bc

Sky is the Limit

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
independent
confident
bxg
mystery
vampire
non-hunman lead
friendship
secrets
special ability
friends
like
intro-logo
Blurb

Guardians are superhuman beings who were born with particular abilities. Random beings will appear in every generation to bring peace and justice amongst humans and other creatures. They are the moderators, middlemen, and peacemakers who have dedicated their entire lives to missions.

Isa si Alliane Mascov sa sinasabing guardian sa mundo ng mga bampira. Her lifetime mission is to serve and guard the Prince of the Center Empire, Prince Jacob Morgan. As things get complicated due to the Prince's innovative vision for the empire, they were sent to the human's realm to reflect and contemplate their wrongdoings. That is, for five years.

In those years, plans and objectives were established. Kaya lang nang mapalapit na sa inaasam na plano ay tsaka lumabas ang pinakamalaking hadlang.

Being the Prince's guardian, comrade, and ardent supporter. What would Lianne be willing to sacrifice in order to assist him in attaining the Empire he wants for the people?

The story of camaraderie, trust, and loyalty.

chap-preview
Free preview
Simula
Guardians are superhuman beings who were born with particular abilities. Random beings will appear in every generation to bring peace and justice amongst humans and other creatures. They are the moderators, middlemen, and peacemakers who have dedicated their entire lives to missions. Isa si Alliane Mascov sa sinasabing guardian sa mundo ng mga bampira. Her lifetime mission is to serve and guard the Prince of the Center Empire, Prince Jacob Morgan. As things get complicated due to the Prince's innovative vision for the empire, they were sent to the human's realm to reflect and contemplate their wrongdoings. That is, for five years. In those years, plans and objectives were established. Kaya lang nang mapalapit na sa inaasam na plano ay tsaka lumabas ang pinakamalaking hadlang. Being the Prince's guardian, comrade, and ardent supporter. What would Lianne be willing to sacrifice in order to assist him in attaining the Empire he wants for the people? The story of camaraderie, trust, and loyalty. *** 9:00 PM Tunog ng mga daliring naglalaro sa keyboard ang umalingawngaw sa buong paligid habang kanya-kanya kaming tutok sa mga sariling gadget. They were compiling the evidences against the witch clan. Marami nang nagtuturo na guilty ang clan na 'yon, but part of me and them, still wants a valid reason to justify if they're really guilty or not. I'm on the latter side. Why? Cause why not? They are innocent until proven guilty. Besides I'm working on it right now, getting and intruding the files that would serve as the game changer of this case. "Got it." Gumuhit ang isang malaking ngisi sa aking mukha ng makita ang one hundred percent successful sa screen. "Nakuha mo?" Agad na lapit nila sa akin. "Yup," Binuksan ko ang mga confidential files roon at pawang napanganga nalang silang lahat sa natunghayan. "Oh God." Sapo ni Samantha ang noo nang sabihin 'yon. "Sinasabi ko na nga ba, naisahan ako bwisit!" "What a clever witch.." mahinang bulong ni Eury. "We already know she's odd. But not this odd." Ani Cedrick. Napailing nalang sila sa pagkadismaya. Mabilis na pinrint ni Samsam ang mga dokumento habang kanya-kanya namang paghahanda sina Cedrick at Eury. Nakaupong pinagmasadan ko lang sila. I've done my part and they're off to go. "I'll call the trainees," paalam ni Folkan. He gave me a knowing look. "Good luck." Nakangising sambit ko. He rolled his eyes before throwing something on my way. "Good job." Sarkastikong tugon nya. Napasipol ako nang mapagtanto kung ano ang binigay nya. My car's key. Narinig ko ang pagbungisngis nina Samantha. "Nakipagpustahan pa kasi," Inirapan lang kami ni Folkan bago umalis ng tuluyan. Hindi mawala-wala sa labi