Nakatitig lang si Maria sa screen ng cellphone na binigay ni Kino, o mas tamang sabihin na iniwan nito sa bahay. Dahil wala naman itong sinabi na ibibigay nito sa kanya iyon dahil basta nalang nitong iniwan. Noong isang araw ay tinuruan siya ng lalaki kung paano iyon gamitin kaya may ideya na siya kahit papano. Alas singko na ng mga oras na iyon kaya nagtataka siya kung bakit hindi parin nakakauwi ang lalaki. Nagluto pa naman siya ng pagkain para dito dahil nakasanayan niyang maaga itong nakakauwi. Ngunit lumampas na yata sa lima ang pagsilip niya sa labas ay walang Kino ang dumating. Kaya kahit hindi niya ginagawa ay naisipan niyang tanungin ang lalaki sa text kung anong oras ito uuwi. Pero hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang sumilip sa screen pero wala talagang reply ga

