nasa byahe kami papuntang resort at hindi ko gaano alam kung malayo ba iyon o hindi kasi bata pa lang naman ako ng pumunta dito at wala akong maalala na naka punta na ako doon.
"may office na nakalaan sayo sa resort kaya pwede ka doon habang nag ta trabaho pwede kang pumunta ng rancho pag may problema o kung gusto mo mag ikot" sabi nya sakin.
sya ang nag drive at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan sya pang gumawa meron namang driver kanina na nag aantay.
"marami bang kailangan gawin sa rancho?" tanong ko
"ngayon wala pa maayos naman ang rancho ngayon. malapit na ang harvest at maraming pinaanak na baboy ngayon" sabi nya
tango lang sinagot ko sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko kailangan ba dapat alam ko ang lahat ng nangyayare sa rancho?
pag karating namin sa resort may mga trabahador na sumalubong samin.
namangha ako sa nakita ko hindi ko akalain na meron kami ganitong kagandang resort. may sumalubong samin ng isang lalaki at ibinigay ni Aciel yung susi ng sasakyan nya.
Bakit hindi kami pinapapunta ni dad dito noon? i wonder why? maganda naman dito. napatingin ako sa tinatapakan ko at white sand sya para akong nasa palawan hindi ko alam na may ganito dito.
sinundan ko lang si Aciel at pag pasok namin ng hotel may mga naka hilera na mga tauhan. Mag papakilala ba sila? pwede bang sabihin ko na lang na next time na lang ni wala nga akong matandaan na pangalan doon sa rancho tapos dito pa kaya.
"This is Haisley Marie Salvador call her Miss Salvador. alam nyong hindi nyo pwede tawagin ang may ari sa pangalan nila even you are close with them" stiktong sabi ni aciel
naka tingin lang ako kay Aciel medyo nakikita ko na kung bakit sya pinili ni dad.
He has this kind of aura... hindi ko ma explain pero pag tumingin ka sa mga mata nya parang ayaw mo na lang mag salita.
he looks like a ruthless man in the world of business bakit si daddy at ang mga kapatid ko hindi naman ganito o baka naman hindi ko lang napapansin.
"Sya ang mamumuno ngayon dahil sa kanya ipapasa ni Mr. Salvador itong resort sa ngayon nangangapa pa sya sa mga gagawin nya dito so i hope you will help her too." sabi nya
ano? akala ko ba sya lang ang tutulong sakin.
"Miss Cortez kamusta ang ginagawang building sa kabila? Meron na bang update galing kay engineer Rosales?" Tanong nya
doon sa babae
"you can back now to your work" sabi nya pa sa iba bago tumingin ulit sa babae.
inalis ko ang paningin ko kay Aciel at doon sa babae at tumingin sa mga nag babakasyon dito.
sa tingin ko enjoy naman sila pero ano ba meron dito sa resort marami kayang water activity?
malapit na mag summer at alam ko maraming dadayo na turista dito meron na kayang plano wala naman kasing sinabi si dad basta na lang nya ako pinappunta dito para tuloy akong tanga na walang alam.
"lets go"
napunta ang paningin ko kay Aciel na nakatingin din sakin tapos na pala sila mag usap ng babae at hindi ko man lang napansin iyon.
"ang ganda dito" sabi ko sa kanya at lumapit ng kaunti
"hindi ko alam na meron pa lang pinagawa si daddy na ganito kung alam ko lang sana edi hindi ako palabas labas ng bansa" sabi ko
nakatingin lang sya sakin na parang isa akong tanong na mahirap buuin. ganito ba talaga sya tumingin sa isang tao?
he sighed
"yeah this is one of the greatest Resort here in Davao maraming bumibisita dito kahit hindi picked season dahil maraming nagagandahan at dahil narin sa white sand" sabi nya sakin
"oo nga ang ganda dito kaya di na ako mag tataka kung bakit maraming dumadayo" sabi ko sa kanya
nang mag lakad sya sinundan ko lang sya hanggang sa makarating kami sa elevator. siguro pupunta kami sa office na sinasabi nya sana lang maganda ang office.
"wala ka namang gaano gagawin sa rancho kundi isupervise ang mga ginagawa ng mga tauhan nyo doon kung may mga sakit ang mga alagang hayop doon at saka lang mag papapunta ng vet sa araw naman ng harvest maraming kailangan ideliver kagad at kailangan mo iapporve iyon. "
nakikinig lang ako sa sinabi nya habang nasa loob kami ng elevator. paano kaya nya lahat napag aralan ito? simula nung bata ba sya dito na sya nakatira.. buhay nya ba ang rancho?
well wala na akong pakealam kung lumaki sya dito.
nakarating kami sa office at malaki iyon pagka pasok pa lang namin marami na akong nakitang papel sa desk.
Kulay creame ang curtains at medyo may pag ka spanish style ang room parehas lang ng buong hotel.
hindi ko alam na mahilig pala ang sa spanish style ang parents ko siguro dahil kay mommy na half spanish kaya ganito pinagawa nila.
"maiiwan muna kita dito dahil may gagawin pa ako. pwede kang tumawag sa baba kung may nais ka" sabi nya sakin na nakatingin sakin.
ganito ba sya lagi napaka formal nya.
"okay thanks " sabi ko sa kanya
hindi na sya sumagot pa at tinalikuran na ako para lumabas ng opisina.
ibinagsak ko ang sarili ko sa swivel chair at tinitigan ang mga papel na nasa harap ko buti na lang pala business ang kinuha ko baka kundi wala akong naintindihan dito sa report.
sinimulan ko ng basahin ang mga report para maintindihan ko kung may problema ba sa hotel pero natapos ko na basahin lahat wala naman akong makitang problema. may nakaagaw ng attention ko at isang business proposal iyon.
Pageant? hindi ko alam na may ganito pa lang proposal sa hotel that's mean kilala talaga ang hotel namin dito sa davao.
nakakahiya mang aminin wala talaga akong kaalam alam sa hotel namin at sa rancho dahil hinto ko naman inaasahan na ito ang ipapahawak sakin ng magulang ko.
napatingin ako sa cellphone kong tumunog si daddy tumatawag.
"Hello dad" bungad ko
[How's your day Haisley] tanong nya sakin
"well i think it's fine I'm a little bit tired"
[good.. you are gonna used to it hija you are working now so it's normal.]
"yes dad i know and I'm still adjusting here"
[good to hear. nakausap na pala ng mommy mo ang President ng University na papasukan mo dyan at pumayag sila na mag enroll ka kahit late na for Second semester kaya bukas pwede ka na mag Entrance exam para maayos na kagad ang documents mo at makapasok na kagad. alam mong marami ka pang gagawin haisley]
napapikit ako sa sinabi ni daddy kahit parang napaka simple lang ng sinasabi nya nakakaramdam parin ako ng pressure.
i feel like pag pumalpak ako dito sa pinapagawa nila kagad silang ma di-disappoint sakin.
"okay dad" ayun na lang nasabi ko
wala naman akong magagawa dahil baka pag umangal ako sumama lang loob nila sakin.
ito ba? ito ba ang sinasabi nilang Haisley Marie na spoiled?
~~~~~~~~~~~~~~~
AN:// sorry for the late update.. medyo stress ako nitong nakaraan sorry?