at dumeretso na kami ng canteen. Pagdating doon ay agad akong umorder ng dalawang set ng silog for myself. At dahil libre naman ni Sam ito ay I cease the moment na. Nang maibigat ang food ay agad naman kaming naghanap ng mauupuan. “Are you sure you can eat all of that?” Tanong agad ni Sam nang makaupo na kami. “You know Sam breakfast is the important meal. Lalo kung libre,” pabiro kong sagot sabay pacute sa kanya ng bahagya. Hindi na din naman umimik si Sam at nagsimulang kumain na lamang sa kinauupuan niya. Halata talaga sa mukha nito na nag-aalala siya. Sino bang hindi kung nag-iisang taong nagpaparamdam sa inyo na parte pa rin sila ng team ay mukhang aatras na. Base na din sa pagkakaalam ko ay itong si Sam ay kay Nicolo lang nakikinig. Maging ang ilang gaya naming baguhan. Ramdam kasi talaga naming na parang hindi kami welcome. Hirap gumalaw kapag ganoon. “Don’t worry so much Sam, Nicolo will still playing with Warriors,” seryoso kong sambit. Napatingin ito sa akin. “Seriously?” Parang hindi pa makapaniwala si Sam. Tinanguan ko naman siya bilang tugon. Gumuhit naman ang ngiti sa labi nitong poging Briton. Ilang sandali pa ay nagdatingan din ang kasaman namin. At gayo nga nitong si Sam ay si Nicolo agad ang hinahanap.  Malaki talaga ang naging impluwensya ni Nicolo sa mga bago naming kasamahan. Kung titignan, Nicolo is the most complicated person na nakilala ko. Hindi siya siya pala kibong tao kaya madalas ay napagkakamalan itong snob at dahil may superior aura siya, inaakala din ng iba na mahirap siyang pakisamahan. But if only they try to know him better, tiyak mabibigla sila. Nicolo is very open in giving help to those in need. Kapag eager kang matuto ay hindi ka niya pagdadamutan ng mga idea. Tutulungan ka pa niyang magawa ang mga ito lalo na sa volleyball. Kung may super passionate sa larong volleyball, its Nicolo. Lahat ng volleyball league sa buong bansa ay na pwedeng panuorin, mapa television man o live ay hindi niya pinalalagpas. Halos kabisado ng ata niya ang Volleyball Manual at maging referee manual. Lahat ng klase ng brand ng bola ng volleyball ay meron din siya. Katunayan ay naka display iyon sa isang rack cabinet sa bahay nila. Kaya masasabi kong buhay na ni Nicolo ang volleyball. “Alam n’yo, asikasuhin na muna natin yung dapat asikasuhin bago natin problemahin si Nicolo. For sure sa tabi-tabi lang ang taong yun,” kunyaring naiirita kong saway sa mga kasama ko. Hindi na rin naman sila nagtanong pa at naghanda nalang kami na pumunta sa administration office nang matapos na kami. Pagdating namin sa Administration Office ay marami nang estudyanteng naka pila. Nakipila na din kami buti nalang at may mga electric fan sa paligid dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang init dahil pataas na ang araw. At dahil magkakaiba kami ng mga kurso ay magkakaiba din ang department na pupuntahan namin para makakuha ng ng class schedule. Dahil Tourism Management ang kinuha ko ay Hospitality Management Department ang ruta ko. Nag-usap-usap nalang kaming magkita-kita sa Treasury para makapagbayad na. Habang naglalakad ako patungong Hospitality Management Building ay biglang may sumabay sa akin na maglakad. Nakapwesto siya sa aking kanan. “Hi,” nakangiting bati niya. Sasagot n asana ako nang biglang kumalabit sa kaliwa ko na ikinabigla ko. “Ay, Nuno sa punso!” Hindi ko napigilang mapalakas ang boses ko. Malakas kasi ang kiliti ko sa sa bandang batok. Narinig ko namang tumawa yung lalaking nasa kanan ko. Wait, bat parang ang ganda ng pakinggan ang tawa ni Kuya.  “Ay grabe naman siya sa Nuno sa punso,” may himig ng kunyaring nagtatampo na wika ng lalaking nasa kaliwa ko. “Ba’t kasi kailangan kalabitin ang batok?” “Aba, malay ko bang may kiliti ka bando diyan,” sagot naman nito. “Anu ba kasing kailangan nyo?” Hindi ko mapigilang tanong. Sinadya kong lagyan ng kunting taray ang boses ko para may panindak effect habang naglalakad. Ito kasi ang unang pagkakataon na lumapit ang dalawang ito sa akin. “Gusto ka sana naming makausap,” may bahid ng hiya na sagot ni kuyang nasa kanan ko. Nilalaro pa ang kamay na para bang nag-iisip kung itutuloy ang sasabihin o hindi.  