Hanggang sa mga oras na iyon ay dala parin ni Maria ang bigat sa dibdib dahil sa nakita. Kakatapos lang niya sa duty at kasalukuyan siyang nasa locker room para kunin ang kanyang mga gamit..Saktong nandoon din pala si Kara na tahimik pero ngumingiti parin sa kanya..Maayos na ang buhok nito pero iba na ang suot na damit. Habang nakatingin siya sa babae ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkaawa. Gusto niya itong tanungin kung bakit ito pumapayag na tratuhin ng ganon ni Mr. San Diego pero wala siyang lakas ng loob. Pakiramdam niya tuloy ay may kasalanan siya dahil wala siyang ginawa upang tulungan ang babae samantalang nasaksihan niya ang kababuyang ginawa dito. Napatitig siya kay Kara na ngayon ay nasa harapan na niya.. "Uwi ka na, Cedes?" tanong nito. Kahit anong tago nito ng makap