ko ang malaking ngiti habang pinaglalaruan ang susi sa kamay. "We gotta go," paalam nila sabay tapik sa aking balikat. I just raised my left hand before they vanished into the thin air. Pinaglaruan ko ang swivel chair habang tinitingnan ang cctv screen monitor sa labas. The trainess were wide awake while Folkan is giving them instructions. Mukhang excited ang mga ito sa magaganap na action ngayong gabi. Nang makitang nakaalis na ang lahat ay tsaka lang ako lumabas at dumiretso sa parking garage. My parking space with my one and only baby. Hindi mapuknat sa mukha ko ang malapad na ngisi nang makita ang napakapamilyar na kulay at mukha ng aking pinakamamahal na sasakyan. "My baby kuro." Ilang taon na rin simula nang hindi ko ito nagawang gamitin dahil sa galit ni Folkan. Good thing he's in the mood to argue tonight, nakipagpustahan sa kaso. Hindi mawala ang saya at ngisi ko habang patuloy na pinaghahaplos ang malinis at walang gasgas kong sasakyan. Mukhang kahit na tinambak lang ni Folkan sa HQ parking garage si Kuro ay hindi nya naman pinabayaan. "Sa wakas, nabawi rin kita." Tiningnan ko ang loob ng kotse at nakitang maayos pa ang lahat. I was able to check the motor also, all is well. Nang may maalala ay agad kong kinuha ang smart phone at kinuhanan ng mabilisang litrato ang kotse. "I'm going home with my baby." Agad na sineen nya iyon. Wala pang ilang segundo ay tumunog na ang cellphone dahil sa isang mensahe. "Umuwi ka na." My smile widened at his reply. "Okay. Baby Kuro, let's go home." My favorite part of this lifetime will always be the calm drive through the woods in the middle of nowhere. The trees and gentle breeze always transport me back in time. Mabuti nalang at laging ganitong mga location ang pinipinili ni Professor kapag nagpapatayo ng HQ sa mundo ng mga tao. I couldn't imagine the HQ located in one of those city buildings. Sobrang gulo. My mood was still great hanggang sa makarating ako sa Tip-Top Homes. It's already midnight. Dala ang mga gamit ko na inimpake para sa pansamantalang lakad, umakyat na ako sa condo. "Prinsipe!" masiglang bungad ko sa lalaking nakaupo sa sofa.Walang bakas na puyat at pagod sa kanyang mukha nang mag-angat sya ng tingin sa akin. Sa bagay, hindi naman likas sa amin ng matulog pero kailangan pa ring magpahinga. "Alam mong uuwi na ako ngayon kaya mo 'ko inabangan?"pabirong saad ko, hindi nya pinansin ang sinabi ko at tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa. Nang matapos ay tsaka lang sya nagtaas ng tingin at minuwestra ang kusina. "I cooked." "Uh-huh, so alam mo nga'ng uuwi ako ngayon." "I figured. It's been 3 days." Lumawak na gumuhit ang ngiti sa aking labi. Mabilis kong nilapag sa sofa ang mga bag na dala bago pumasok sa kusina. Naramdaman ko namang sumunod sya. "How was it? The mission." "Luckily, I was right. They're not guilty. I really do have a very good instinct." pangmamayabang ko sa kanya. "Hmm," maliit na ngumiti lang sya. "Kaya nakuha mo ulit si Kuro?" "Yup! Sa ilang beses kong panghahamon ngayon lang napikon si Folkan at pinatulan ako." Pinigilan ko ang halakhak nang maalala na naman ang dahilan kung bakit sya pumayag makipagpustahan. Psh. That man. Kailan kaya 'yon matututo. "His temper, tsk, tsk" "Coffee?" "Yes please, cappuccino." pabirong tugon ko. Mahinang umiling lang sya bago tumalikod at hinanda ang gusto ko. Looking at his back, naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako naniwala na walang kasalanan ang mga Volkoque clan sa nangyaring sage. "It's always those innocent looking ones." wala sa sariling sambit ko. He give me a side way look. "Hmm?" "The traitor." Lumapit sya sa akin habang bitbit ang templang kape. I immediately take a sip. "As a guardian, sobrang dami nang nangyaring cases na ganyan but it always amazed me, surprised me everytime." he nodded also taking a sip on his mug. Tumingin sya sa'kin, para bang nag-uudyok sa akin na ikuwento ulit