Ba’t ang cute lang niya tignan? “The thing is, gusto sana naming malaman kung anu na ang plano nyo ni NIcolo?” Diretsong tanong naman ng taong kinulang sa Star Margarine kaya hindi tumangkad. Hindi ako agad nakasagot. Tumigil ako sa paglalakad. Ang dalawa naman ay nag tabi sa harapan ko na tila naghihintay nang isasagot ko. “To tell you honestly, hindi ko pa sure. Hinihintay ko pa si Nicolo mag-decide. Madali lang naman mag withdraw ng enrolment kung sakaling mag decide si NIcolo na lumipat.” Seryoso ako sa mga oras na ito. Kahit pa sinabi ni Nicolo na tutuloy siya sa Warriors ay pwede pa siyang magbago ng isip at totoong susunod ako sa kanya kunng sakali. “Look, about what happen, ako na ang hihingi ng sorry in behalf of my team. Sana maintindihan din ninyo na nag-a-adjust pa kami sa sitwasyon.” Ramdam ko ang sincerity ni Kuyang nasa kanan pero hindi umubra sa akin yung linya niya. “I don’t know what type of culture do you have in your team before but mag-iisang buwan nap o tayong magkakasama hindi ba dapat nakapag-adjust na kayo. To tell you honestly, napaka immature ng mga responses ninyo sa aming mga bago. But we still tried to understand. Pero yung humantong na kaya ninyong manakit dahil naaapakan na ang pride ninyong mga senior, that’s a big no for me. Bakit namin pagsisiksikan ang galing naming sa team na hindi kayang tumanggap sa katotohanang may gagaling pa sa kanila.” Mahaba kong litanya. Hindi ko na hinintay na sumagot ang dalawa. Naglakad na ako palayo sa kanila. Kailangan ko nang tapusin itong enrolment nang makauwi na.   Mabilis kong nagawa ang pakay ko dito sa Hospitality Management Building. Agad kong tinungo ang Treasury. Naabutan ko ang ibang mga kasamahan ko sa isang sulok. Agad naman akong lumapit sa kanila. Wala pa si Sam kaya nagdecide kaming pumila na lamang at papasingitin nalang mamaya si Sam pagdating. Wala naman sigurong magagalit. Bubugbugin naming ang magrereklamo. Joke lang naman syempre. Ilang sandali pa ay dumating na si Sam. Gaya ng plano ay pinasingit namin siya sa aming linya. Wala namang nagreklamo kaya patay malisya nalang sa mga tumaas ang kilay dyan.   Xandar POV Katatapos lang ng meeting naming mga senior members ng team. Sa subrang gulo ng isip ko ay napagdisisyunan kong mamasyal sa mall nang malamigan naman. Ayon kay Jim ay malaki ang chance na mag-withdraw si Nicolo at Harvey dahil sa nangyari. Hindi ko maiwasang mainis dahil pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong Captain. Hindi ko man lang naisip ang mga pwedeng mangyari kapag nagpatuloy pa kami sa ginagawa namin. Tama si Jim sa sinabi niyang ako ang Captain kaya dapat ay sinasaway ko ang mga hindi magandang ginagawa ng kasamahan ko pero ang nangyayari ay nakikiisa pa ako sa mga senior members. Pero masisisi ba nila ako kung ito ang nakagisnan naming mula pa noong nagsisimula pa lamang kami? Flashback “Nandito kayo ngayon dahil gusto ninyong mapabilang sa magagaling. Pero hindi naman basta-basta na makakapasok kayo. Kailangan patunayan ninyo muna.” Banggit ni Coach Nilo na may himig nang pagyayabang. Gaya nang nakagawian daw ay paglalabanin niya ang grupo ng bago at ang mga paburito niyang members. Kung papaano niya nalalaman kung sino ang makakapasa ay hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko. Once na mapabilang ka sa top six niya ay hindi ka mapapalitan. Unang taon ko as member ay palaging taga pulot lang kaming mga bago ng bola. Taga linis ng coact at taga ligpit ng gamit. Separate ang training naming mga bago at mga tinatawag ni coach na elite members. Hindi kami sinasali sa mga practice games. At kung may laro man ay palaging new versus elite. Sa totoo lang ay masasabi kong nagmistulang alalay lang kami ng mga senior sa kabuohan ng aming unang taon. Nang dumating ang second year ay swerteng may tatlong gumraduate kung kaya na itaas kami nina Jim, Blake at Ako. Kahit na naka-angat na kami ay rumdam ko pa din ang pagiging diskumpyado ng ilang seniors member sa amin. Pero pilit naming pinatunayan na karapatdapat kami sa posisyon. Nang lumaon ay kahit paano ay natanggap nila kami. Ang nangyari sa amin ay naging cycle na. Ang siste ay tila nagiging pagkakataon ng mga senior na ipadama sa mga bago ang pinadama sa kanila. Ganti-gantihan lang kung baga. End of flashback Sa apat na taon ko sa Team, ay ngayon lang nangyari na magback to zero ang lahat. Ngayon lang din nangyari na nakikisabay ang mga bago sa aming mga senior members. At ngayon lang din nagkaroon ng player na tumitibag sa nakasanayan upang maging pantay ang lahat. Marahil ito ang kahulugan ng team. Walang magaling, walang bago, walang hati, at walang pagmamalabis. Lahat pantay sa mata ng bagong coach at sa mata ng bawat isa. Refreshing sa totoo lang pero pakiramdam ng mga kasamahan ko ay may kung anung kinuha sa kanila. Kung sana’y makahingi ako ng paumanhin kay Nicolo. Aminado akong kailangan naming ang kanyang galing upang maipanalo ang aming team sa darating ng National Colleges and University Sports League. Pangarap kong makuha ng team ang championship ngayong taon. Sa hindi malamang dahilan ay biglang kumabog ang dibdib ko habang namumuo sa aking isipan ang mukha ni Nicolo.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD