bc

LOVER'S DESIRE (Tagalog)

book_age16+
961
FOLLOW
6.7K
READ
age gap
kickass heroine
confident
bxg
humorous
cowboy
small town
betrayal
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

THE SECOND TIME AROUND...She was young nang ma-in love ng todo-todo kay Samuel. Kaya gumawa siya ng paraan upang mapasakanya ang lalaking iniibig. Ang motto niya sa buhay: Life is about kicking ass, not kissing it. Pero pumalpak siya. Seven years later, ay muling nag-krus ang kanilang mga landas and she discovered that Sam's magnetic virility was still as daunting - at mahirap baliwalain.

And if given a second chance, will their affair be worth fighting for?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Isusubo na sana niya ang pagkain nang mapansin niya ang bagong dating na customer. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makagalaw sa kanyang kinaupuan. Hindi siya maaaring magkamali o linlangin ng kanyang mga mata dahil si Jessica talaga ang kanyang nakita. May kasama itong bruskong lalaki at isang bata. Sinundan ng kanyang mga mata kung saan naupo ang tatlo at lihim siyang nainggit sa kanyang nasaksihan. Napakagat si Sam sa kanyang labi habang pinagmasdan ang babae mula sa malayo. Nang inagaw ng batang lalaki ang kanyang atensyon, tinanong niya ang kanyang sarili kung talaga bang minahal siya ni Jessica dati o napilitan lang itong magpakasal sa kanya? Kung tama kasi ang hula niya, simula nang umalis si Jessica sa bahay ay lumipat agad ito sa kandungan ng ibang lalaki at nagpabuntis. Nagngitngit ang kanyang kalooban na ginawa siya nitong tanga! But she was the one who wanted him more, Sam reminded himself! Minahal man siya nito o hindi, hindi niya matanggap sa kanyang sarili na kaagad siya nitong pinalitan. Ito ba ang paraan ng babae upang gantihan siya? Ang iladlad ang anak nito sa ibang lalaki sa kanilang probinsya? Malaking kahihiyan ito! Nagtagis ang kanyang mga bagang. Ngunit hindi niya naman kayang harapin ang babae. Sariwa pa rin ang sugat na iniwan ni Jessica nang bigla itong maglaho na parang bula. Alam ng babae kung gaano kahalaga sa kanya ang kanyang kalayaan.It's like a religion to him but things turned out differently after Jessica cornered him into marrying her! "Sir, excuse me po, heto na po ang inyong bill," sabi ng waiter. Tumigil si Sam sa kanyang pagbalik-tanaw sa nakaraan nang biglang lumapit sa kanya ang waiter. He checked the bill and handed two thousand pesos for his payment. Nang mapadako ulit ang kanyang mga mata sa mesang inookupa nina Jessica at mga kasamahan nito, hindi na niya nakita ang tatlo. “Excuse me, napansin mo ba kung saan nagpunta ang mga customers na naupo sa mesang ‘yon?” Itinuro ni Sam ang mesang inokupa nina Jessica kanina. “Umalis na ho sila sir, for take-out kasi ang kanilang binili.” Pahayag ng waiter. Tumango si Sam at mabilis siyang tumayo upang makaalis na. Narinig niya ang pagtawag ng waiter pero hindi na siya makapaghintay pa sa sukli. He just motioned to the guy to keep the change. Mabuti na lang talaga at nagmadali siya dahil naabutan niya ang tatlo sa may parking lot ng AA. “Hmmm nice car,” sabi niya sa hangin nang mapansin ang uri ng sasakyang dinala ng nobyo ni Jessica. Sam ran towards his Mercedez and followed them. Hindi niya mapapalampas ang pagkakataong makaharap muli ang babae. Marami siyang katanungan para kay Jessica at tanging ang Panginoon lamang ang may ideya kung ano ang kayang gawin sa babae sa pagtataksil nito sa kanilang kasal.   Tinawagan ni Sam ang kaibigang si Marcus dahil bagama't sila ang dati pang magkaibigan, mas close ang huli kay Jessica. Hindi niya alam kung paano nahulog ang loob ng binata sa kanyang asawa gayung ayaw nito sa mga babae simula noong mawala ang kanyang pinakamamahal na asawa at anak. “Guess what? Nakita ko si Jessica at may kasama siyang ibang lalaki, Marcus!” Kaagad niyang ibinalita kay Marcus ang tungkol sa babae na matagal na nilang hinanap simula nang maglaho it. "Wow, that's good to hear, Sam. Sa wakas, magkakaroon na din ng happy ending ang love life mo.!" Masigla nitong wika sa kabilang linya. Happy ending? Pinagloloko ba siya ni Marcus? "May kasama siyang lalaki nang makita ko at may anak silang dalawa." Mabigat ang kanyang kalooban habang sinabi kay si Marcus ang tungkol sa anak ni Jessica.  "Oh, that's kind of bad news. Pero wag mong kalimutan na ikaw ang tunay na asawa. At yong bata na sinasabi mong anak niya, pwede mo namang ampunin yon. Basta ang mga magiging kapatid nito, ay siguraduhin mong sa iyo na talaga.” Patuloy na nagbiro si Marcus sa kabilang linya. At nang marinig niyang tumawa ang lalaki sa kabilang linya, humulagpos ang galit ni Sam at minura ang lalaki. Pagkatapos ay pinutol niya ang tawag na hindi nagpaalam at tiimbagang na sinundan ang tatlo. “Damn!” Napamura si Sam nang maipit siya sa traffic at malayo na kanyang distansya mula sa sasakyang sinundan. Samantala, sa loob ng puting Jaguar ay masayang nagkukwentuhan sina Carter at Jessica. He's everything to her, kaya gusto niyang maging masaya ito sa kanyang nalalapit na birthday. He's turning six years old next month, at parang kailan lang ay isa lang itong cute na sanggol na pinagtulungan nila ni Francis na arugain. "Mom?" tinawag ni Carter ang kanyang ina. "Yes, anak. Ano yon?" Ngayon lang niya nakitang hindi sigurado ang bata sa sasabihin nito. Usually naman, he's very talkative and tactless. May sakit kaya ito? Hinipo niya ang noo ni Carter at pinakiramdaman kung tumaas ba ang temperature nito. “Hmmm, may problem aka ba?” "Uuwi na ba si Daddy sa birthday ko?" Patay! Kung bakit kasi nagsinungaling pa siya! Sana'y sinabi na lang niya na patay na ang ama nito, at hindi nagtatrabaho sa malayong lugar. Pero ni sa imahinasyon ay hindi niya kayang patayin si Sam. Humingi siya ng saklolo sa bff niyang si Francis kung ano ang isasagot niya sa bata. "Cartie, tatawagan ng Mommy mo ang Daddy pagdating natin sa bahay, okay?" Maarteng sinagot ni Francis ang kanyang anak. Maaasahan talaga niya ang kaibigan. To the rescue kaagad ito. Kaya lang, imbes na makatulong ay parang lumaki pa yata ang kanyang problema. Paano ba niya tatawagan ang isang tao na matagal ng wala sa kanyang buhay? Dinilatan niya ang kaibigan pero inignora lang siya nito. “Sis, bakit?” Tinanong niya ang bruha kung bakit inilagay siya nito sa alanganin. Nilingon ni Francis si Jessica at kung hindi siya ang nagmaneho ng sasakyan, malilintikan ito sa kanya. “Tama na, Jessica. Mag move-on na tayo, okay?” Pabulong siyang sumagot upang hindi mahatala ng bata ang kanilang tensyon. "Okay, sana hindi na siya masyadong busy sa work at makakausap ko na po siya, Mom." Sumikip ang