After ng meeting nila that day ay nagbalik na si Rose sa kanyang tinutuluyang suite at doon pa lamang niya binuksan ang kanyang cellphone and she knew na tadtad na ang mga messages na galing sa asawa niyang si Carlos. Malamang ay galit na galit na naman ito at baka sa sobrang pagka-pikon sa kanya ay masundan pa siya sa Singapore ng wala sa oras kaya kakausapin na lamang niya ng maayos ang asawa para hindi na humaba pa ang pagtatalo nila. Minsan nakakapagod na rin ang ganoong ugali ng lalaki dahil sa pagiging possesive nito ay nakakapag-isip pa ng hindi maganda laban sa kanya. Pagbukas niya sa cellphone ay bumungad na agad sa social media account niya ang mga mensahe ng asawa at iisa ang laman niyon, 'answer my call.' 'Galit na naman malamang.' Sa isip niya habang idina-dial na ang numero n

