Agad nakakita ng magandang kainan si Rose sa labas lang mismo ng TGE hotels at isa iyong Filipino grilled and bar na sa tingin niya ay mga Pinoy din ang parokyano. Pumasok siya roon at naghanap ng mauupuan. Sa isang sulok siya pumwesto malapit sa bintana, marami nang kumakain at mostly ay mga kababayan nga. The waiter handed the order list at namili siya ng gusto niyang kainin. She chooses the chicken inasal, sisig and ordered beer dahil masarap iyon ipartner sa inihaw and she wanted to have a good sleep tonight kaya siya iinom ng kaunti. Nang makatalikod ang waiter ay inilibot niya ang paningin sa paligid ng sa pagbaling niya sa entrance ng naturang kainan ay mahagip ng tingin niya si PJ at halatang naghahanap din ng mauupuan. Nagtama ang paningin nila ng bumaling sa gawi niya ang kanyan