ang lahat mula sa simula. And I did. Kinuwento ko ang naging puno't dulo ng kasong iyon at hanggang sa kung paano kalinis ang mga ebidensyang nagtuturo sa Volkoque. "She's wise." Komento nya. Tumango ako. "She was. Not until she got triggered." Ngumisi ako. Nagpatuloy ako sa pagkukwento sa nangyaring group mission. Though I was restricted to be seen on the field with the guardians, I still tend to help them behind the screens. Being behind the screen guardian for 2 years already thought me the art of provoking through words. At nagamit ko iyon sa babaeng iyon. I almost thought my intuition had failed me this time, but it turns out she's just a very clever and wise game planner. And of course, I'm the so-called game changer. Matapos kumain at magkape ay bumalik na kami sa salas. Ngayon ko lang napansin na may binabasa pala syang dokumento kanina nang dumating ako. I sat beside him while he's on his laptop and papers. Nakatunganga naman ako sa system na nakainstall sa aking smart phone. It is a system that is connected to the guardians. I would know their current state and status, also their location. Ngayon, they are on the site kung nasaan ang totoong guilty sa kasong iyon. A small beep echoed and the result is out. Napangisi ako sa nakita. "They're done?" Nagulat ako nang bigla syang magsalita. Mukhang nakita nya ang reaksyon ko habang nakatunganga sa smart phone.Tumango ako. "They're heading to the committee." I miss going out with them on missions. The feeling of accomplishing a mission, reporting it to Professor and the committee. Iba ang pakiramdam habang papunta sa Hukom. It is always an indescribable feeling for me. Pero dahil sa kasunduan namin ni Professor at bilang maliit na parusa na rin sa akin, hindi ko na magagawa iyon. Pinagbawalan akong sumama sa kanila sa on-field mission. I understand though, that's why I'm helping on the HQ. Nabalik ako sa kasalukuyan nang may ilapag ang Prinsipe sa harapan ko. A report. "That's the report I got from Zeus the other week. Might as well check the farm. Tingnan mo kung may problema." Farm?! Agad na gumuhit ang malaking ngiti sa aking mukha. Mission! "You could go tomorrow." "I could go now." Mission! Mabilis na binawi nya ang mga papeles. Napanis ang ngiting tagumpay ko. Tiningnan nya ako nang nakataas ang kilay. "Rest. Kauuwi mo lang." I could still argue that I don't need rest. Pero oo nga naman. Kauuwi ko lang from a 3-day mission. "Okay then. Sasama ako sa'yo mamaya sa opisina. Doon ako matutulog." Masyadong tahimik dito. Tumango naman sya, kontento sa naging sagot ko. "Hmm, okay." binigay nya ulit sa akin ang mga dokumento na agad ko namang tinanggap. Natapos ang usapan na iyon sa planong iyon. Bumalik naman ang atensyon nya sa binabasa. Nanatili ako sa tabi nya'ng naglalaro sa cellphone. Hinihintay ko rin na may sabihin sina Samsam sa akin na bagong balita sa naging ending nong kaso. Ilang oras ang lumipas ay tsaka nila sinabi sa akin na nasa dungeon na nga ang salarin. Doon ko lang tinantanan ang cellphone at pinagtuonan ng pansin ang report na ginawa ni Zeus. At exactly 5am ay naghanda na ako ng almusal. Prince Jacob did his own thing on his room while I do my own in the kitchen. Nang matapos ko na ang niluluto ay tsaka ako naghanda na rin para sumama sa kanya. Pagkalabas ko ay nandoon na sya sa kusina at nagtempla na nang kape para sa aming dalawa. He's on his office attire. A white long sleeves paired with a slacks and leather shoes. An attire that is much different from his royal attire in the mansion. "You've got appointments today?" He give me a brief look before glancing at my casual attire. "Just two meetings. The rest, sa opisina na." Tumango ako. Pagkatapos mag-almusal ay agad kaming lumabas at nagtungo sa sasakyan nya. Katabi no'n si Kuro. Lumapit muna sya kay Kuro kaya lumapit rin ako. "It looks like Folkan take good care of it." usal nya nang mapansin ang malinis at walang gasgas na sasakyan. "Dapat lang! Siya ang nagtambak kay Kuro kaya dapat panagutan nya." atsaka mabibigwasan ko 'yun kung napuno ng alikabok at gasgas ang sasakyan ko. "Anyways, your keys. Ako na magmamaneho." Wala syang ibang sinabi at binigay lang sa akin ang susi. "Let's go." It's a brief ride to Morgan Corp. Pagkapasok namin ay agad kaming sinalubong ng ngiti ng mga empleyado. Tumango lang ako sa kanila habang sinusundan ang lakad ng Prinsipe. I could see his small nod and smile to the employee's greetings. "Good morning, Mr. Morgan." Pormal na bati ng sekretarya ng Prinsipe. Nang makita ako ay agad na nagliwanag ang mukha nito. Napangiti ako. "Oh! Good morning, Ms. Mascov!" "Good morning, Ms. Gomez!" "Coffee? Tea? Breakfast?" agad na tanong nya. Umiling ako. "No need. Nag-almusal na kami, Viviane." Agad na nagsimula sa trabaho ang Prinsipe nang makaupo sa swivel chair. Diretso naman ang upo ko sa sofa na nasa gilid lang ng opisina nya. I spent hours browsing my phone and exchanging messages with the Guardians. Mukhang training lang sa mga trainees ang gagawin nila sa susunod na mga linggo dahil sa natapos nilang misyon. I promise a session na ako ang magle-lead pero sinabi kong hindi muna sa ngayon. "Bakit?" agad na tanong ni Samsam sa akin. Tumawag pa ito dahil sa sinabi ko. "I'm off to Hacienda." "Hacienda? Sa Ylodia clan ba 'yan?" "Yup!" Medyo umingay sa kabilang linya bago nya pinatay ang tawag. Nang magtanghali na ay tsaka lang ako lumabas sa opisina. Wala na sa loob ang Prinsipe dahil may meeting daw sya sa ngayon. Wala rin ang sekretarya nya marahil kasama nya sa meeting na yon. Now, what to eat for lunch. "Of course, chicken." Dala ang sasakyan ng Prinsipe ay nilibot ko ang malalapit na kainan sa Morgan Corp. Dadalhan ko nalang din si Viviane. Nang makalapit sa isang medyo makitid na daanan ay napatigil ako. The scent is too strong to be left unnoticed. In the middle of the daylight, someone's killing intent is higher than the rise of the sun. Napasipol ako. What a coincidence. May naaamoy din akong manok sa lugar na'to. Agad kong pinasok ang makitid na daanan na iyon at napahinto sa harap ng isang maliit na restaurant. How come a restaurant is located somewhere not too crowded? Marahan akong lumabas sa sasakyan at pumasok sa nakitang maliit na restaurant. Tumunog ang pintuan pagkabukas ko dahilan kung bakit napalingon ang mga tao na malapit lang at magtaas ng tingin ang tingin ko'y may-ari ng restaurant. A start-up business. "Good Afternoon, ano ang sa iyo hija?" Agad na salubong sa akin ng nakangiting matanda. Pinasadahan ko ng tingin ang kanilang menu bago umorder. "Take out or dine in?" "Take out, ho." Habang hinihintay ang order ko ay marahan kong pinakiramdaman ang paligid. Wala rito ang may taglay ng amoy na 'yon. Odd. But who would want to kill someone in a broad daylight? And to think that it is an extreme and intense feeling of desire to kill. "Thank you, po." Sambit ko bago tuluyang tumalikod sa counter. "Calithea," Isang grupo ng mga studyante ang nakasalubong ko palabas ng restaurant na iyon. Isa sa kanila ang may kakaibang kislap ng ngiti sa mata. Kasama ang mga kaibigan ay lumapit ito sa counter. Nagkibit-balikat ako bago tuluyang pumasok sa sasakyan. The scent is gone. Wala pa ring tao pagkarating ko sa opisina. Hinanda ko na lamang ang mg nabiling pagkain sa maliit na lamesa sa opisina ng Prinsipe. Minutes later, murmurs and voices illuminated the whole office. Agad na nahanap ng aking tingin ang mata ng Prinsipe. Nakasunod naman sa kanya ang sekretarya na binigyan ako ng malaking ngiti bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "For lunch.." "For lunch, I already bought something for us." putol ko sa sasabihin pa sana ni Viviane. It's a brief lunch, pagkatapos noon ay agad silang bumalik sa trabaho. Ako naman ay naging komportable na sa paghiga sa sofa. Ang paglalaro sa smart phone ay nauwi sa pakikinig ng mga kanta hangang sa tuluyan ng nahulog ang talukap ko at yakapin ako ng kadiliman. MASYADONG napasarap ang tulog ko at namalayan ko nalang na gabi na. The night lights were visible from Prince Jacob's office. I could clearly see the streets down there and the stars up there. Pero medyo hilo pa ako dahil sa pag-iiba ng kulay ng aking mata. "Okay. Let's talk about it when we meet." Nang bumalik na sa normal ang paningin ko ay tsaka ako marahang tumayo ako at nag-inat. Tahimik na lumapit ako sa office table ng Prinsipe. Nakita ko ang pagsunod ng tingin nya sa kamay kong papunta sa wine na binuksan nya. "Yes." matigas na sagot nya sa kabilang linya. I pour myself a glass of wine bago lumayo at tinanaw ang buong syudad. "Okay. I will. You should too." Pagkababa nya ng tawag ay agad syang nagtaas ng tingin sa akin. I held his gaze. His eyes were changing colors due to the reflection of the moonlight. It was mesmerizing. "Did you sleep well?" agad kong nilagok ang alak na dala. "Yup!" Lumapit ulit ako sa kanya bago nagsalin ulit ng wine. "This wine tastes good." "Hmm, binigay sa'kin ng isang kaibigan." Sinalinan ko rin sya bago ko pinagtagpo ang baso naming dalawa. Nang makontento na sa nainom ay tsaka lang kami nagkasundong umuwi. Pagkarating sa condo ay diretso naman sa kwarto ang pasok ko para maligo at magbihis. Naghanda na rin ako sa mga dadalhin mamayang madaling-araw sa hacienda de Ylodia. Nang may maalala ay agad kong tinawagan si Cedrick. "Nagkita na kayo?" Agad nyang bungad sa akin. Tahimik na napangisi nalang ako. "Wala pa, bukas pa ang luwas ko sa Hacienda." "Eh bakit ka tumawag?" masungit na tanong nya. "Aba, gusto mo ikaw na magbigay nito?" Narinig ko syang bumuntong hininga. "Bakit nga?" "Wala bang mababasag dito? Ilalagay ko sa pinakailalim ng gamit ko." "Wala naman. Pero bakit ang dami mo yatang dadalhin? Magtatagal ka don?" "Bakit? Sasama ka?" udyok ko pa. "Psh!" He's frustrated. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili. "Mga ilang araw lang," "Ayos lang sa Prinsipe? Kauuwi mo lang ah." "Bakit naman hindi?" "Nevermind. Hindi ko talaga kayo maiintindihan." sambit neto bago binaba ang tawag. Napataas nalang ako ng kilay sa naging asta nya. Nang matapos sa pag-impake ay tsaka lang ako lumabas ulit. "Prinsipe!" "Hmm?" "I'm starving. Anong gusto mong kainin? I'll cook." "Let's just order. Matatagalan pa kung magluluto. We're short of ingredients too." "Okay," agad akong umupo sa tabi nya. He was watching a documentary movie pero nilipat nya naman agad sa naging nakasanayan na naming panoorin sa loob ng ilang buwan. Tumayo sya bago nagtungo sa kusina. I heard him ordering chicken afritada. "And a salad too, Your Highness." Pahabol ko. "And a salad too, thank you." This is our usual set up. For the past three years being away from our world, nagawa namang tuluyang makisama ng Prinsipe sa mundo ng mga tao. In my case, staying in the human realm was never been a punishment nor a burden. I'm used to it, running errands, being on a missions. As a guardian, pangalawang mundo na rin namin ang mundo ng mga tao. Kahit noong nasa Emperyo pa ang Prinsipe ay may mga panahon na narito rin ako, nagsasagawa ng mga mission na binigay ng committee. Our 5-year suspension was supposedly a punishment for the both of us. But being here, it was never been a punishment, but a way for us to totally plan everything out. It's already been listed, planned, and objectify. Ang hinihintay na lamang ay ang tamang panahon, pagkakataon, at matibay na koneksyon. That I know, the Prince and I will positively accomplished.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Warrior's Second Chance

read
330.5K
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
69.9K
bc

True Luna

read
1.3M
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
202.0K
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.7K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook