Sobrang lalim na ng gabi pero hindi parin siya makatulog. Pagod at pagal ang katawan niya dahil sa ginawa nila ni Kino pero heto at buhay na buhay parin ang isip niya. Hindi maalis sa utak niya ang sinabi ng lalaki kanina.. Boyfriend? Kaibigang lalaki..Iyon ang ibig sabihin niyon diba? Gusto niyang isipin na ganon kahit alam niyang may iba pang ibig sabihin ng salitang iyon. May nabasa din kasi kasi na ang Boyfriend ay ang ibig sabihin ay Kasintahan. Sa sobrang pagkabigla ay hindi na niya naitanong iyon kay Kino..Nakatulog din ang lalaki pagkatapos dahil mukhang lasing talaga ito. Ni hindi nga sila nakalipat sa kwarto at siksikan sila sa malaking couch. Ang malalakas nitong braso ay nakapalibot sa kanyang maliit na katawan na para bang natatakot itong bigla siyang maglaho. Pero kah