dibdib ni Jessica nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Ilang taon na din siyang nagsinungaling sa bata na kaya hindi pwedeng kausapin ang ama dahil busy ito masyado. "Sure, baby." Nasabi na lang niya dahil ano pa ba ang sasabihin niya kundi yon? Mamaya na lang niya problemahin kung paano malusutan si Carter. "Sis, muntik ko ng makalimutang itanong sayo. Napansin mo ba yong super hot na guy kanina?" kahit busy sa pagmamaneho ay naisingit pa din ni Francis ang kanyang kalandian. Kumunot ang noo ni Jessica dahil wala naman siyang nakitang lalaki base sa description ni Francis. "Saan?" "Sa restaurant. As in, ilang beses ko siyang nahuling titig na titig sa likod mo. Ikaw ha, maski back view, very appealing sa mga guys. Samantalang ako, mapa-sideview or frontview, wala pa ring lalaki na magkakagusto sa akin!" Sabi ni Francis. Nagdrama na naman ang bakla. Sa hitsura nito, mag-expect pa ba siya? "Hay, naku, hayan ka naman. Eh, halos kamukha mo na si Dwayne Johnson sa laki ng mga muscles mo sa katawan." Totoo ang kanyang sinabi. Bago lumadlad sa publiko si Francis ay isa itong bodybuilder katulad ng yumaong ama nito. "Tse, balang araw, magiging akin din ang huling halakhak! Ewan ko ba kung bakit hindi gumana ang binili kong pills," dagdag pa ni Francis. Jessica rolled her eyes and glanced at the man who’s always by her side. Si Francis ang naging sandalan niya noong mga panahong lugmok na lugmok siya sa kalungkutan at kahirapan. Kinupkop siya nito, binihisan, pinakain. At higit sa lahat, ito na rin ang tumayong ama ni Carter. Nasa real estate business ito at ugali ng kaibigan na bibili ng bagong bahay, kumpletohin sa gamit, saka ibinta nang mas mahal. At ang huling nabili nito ay ang house and lot sa may Grandia Homes kung saan sila kasalukuyang nakatira. “Ano na kaya ang kanyang hitsura ngayon?” Wala sa isip na tinanong ni Jessica si Francis. “Sino? ‘Yong asawa mong manloloko? Naku sis, huwag mo ng pag-aksayahan ng energy ang taong ‘yon. I’m sure na masaya na sila ni Bettina, mga hayup silang dalawa! Masagasaan sana sila ng tren!” galit na sagot ni Francis. “Wala namang tren sa Cebu,” napailing na sabi ni Jessica. Minsan ay talagang OA ang kanyang kaibigan kung magsalita lalo na kung  si Sam ang kanilang topic. “Papayag kaya siya na ipa-annul ang kasal namin?” Naitanong niya kay Francis. “Bakit naman hindi? At least magiging Malaya na siya upang pakasalan ang kabit niyang mukhang ewan!” Dagdag pa ni Francis. “Galit ka ba?” Kanina pa kasi niya napansin na mataas ang boses ng bakla at hindi niya alam kung sa kanya ba ito galit o kay Sam. “Hindi! Nagpapaliwanag lang, ikaw kasi, ang tigas tigas ng ulo mo! Dapat noon mo inayos ang annulment ng kasal nyo, nag-antay ka pa ng ilang taon!” “Sabagay, tama ka. Sana ay kinausap mo ako ng masinsinan dati pa,” sabi ni Jessica kay Francis. “Ah, so ako pa ang may kasalanan ngayon? Ako ba itong nagmatigas na palayain si Sam dahil gusto mo na forever kabit lang si Bettina? Ako ba ang nagtago mula kay Sam? Sumagot ka!” Madramang litanya ni Francis. “May pogi o,” nagbiro si Jessica at gaya ng inasahan ay nadistract si Francis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

POSSESIVE MINE

read
971.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.8K
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook